STARS POV
"ANAK, kailangan mo nang bumalik. Hinihintay ka na nila," ani ni Mommy.
Mas hinigpitan ko ang yakap kay mommy at kay daddy. "Ayaw ko na doon. Lagi lang naman nila akong sinasaktan. Dito na lang ako sa inyo."
"Anak hindi puwede, patay na kami ng daddy mo," ani ni Mommy.
"Puwes gusto ko na lang din mamatay."
"Hindi mo pa oras, my princess," wika ni Daddy.
"Pero gusto ko na po kayong makasama."
"Talaga bang kami?... Hindi ba si Luxwell?" tanong pa ni mommy.
"Galit ako sa kaniya... niloko niya ako."
"Anak, 'di ba ang turo ko sa inyo ng kuya mo ay huwag na huwag kayong magtatanim ng sama ng loob sa kapwa n'yo? Kasi?..."
"Kasi po gagawin kaming masamang tao nito," dugtong ko sinabi ni mommy.
"At?" ani pa ni mommy.
"Alamin mo na ang side ng isang tao bago gumawa ng aksiyon at manghusga."
Oo, tama. Dapat alamin ko muna ang side ni Luxwell. Hindi 'yong nag-iinarte ako dito na parang bata. Ang dami ko ng tiniis, ngayon pa ba ako susuko? Ngayon ko pa ba isusuko si bebeloves ko? Big NO! Cause he's MINE.
"Mahal na mahal ka niya, Star." -Mommy
"Mahal na mahal ko din po siya."
"Ang binatang iyon, gustong-gusto namin siya para sayo Star. Hindi na kami gaanong mag-aalala sayo dito kasi alam naming kaya niyang alagaan. Kaya, balikan mo na siya... sobra na siyang nangungulila sayo." -Mommy
"Mommy, Daddy, salamat po." Muli ko silang niyakap. "Sobra ko po kayong na-miss."
"Na-miss ka din namin–kayo ng kuya mo."-Daddy
"Sige po, aalis na po ako, babalik na po ako mundo kinabibilangan ko. Mahal na mahal ko po kayo. Sobrang saya ko po kasi nakita ko kayo ulit."
"Masaya din kaming makita at muling mayakap ka, anak ko." -Mommy.
"Teka, mommy. Paano po ako babalik?"
"Diretsuhin mo lang ang daan na iyan." turo niya sa daan na... ang dilim.
"Bakit po ang dilim?"
"Madilim kasi ang pagmamahal ng mga taong naghihintay sayo ang magbibigay liwanag diyan." -Daddy
"Ibig sabihin kung hindi ito lumiwanag ay... walang nagmamahal sa akin?"
"Imposible iyang sinasabi mo, kasi 'yong pagmamahal pa lang sayo ng lalaking iniibig mo ay sobra-sobra na." -Mommy
Muli ko pa silang binigyan ng isang mahigpit na yakap bago nagtungo sa daang ngayon ay unti-unti ng lumiliwanag.
Habang naglalakad ako dito ay may narinig akong boses. At ang boses na ito ay kilalang-kilala ko. Ito ay pagmamay-ari ng walang iba kundi ng bebeloves ko... ang lalaking iniibig ko.
"Hey, baby, kailan ka ba magigising? Miss na miss na kita. Please... kung naririnig mo ako... bumalik ka na sa akin."
Heto na, oh. Pabalik na ako. Maghintay ka lang at ihanda mo na iyang labi mo dahil iki-kiss kita ng bonggang-bongga.
Tsaka hindi lang iyon dahil may pitik ka din sa itlog. Akala mo siguro nakalimutan ko na 'yong ginawa mong pagpapa-iyak sa akin 'no? 'Yan tuloy nabangga ako. Ang tanga din naman kasi ng truck, hindi umilag. Tsaka ang bobo rin ng driver, bubusina siya kung kailan sobrang lapit na. Magagawa pa bang makailag ng tao no'n? At 'yang mga magaling mong fans, ipapakulam ko sila kay Tesbam. At oo nga pala, Ihanda mo na rin 'yong explanation mo tungkol sa mga narinig kong pinag-uusapan n'yo ng friend mong malay ko ba kung sino iyon, at kapag hindi ko nagustuhan iyang paliwanag mo... iyang kaibigan mo na lang 'yong jojowain ko–chariz lang. Hehehe!
.
.
.
DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mga mata kung saan puting paligid ang bumungad sa akin. Nasaan ako?
Teka, bakit hindi ko magalaw ang kanan kong braso?
Kaya naman pala, si bebeloves ko ginawa itong unan. Naka upo siya silya habang ang bandang uluhan niya ay nakasubsob dito sa kamang hinihigaan ko. Ang himbing ng tulog niya, ang lalim ng paghinga niya. Mukhang sobra siyang napagod sa kababantay sa akin.
Inangat ko ang kaliwang kamay ko at dinala ito sa mukha niya para haplusin ito. At habang hinahaplos ko ang mukha niya ay dahan-dahan namang dumilat ang mga mata niya. Nagtama ang aming mga mata---namimilog ang kaniyang mga mata.
"Star?..." Naibulalas niya. "G-gising ka na?" Bakas sa mukha niya ang gulat at hindi pagkapaniwala.
"O-oo... gising na po a-ako..."
Kinusot niya ang mga mata niya at tinapik-tapik din ang pisngi. "G-gising ka na t-talaga?... H-hindi ako na nanaginip lang?... H-hindi ito isang ilusiyon lang?"
"H-Hindi po Mr. Dela—"
He hug me, he hug me so tight. "Damn, Finally!" Basag ang boses na aniya.
...
LUXWELL'S POV
NAKATANAW lang ako dito sa may bintana mula sa labas ng kuwartong kinalalayan ni Star. Sinusuri siya ngayon ng doctor. Damn! Sobrang saya ko. Sa wakas nagising na rin siya. Salamat sa Diyos. At mas lalo pa akong sumaya ng sabihin ng doktor na okay na si Star at anumang oras puwede na namin siyang iuwi. Sa bahay ko na agad siya ididiretso.
When Star is still in the stage of coma, naiisip ko na magpagawa ng bahay para naman once na magising siya ay may mauuwiaan na kami. Ibabahay ko na siya para wala na siyang kawala pa. Nasabi ko na rin ito kay Stanley at pumayag naman siya. Actually hindi pa tapos 'yong bahay kaya sa condo ko muna kami mag-i-i-stay pansamantala.
Hindi lang 'yong bahay namin ang inasikaso ko maging 'yong kasal namin. Sa ayaw at sa gusto niya magpapakasal siya sa akin. Hindi ko na siya papakawalan pa.
"Dalawang buwan pala akong natulog, kaya pala ang laki na ng tiyan ko. Masiyado n'yo naman akong binudat kahit na tulog ako."
Natawa ako sa sinabi niya. Mukhang hindi nasabi sa kaniya ng doctor na buntis siya.
"Ito ba ang prinoproblema mo?" haplos ko sa tiyan niya.
"Hindi na ako sexy." Nakanguso niyang sabi.
"In my eyes you're still sexy, lalo na ngayon na dinadala mo ang anak ko."
"A-anong ibig mong sabihin?" Namilog ang mga mata niya.
"Baby, you're three months pregnant."
"I'm... p-pregnant?... M-magkaka-anak na t-tayo?"
Hinagkan ko siya sa noo. "Yes, baby."
"Oh my god... buntis ako!" She said in teary eyed.
Damn! Kanina pa ako nagpipigil at ngayon hindi ko na kaya pa. Dumukwang ako at hinagkan siya sa labi. Dalawang buwan ko ding hindi natikman ang kaniyang labi.
BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
RomanceLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...