Page 42

19.2K 760 90
                                    

Page 42

Eclair's P.O.V

Konsensiya. Iyon ang nangingibabaw na nararamdaman ko ngayon habang yakap-yakap ang unan ko't nakatagilid na nakahiga, patay patay ang ilaw.

Minsan talaga kapag may bumabagabag sa 'yo, parang napaka kumportable ng dilim, ano? Tipong ayaw mo ng liwanag, at ayaw mo rin ng maingay. Gusto mo lang 'yung tahimik para nakakapag-isip isip ka.

Bumuntong-hininga ako nang maisip ko 'yung sinabi ko kay Arvin kanina.
Hindi naman talaga dapat ako makonsensiya kasi totoo naman din 'yung sinabi ko na wala siyang alam sa kung ano talaga 'yung nararamdaman ko. Ang daling sabihin kasi wala siyang ideya.

Kaso heto ako't hindi magawang matanggal 'yung konsensiyang nararamdaman. Kasi alam ko rin sa sarili ko na hindi ko rin siya masisi for not having an idea na ganoon na 'yung nararamdaman ko. Kasi umaarte akong okay, eh.
Kahit ang totoo, dine-deny ko lang pala 'yung fact na 'yon. Nang hindi ako ma-bother masyado. Kaso ang nangyari, sa kaka-set aside ko nung nararamdaman ko, hindi ko na napansin. Puno na pala.

Tsaka ang pangit ng dating na parang sinisisi ko sina Arvin kung ang totoo, wala naman silang kasalanan na nangyayari 'yung mga paninira o parang pangdi-discriminate ng tao sa akin.

Oo, nafe-feel ko kasi na the more na lalapit 'yung mga kaibigan ko sa akin. The more na mas madadagdagan 'yung mga paninira ng mga estudyante sa akin.
Mas lalo nila akong huhusgahan.

Huamarap na ako sa kisame at ini-spread ang mga kamay ko sa kama. "Lumipat na lang ba ako ng school?" Tanong ko sa sarili at bumutong-hininga. "Kaso mahirap din namang makapasok bilang scholar. Eh, maganda na rin naman ang mga facilities at way of teaching ng mga teachers sa H.U."

Sa sobrang ganda, kinulang sa manners mga estudyante.

Pumikit na lamang ako. Makatulog na nga lang.

Bea's P.O.V

Paismid akong natawa noong salabungin ako ng magaling kong kapatid habang papaakyat ako ng hagdan. Kauuwi ko lang at galing sa luxurious restaurant kasama si Hannah at nung dalawang lalaki na nakilala lang din namin kanina.
Pogi sila pero hindi ko sila type. Nagpalibre lang kami ng pagkain kasi mayayaman naman sila't may mga mamahaling sasakyan.

"Get out." Udyok ko habang masamang nakatingala kay Kuya Blue na nandoon sa mismong sahig.

"We have to talk, Bea." Marahan pero may seryosong tono sa kanyang boses kaya humakbang pa ako para balak siyang lagpasan pero humarang lang siya sa akin.
Muli ko siyang inangatan ng tingin.

"Ano ba?!" Iritable kong tono.

"Mag.Usap.Tayo." Isa-isa niyang sabi kaya mas lalo akong nabuwisit. Tinulak ko siya, hindi niya iyon inaasahan kaya napaupo siya sa carpet bago ako nagmartsa pabalik sa kwarto ko.
Padabog kong isinara ang pinto at dumiretsyo sa aking kama para pabagsak na umupo sa edge niyon.

Iratable kong hinawi ang bangs ko. "F*ck." Pagmura ko at napatili noong biglang lumabas si Ate Britney mula sa aking banyo.

"Bea, that's unladylike." Sinabi iyan ni Ate Britney habang naglalakad palabas ng banyo at punas punas ang kanyang buhok ng hawak niyang tuwalya.

Hindi pa rin natatanggal sa mukha ko 'yung pagkagulat pero pinalitan ko rin ng pagiging iritable. "What are you doing here?"

Huminto siya at inilagay ang tuwalya sa kanyang buhok. "Sorry, I used your bathroom. My shower's not working."

"May shower sa baba."

"Magkatabi lang naman 'yung room natin, kaya rito na 'ko." Katwiran niya.

Napairap ako. "Without my permission?" Pagtataray ko at napailing na lang na tumayo. "Sige na, umalis ka na. Maliligo na ako." Pagpapalayas ko sa kanya at nabangga siya nang kaunti. Kinuha ko ang tuwalya ko sa kung saan ito nakasabit at papasok na sana sa banyo nang magsalita si Ate Britney.

"There's always consequences to your actions, whether you like it or not? You must prepare for it." Iyan lang 'yung sinabi niya bago siya umalis ng kwarto ko.

Wala siyang binabanggit na kahit na ano pero nabuwisit ako sa gusto niyang iparating sa akin kaya padabog akong pumasok sa banyo't malakas na isinara ang pinto.

Sa sobrang irita, napatili na lang ako sa inis.

Eclair's P.O.V

Dahil sa hindi naman ako makatulog nang maayos kahit pa na uminum na ako ng gatas o kung ano pa man pwedeng gawin para makatulog. Lumabas na muna ako ng bahay kahit na alas doce na ng gabi. Nagsuot lang ako ng simpleng itim na T-shirt at jacket. Short 'tapos sneakers gayun din ang cap.

Hindi na ako nagpaalam sa mga kapatid ko dahil hindi rin naman talaga nila ako papayagan kaya mag I-sneak lang ako palabas.

Tiptoe akong naglakad papunta sa gate na pati iyon ay dinahan-dahan ko rin buksan para hindi makagawa ng ingay.

'Tapos ay tumakbo ako para makalayo sa bahay.
Naglakad lang ulit ako nang makarating ako sa isang night market na malapit lang sa isang palengke. Hindi ko napansin na sa sobrang bilis ng pagtakbo ko, nakarating na ako rito.

Ipinasok ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket ko at iginala-gala ang tingin sa paligid pagkaapak ko pa lang sa area ng liwanag mula sa makukulay na ilaw galing sa poste at nakasabit na pang christmas lights.

Buhay na buhay ang tao ng ganitong oras na pati 'yung plano ko sanang mag-isip isip isip ay nawala na.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon