14

98 2 0
                                    

STAR'S POV

"3, 2, 1 and cut!" Sigaw ni direk Obet, sign na tapos na ang shoot. "Lunch break na muna," ani pa nito.

Agad akong lumapit kay Luxwell at pinunasan ang pawis niya. Mula noo pababa sa kaniyang leeg. Bahagya pa akong tumingkayad dahil mataas na lalaki itong bebeloves ko. Hanggang chin niya nga lang ako, e.

"Napagod ka ba?" tanong ko habang patuloy pa rin sa pagpunas sa pawis niya.

"Yea." Tipid na sagot niya.

"Ang galing mo kanina." Puri ko sa kaniya, pero honestly wala halong ka-echosan, napaka galing talaga ng ipinakita niya. Medyo nainis lang ako sa eksena nila ni haliparot kanina, may part kasi do'n na kailangan nilang magyakapan na naman. Yakapan pa lang pero naiinis at hindi na ako mapakali, paano pa kaya kung mas mapusok na, like halikan? Siguro baka mag-super sayan na ako.

"Ayan, fresh ka na ulit," ani ko matapos punasan ang pawis niya.

"'Bakit kanina ba hindi, hmn?"

"Hindi. Kasi mukha kang masarap kanina," bulong ko.

"Hmn?"

"Ahh... wala. Mabuti pa siguro magpalit ka na ng damit. Mahirap na baka matuyuan ka ng pawis sa likod. Hindi ka puwedeng magkasakit. Dito ka lang ikukuha kita ng damit pamalit," ani ko. Ambang tatalikuran ko na siya ngunit mabilis niyang nahuli ang braso ko.

"I'm okay. Kumain na muna tayo," masuyong sabi niya habang titig na titig sa mga mata ko.

"S-sige,"pagpayag ko. Take note nautal pa ako niyan.

"Hey, Lux?" Out of nowhere bigla na lang smulpot sa harapan ko si Stepharot. At talagang pumagitna pa siya sa amin ng bebeloves ko. Grabe naman siya makasingit daig niya pa ang libag. "Tara, kain na tayo, may masarap na resto malapit dito." malambing na anito sa bebeloves ko. Correction pala, hindi pala malambing kundi nang-aakit. Napaka kire niya! At grabe naman ang suot nitong haliparot na 'to, kaunti na lang malalaglag ang tube top niya. At kaunti na lang din luluwa na ang dibdib niya.

"Sorry Steph, but may kasabay na ako," ani ni Luxwell habang nakatingin sa akin.

Lumingon sa direksiyon ko ang haliparot.

"Your, PA?" nakangiwing tanong ni Haliparot.

"Yea," tipid na sagot ni Luxwell.

"Pero bakit ka sa kaniya sasabay?" May panghahamak ang tingin na binabatao sa akin ni Haliparot.

Bakit gusto mo sayo? Sorry ka kasi ako ang gusto niyang kasabay... kaya mamatay ka sa inggit.

"Nakapangako na kasi ako sa kaniya," wika ni Luxwell sabay kuha sa palapulsuhan ko. "Sige Steph, mauna na kami," pagpapaalam niya sa haliparot bago niya ako hinatak palayo dito.

"Niyayaya ka ni Stephanie, bakit hindi mo sinamahan?" Kunwari concern ako kay Stephanie, pero sa loob-loob ko pinagtatawanan ko siya. Mean na kung mean. Hindi ko kasi talaga siya gusto. Masiyado siyang pakitang tao. Akala mo mabait at ang inosente pero ang totoo hindi naman pala. Baka nga hindi na siya virgin, e. Anyway, change topic na nga.

Ako ang pinili ng bebeloves ko over her. Nangangahulagan lang ito na mas may puwang ako sa puso niya kumpara sa Stepharot na iyon.

"Luxwell, saan ba tayo pupunta? Akala ko ba kakain tayo?" Daan palabas na kasi ang binabaybay namin.

"Yea. Kakain nga tayo, sa resto."

"Ha? Pero bakit doon pa? Sayang naman 'yong mga pagkain na pina-deliver ko," nakalabing sabi ko. Sobra kasi talaga akong nanghihinayang, medyo may karamihan pa naman ang mga iyon.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon