Page 44

557 20 8
                                    


Page 44

Vince's P.O.V

Nagmamadaling umalis si Richard papunta sa kanyang kotse habang sinusundan ko lang siya upang pigilan dahil nag over the board na siya sa sinabi niya kanina.
"P're, teka nga. Mag-usap muna tayo." Pakiusap ko kaya dahan-dahan siyang tumigil sa kanyang paglalakad ng hindi humaharap sa akin. "Hindi tama 'yung sinabi mo kay Eclair kanina, you should apologize right now."

Maangas siyang humarap sa akin. "Alam ko," Patangu-tango niyang sagot at in-spread ang mga braso na pabagsak din niyang ibinaba. "Pero ano magagawa ko? Nasabi ko na sa kanya, tingin mo kakausapin pa 'ko no'n?" Pailing siyang tumalikod.

"Ano'ng pinaparating mo?" Tanong ko sa kanya na muling nagpatigil sa kanya sa pagpunta sa sasakyan. "...na tapos na 'yong pagkakaibigan n'yo?" I paused. "She's been through something pero imbes na isa ka sa mga magpapawala ng mga iniisip niya, ikaw pa 'yung dumadagdag sa problema niya, eh."

Umismid siya na humarap sa akin. "Hindi niya ako tatay, Vince."

"Oo, kasi kaibigan ka niya." Segunda ko at umiling. "Just go and apologize to her."

Hindi siya sumagot pero base sa mukhang ginagawa niya ay tila para pa rin siyang nagmamatigas kaya mariin kong tinawag ang pangalan niya pero umiwas siya nang tingin.
Huminga ako nang malalim para kumalma bago ko siya diretsyo na tiningnan. "Nagkaka ganyan ka ba dahil tingin mong wala ng ibang paraan para makaalis ka sa kwala mo."

Nag-iba ang reaksiyon ng mga mata niya.

"P're, alam ko na may pinagdadaanan ka pero--"

"Huwag mo nang ituloy. Huwag mo nang ipilit mga ideals mo sa akin." Tumagilid na siya nang tayo. "Kailangan ko pang dalawin si Crystal. Mauuna na ako."

At tuluyan na nga siyang umalis, hindi ko na siya napigilan o nasamahan pa. Mukha rin namang alam niyang hindi ako sasama sa kanya, eh.

...o baka sinasabi niyang ako na bahala kay Eclair.

Humarap na nga ako sa bahay nila Eclair ng hindi inaalis ang tingin sa papalayong sasakyan ni Richard. Bumutong-hininga ako at maglalakad na papasok sa loob nang mapatingin ako sa kararating na si Elsie.

Nakahinto lang siya sa hindi kalayuan at seryoso lamang na nakatingin sa akin.

Elsie's P.O.V

"I see, iyon pala ang nangyari." Uminum ako ng tubig na kabibigay lang ni Vince sa akin. Nandito ako sa dining area ng bahay habang 'yung mga bisita ni Eclair ay nandoon sa kwarto niya.
Hindi ko pa siya pinupuntahan dahil alam kong wala rin naman akong maitutulong. Nandoon naman din sina Arvin. "Pero normal lang siguros na mag-away ng ganoon paminsan-minsan, hindi naman 'yan maiiwasan sa magkaibigan, eh. Magbabati rin 'yan sila."

Humawak ako sa noo ko pagkatapos. "Pero seryoso, kung malalaman ko lang talaga kung sino 'yung gumawa ng mga walang kwentang balita tungkol sa kapatid ko, masasampal ko talaga nang makita niya."

Inurong palabas ni Vince 'yung stool sa lamesa para makaupo sa tabi ko. Hindi kaagad siya umimik at nanahimik muna sandali kaya napatingin ako sa kanya. "Ano'ng problema?"

Narinig ko ang tunog ng paglabas niya ng hangin mula sa ilong bago niya ilipat ang tingin sa akin na kanina'y na sa ibaba. "Wala, naisip ko lang na wala ng nangyari kay Eclair na maganda kapag kasama kami." Binasa niya ang labi niya. "Pero kapag naman lumayo kami, mas malulungkot si Eclair."

"Exactly." Sagot ko kaagad. "Kaya ano'ng problema?" Tanong ko pa.

Muling bumaba ang tingin niya. "Hindi ko lang... alam kung ano dapat gawin. Parang... naisip ko lang din na hindi ko masisisi si Richard kaya naiintindihan ko siya. Kasi kahit nga ngayon, nakakahiya rin talagang lumapit kay Eclair at sabihing huwag na niyang isipin. Eh, alam naman natin na hindi 'yon ganoon kadali kasi it's her feelings. She can act normal and unbothered but we know deep inside that... it's not the case." Pag-iling niya.

Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa lamesa kasabay ang pag intertwine ng aking mga daliri. "You guys really care each other, huh?"

Naramdaman ko ang pagbalik nung tingin niya sa akin at natawa nang kaunti. "Yeah, of course, magkakaibigan kami, eh." Tugon niya na tinatangu-tanguan ko.

Humagikhik ako. "Usually, you guys will tease her about being tomboyish, believing that she'll be okay in no time." Nakikinig lang siya sa sinasabi ko kaya tinuloy-tuloy ko ang salitang gusto kong sabihin."Before, you treat her like he's one of the boys but, right now? It seems that's not the case anymore. Is that because involve kayo sa issue or...?"

"Iyan ang epekto ng pagsasama n'yo madalas dahilan para magkaroon kayo nang rason para mas mahalin n'yo ang kapatid ko?" I added making him stunned.

Natawa ako bigla. "I'm sorry, alam kong out of nowhere mga tanong o sinasabi ko." Tumayo na nga ako dahil pakiramdam ko maluluha ako. "You should go," Pasimple kong pinunasan ang luha sa mata ko nang maramdaman ko ang pagbigat nito.

Tumayo na rin siya sa pagkakaupo niya. "Elsie." Tawag niya sa pangalan ko, gulong-gulo pa rin sa sinabi ko kaya tumingin ako sa kaliwa't kanan ko kasi hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko.

"Nakwento mo kasi 'yung about kay Richard." Dinaan ko sa ilong ko ang likurang palad ko na animo'y pinunasan iyon. "Pakiramdam ko kasi mas inuuna mo 'yong nararamdaman ng ibang tao kaysa sa sarili mo kahit mawala pa 'yung dahilan ng ikasasaya mo. Kaya iyon."

Ghaaad. Nakakahiya ka, Elsie. Ano ba sinasabi mo?

"Ahm, mauna na ako." Turo ko sa likuran kung saan ako dadaan. "Kayo na bahala kay Eclair."

"Wai--"

"Bye." Paalam ko bago pa man siya makasingit. Dali-dali na akong umalis sa dining area para pumanik sa kwarto ko.
Isinara ko ang pinto at sumandal doon. "Siraulo ka talaga, self."

Erick's P.O.V

"I'm sorry." Pagyuko ni Britney matapos niyang aminin sa akin na ang kapatid niya ang may kagagawan ng pagkakalat ng mga litrato nila Eclair dahilan para mamuo ang hindi magandang chismis sa skwelahan. "I told you since you have the rights. And it's my responsibility to take care of my sister and yet--"

Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya at umiling. "You don't have to explain, I understand. Nasabi mo naman sa akin kung bakit nagka ganoon 'yung kapatid mo." Inalis ko rin ang kamay kong nakapatong sa balikat niya. "Just take care of you little sister."

Humarap pa siya lalo sa akin at mabilis tumangu-tango. Nandito kasi kami sa isang kainan, dumiretsyo kami rito pagka-dismissal. "I-I will do everything!"

Nakaawang-bibig akong nakatingin sa kanya nang matawa ako sa naging reaksiyon niya bago ko naman ipatong ang kamay ko sa kanyang ulo para guluhin iyon. "I love you."

Natawa siya sa kilig. "I love you." Matamis na ngiting sabi pero nawala rin nang may maalala. "Pero sure kang hindi mo na sasabihin kay Elsie?" Tanong niya.

"Hindi na, baka mas lalong magkagulo pag nagkataon. Palagi silang nag-aaway no'n ni Eclair pero kapag nalaman niyang may umaway sa bunso namin, mas grabe pa sa amin 'yon magalit. Handang handa talagang makipag gera. Daig pa kamo si Eclair." Paliwanag ko kaya mukhang natakot si Britney.

"S-Si Elsie?" Hindi niya makapaniwalang ulit. "Hindi ko ma-imagine." Dagdag niya.

"Naku! Kung alam mo lang!" At nagkwento na nga ako sa tungkol sa mga kapatid ko.

Eclair's P.O.V

"Tawagan mo lang kami kung gusto mo nang kausap, ha?" ani Yuuki matapos niyang masuot ang kanyang school shoes. Ginabi na silang tatlo rito.

"Try mo 'yung game na ni-recommend ko. Nilalaro namin 'yon ni Arvin," Tumango si Arvin bilang pag sang-ayon. "...ayaw kasi ni Yuuki." Sabay bored look ni Orange sa best friend niya.

Inirapan siya ni Yuuki. "Hindi naman sa ayoko, wala lang akong time."

"Huwag mong seryosohin masyado ang buhay, Yuuki. Baka naman mamaya, pati sexual activity hindi mo magawa kasi wala kang time." Biro ni Orange at nagkibit-balikat. "Tatanda kang virgin niyan." Binulyawan siya ni Yuuki.

"SAAN MO NAMAN NAKUHA 'YAN?!" Pulang pulang reaksiyon ni Yuuki na nagpatitig sa akin. Wow. Nakakasigaw pala talaga si Yuuki nang ganito?

Tumawa nang pilit si Arvin bago ako tingnan. "Okay ka na?" Tanong niya sa akin, halatang nag-aalala pa rin. Kaya ayokong umiiyak, eh.
Kainis.

Tumunog ang cellphone ni Yuuki kaya kinuha niya iyon mula sa bulsa ng skirt niya at tiningnan iyon. Pumukaw sa atensiyon ko ang pag-iba ng itsura niya at mabilis na napatingin kay Arvin pero para rin siyang may naalala kaya napatingin siya sa akin. "Mauuna na kami, ah?" Kinuha niya ang braso ni Arvin. "We have to go." At hinila na niya ito.

"E-Eh? Teka lang!"

At nakalabas na nga sila samantalang lumingon naman sa akin si Orange at itinaas ang kamay bilang pagpapaalam. "See you! Pakipaalam mo na lang kami sa mga kapatid mo." At humarap na siya sa pinto kung saan pumasok si Kuya Erick." Hi, bayaw. Alis na ako!" Paalam nito na sinundan ng tingin ng kapatid ko bago ilipat sa akin.
Tinuro niya si Orange na nakaalis na. "Tinawag niya akong bayaw?"

Natawa lang ako nang pilit bago niya ako biglang niyakap. "I'm home!" Marahan ko siyang tinulak.

"Get off me." Naitulak ko na nga siya kaya tumalikod na ako para bumalik sa kwarto ko dahil nakakaramdam na rin talaga ako ng antok. Pero tinawag ako ni Kuya Erick kaya napalingon ako pagkatigil ko.

"Gusto mong lumabas ngayon?" Tanong niya sa akin kaya tumagilid ako ng tayo. "May napuntahan kami ni Britney na magandang view for stargazing. Baka gusto mong makita?" Tanong niya. "Bili tayo ng Vodka, huwag mo sabihin mo kina Ate at Elsie." Binigyan pa niya ako nang malapad na ngiti kaya humarap na ako sa kanya.

***

HUMINTO NA kami sa isang mataas na area na hindi naman lalabas sa town namin gamit ang motorsiklo ni Kuya. Bumili rin kami ng Vodka sa kalapit na convenience store.

Bumaba ako sa motorsiklo ng aking kapatid tsaka ko inabot sa kanya ang helmet. "Madalas tayong dumaan-daan dito pero ni isang beses, hindi ko naisipan na tumambay sa lugar na 'to. Ngayon ko lang nalaman na maganda pala rito." Tukoy ko sa nagliliwanag at nagkikislapang bituin sa madilim na kalangitan. Tila para ngang walang kaulap-ulap kaya kitang kita 'yung libo-libong bituin. Isabay mo pa iyong magagandang liwanag mula sa siyudad.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ano 'tong nararamdaman ko? Para akong nao-overwhelm.

"Di ba?! Iyan nga rin sabi ko kay Britney, eh." Isinabit niya ang mga helmet namin sa side mirror at lumapit sa makapal na cement rail para roon ipatong ang binili namin. "Siya kasi nagdala sa akin dito. Kaya naisipan ko rin na dalhin ka dahil naalala kong mahilig kang mag stargazing nung bata. Naalala mo noong nanatili tayo nang matagal sa probinsiya ng ilang taon? Kapag iiyak ka, pupunta ka sa kung saan may maraming bituin?"

Namula ako kaya napaharap ako sa kanya. "H-Hindi naman ako umiiyak, ah?!"

Natawa siya. "Hindi nga, ako kasi ang naiiyak, eh. Gusto ko lang magpasama sa'yo."

Nagtaka naman ako kaya sinilip ko ang mukha niya na biglang tumungo. "May problema ka, Kuya? Kaya mo ba gustong uminum? Baka naman mamaya hindi tayo makauwi niyan?"

"Vodka lang naman 'yan. At isa pa," Kinuha niya ang iinumin mula sa supot at binuksan ang cap niyon sa dala niyang can opener.
Inabot niya ang isa sa akin. "May mga bagay kang dapat ilabas paminsan-minsan hindi lang sa mga kaibigan mo. Tayo tayo na lang dito, magtatago ka pa ba?"

Bukang-bibig lang akong nakatingin sa kanya nang matawa ako. "Sabagay." Pagsang-ayon ko bago ako tumungga. Sinimulan ko nang paunti-unti 'yung mga na sa isip ko.

Awkward man pero totoo nga na iba pa rin talaga kung sarili mong pamilya ang makikinig sa'yo, hindi naman din lahat ng kaibigan mo matutulungan ka.

Ikinuwento ko 'yung tungkol kay Kyle hanggang doon sa nangyari kanina kay Richard. Na paano kung dumating sa punto na kailangan kong pumili, paano 'yung pagkakaibigan naming apat?

Lumagok na muna siya ng Vodka niya bago ko maramdaman ang pagbaba ng tingin niya sa akin. Nakaharap kasi ang tingin ko dahil pinapanood ko 'yung nag-iiba't ibang kulay na liwanag sa siyudad na nagmula pa yata sa mga sasakyan.

Tinuro niya ang dibdib ko kaya ibinaba ko ang tingin doon bago ako tumingala sa kanya. "Pakinggan mo 'yan," Inalis na niya ang hintuturong nakadikit sa dibdib ko. "Decide for your own good not because it's your choice but because it is the right thing to do." Advice niya.

"Kung kinakailangan mong masaktan ang tao kahit na ang kapalit ay ang paglayo nito sa 'yo, gawin mo." Marahan niyang pagtango. "Kaysa 'yung pilitin mo ang sarili mo sa bagay na hindi mo naman gusto. Ikaw lang din ang mahihirapan sa desisyon mo."

Tahimik lang ako't hindi umimik.

"Iyong kay Richard naman, talagang siraulo 'yon." Pag nguso niya kaya parang nawala 'yong seryosong hangin kanina. "Lakas ng topak no'n, 'no? Dinaig ka pa."

Natawa ako. "Iyon nga, eh. Parang mas babae pa sa akin."

Dumighay siya. "Bakit hindi mo rin siya kausapin na lang?" Suhestiyon niya sa akin. "Kaso alam kong ayaw mo kasi ma-pride ka." Inasar pa ako ng mokong. "Pero choice mo pa rin, alam ko namang magkakaayos kayo, eh."

Wala lang ulit akong sinabi. Pero nginitian ko siya matapos ang ilang pag-iisip. "Thank you, Kuya, ha? Siguro kung hindi mo 'ko dinala rito, hindi nanaman ako makakatulog."

Ginulo niya ang buhok ko. "Ewan ko sa'yo. Alagaan mo sarili mo, malulungkot nanay natin niyan sa'yo, eh."

Inayos ko lang ang buhok kong ginulo niya bago ko siya tadyakan sa binti kaya kamuntik-muntikan pa siyang ma-out of balance. "Aray ko!" Mabilis niya akong pasakal na inakbayan para kutusan. "Akala mo ikaw lang, ah?!"

"Joke lang, Kuya! Masakit! Masakit!"

Communication nga talaga siguro ang kailangan para hindi magtagal 'yung doubts o 'yung away. Kung ayaw akong kausapin ni Richard, ako na lang ang pupunta sa kanya para humingi ng sorry. Para wala kaming problema,

...magkaibigan kami, eh. 

Kaso pakalmahin ko muna bago ako mag desisyon na kausapin siya. 

*****

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon