Page 36

21.9K 761 68
                                    

Page 36

Eclair's P.O.V

Napamulat ako sa lugar na 'di ako familiar. Blanko lang siya pero hindi ko pinagtuunan masyado. Umupo ako mula sa pagkakahiga tsaka ko naramdaman ang pagtulo ng single drop sa mismo ring tubig-- mukhang iyon ang tinatawag na consciousness ng isang tao.

Iginala ko ang tingin sa paligid, wala pa rin akong nakikita. Blanko pa rin kaya nagtaka ako lalo. Tumayo ako at tumingin sa kaliwa't kanan. "N-Nasaan ako?" Tanong ko sa sarili ko at napalingon nang makarinig ako ng kaluskos. May salamin na nagpakita kaya dahan-dahan akong lumapit doon.

Only to see myself wearing an elegant dress. 'Yung buhaghag kong buhok ay mas naging maayos at ang mukha ko ay may kolorete. Hindi ganoon ka-dark, tama lang.

Sa sobrang pagka surpresa ko sa mukha ko. Umabante pa ako lalo para sana hawakan ang na sa salamin.

Malapit ko nang maabot nang bawiin ko rin at salubong ang kilay na napaatras nang kaunti. "Who are you?" Tanong ko sa naka fierce na kamukha ko.
Hindi siya sumagot at pumikit lamang bago siya maglaho kaya namilog ang mata ko.

May pumatong bigla sa balikat ko kaya mabilis akong humarap sa taong gumawa niyon.

"Kyle!" Gulat kong tawag sa kanya nang makita ko siya sa mismo kong harapan. "A-Akala ko--" Biglang lumitaw 'yung tatlo ko pang kaibigan kaya sa kanila naman ako napatingin. "A-anong ginagawa niyo rito?" Hindi makapaniwala kong tanong.
Wala akong natanggap na sagot mula sa kanila at may ipinakita lang si Vince na maliit na isda. Ano namang gagawin nila diyan?

Lumipat nanaman ako sa ibang lugar, makikita naman dito na kumakain sila ng lutong isda.

Ano ba'ng nangyayari?

Humarap silang pareho sa akin at inalok akong kumain ng isda, humakbang ako paatras habang iwinawagayway ang kamay ko sa tapat ng aking dibdib. "N-no, it's okay. Hindi ako guto--"

"Tanggapin mo ang pagmamahal namin." Sabay-sabay na sabi namin na nagpataas sa kilay ko. Huh?

Takang-taka kong reaksiyon tsaka ako mabilis na napaupo mula sa kama dahil sa kagagawan ng pagsigaw ni Kuya Erick sa tainga ko. Lahat ng napanaginipan ko ay nawala na sa isip ko.

Naalipungatan ako kaya sabog kung tingnan ko si Kuya Erick tsaka ko siya inis na binato ng unan. "Parang tanga naman. 'Kala mo nakakatuwa ka?"

Natawa siya at tsaka nagpameywang. "Pikon ka na niyan?" Pang-aasar na tanong niya sa akin kaya pabagsak ko na lang inihiga ang sarili. Nagtalukbang din ako ng kumot dahil inaantok pa ako. Mukha rin namang wala siyang matinong sasabihin sa akin. "Ginising na nga kita, ta's matutulog ka naman."

Kunot-noo akong pumikit lalo. "Bakit? Kakain? Mamaya na ako. Inaantok pa 'ko." Inaantok kong sabi.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa edge ng kama ko. "Gusto lang din sana kita makausap."

Mas nagdikit ang kilay ko kumpara kanina. Tumagilid ako ng higa.
"Sana hinintay mo na lang akong magising kaysa 'yung ginising mo 'ko sa ganoong paraan. Nakakawalang gana kang pakinggan sa totoo lang." Pikit kong sabi.
Ginawa ko rin ang lahat para maging kalmado dahil wala rin talaga akong lakas para magalit sa kanya.

Narinig ko ang pagkamot niya sa kanyang ulo. "Sabagay. Oo nga naman," Pagsang-ayon niya sa sinabi ko tsaka tumayo. "Sige, matulog ka muna. Pero kakausapin mo talaga ako mamaya?" Tanong niya na parang naninigurado.

Napansin niya rin siguro na hindi na kami nakakapag-usap nang matino for the past few weeks. Wow, took you long enough to notice, huh?

"Mmh." Sagot ko kaya umalis na siya. Nang marinig ko ang pagsara niya ng pinto, inalis ko ang kumot na nakatalukbong sa akin para silipin ang pinto bago ko iniharap ang sarili sa kisame.
Tumitig ako sandali roon bago ako muling pumikit at makatulog.

Ilang oras din akong tulog bago ako magising. Kumain na muna ako sa baba, may nakahain naman ng pagkain ko ro'n. Inalis ko lang sa takip.
Kumain sandali bago ako pumunta sa sala kung saan nanonood 'yung dalawa na sila Ate Elsie at Ate Ericka.

"Nasaan si Kuya Erick?" Hanap ko kay Kuya.

Lumingon si Ate Ericka para ngitian ako. "Pinabili ko muna sandali ng suka." Sagot niya sa tanong ko. "Kumain ka na ba?" Tanong niya na tinanguan ko bago ko tingnan si Ate Elsie na seryoso lamang na nanonood sa pinapanood niya. Ano problema nito?

Pagkatapos ay napatingin sa pintuan nang pumasok si Kuya Erick dala-dala ang suka na inuutos ni Ate Ericka. "Oh, gising ka na Eclair. Sakto." Bungad niya sa akin bago ako lagpasan. "Wait lang, lagay ko muna 'to sa kusina." Tukoy niya ro'n sa suka.

Napalingon na si Ate Elsie sa akin. "Saan kayo pupunta?" Tanong at tukoy niya sa amin ni Kuya Erick.

"Ewan ko sa kanya." Pagkibit-balikat ko. "Wala naman kaming pupuntahan." Sagot ko pa tsaka dumating si Kuya Erick.

"Mayro'n tayong pupuntahan." Aniya habang papalapit sa akin.

"Ayoko. Tinatamad na nga akong lumaba--" Napahinto rin ako nang maalala kong may sasabihin nga pala siya sa akin. Hindi ko rin naman ipagkakailang curious ako kaya hindi na ako umangal pa. "Maliligo lang ako sandali."

"Sandali lang naman tayo, kaya maligo ka na lang pagkauwi."

Binigyan ko siya ng walang ganang tingin. "Kadiri, napaghahalataan ka."

***

PUMAYAG NA nga lang ako sa sinasabi ni Kuya Erick at hindi nga ako naligo na lumabas. Didiretsyo kami papunta sa kalapit na tulay. Maglalakad lakad daw kami. Malamang dahil nga ro'n sa gusto niya ngang pag-usapan kaya naisipan niya na rito kami mag-usap.
Mukha rin namang seryoso kaya hindi ko muna siya binibiro-biro. At isa pa, hindi naman talaga kami okay.

Narating na namin ang tulay tsaka siya nagsimulang magsalita. "Nakausap ko na talaga si Elsie tungkol dito. At gusto ko rin talagang itanong sa'yo matagal na dahil palagi kong nakikita sa'yo na bothered ka simula nung maging kami ng Ate Britney mo." Panimula niya kaya sandaling nag salubong ang kilay ko. "Ang sabi ni Elsie, itanong ko raw sa'yo," He paused. "Ayaw mo ba kay Ate Britney mo kasi hindi kayo magkasundo ng bunso niya?"

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon