Page 49

19K 730 136
                                    

Page 49

Richard's P.O.V

It was 8 years ago when I went to Crystal's house to have vacation with my parents-- not really a vacation dahil pumunta lang talaga kami ro'n para isaayos 'yung napagkasunduan tungkol sa business proposal ng family namin after naming mabalitaan na wala na pala 'yung kapatid ni Dad-- Si Lorreine na asawa ng Ama ni Crystal.
Nasabi raw'ng suicide ang nangyari pero wala pa ring sapat na ebidensiya ayon sa pagkakarinig ko.

Habang papasok kami sa loob ng tirahan.

I met a girl named, Crystal. She looks fragile and shy at akala mo hindi makabasag pinggan. Nandoon siya palagi sa likod ng Dad niya at walang imik na nakatitig sa paahan niya. Not a happy girl kapag titingnan mo sa una kaya na-curious din ako pero pinagtuunan ko na lang ang pansin ko sa magulang kong nag-uusap dito sa sala.

Umupo kami sa pahabang sofa nang lingunin ako ni Dad. "Bakit hindi ka muna makipagkwentuhan kay Crystal nang hindi ka mabagot?" Tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa babaeng tinitingnan ko kanina. Namilog ang mata niya at mukhang nakaramdam ng hiya dahilan para umiwas siya ng tingin.

"Oo nga naman, mag-uusap lang kami ng Dad mo." Ngiting sabi sa akin nung Ama kamo ni Crystal bago niya ibaba ang tingin sa anak niya. "Maglaro muna kayo sa labas."

Hindi nagsalita si Crystal at mabilis lamang tumakbo paalis kaya tinawag siya nung ama niya, pero tawa itong lumingon sa akin pagkatapos. "Pagpasensiyahan mo na 'yung anak ko, ha? Mahiyain kasi talaga 'yon."

Tumayo ako at nginitian siya. "Ah, wala pong problema, I'll talk to her, Tito."

Ngiti siyang tumangu-tango. "I could see that you're also a reliable son like your father. May pinagmanahan nga naman."

Tumango lamang ako't walang sinabi.

"Nandoon siya sa kwarto niya sa taas. Wala ng pinupuntahan iyon na kahit na ano kundi iyon lang kaya malalaman mo kaagad kung nasaan siya." Pagturo ni Tito kung nasaan si Crystal kaya lumakad na nga ako paalis para mapuntahan ang anak niya.

Sa totoo lang wala naman din akong pakielam kung wala akong kausap kasi pwede ko namang tawagan si Eclair para guluhin. Pero dahil nandito si Dad, kailangan kong umayon sa expectation niya.

Umakyat ako sa hagdan at sumilip sa mga kwarto kwarto na nakabukas hanggang sa tumapat ako sa isang pinto na nakasara. Malamang na sa loob siya gaya nung nasabi ni Tito kaya I took a step forward and was about to knocked noong buksan niya ang pinto at hilahin ako paloob.

Napadapa ako't muntik ng masubsob ang mukha sa sahig. "Ngh... Hoy--" Nang makalingon ako sa kanya ay nanlamig ako dahil sa hawak-hawak niya.
Patalim ito na handang handa niyang isaksak sa akin kaya hindi kaagad ako nakapagsalita. "W-What are you doing?" I stuttered. "Why are you holding that?" I added.

Nanginginig siya at parang takot na takot. "Y-yo-you aren't g-going to threaten me, are you?" Nauutal at takot na takot nitong sabi na hindi ko magawang mabigyan kaagad ng reaksiyon.

Nagawa ko siyang pakalmahin pero hindi naging ganoon kadali. Whenever I tried to near her, she'll just scream.
Kaya pinuntahan kaagad siya ng ama niya-- subalit tinago niya kaagad 'yung kutsilyo na hawak niya bago pa man makapasok si Tito sa kanyang kwarto.

Saying that we were just playing.

***

2nd NIGHT, naabutan ko si Crystal sa balcony at nakatitig sa malayo.
Wala na sana akong balak kausapin siya pero tinawag niya ako dahil gusto raw niya akong kausapin.

I'm hesitant at first, tipong napalunok pa ako bago ko siya nilapitan. Sino ba namang hindi matatakot kung muntik ka na niyang patayin? Pero hindi ko na 'yan sinabi sa mga kaibigan ko dahil family matters din ito. Though hindi ko pa nasasabi kay Dad dahil wala pa siyang time na kausapin ako. Buong araw lang din ako sa kwarto at nagbabasa ng pwedeng mababasa kapag may ginagawa ang mga kaibigan ko sa sari-sarili nilang buhay.

Ipinatong ko 'yung mga siko ko sa makapal na railings habang hinihintay siyang magsalita.
Hindi naman 'yon nagtagal dahil nagsimula na siya. Pero napatingin pa muna ako sa baba dahil nakita ko ang papaalis na sasakyan ni Tito.

"I'll warn you but your family will regret it if you allow my father to take part of your business."

Kumunot-noo ako at hindi umimik pero gusto kong magtanong pero muli akong napatingin sa sasakyan ni Tito na nakaalis na sa bahay. Saan siya pupunta ng ganitong oras.
"That b*stard took everything from my Mom," Pagkasabi pa lang niya niyon ay hindi ko na rin napigilan ang ibuka ang aking bibig.

"Hey, I don't think you can say that--"

"It's the truth. He planned all along so that he could kill Mom." Sinasabi niya iyan habang blankong nakatingin sa harapan. Pero noong lumingon siya sa akin ay sumabay ang pagtapat ng liwanag ng buwan sa mukha niya kaya mas lalo kong nakikita kung ano ang ginagawa niyang mukha.

You can't even tell what she's thinking but, she's extremely sad.

She told me that her mother didn't commit suicide.
It was her father all along. They fought that night, and the reason? Her father's alove affair.

Then all of a sudden, sinakal daw ni Tito 'yung mom niya. And when he discovered na patay na 'yung Mom niya pagkabagsak pa lang sa simento.
Tito did all his best para mag mukhang nag commit ng suicide ang asawa niya.

Crystal even told me that her father even took the chance to hanged his wife.

"He's a murderer. He threatened me to shut up, para lang sa pansarili niya. At para walang makaalam sa krimen na ginawa niya. Wala siyang puso, dinala pa niya 'yung babae niya sa bahay as if parang wala nangyari..." Humawak pa siya sa ulo niya na halos mabaliw siya habang nagkukwento.

Nakanganga lang ako habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. "S-So iyong pag-alis ng Dad mo ay..."

Siya na ang nagtuloy sa sasabihin ko pagkaangat pa lang niya sa ulo niya. "Yes, he went to that woman." Nakita ko ang panggagalaiti ng bagang niya. "I also heard that she'll buy luxury things after ma-settle ng family n'yo iyong business. Ni hindi pa nga ayos, ang dami na niyang tinutukoy na gusto kay Dad." Kinuyom niya ang kamao niya. "She's obviously not in love with my father, she's only using him. But whenever I tried to tell that, hindi siya naniniwala. Kesyo nasasabi ko lang kasi ayaw ko sa babae niya-- but either way, alam naman pala niyang ayaw ko sa kanya, why can't he respect me? I want him happy, but not to that kind of woman."

Nakaawang-bibig lang akong nakatingin sa kanya. Wala akong masabi.
Totoong gulat ako sa nalaman ko pero hindi ko rin magawang mapaniwalaan.

"What do you think will happen kapag hindi naging maayos ang usapan ng parents natin?" Tanong ko.

Ang kaninang nakababa ang tingin ay unti-unti niyang iniaangat para magkapantay ang tingin namin.
Nagsimula ring gumuhit ng linya ang labi niya, isang ngiti na kikilabutan ka. "He'll leave me, or probably kill me." Natakot ako sa pag hagikhik siya. "...I know his secrets after all."

Nanlamig ako pero natapos ang pag-uusap namin ng hindi ako naniniwala.
But 2 days nang makauwi kami, nalaman ko kay Dad na hindi umayon sa expectation niya 'yung gusto niyang mangyari sa kanila ni Tito pero dahil sa usapang matanda iyon, hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin.

Subalit hindi natatanggal sa isip ko iyong sinabi ni Crystal sa akin nung gabing iyon kaya nakaramdam ako ng pag-aalala.
Hindi ko rin naman masabi kay Dad kasi wala akong sapat na ebidensiya at tsaka baka mamaya gawa gawa lang naman pala ni Crystal.

Kaya bumalik na lang din ako sa kinauugalian ko.


***

LUMIPAS ang isang linggo, laking gulat ko ang pagtambad ni Crystal sa pamamahay namin na puno ng galos at pasa.
Napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kanya.

"He'll leave me, or probably kill me." Naalala kong sabi niya nung gabing iyong.

Lumapit si Dad sa akin ng hindi ko inaalis ang tingin kay Crystal. "She'll be living here for awhile. I know you have tons of questions but I ask you not to pressure her too much, you know what I'm talking about, right? Richard?" Tanong niya na may maginoong tono sa kanyang boses.

Umangat ang tingin ko kay Dad at mabilis na tumango. "Y-Yes, Dad." Nauutal kong sagot bago niya ipatong sandali ang kamay niya sa ulo ko.

"Take her belongings to her room." Utos ni Dad sa mga kasambahay bago nila kunin ang mga gamit ni Crystal.

Her father died, and this time. It was said that he committed suicide.
The incident about her Mother also disclosed, totoo nga iyong sinabi ni Crystal.

It made me feel guilty kaya ginawa ko ang lahat para makabawi sa kanya, tsaka iniisip ko rin talaga na,

...walang ibang makakatuong kay Crystal kundi ako lang. Dahil ako lang din ang pinagsabihan niya ng mga kwentong hindi alam ng nakararami.

Buong tapang ko siyang nilapitan habang unti-unti naman niya akong tinitingalaan. Seryoso ko siyang tiningnan mata sa mata. "Believe me, I'll be on your side."

***

TUMIRA SIYA sa amin ng dalawang buwan. Hindi iyon alam ng mga kaibigan ko pero kinakailangan ko rin talagang umuwi nang maaga dahil madalas ang pagwawala ni Crystal kapag hindi ako nakikita.
Naging attached siya sa akin dahil palagi kaming kasama, and because I am the only one who tried to understand every bit of her complexity.

So after all those years, kung iisipin ko ngayon. Is it my own fault that I chose to stay with her? That I give her too much assurance that I will be with her whenever things get rough?

I don't know. Probably,

...yes.


Kinuha ko ang bag ko dahil handa na rin akong umalis para pumunta sa pagme-meeting-an namin nila Eclair dahil mayroon kaming project.

I was about to open the door when she hold my arm. Niyakap din niya ako pagkatapos. "Come home early." Naramdaman ko ang pagsubsob niya ng mukha sa likod ko. "Kapag hindi," Binaon niya ang kuko niya sa braso ko kong hawak niya. "I'll kill myself here."

Pumikit ako para kumalma, pagkatapos ay humarap ako sa kanya to pat her head. "I will, uuwian kita ng gusto mo. Just wait for me, 'kay?"

Tumingala siya para tapatan ang aking tingin. Ngumiti rin siya nang matamis at tinanguan ko. "I will! I love you!"

Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti bago ko siya talikuran. "See you later." Binuksan ko na nga 'yung pinto at umalis.

Crystal's P.O.V

Matamis lang akong nakangiti habang kumakaway sa papaalis na si Richard. Subalit pagkasarang pagkasara pa lang nung pinto ay siya ring kasabay ng paglaho ng aking ngiti.

Malamig akong tumingin sa kawalan. "I don't believe you," Naalala ko 'yung paraan ng pag ngiti ni Richard noong kausap niya iyong nagngangalang Eclair. He never smile at me like that, kaya bakit?

Bakit sa kanya lang?!

"Kailangan ko yatang burahin 'yung babaeng 'yon para walang humadlang." Dahan-dahan kong tiningnan 'yung bag ko sa side table.

***** 

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon