Page 13

39.5K 1.3K 208
                                    

Page 13

Eclair's P.O.V


"Wow." Simpleng kumento ko nang marating namin 'yong tinutukoy niyang store. Hindi naman ganoon karami ang tao pero hindi ko lang inaasahan na pumunta kami para lang doon sa sinasabi niyang item.

Lumapit ako sa naka-display na laruan. "Don't tell me itong laruan na 'to ang gusto mong makuha?"

"Hindi 'yan laruan! Figurine 'yan! Collection ko 'yan!" Bulyaw niya sa akin dahilan para mapa-bored look ako. Figurine?
Tumitig pa ako ro'n sa sinasabi niyang figurine. "Hindi ba't si Goku 'to?" Tukoy ko sa naka-display ro'n sa glass box.

"Tanga. Hindi. Si Naruto 'yan!" Paglalaban niya na siya namang nagpaurong sa akin.

"I get it, I get it! T*ng ina mo, ang ingay ingay mo!" Inis kong sabi.

May lumapit naman sa amin. "Hi, Naruto fan po ba kayo?" Tanong nung sales lady kaya kami naman itong napatingin sa kanya. Tinuro ko si Richard.

"Siya po." Sagot ko.

Pumaabante nang kaunti si Richard. "Nakapag register na po ako rito, papasok na lang kami para sana magtanong kung saan namin pupuntahan 'yong nasabing p-pictorial." Pasimple kong sinilip si Richard dahil halata sa kanya na medyo kinakabahan siya.

Idinikit ni sales lady 'yong mga palad niya sa isa't-isa. "Ay ganoon po ba? Mabuti na lang pala at nilapitan ko kayo. Dito na lang po." Pag lead niya ng way at naunang naglakad na sinundan namin ng tingin.

Tiningnan namin ni Richard ang isa't isa. "S-Sigurado ka na ba?" Nauutal na tanong ni Richard na sinimangutan ko bago ko hawakan ang kamay niya tulad nung ginawa ko kanina at tumabi sa kanya.

"Bakit ka ba nahihiya? Alam mo namang aarte lang naman tayo para sa figurine mo nga kamo." Mahina kong sabi at kunot-noo na inangat ang tingin sa kanya. "Huwag mong sabihing ayaw mo ng tumuloy? Kaya nga ako pumunta rito para samahan ka, eh."


Umiwas siya ng tingin. "O-Oo, pero pictorial kasi 'to. Ibig sabihin pwede ka ngang ma-feature sa platform nila o sa kung ano pa ang gagawin nila ro'n sa photo kasama ako."

Tumaas naman ang kilay ko sa pagkakataon na 'to. "Wala namang problema, as if namang may intimate na pictorial na magaganap. Hindi naman siguro ganoon."

Iyon nga lang ang akala ko.

Nandito na kami sa isang green screen room. Pinapakita ng isang photographer 'yung gagawin naming pose at hindi ko magawang magustuhan dahil mayroon silang scenario galing sa isang anime at manga na kailangan naming gawin, at hindi lang iyon simpleng pose lang.

"I-Ibig n'yong sabihin, kailangan niyang pumatong sa 'kin para lang sa scene na 'to?!" Pulang pula kong reaksiyon habang turo-turo ko 'yung litratong pinapakita nung photographer. Sa litrato kasi; nakahiga 'yung babae habang nakapatong sa kanya 'yung lalaki at hawak-hawak ang kamay nung babae na nandoon sa itaas ng kanyang ulo. Ang isang tuhod nung lalaki ay nandoon sa pagitan ng mga hita ng babae kaya talagang makikita rito kung gaano sila kalapit sa isa't-isa.

And there's NO WAY I can do it!

"Oh. Mukhang wala pa yata kayo sa lebel na 'yon, ah?" Mangha niyang aniya.
Ano'ng lebel tinutukoy mo diyan?!

"You don't have to force yourself if you don't want it." Seryosong sabi ni Richard kaya napatingin ako sa kanya. Nakapikit lang siya at parang okay lang talaga sa kanya na hindi namin gawin.

Sandali pa akong hindi sumagot bago ako huminga nang malalim bago ko ibalik ang tingin kay kuya photographer. "Fine, we'll do it."

Napatingin kaagad sa akin si Richard habang mabilis na napangiti 'yung photographer. "Thank you for the cooperation! Start na natin." Lumingon siya sa mga staffs para mag prepare habang para namang nag-aalanganin si Richard na tiningnan ako.

"Hoy--"

"Kapag kasi hindi pa natin ginawa, sasayangin mo lang 'yung effort ko na samahan ka rito." Muli akong huminga nang malalim para kumalma. "At isa pa, mukhang gusto mong makuha 'yung figurine na 'yon kaya pumayag na rin ako." Dagdag ko.

Medyo matagal din siyang hindi nakapagsalita kaya napatingin na ako sa kanya. "Huy--"

Nakatingin siya sa ibang gawi, pulang pula ang tainga at pisngi kaya namilog ang mata ko. Pasimple na lang akong ngumiti bago ko ibinalik ang tingin sa harapan.
Yep, he's happy.

Kaya wala na lang siguro kung ano pa man 'yung gagawin namin. Pictorial lang naman, eh.

***

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon