Page 40

19.6K 723 36
                                    

Page 40

Orange's P.O.V

Narating na nga namin ang classroom para sana puntahan si Eclair subalit ang inabutan lamang namin ay ang mga kaguluhan ng mga blockmates namin tungkol sa nakita nilang litrato ni Arvin at Eclair sa ibaba.

"Hoy, Arvin! Ano'ng ibig sabihin ng litrato sa baba?!"
"Hindi ba't kayo ni Yuuki?!"

Pareho kaming nakanganga ni Yuuki dahil sa kaguluhan at parehong napaatras nang mapansin kami nung iba.

"Nandito na si Yuuki!"
"Girl! Break na ba kayo?"

Sunod-sunod na tanong nila sa kaibigan ko na hindi ko magawang imikan kaagad. Napatingin lamang ako kay Arvin na nakatungo lamang at walang sinasabi na kahit na ano. Samantalang inis lamang na nakatingin si Richar sa mga blockmates namin.

"Ano ba 'yan, Arvin. Mas pipiliin mo ba 'yung tomboy na 'yon kaysa sa Diyosa?"
"Jackpot ka na nga kay Yuuki nangangaliwa ka pa?"
"Hindi ka marunong pumili ng babae! Huwag ka na kay Eclair, 'tol. Pero pwede rin naman, akin na lang si Yuuki."

Medyo nainis ako sa paraan ng pagkakasabi ng isa sa kaklase ko, dalawang kaibigan ko 'yung iniinsulto nila kahit pabiro pa iyon.

"Ho--" Napatigil ako dahil sa pag-abante ni Yuuki papasok paloob sa classroom. Tila para bang nag slowmo ang paligid habang sumusunod sa paglalakad ang buhok niya. Seryoso na ang mukha ni Yuuki pero mas lalo pa itong naging seryoso habang sinasalubong ang mga kaklase namin.

Alam ko 'yung ganitong feeling. Parang ito 'yung nangyari dati...


Na sa utak ko pa rin 'yung tunog ng yabag ng kanyang mga paa.

At hindi nga ako nagkakamali. Pagkarating na pagkarating pa lang ni Yuuki ro'n sa lalaking huling nagsalita kanina, unti-unti kaming napanganga nang malakas na sapakin ni Yuuki ang mukha nito na siyang naging dahilan para mapaupo sa sahig 'yung kaklase namin.

Hawak-hawak niya ang pisngi niya, hindi makapaniwala sa ginawa ni Yuuki sa kanya.

Hindi lang naman siya ang nagulat, kundi 'yung mga tao rito sa classroom. Si Richard nga napatayo pa.

Nakatitig lang ako sa mukha ni Yuuki dahil nakatagilid lang naman siya. Nakababa at masama ang tingin niya sa kaklase namin na iyon.
"B-Bakit mo 'ko sinapak?" Hindi makapaniwalang tanong ng kaklase namin.

Nakababa pa rin ang tingin ni Yuuki ro'n sa lalaking nakaupo sa sahig nang binigyan niya ito nang matalim na tingin. "That punch is for insulting my friend." Naningkit lalo ang mata ni Yuuki. "Don't you dare say bad things about Eclair again."

Hindi pa rin napapatikum ang bibig ko pero mayamaya lang ay napangiti rin ako sa isang kadahilanan.

Naglakad na papunta sa akin si Yuuki at inaya akong lumabas na muna. Hinawakan pa niya ang kamay ko para hilahin sa labas.

Pumasok kami sa kalapit na banyo tsaka niya ako binitawan.
Naglakad siya nang dahan-dahan sa harapan ng salamin at napahawak sa edge nung sink.

Nag-alala ako kaya tinawag ko ang pangalan niya pero nasurpresa ako nang bigla siyang humikbi. "Hoy--?" Humarap siya sa sa akin habang hawak-hawak ang kamay na pinansuntok niya sa kaklase namin kanina.

"A-Ang sakit... Orange..." Naluluha na sabi ni Yuuki at suminghot na nagpatulala sa akin kaya ako naman itong humalakhak bigla tsaka ko siya nilapitan.

"Ano ba kasi 'yang ginagawa mo, hindi ka na natuto ganyan ka rin nung high school tayo, eh." Pagbabalik ko nung kwento sa ginawa niya sa isa naming boy classmates na ininsulto ako. Iyong ginawa niya kanina, ganoon din 'yung ginawa niya nung high school kami.

Iyong pagiging refine woman niya, nawawala talaga kapag may nang insulto sa mga kaibigan niya. Well, noon sa akin lang niya iyon ginagawa pero siguro dahil nakita rin niya 'yung sarili niya noon kay Eclair gayun din sa akin, hindi niya hinahayaan na walang tumayo para sa amin. Geez, talk about being selfless though.

Pero siyempre kung kailangan niya ng magtatanggol sa kanya, nandito ako 'no!

Niyakap ko siya bigla na hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak niya. "Thank you," Pagpapasalamat ko. "...dahil nandiyan ka. Hindi lang sa akin pero kay Eclair." Dugtong ko na hindi niya kaagad sinagot. Naramdaman ko lang ang pag-iwas niya ng tingin.

"Stop it, you're embarrassing me."

Natawa ako na humiwalay sa kanya. "You're not honest talaga, maghilamos ka na nga. Para malagyan din ng yelo 'yang kamay mo."

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon