9

162 3 0
                                        

STAR'S POV

KASALUKUYAN na kaming nasa loob ng sasakyan ngayon, si Luxwell nasa back seat, habang ako nandito sa front seat katabi si kuya Nestor na nagmamaneho.

Gusto ko sana tabi kami ng bebeloves ko, ang kaso baka singhalan niya lang ako. Napaka sumpungin niya pa naman.

Sa hinaba-haba ng biyahe namin, sa wakas narating na rin namin ang location ng pagte-taping-an.

Ambang bababa na ako sa sasakyan ng matiglan ako dahil bigla na lang may binato na kung ano sa mukha ko si Luxwell, nang tignan ko kung ano ito, isa pa lang jacket na kanina lang ay suot-suot niya. Nanlaki ang mga mata ko. Bakit niya ito binato sa akin?

"A-anong gagawin ko d-dito?" utal na tanong ko.

"Malamang isuot mo, alangan namang isakal mo sa leeg mo," sarkastikong sabi niya. "Hindi ka puwedeng lumabas ng ganiyan ang suot mo, baka pagtawanan ka lang. Magkaroon ka naman ng hiya sa katawan," aniya pa.

"Pero ang sabi ni Miss Miriam, bagay daw sa akin..."

He chuckled. "Naniwala ka naman?"

"Siyempre naman, si Miss Miriam kaya iyon."

Inismiran niya lang ako. Hindi niya na rin ako kinausap pa.

Sinuot ko 'yong jacket na ibinigay niya, pero bago iyon pasimple ko muna itong inamoy-amoy. Grabe ang bango ang sarap singhot-singhutin.

Ang laki sa akin ng jacket niya, ang haba nito ay umabot sa kalahati ng hita ko, kasing haba nito ang skirt na suot ko. 'Yong manggas naman nito ay lagpas sa kamay ko, kaya bahagya ko itong nirolyo.

Pagdating namin sa set ay halos lahat ng tao ay nakatingin sa amin, may ilang artista na rin ang narito at ang ilan dito ay namumukhaan ko. Hindi ko alam ang pangalan nila, hindi naman kasi ako totally mahilig sa mga artista, talagang kay Luxwell lang ako.
Luxwell lang sakalam. Hindi titibag, mananatiling Luxwell forever.

Sinalubong kami ni direk Obet, at nakipag beso-beso ito kay Miss Miriam. Oo nga pala hindi ko nasabi, Si direk Obet ay isang binabae din katulad ni Miss Miriam. 'Yong iba ang tawag sa kaniya ay Madame Bety, pero mas kilala siya sa tawag na direk Obet.

"Miriam, Miriam, Miriam. Bakit hindi mo naman sinabi sa akin na may bago ka pa lang talent, aber?"

"No, Direk. She's not. Hindi mo ba natatadaan? She's Star, Luxwell's PA."

"Oh my? Siya ba iyon? Oh, sorry hindi ko napansin, ibang-iba kasi ang itsura niya ngayon." Anito habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Alam mo hija, ang ganda mo pala, ngayon ko lang napansin. Actually unang kita ko pa lang sayo nagagandandahan na ako sayo, pero ngayon ko lang mas na-appreciate at panigurado kapag naayusan ka mas lalo pang aangat ang ganda mo. And one more thing... puwede kang mag-artista."

"Iyan din ang sinabi ko sa kaniya, pero ayaw daw niyang pasukin ang pagsho-showbiz," wika ni Miss Miriam.

"Ay, sayang naman. Hindi pa naman madaling humanap ngayon ng ganiyan kagandang mukha." May panghihinayang sa tinig ni direk Obet. "Sigurado ka bang ayaw mo, hija? Pwede kitang gawing bida kaagad."

"Naku, maraming salamat po direk, pero kasi kuntento na po ako sa pagiging PA ni Luxwell, at sa totoo nga po n'yan... ito po ang dream job ko."

"Hindi naman kita puwedeng pilitin kung talagang ayaw mo pero kapag nagbago ang ang isip mo, abot kamay mo lang naman si Miriam, magaling na handler iyan." Ani pa nito pagkatapos ay bumaling naman siya kay Luxwell na ngayon ay hindi maipinta ang mukha.

Ano naman kaya ang problema ng isang 'to? Bakit mukha naman siyang pinagsakluban ng langit at lupa? Napaka bilis niya talagang maburyo.

"My dear Luxwell, lalo ka yatang gumagwapo." Puri ni Direk sa bebeloves ko.

Sinabi mo pa, direk. Mas lalo talaga siyang gumagwapo, alagang Stannah kaya iyan.

Tinanguhan lang ni Luxwell ang director.

.

.

.

NAG-UUMPISA ang shoot ng bebeloves ko.

Grabe, ang galing niya talagang umarte. Mas lalo tuloy akong na-in love sa kaniya.

Tsaka finally nakita ko na rin siyang ngumiti scripted man, masaya na ako do'n. Simula kasi no'ng naging PA niya ako ni minsan hindi ko pa siya nakikitang ngumuti.

Oo nga pala nakalimutan ko palang sabihin sa inyo ang title ng pelikulang pagbibidahan ng bebeloves ko at ang maharot na babaeng nagngangalang Stephanie Brabante at ito ay 'Teach Me To Love You'. Hindi ko pa alam ang takbo ng kuwento, pero kapag nalalaman ichi-chika ko rin sa inyo.

Anyway balik tayo sa babaeng haliparot na grabe makalingkis sa bebeloves ko kapag may mga scenes na kailangan nilang magyakapan. Sarap na sarap 'yong hitad na babae. Tsaka akala niya ba hindi ko napapansin na kulang na lang isampal niya 'yong dede niyang lalaw sa mukha ng bebeloves ko! Ito namang si Luxwell mukhang enjoy na enjoy pa. May dede rin namam ako, ah? Hindi man kalakihan ngunit siguradong kaniya lang naman, hindi katulad ng kay Stephanie na dede ng bayan. At heto pa, pansin ko rin panay ang pabebe niya kapag kasama niya ang bebeloves ko. Painosente siya pero halatang namang kaladkaring babae.

Kung hindi ko ba naman alam na marami ng na-link sa kaniya na actor, linggo-linggo naii-spotan siya na iba palagi ang kasamang lalaki.

"Oh, anyare sayo, Star? Bakit nakabusangot ka?" Hindi ko napansin nasa tabi ko na pala si Miss Miriam.

"Iyan kasing Stephanie na iyan, masiyadong pabida kay Luxwell ko," labas sa ilong na sabi ko.

"I knew it. Sabi ko na nga ba may gusto kay Luxwell eh," aniya.

"Miss, sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang Luxwell Delvrin?"

"Sabagay you have a point. Iyang si Luxwell talaga namang pantasiya ng mga kakababaihan."

Napanguso ako dahil sa sinabi niya. "Akin lang ang bebe Luxwell ko." I murmured.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon