Page 14

35.2K 1.1K 152
                                    

Page 14

Eclair's P.O.V

Tiningnan tingnan ko ang paligid ko, nagtataka kung nasaan ako ngayon. Tanging 'yung bermuda grass at ulap lang ang aking nakikita. Maliwanag din masyado 'yong nakikita ko sa paligid at tanging ko lamang ang nandito sa area at nag gagagala.

Where am I?

Palingon-lingon lang ako nang manginig ang lupa tapos at biglang nag collide, nahulog ako mula sa bermuda grass pababa, ngayon para akong nahuhulog mula sa kalangitan.
Nanlaki ang mata nang may sumalo sa akin. Hindi lang isa kundi apat. Kita sa kanilang mga labi ang ngiti ngunit 'di makita kung ano ang itsura ng mga mukha.

Sino 'tong mga 'to?

"Eclair! Gumising ka na! Ngayon 'yung punta natin kay Lola, hoy!"

Huh?

Pumikit ako tsaka ako nagising sa realidad. Dinilat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang pagmumukha ng magaling kong kapatid. "Hi" ngiting bati ni ate Ericka na binigyan ko lang ng pokerface. "Are you having a wet dream?" Tanong niya at ngumisi.

Namula ako at mabilis na napaupo sa aking kinauupuan. "Wha-- Ate!" Pasita kong tawag sa kanya dahilan para tumawa siya.

"Well, you're moaning so--"

"Binabangungot lang ako!" Pasigaw kong sabi tsaka nagsalita si ate Elsie na nandoon sa kabilang side ng kama ko para makisabay sa pang-aasar ni ate Ericka.

"Huwag kang maniwala diyan, ate. Nagwe-wet dream talaga 'yan kaya ganyan." Pang-aasar naman nito at humawak sa bibig niya. "OMG. Sabagay, patapos na 'yung adolescent age mo and you already have your needs naman." At umakto pa itong umiiyak kaya mas nabuwisit ako lalo at binato sa mukha niya ang isang unan. "Yuck! Amoy laway!"

"Ba't ba kayo nandito kasi? Paano kung nakahubad pala ako?" Paghahalimbawa ko kaya gumawa ng nandidiring ekspresiyon si ate Elsie habang ngumiti naman nang pilit si ate Ericka.

"Nakakahiya ka naman, sis." si Ate Elsie.

"That's not a lady like." si Ate Ericka. "Paano kung may makakita sa'yo na walang saplot lalo na ngayon, hindi ka pa nakapag lock ng pinto."

"Palaging locked 'yong pinto ko! Kayo lang 'tong bukas nang bukas gamit 'yung susi!" Malakas ko pang sabi kasi hina-high blood nila ako. Humalukipkip ako. "At isa pa, sabihin nating nakita n'yo nga akong hubo't hubad, pero kayo lang naman nandito kaya walang problema."

Tinabingi nang kaunti ni ate Ericka 'yong ulo niya na parang nag-iisip.

Samantalang walang ganang nakatingin si Ate Elsie sa akin. "Sino may sabing kami lang ang pwedeng makakita sa'yo?" Tanong niya at tinuro ang labas ng pinto. "Pati rin sila." She added. My jaw had almost drop when I saw those four jerks na isa-isang sumilip sa kwarto ko.

F*ck! They heard?!

Tinakpan ko ng kumot ang dibdib ko. Nakasuot lang kasi ako ng sando, ta's wala pang suot na bra. "At ano namang ginagawa niyo rito?!"

"Kasama sila" Walang ekspresiyon na sabi ni ate Elsie kahit obvious namang deep inside, kinikilig lang dahil nand'yan si Vince. Ganyan kasi 'yan, akala mo chill pero ang totoo, nangingisay na talaga sa sobrang kilig.

Pero balik tayo, bakit kasama sila?

"Saan?" kunot-noo kong tanong. "Kay Lola?"

"Saan pa ba, duh?" sagot pa ni ate Elsie na ginamitan pa ng maarteng tono.

"Aw, Eclair, na miss ka rin namin" sabi ni Arvin habang malawak na nakangiti pero tinaliman ko lang s'ya ng tingin dahilan para pumunta s'ya sa likod ni Richard na parang batang natakot sa magulang.

"Okay rin na kasama sila para hindi na tayo mag commute" Pagpasok ni Kuya Erick sa kwarto ko at nagpameywang, tumawa rin ito na blanko ko lamang tiningnan-- teka nga! Bakit sila na sa kwarto ko?

Tumayo na ako at kinuha ang unan ko para matakpan ang dibdib ko. "Oo na! Oo na! Pwede bang umalis na kayo rito?"

Nilingon ni Ate Ericka 'yong apat. "Thank you for taking care of my sister, huh? Hindi kayo nagsasawa kahit na ganyan siya."

Pare-pareho namang nagkanya-kanya ng tango at bow 'yung apat. "Wala pong problema ro'n." Sagot ni Arvin.

"Tropa naman po kaming lahat." si Vince.
"Napagpapasensiyahan naman po namin." si Kyle.
"Kaya okay lang." si Richard.

Aba--!

Napapikit na ako nang mariin sa sobrang hiya. Hindi na rin ako kumportable kasi ito ang kauna-unahan na pumunta silang apat dito ng wala akong suot-suot na bra. "Umalis na kayo! Maliligo na ako!"

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon