Page 41

19.8K 751 59
                                    

Page 41

Orange's P.O.V

"I never agreed to let in someone who just wants to slack off."
"What did you say?!"

Walang gana lamang akong nakatingin kay Arvin at Yuuki na nagtatalo sa harapan ko. Nagkaroon kami ng group activities at nagkataong magkaka grupo kaming tatlo. Si Richard napunta sa kabila.

Nandito kami ngayon sa bakanteng classroom dahil pinagbigyan kami nung professor namin na gawin ang activities kahit hindi sa mismong classroom na ginagamit namin.

"Rock! Paper! Scissor!" Sabay baba ng scissor ni Arvin samantalang bato naman 'yung kay Yuuki.
Sumandal si Yuuki sa kanyang upuan at ipinag krus ang mga hita. "Tutal, wala ka pa namang nagagawa sa grupo, ano pa'ng hinihintay mo? Paypayan mo 'ko."

"Hoy, babae. Sumusobra ka, ah?" Nanggagalaiting wika ni Arvin na ikinabuntong-hininga ko lamang bago ako mapatingin sa bulsa ko nang bigla itong mag vibrate.

Kinuha ko iyon at tiningnan ang nag message. Si Kyle pala ito kaya napataas-kilay ako.

Binuksan ko 'yung message niya. Kinukumusta niya si Eclair na kasalukuyang na sa clinic pa rin at nagpapahinga. Bumalik na kasi kami rito sa classroom matapos naming mag-usap.
Pero mamaya pupuntahan namin siya para ayaing kumain-- Ugh! Nakalimutan kong kunin number niya!

Nag reply ako sa message ni Kyle.
Bale sinabi ko kasi sa kanya 'yung nangyari at heto nga't hindi na ako tinantanan. Ngayon ko lang na-realize na hindi pala dapat sinasabi bawat detalye kasi isa rin sa O.A kung mag-alala. Hindi ka tatantanan.

"Orange! Sabihin mo nga sa prof na alisin 'tong unggoy na 'to!" Tukoy niya kay Arvin kaya inis naman siyang nilingon nito.
"Hindi ko 'to ginusto, ah!?" Bulyaw naman ni Arvin kaya tumingala na ako para makita sila.
"Alam n'yo mabuti na wala tayong kasama sa classroom kasi kung hindi, mapaghahalataan kayong dalawa. Tsaka ano na lang iisipin ng agent na tumitingin sa inyo kapag nakita kayo?" Suway ko naman kaya nanahimik sila.
Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa screen para makita ang reply ni Kyle.

Sa totoo lang, noong nakita ko si Kyle sa covered court mula sa pagkasawi ng puso niya. Sinabi niya sa akin na aalis nga siya papuntang Korea.

Flashback:

"Eh? Seryoso? Kailan ka babalik?" Tanong ko mula sa pagka surpresa sa nalaman.

Ipinatong ni Kyle ang mga siko niya sa itaas ng tuhod. "Wala rin akong ideya pero mga isang taon din ako ro'n." Pag-iling niya pagkatugon niya tsaka niya ako nilingunan. "Hindi pa 'to alam ng mga kaibigan ko, lalong lalo na si Eclair." He paused. "Pero pwede ba akong humingi ng isang pabor sa 'yo?" Tanong niya na hindi ko inimikan at hinintay lamang ang kanyang sasabihin.

"Kung hindi makakaabala sa 'yo, kung may nangyari kay Eclair na ikalulungkot niya. Pwede mo bang sabihin sa 'kin?" Paghingi niya ng pabor na nagpatitig sa akin sandali.

Nagsalubong ang kilay ko. "Hindi mo na ba susubukan na makuha si Eclair sa'yo?" Tanong ko naman.

Taas-kilay siyang ngumiti. "Hmm? Akala ko ba gusto mo si Eclair? Ba't parang hinahayaan mo na makuha ko siya?" Hindi niya bagay magbiro.

Humalukipkip ako. "I have my own ways, at isa pa." I paused. "Ayoko namang ako palagi 'yung naghahatid ng balita, ano? But you know, at the same time gusto ko rin kasi baka iyon pa ang dahilan ko para mapalapit ako kay Eclair." Paglabas ko ng hangin sa ilong. Napa-pump up ako.

Humarap ako sa kanya. "Kaya sige, tatanggapin ko 'yang pabor mo sa isang kondisyon." Pagtapat ko ng nakatayo kong hintuturo sa pagitan naming dalawa.

Namimilog lang ang mata niya nang ibalik niya sa dati at tiningnan ako nang maayos. "Ano iyon?" Tanong niya sa akin.

Ibinaba ko ang kamay ko at nginitian siya. "Try your best to work things with her."

End of Flashback:

And at the end, nasabi nga ni Kyle na hindi nagawang maibalik ni Eclair 'yung nararamdaman niya tulad ng inaasahan niya.
Well, it's not surprising. Gaya nga naman ng sabi ni Eclair, kaibigan na niya 'yung apat kaya 'yung biglaang love na nagaganap, malaking adjustment 'yon lalo na kung parang kapatid lang ang nakikita mo sa mga tropa mo.

Hindi ako maka-relate kasi madali lang akong magkagusto. Iyon nga lang, sa babae madalas.
Pero ito namang babaeng nagugustuhan ko, may potensiyal na maging kalahi ko pero mahirap ding magkagusto. Tao pa ba 'yon?

"Uy, ano'ng oras na pala. Hindi pa ba tayo babalik? Lunch na." Ani Yuuki kaya napatingin kami ni Arvin sa mga orasan namin.

"Oo nga," Sagot ko bago ko kunin ang mga gamit ko at tumayo. "Balik muna tayo sa classroom tsaka natin ayain si Eclair na kumain." Aya ko pero tumayo si Arvin.

"Pwede ko ba munang hiramin si Eclair?" Tanong niya nang makaharap sa akin kaya napatingin kami ni Yuuki sa kanya dahil na rin sa pagiging seryoso ng mukha niya. "May kailangan lang talaga akong sabihin sa kanya." Dagdag niya na hindi namin nasagot kaagad. Napatingin lang kami ni Yuuki sa isa't isa bago ibinalik kay Arvin.

"Wala namang problema," Pagtango ni Yuuki habang sinimangutan ko naman siya.
"Wala kang gagawin na kahit na ano kay Eclair, ha? Bubugbugin kita." Biro ko na nginitian nang pilit ni Arvin.

"Ano naman gagawin ko ro'n?" ani Arvin at kinuha ang gamit niya para maunang lumabas sa classroom na ginamit namin. Huminto siya sa pintuan at nilingunan kami para kawayan. "Salamat, bukas na lang!" Paalam niya at dali-daling tumakbo paalis.

Nakatingin lang ako sa pintuan nang mapatayo na rin si Yuuki. "Hey," Tawag ni Orange kaya tiningnan ko siya gamit ang gilid ng aking mata. "May gusto siya kay Eclair, 'no?"

Humarap ako kay Yuuki na nakatingin lang din doon sa pintuan. "Akala ko ako lang nakahalata." Taas-kilay kong sabi.

Taas-kilay ring iniharap ni Yuuki ang ulo niya sa akin na may ngisi sa labi niya. "Actually halata naman sa kanilang apat." Tukoy niya sa mga kaibigan ni Eclair at nagpameywang. Bumuntong-hininga rin siya. "Kaya maraming naiinggit kay Eclair, eh."

Tumagilid ako nang tayo at inilagay ang kanang kamay sa beywang. "So tanggap mong gusto ni Kyle si Eclair?" Tanong ko na hindi niya sinagot kaagad.

Pero tipid itong ngumiti bago ako lingunan. "Mmh, kind'a." Pagtango niya. "Medyo naiinggit din ako kay Eclair, not gonna lie but, I can't hate her," Narinig ko ang paglabas niya ng hangin sa ilong pagka ngiti niya nang pilit. "Cause I also admire her a lot."

Hindi na ako sumagot at ipinasok ko lang 'yung cellphone na hawak-hawak ko sa aking bulsa ng skirt. Inaya ko ng lumabas si Yuuki para kumain.

"You know, Yuuki. Kung hindi lang din talaga siguro kita kilala, hindi ko rin mahahalatang gusto mo si Kyle." Panimula kong sambit paglabas ng classroom na tinawanan niya.

"Shut it. Baka may makarinig."

Arvin's P.O.V

"Ayoko munang pati ikaw, madamay sa isyu ko." Salitang medyo nagpabigat sa dibdib ko.
Nabigla rin ako kaya napatayo kaagad ako mula sa pagkakaupo sa stool na siya ring ikinagulat ni Eclair dahil natumba pa ang stool.

"Hindi!" Sigaw at diin kong sagot sa gusto niyang mangyari.

Nanlaki ang mata niya lalo pa noong mabilis akong lumapit sa kanya upang hawakan ang magkabilaan niyang balikat. "Huwag mong sabihin 'yan na parang kasalanan mo kasi hindi!" Pag-iling ko. "Huwag mo na lang sila pansinin, naiinggit sila sa'yo kasi--"

Marahas niyang inalis ang kaliwa kong kamay na nakapatong sa balikat niya.
At laking gulat ko na lang kamo nang bigla niya akong bigyan ng napakatalim na tingin kasabay ang namumuong luha sa mata niya. "Ano ba'ng alam mo, ha?!" Malakas na sigaw niya na umalingawngaw sa clinic. "Ang daling sabihin ng mga 'yan kasi wala ka sa posisyon ko!" Inalis niya ang kumot na nakatakip sa mga hita niya at mabilis na sinuot ang sapatos para tumakbo paalis.

"Eclair!" Tawag ko sa pangalan niya pero hindi na siya huminto. Hindi ko na rin siya nahabol.

Lumabas 'yung school nurse para makita ang nangyayari. "Ano 'yung sigawan na 'yon?" Tanong nito na hindi ko sinagot at napatungo lamang.
Kinuyom ko rin ang kamao ko kasi na-realize kong ang insensitive ko.

Mali 'yung nagamit kong salita.

Tumingala ako para makita ang school nurse. "Sorry, Ma'am. Alis na ako." Paalam ko at nagsimula nang maglakad. Hindi naman na ako tinanong kaya nagtuloy-tuloy lang ako.

Nakayuko lang akong naglalakad sa hallway habang nakapamulsa.
Nakonsensiya ako sa nasabi ko, parang ang tanga tanga ko sa parte na 'yon.

Inis kong kinamot ang ulo ko. "Sh*t. Ngayon 'di ko alam kung ano ba'ng dapat na gawin."

Vince's P.O.V

Tapos na ang klase kaya uwian na. Balak ko sanang puntahan si Eclair but I bet she's not in a mood to talk kaya ipagpapaliban ko na muna at bigyan ko muna siya ng alone time niya para makapag unwind. Baka sa akin pa niya ilabas galit niya-- pero pwede rin naman para mabawasan 'yung bigat sa dibdib niya.

Hahh... Kung may maitutulong lang talaga ako.

Hawak-hawak ko ang kanang strap ng bag ko at nakalabas na sa campus. Hindi kami magkasabay nila Arvin dahil hindi naman nila sinasagot yung tawag ko.
Silang dalawa ni Richard kaya baka nauna na ang mga 'yon.

Pero iyon ang akala ko kasi nakikita ko si Richard sa hindi kalayuan.
Patakbo akong naglakad para puntahan ang mokong dahil nakatayo lang siya ro'n sa poste pero napahinto rin dahil sa pamilyar na babae na lumapit sa kanya.

Kumapit ito sa braso ni Richard habang nakababa lamang ang tingin ng kaibigan ko bago sila magpatuloy sa paglalakad papuntang parking lot.
Ang alam ko kasi sa ibang parking-an nai-park ni Richard 'yung sasakyan.

Nakatingin lang ako sa kanila nang manliit ang tingin ko.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon