STAR'S POV
"DITO muna tayo, mamaya na tayo lumabas kapag wala ng masiyadong tao sa labas," ani ko kay Luxwell. Nandito kami sa loob ng sasakyan niya sa kanto malapit sa bahay ko.
Sabi niya kasi gustong niyang makita at malaman ang tinitirahan ko. So, heto nandito kami.
"Why?" Kunot noong tanong niya.
"E, kasi po 'yong mga kapit bahay at mga ka-barangay ko ay ultimate fans mo, pero kung ayos lang sayo na madumog... edi tara na lumabas na tayo."
"I think mas magandang dito na lang nga muna tayo," aniya.
"Sure ka? Ayaw mo bang makipag meet and greet sa mga fans mo?"
"Nope." Tipid niyang sagot.
"Ay... ang suplado naman," bulong ko.
"What?... Are you saying something?"
"Ah. Wala. Ang sabi ko lang na nakakatakot 'yong mga fans mo. Sobrang baliw na baliw sayo."
Fan niya rin ako kaya baliw rin ako, baliw na baliw sa kaniya. Yieee... Hahaha!
"Kaya hindi kita masisisi kung takot ka sa kanila. Pero seryso, takot ka ba sa kanila?–Sa mga fans mo? "
"Me? Why would I?"
"Sige ka nga kung talagang hindi ka takot magpakita ka nga sa kanila?" Panghahamon ko sa kaniya.
"Sino bang artista ang hindi matatakot sa fans nila?"
"Ikaw lang po Mr. Delavrin."
Sinamaan niya ako tingin. Agad naman akong nag-peace sign.
"Hindi ako duwag," aniya.
"Wala naman akong sinabing duwag ka, ah?"
"Damn!" mura niya.
"Minumura mo ako?"
"Oh, damn—"
"O, iyan na naman minumura mo na naman ako."
"Of course, not. Hindi, Star. It just a—"
"Charot lang. Ikaw naman napaka seryoso mong nilalang," natatawang kong sabi.
He pouted.
Hala ang cute! Ohmay... sarap pisilin ng pisngi niya!
Hindi ko na napigilan, bahagya akong dumukwang at pinisil ang magkabila niyang pisngi.
"S-star... stop it!..."
"Ayaw ko nga, kasalanan mo rin naman, panguso-nguso ka pa diyan." Hindi naman madiin ang pagkakapisil ko sa pisngi niya. Natatakot kasi ako na baka masugatan ko siya. Medyo mahaba pa naman ang mga kuko ko.
Grabe ang lambot ng balat niya sa mukha. Ano kayang skin care niya?
Makinis din naman ang face ko, ang kaso iba talaga 'yong sa kaniya, parang balat ng baby. Sabagay baby naman talaga siya e, baby ko. Yieee... keleg keke. Parang tanga lang amp! Hahaha!
.
.
.
"PASENSIYA ka na sa bahay ko," agad kong sabi kay Luxwell pagkatapak na pagkatapak pa lang niya sa loob ng pamamahay ko. "Medyo magulo at maliit. Pero don't worry kasi malinis naman dito."
"Safe ba dito?" tanong niya habang nililibot ng tingin ang kabuuhan ng loob ng bahay ko.
"Oo naman, mukha lang hindi pero ligtas dito. Mababait ang mga kapit bahay ko," sagot ko.

BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
RomanceLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...