Page 10

46.3K 1.4K 215
                                    

Page 10

Eclair's Point of View

Malakas kong narinig ang pagtilaok ng manok kaya tumayo na ako sa kama at umalis na roon para makapaghanda.
Bumaba ako ng hagdan matapos kong maligo para pumunta sa hapag kainan kung saan kumakain na 'yung mga kapatid ko. Ngunit imbes na umupo ako para sumabay sa kanilang kumain, kumuha lang ako ng toasted bread. Aalis din kasi ako kaagad.

"Hmm..." mahilig akong magpalaman ng Butter and Strawberry Jam sa tinapay ko pero dahil sa wala namang ganoong flavor ngayon ay naghanap na lang ako ng iba. Buti nga may chocolate, eh.

Inangat ni kuya Erick 'yung tingin niya sa akin. "Oy, hindi ka sasabay kumain sa amin, Eclair?" Tanong nito sa akin sabay tusok ng hotdog.

"Hindi. Ayoko kayong kasabay." Pagmamaldita ko at kinuha ang tumblr ko kung saan ito nakalagay para lagyan ng tubig. Ang babagal nilang kumilos. Kasi ba naman, itong si kuya Erick, kung makapag ayos ng buhok niya, umaabot pa ng ilang oras. Si ate Elsie ganoon din!
Sino ba namang hindi mabu-buwisit? Dapat nga nakaalis na kami, kanina pa, eh.

"Masyado kang seryoso. Take it easy." Hindi magandang advice 'yan mula sa nakatatandang kapatid, kuya Erick.

Tahimik lang na kumakain si Ate Ericka at nagkakape. Si Ate Elsie, hindi pa talaga siya umuuwi mula kagabi pero nasabi naman niyang may gagawin sa working area niya at doon na lang matutulog tutal off naman niya ngayon at uuwi na lang mayamaya.

"Eclair, mag-ayos ka nga ng buhok, tingnan mo, oh? Parang pugad ng ibon sa sobrang gulo" Inirapan ko si ate Ericka at dumiretsyo nga sa maliit naming wall mirror. Ang O.A naman. Pugad ng ibon hindi ba pwedeng halata lang na hindi pa nagsuklay?

Kinuha ko na lang suklay doon sa lalagyan nito at inayos nang unti ang buhok. Iyan, okay na. Maayos siya na hindi. Aish. Hayaan na, nagmamadali pa ako.

"I'm off!" Paalam ko sa kanila at kinuha ulit iyong Toasted Bread with Chocolate Spread.

Umalis na ako ng bahay at kumuha ng tricycle. Pagkakuha, sumakay kaagad ako at sinabi sa tricycle driver 'yung lugar na dapat kong bababaan. Mga ilang minuto, binaba na niya ako sa may Henry's. Oo, Henry's Shop. Bilihan ng mga parts ng motor.

Bumaba ako sa Tricycle matapos kong makapagbayad ng pamasahe.
Dumiretsyo na kaagad ako sa loob niyon para hanapin ang pakay ko.

Pagkapasok, lumapit ako sa lalaking nag-aayos ng kung anu-ano sa shop niya, "Kuya, bearing nga" Bungad ko roon sa lalaki, tinanong niya sa akin 'yung size kaya sinabi ko naman. Nagpahintay siya sa akin para kumuha ng gust ko habang nagtititingin lang ako sa kung ano pa ang mayroon sa shop na ito.

Nandito ako ngayon dahil nung isang araw, ginamit ko 'yung motorsiklo nung kuya ko. Napansin ko 'yung paggewang nung harapan kaya nung mai-check ko.
Wala na pala 'yung bearing sa gulong. Maluwag 'yong pagkakakabit ni kuya kaya natanggal, pero sa akin niya sinisi dahil ako araw gumamit.

Laki rin kasing pag-iingat no'n ni kuya dahil 'yung motor na 'yon, regalo pa 'yon ni Mama nung high school siya kaya hindi ko rin siguro siya masisisi kung ba't ganoon niya ako binulyawan nung isang araw.

Pinapaliguan niya, pinupunasan niya, chine-check niya kung okay ba 'yung motor. Kumbaga mas importante ang motor niya kaysa sa ibang bagay. Isipin n'yo 'yung mga tatay n'yong maraming alagang manok. Ganoon.

"Eclair?" Napatingin ako sa pamilyar na tumawag sa akin.

Humarap ito kaya tumango ako bilang pagbati. "Oh."

Lumapit siya sa akin. "Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko nang makahinto ito sa harapan ko.

"Papalitan ko ng bearing 'yung gulong ko, ang pangit, eh. Kinulayan ko kasi, dapat pala hinayaan ko na lang" Sagot at kwento niya kaya sinilip ko 'yong motor niya sa labas kung nandoon ba. "Ikaw? Ngayon lang kita nakita rito."

So madalas din pala siya rito. Hindi halatang alagang-alaga 'yung motor.

Dumating na 'yung lalaki para ibigay 'yung bearing na hinihingi ko. Kinuha ko na 'yon at ibinigay ang bayad ko. Si Arvin naman, humingi lang din ng bearing.
"Bumili lang nito," Tukoy ko sa bearing. "Kung wala kang gagawin mamaya, pwedeng patulong din ako magkabit?"

"Iyan ba 'yung gulong ng kuya mo? Ba't hindi raw siya?" Tanong niya kaya humalukipkip akong tumungo kasabay ang pagkamot ko ng pisngi gamit ang hintuturong daliri.

"Ahm, iyon nga kasi. Kasalanan ko at ayokong siya pa magkakabet."

"Talagang may pride ka, ano? Sige. Turuan na rin kita kung paano." Tinuro niya ang sarili niya gamit ang kanyang hinlalaki. "Ako ang coach mo." Kinilabutan naman ako sa hindi malamang dahilan.

"Pwede bang tigilan mo 'yan?" Parang nandidiri kong sabi na tinawanan niya bago kunin 'yung binibili niya na nakapatong sa stante.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon