STAR'S POV
"NAKU, Miss Miriam. Dalawang room na lang po ang available," ani ng babaeng nasa front desk.
Binalingan ako ni Miss Miriam. "Share na lang tayo Star, ah?"
"S-sige po," sagot ko. Aarte pa ba ako? Alangan namang do'n ako kay Luxwell maki share 'di ba? Pero puwede din naman. Hihihi!
May lumapit sa aming bellboy at binitbit ang dala naming mga gamit. Ambang kukunin niya rin ang akin nang mabilis akong tumanggi.
"Hindi na kuya. Kaya ko na po ito."
"Give it to him. That's his job." Seryosong turan ni Luxwell. Wala na akong nagawa kundi ibigay sa bellboy ang mga bitbit ko.
Magkatabi ang lang kuwarto ni Luxwell at ng sa amin ni Miss Miriam.
"Bukas pa ang simula ng shoot, magpahinga muna kayo-I mean tayo pala. Grabe ang layo ng lugar na 'to, nakakapagod ang biyahe," ani ni Miss Miriam. "Tara na, Star." Yaya niya sa akin. Ambang papasok na ako ng..."She will stay in my room," biglang sabi ni Luxwell.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Maging si Miss Miriam ay natigilan.
"She's my PA. So dapat lang na kasama ko siya para naman mapagsilbihan niya ako."
Naningkit ang mga mata ni Miss Miriam, pero sa huli ay pumayag na rin siya.
Sa loob ng mga araw na naging PA ako ni Luxwell, walang siyang hindi ginusto na hindi nakuha. Palagi siyang pinapaburan ni Miss Miriam.
Ngayon kasalukuyan ko nang inaayos ang mga gamit ni Luxwell. Inililipat ko ito sa kabinet na nakalaan talaga para sa mga guest. Ang mga gamit ko na naman ay inilagay ko lang sa isang tabi, hindi ko na ito inalis sa bag.
Malaki itong kuwarto at sobrang gara nito. Ang laki ng kama at mukhang ang lambot-lambot, parang hinatak ako nito, sinasabing higaan ko ito.
Na-miss ko na ang pakiramdam na mahiga sa ganiyang uri ng kama. Pero teka, saan ako mahihiga? E, isa lang naman 'yong kama?
"Ahm, Luxwell?" Inilibot ko ang tingin ko sa buong kuwarto ngunit wala akong Luxwell na nakita.
Saan naman kaya siya nagpunta? Kanina lang nandito lang siya may sofa, nakaupo habang nagse-cellphone.
Ang tanong ko ay nasagot nang marinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo.
Nagsho-shower ba siya?
Nakahubad kaya siya?
Hala! Bakit biglang pumasok sa isip ko ang katawan niya?
"Erase, erase, erase!" Umiling-iling ako. Nagiging mahalay na ako!
Imbis na kung ano-ano pang isipin ko mas minabuti ko na lang na ituon ang pansin sa nililigpit ko.
"Hayyy... sa wakas natapos rin!" Usal ko matapos aysusin at gawin lahat ng mga dapat kong gawin. Medyo marami-ay hindi lang pala 'medyo' dahil talagang marami. Isang linggo kasi kaming mananatili dito. Dapat maaayos ang lahat dahil ang sabi ni Miss Miriam ay may pagka maarte at maselan daw itong si Luxwell pagdating sa mga personal niyang gamit,
Sa sobrang pagod ay napasalampak ako ng upo sa sahig at hindi pa ako nakunteto dahil humiga pa ako.
"What are you doing?" Malamig na boses ni Luxwell ang nagpagulat sa akin dahilan para agad akong napatayo. Hinarap ko siya.
Ay... Bakit nakabihis na siya? Nag-expect pa naman ako na nakatapis lamang siya ng tuwalya.
"Ehem." He cleared his throat.
"A-ah. Sir, nandiyan ka pala."
Tinaasan niya ako ng isang kilay "Anong ginagawa mo?"
"A-ano kasi... nagpapahinga lang ako."
"On the floor?"
"Ah... eh... k-kasi-"
"Sa kama."
"Ha?" Napatigalgal ako.
"Kung pagod ka. You can use the bed. Doon ka mahiga, hindi diyan sa sahig."
"P-pero k-kama m-mo i-iyan, e." Utal na sabi ko.
"So?..."
"H-hindi na, ayos na ako dito sa sahig o kaya sa sofa."
Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. "Who's the boss? Sinong mas masusunod?"
"K-kayo p-po?"
"Mabuti alam mo," aniya.
"Ah... eh... o-okay na, hindi na ako pagod," ani ko sabay sibat. Nagtungo ako sa banyo. Wala lang gusto ko lang makalayo sa kaniya, para kasing bigla akong kinapos ng hininga. Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa banyo. Anong ginawa ko? Wala. Tumunganga lang.
Paglabas ko sa banyo ay wala na akong naabutan na Luxwell. Saan naman kaya siya nagpunta?
Nagpunta ako sa balcony para i-check kung nandito siya ngunit wala.
Hindi kaya lumabas siya? Teka anong oras na ba? Tumingala ako para tignan kung may wall clock ba dito. Meron at alas dose na pala nahigit.
Tanghalian na pala, kaya pala nagwawala na ang mga bulate ko sa tiyan.
Siguro lumabas na si Luxwell para magtanghalian. Daya naman niya, hindi manlang ako hinintay.
Anong gagawin ko? Susundan ko ba siya? Pero baka naman isipin niya na napaka ano ko-na napaka patay gutom ko--na bigla-bigla na lang akong pupunta doon para manginain samantalang hindi naman ako inanyayahan. Panigurado kasama niya si Miss Miriam maging ang ibang artista at siyempre hindi naman puwedeng mawala ang haliparot na si Stephanie.
Ano ba iyan, nagugutom na ako!
Haist! Oo nga pala, bakit ba ako nagpapakahirap ng ganito. Anong silbi ng cellphone ko kung hindi ko gagamitin 'di ba?
Tatawagan ko na-ay hindi text na lang pala, para hindi ako makaistorbo sa kung anumang ginagawa nila.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nagtipa dito ng mensahe kay Miss Miriam.
-
To: Miss Miriam
Miss Miriam, wala po ba akong pagkain? Nagugutom na po kasi ako. Alas dose na po, oras na po ng pananghalian.
-Ambang pipindutin ko na ang send button nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Nagulat ako at nabitawan ang cellphone na dahilan ng pagkahulog nito sa sahig.
Dali-dali ko itong pinulot. "Hala, naku!" Nataranta ako. Binigay na nga lang tapos hindi ko pa maingatan ng maayos. Nakakahiya naman kay Miss Miriam, baka isipin niya pa na napaka pabaya ko.
Nang mapulot ko na ang cellphone ay agad ko itong chinek kung may basag ba o ano. Salamat sa Diyos at wala naman. Nakahinga ako ng maluwag.
Si Luxwel kunot noo lang na nakatingin sa akin. Siguro sa isip-isip niya 'ang weird naman ng babaeng 'to, parang ewan'.
"Nagtake out ako ng lunch natin," aniya.
Saka ko lang napansin ang dala niyang tray na punong-puno ng pagkain. Meron din siyang hawak na supot, pagkain din ang laman nito.
"Let's eat," ani pa niya habang ibinababa ang mga bitbit niya sa lamisita na nasa harapan ng sopa. "Ano pang hinihintay mo? Kakain ka ba o hindi?"
Mabilis pa sa alas kuwatro akong lumapit sa kaniya.
At iyon nga, sabay kaming kumain, pinagsaluhan namin ang mga pagkain na dala niya. Mga pagkain na talaga namang ubod ng sarap at ako lang din ang nakaubos nito. Sobra akong nagutom, e.
![](https://img.wattpad.com/cover/300432615-288-k701648.jpg)
BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
Storie d'amoreLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...