Page 27

28.8K 1K 237
                                    

Page 27

Elsie's P.O.V

Huminto kami sa gitna ng hallway ni Eclair dahil dito na rin talaga kami maghihiwalay ng daan. Humarap siya sa akin at binigyan ako ng walang ganang tingin. "Hoy, ate. Sinasabi ko sa'yo, ah? Wala kang gagawin na kahit na ano this time." Suway niya sa akin kaya sinimangutan ko siya.

"I get it. Wala naman na akong ginagawa na kahit na ano for the past few days, right? Geez." At nagpameywang ako't nag gesture na para siyang pinapaalis. "Oh, siya siya. Pumasok ka na." Pagsusungit ko kaya iling lang itong tumalikod para pumunta sa sarili niyang classroom gayun din ako.

Nang marating ko ang gagamitin naming classroom, pumasok na ako with padabog effect para naman ayon pa rin sa character na gusto kong ipakita sa lahat. Hindi siguro halata pero kamukha ko talaga si Aphrodite kaya crush na crush talaga ako ng mga ka-batch ko kaya kailangan kong umarte ayon sa gusto ko para walang makalapit sa akin-- pero si Fafa Vincent! Gusto kong... gusto ko siyang...

Sabay hawi ng buhok ko sa may tainga nang makita ko sa hindi kalayuan si Vincent. Nagbabasa siya ng textbook sa gilid. Hahh... Gaya pa rin ng dati. Napaka poging nilalang. Naiinis ako lalo kapag nakikita ko siya.

Nakatayo lang ako sa harapan ng pinto nang pasimple kong amuyin ang kili kili ko. Mmh. Mabango, amoy sunflower. Amoy araw na bulaklak.

Umupo na nga ako sa bakanteng upuan. Sa likod ni Vincent kaya napalingon siya sa akin. Hoy, shuta ka!
Nginitian niya ako. "Good morning.?" Bati niya sa akin kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya pero ibinaba rin ang tingin sa nilalabas kong kwaderno.

"Mornin'." Bati ko rin pabalik sa kanya, pilit na hindi ipinapakita 'yong kilig.
Hello? Sinong hindi kikiligin kung bibigyan ka ng matamis na ngiti sa umaga ng taong 'to? Tanggal stress ko, ghaad. Pakiramdam ko, naiihi ako.

Tsaka ang totoo niyan. Palagi kasi talaga akong na sa harapan ni Vincent. Hihi. Kaya nga minsan, bumabagsak ako sa subject kasi hindi ako mapakali na nasa likod ko lang siya.

Hehe. Enebe.
Kaya iyon, lumipat na lang ako sa likuran niya para motivation 'yong pasimple kong pag silip sa kanya. Tutal, hindi naman niya ako nakikitang nakatingin sa kanya.

"Maaga ka yata ngayon?" Tanong pa niya. Nag I-initiate ba siya ng conversation?

Nailabas ko na ang mga textbooks ko sa lamesa kaya tiningnan ko na siya. "Mas sanay ka bang late ako palagi?" Tanong ko naman sa kanya na siya namang ikinahagikhik niya.
Walang nakakatawa pero huwag kang tumawa riyan, Vincent. Baka mamaya halikan kita diyan.

"Hindi naman. Natutuwa lang ako kasi may makakausap ako habang wala pa 'yong prof."

Biglang may kung anong lumilipad na paru-paro sa tiyan ko. Hoy, gagi ka, Vincent! Huwag mo 'kong pinapakilig ng ganyan, shuta ka!

Umiwas ako ng tingin. "Oh? Ba't hindi ka ka kasi makipag friends sa iba?" Tanong ko.

Nakita ko ang pagpilit niya ng ngiti. "Gusto ko sana but they are always distant and won't even meet my eyes. So I'm thinking that may be they actually hate me?"

Mabilis kong tiningnan ang mga kaklase kong babae na halos kuminang ang mga mata habang nakatitig kay Vincent.

It's the opposite!

Humarap si Vincent lalo sa akin. "Sa batch natin, iniisip ko kung ganoon ba ako kahirap makasundo."

It's the opposite!

Tumingala siya para tingnan ang kisame. "Pero," Ibinaba niya ang tingin ulit para makita ako. "Okay na ako na ikaw lang makakausap ko ng ganito." He paused, ngumiti pa siya lalo kumpara kanina. "Mas kumportable ako." He added.

Pero sa iba, hindi?! OMG!

"Vincent..." Tawag ko sa pangalan niya. Alam niyo ba 'yong parang may namuong spark sa paligid? Ganoon ang pakiramdam ko ngayon.

Muli siyang natawa. "By the way, huwag mo pa lang kalimutan 'yong report natin mamaya, ah?" kumurap-kurap muna ako bago mapailing nang mabilis.

"H-huh?" Parang out of the world kong tugon.

"Iyong report natin. Mamaya na 'yon, eh" Napakamot na lang ako sa ulo ko. Bakit sa dinami rami ng kakalimutan ko, 'yong report pa namin? Teka nga, nag review na ba 'ko ro'n?

***

NAGRE-REPORT na ang mga ka-blockmate ko, mga ilang minuto lang silang nag report hanggang sa turn na namin ni Vincent.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon