Page 55

372 15 0
                                    

Page 55

Kyle's P.O.V

"I already got the needed documents. I'll be heading home after I send it to my father. Thank you for the heads up." Pakikipag-usap ko sa kabilang linya bago ko ibaba ang call. Iniikot ko ang swindle chair paharap sa window wall para tingnan ang mga nagkikislapang liwanag mula sa mga malalaking gusali sa labas. "Mapapaaga 'yung uwi ko, ah?" Bulong ko sa sarili ko.

Paismid akong ngumiti bago ko isuksok sa tainga ko ang earphone. "See you soon," Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagpamulsa palapit sa window wall para makita ko pa ang view. "Eclair."

Eclair's P.O.V

Nakasalong baba lang akong nakatingin sa malayo habang nagpe-prepare ng mga pagkain sa lamesa para kay Papa. Hindi ko inaasahan na okay lang pala talaga sa kanila nandito siya. Ako lang siguro 'yung nag-iisip na hindi.

Nandito lang din ako sa dining table, kaharap si Papa. Da't nga aalis na ako, eh! May pasok pa kaya ako. Kaya bakit nandito pa 'ko?
Pero sabagay wala naman kaming klase sa umaga kaya okay lang-- pero hindi!

Pasimple kong tiningnan si Ate Ella na nasa tabi ko lang din. Gusto kong iparating sa kanya na kailangan kong umalis pero hindi niya ako tinitingnan at seryoso lang na nakatingin kay Papa. Nakakatakot!

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagkita pala kayo kahapon?" Tanong ni Ate Ericka.

"Oo nga," Pagsang-ayon ni Kuya Erick.
"Edi sana pinuntahan din namin kahapon." Si Ate Elsie.

Napatingin naman ako sa kanila dahil hindi ako makapaniwala na parang mali ko pa na hindi sinabi sa kanila. "Bakit parang kasalanan ko pa?! Malay ko ba na okay lang sa inyo!" Bulyaw ko.

Natawa nang kaunti si Papa. "Huwag n'yong pagalitan si Eclair. Dapat nga ako pa humingi ng pasensiya sa in--" Pinutol ni Ate Ericka 'yung sinasabi niya nang bigyan siya ng matamis na ngiti nito pagkalapag pa lang niya sa kape ni Papa.

Malalaman mong may iba pang kahulugan ang mga nakalinya sa labi ni ate Ericka.

"Don't get the wrong idea, old man. Pupuntahan ka namin kung nasaan ka para bigyan ka nang kaunting," Pinatunog ni Ate Ericka ang mga daliri niya na siyang dahilan para tumaas ang mga balikat ni Papa dahil sa pagiging kabado. "Kurot." Mas ngumiti pa si Ate Ericka. "Hindi dahil sa gusto ka naming makita." Dugtong niya.

Ipinatong na rin ni Ate Elsie ang plato ni Papa. "I'm not really happy that you're here rin, kung nandiyan ka lang pala bakit hindi mo kami pinuntahan para makita kami? Hinintay mo pang makita ka ni Eclair bago ka pumunta rito." Parang pasuway na pagkakasabi ni Ate Elsie sa kanya.

Samantalang hindi lang nagsasalita si Kuya Erick.

Inalis ko 'yung pagkakasalong baba ko. Akala ko ako pa may kasalanan na hindi ko kaagad sinabi sa kanila, eh.

Tahimik lang na nag sip si Ate Ella sa tabi ko. Bakit hindi muna siya magpahinga?

Humagikhik si Papa. "Ang lalaki n'yo na nga. Mana kayo sa Mama n'yo, gusto ko 'yan." Ngiti niya at tiningnan kami isa-isa. "Alam n'yo kung ano 'yung ipinaglalaban n'yo at totoo kayo sa kung ano ang iniisip ninyo."

Humawak si Kuya Erick at humawak sa likurang ulo niya. "Sabi mo, Pa. Kaya nga in love sa akin girlfriend ko, eh."

Nagkanya kanya naman kami ng reaksiyon nila Ate Ella samantalang tumawa lang din ulit si Papa. "May girlfriend ka na? Ipakilala mo sa akin!"

"Ayoko nga." Nakangiti pa nang sabihin iyan ni Kuya Erick kaya napatungo bigla si Papa.
Pero tumingala rin para tingnan kami isa-isa. "Naiintindihan ko kung bakit hindi parang ama ang tingin n'yo sa aki--"

"Pa, nanggi-guilt trip ka ba?" Taas-kamay na tanong ni Ate Elsie.

"Elsie." Pasuway na tawag ni Ate Ella kay Ate Elsie.
"Sorry." Hinging paumanhin ni Ate Elsie. Well, sabagay medyo bastos naman sa amin umakto ng ganoon. After all, he's still our father.

Bumuntong-hininga si Papa pero muli lang ding tumawa. "Iyong rason kaya hindi ko kayo mapuntahan kaagad kahit alam ko kung nasaan din kayo at malapit lang kayo sa akin ay wala akong lakas ng loob na gawin iyon." Panimula niya sa kwento. "Malaki 'yung naging kasalanan ko sa Mama n'yo tipong kahit sa mga anak ko, hiyang hiya ako."

Riko's P.O.V

"Malaki 'yung naging kasalanan ko sa Mama n'yo tipong kahit sa mga anak ko, hiyang hiya ako." Kwento ko bago ko maalala 'yung simula kung paano ko siya nakilala hanggang sa huling sandali ng pagsasama namin.

***

MAHIGIT ILANG taon noong nakilala ko si Emma-- ina ng mga anak ko sa trabaho niya sa siyudad ng Tashi.

Isa akong janitor sa gusali at department nila. Tagalinis ng sahig, bintana o kung ano pa man 'yung pwede mong ma-imagine bilang isang janitor. Pero masaya ako sa trabaho ko, wala akong kaaway at kasundo ko lahat ng mga tao sa kumpanyang iyon. Napapadali rin ang trabaho ko dahil nagagawa ng mga empleyado ro'n kung ano ang dapat. Hindi sila makalat. Kapag may kalat na nagaganap, hihingi ng pasensiya sa akin dahil kinakailangan ko pang maglinis kahit iyon naman talaga ang trabaho ko.

Tama, kaibigan ko halos lahat ng mga tao sa lugar na iyon.

Maliban na lang sa iisang babae na gustong-gusto kong makilala pero hindi ko magawang malapitan. Hindi siya ngumingiti at palagi lamang na sa iisang sulok kung nasaan ang table niya. Kapag kakain, wala siyang kasama. Kapag uuwi, walang kasama.

Sa madaling salita, wala siyang kaibigan. May sarili siyang mundo.

Pero maganda siya, iyon nga lang. Sa unang impresiyon ko sa kanya mataray.
Binati ko siya noong nakakasalubong ko siya sa hallway at elevator pero hindi niya ako binabati pabalik. Nakakahiya tuloy siya batiin ulit kapag nagkasalubong kami.
Iniisip ko pa nga dati kung sadyang mababa lang ba talaga ang tingin niya sa akin dahil nga janitor ako kaya never niya akong kinakausap pero kung iisipin ko rin naman.

Hindi rin naman siya nakikipag-usap sa kahit na sino kaya baka ganoon lang kako siya at hindi lang sa akin.

"Gusto mo 'yon? Eh, ang taray no'n, eh. Tsaka huwag ka nang umasa na papansinin ka niya, mga kasamahan niya nga sa department na 'yon, hindi niya kinakausap, ikaw pa kaya?" sabi ng best friend ko. Under siya ni Emma sa department.

"Gusto mo rin siya 'no?" Pang-aasar ko.

"Oo, pero dati iyon. May iba na akong nililigawan ngayon, eh. Sexy pa." Pagkindat niya sa akin. "Kung gusto mo, ireto na lang kita sa mga kakilala ko. Iyon mas friendly pa. Easy to get din."

"Tss. Hindi na. Si Emma lang talaga 'yung tumutuon sa atensiyon ko. Tsaka gusto ko rin sa babae 'yung hard to get, sila 'yung malalaman mong hindi padalos-dalos sa desisyon nila. Sigurista pa." Tugon ko kaya humalakhak ang kabigan ko na iyon.

"Bahala ka, pero kung na-basted ka niya. Palaging bukas ang pinto ko," Sabay akbay sa akin. "Shot puno!"

***

SA HAGDAN, paakyat ako dala-dala ang isang timba at map noong mapahinto ako dahil tila parang may hangin na dumaan sa akin. Laking gulat na si Emma pala iyon na nagmamadaling umakyat papunta sa kung saan dahilan para ako itong napahawak sa railings at sinilipat patingala si Emma.
Nagtataka kung bakit hagdan ang ginamit niya kung pwede namang elevator na lang.

Ta's noong naglilinis ako sa pangpitong gusali, naririnig ko ang isa sa mga empleyado na pinag-uusapan si Emma. Nagkaroon daw ng problema sa big project na gagamitin sana bilang produkto sa ibang bansa kaya ngayon ay pinagalitan siya. At nalaman ko pa nga na ibibigay pa sa kabilang grupo ang sarili niyang gawa pagkatapos ayusin, kaya naisip ko,

...hindi ba iyon unfair sa kanya kasi imbes na sa kanya ma-credits. Sa kabilang grupo mapupunta 'yung recognition?

Kaya ang ginawa ko, noong naabutan ko siyang mag-isa during lunch. Inabutan ko siya ng drinks.
Nagulat pa nga siya dahil biglaan siyang tumingala para makita ako. "Ahm, mukha ka kasing malungkot kaya ito. Pampakalma."

Ibinaba niya ang tingin sa inaabot ko bago ibalik sa akin. Inaasahan ko nga na hindi niya tatanggapin iyong inaabot ko sa kanya gayun din ang hindi pakikipag-usap sa akin pero noong ibuka na niya ang bibig niya ay laking tuwa na lang ng puso ko dahil maririnig ko ang boses niya.

Sayang naman kasi 'yung laway niya kung hindi siya magsasalita. Mapapanis lang.

"Hindi ko alam kung paano mo nalaman na paborito ko 'tong French Vanilla ng Mescafe pero hindi 'to magpapakalma sa akin. Mas lalo lang akong kakabahan sa mangyayari."

Nataranta ako dahil doon pero naisip ko na hindi naman mataas ang caffeine kaya ipinaliwanag ko naman na huwag siyang mag-alala kasi may ganyan ganito lang naman ang kape.
"Tsaka alam mo ba? Nabasa ko rin kaya na nakaka relieve raw talaga ng stress ang flavor na 'yan. Ganoon din ang mga digestive issues. Kahit I-search mo pa sa internet--" Na-realize ko naman na ang daldal ko kaya itinikum ko na ang bunganga ko pero humalakhak din.
Nagsisimula na akong mataranta rin no'n kaya napahawak na ako sa batok ko. "P-Pasensiya ka na, ang weird lang sa akin na nakikipag-usap sa'yo. Eh, janitor lang naman ako ta's ikaw na sa mataas na posisyon k--"

"Riko pangalan mo, 'di ba?" Tanong niya na nagpakinang sa mata ko. Naalala niya pangalan ko!
Nakababa lang ang tingin niya nang tumingala siya sa akin. Hindi siya nakangiti o nakasimangot. Neutral na ekspresiyon lang pero hindi ko pa rin mawari kung ano 'yung iniisip niya sa panahon na iyon. "Huwag mong ibababa ang sarili mo dahil sa janitor ka. Marangal na trabaho 'yan. Kung tutuusin nga, mangha ako sa'yo dahil ang dami mong nalalaman naa hindi ko alam. Ta's pogi ka pa."

Tumalikod ako dahil sa biglaan niyang pag-atake sa pagpuri sa akin. Humawak ako sa bibig ko at nagpipigil na sumigaw. Sinabihan niya akong POGI!
Este marami naman ng nagsasabi sa akin kaya minsan hindi sila naniniwala na janitor ako ganyan pero kay Emma lang ako kinilig ng ganito!

Iba talaga ang impact kapag pinuri ka ng taong hindi pumuri. Iba sa feeling.

Humarap ako sa kanya. "Pero okay ka naman ba? Kung ano, nandito lang naman ako para makinig sa hinnanakit m--"

"Don't get the wrong idea. I didn't talk to you to vent out, I just appreciate your effort for giving me this coffee." Pumikit siya sandali. "Sabi nga nila, huwag daw tatanggihan ang grasya."

"Pero grasya rin naman iyong mga taong gusto kang kausapin kasi magiging kaibigan mo sila?" Patanong kong sabi.

Inalis niya ang straw sa pagkakadikit doon sa coffee in a box niya. "They're different, hindi sila pagkain para tanggapin ko." Sabay tusok ng straw sa butas matapos alisin ang plastic niyon.

Mataray nga talaga siya.
Pero okay naman pala siyang kausapin, madali siyang makausap kung pipilitin mo lang.

Ngumiti ako at tumabi sa tabi niya, pero nagpaalam na muna ako siyempre. "Makikiupo muna ako sa tabi mo, Ma'am Emma, ha?"

"Okay lang naman pero maraming tables bakit dito ka?" Inosente iyong pagkakatanong niya pero iyong paggamit niya ng salita...

"Pfft!" Humalakhak ako sa tuwa. "Pasensiya ka na, pero medyo nalalaman ko na kung bakit." Panimula ko habang hinihintay lang ni Emma 'yung susunod kong sasabihin. Ngunit marka sa mukha niya ang pagtataka. "Kaya siguro walang lumalapit sa 'yo dahil iba 'yung pagkakaintindi ng ibang tao sa sinasabi mo."

Tumagilid ang ulo niya at kunot-noo akong tiningnan. "They lack of understanding. "

Ergh. Ayokong sabihin sa kanya na may pagka SocioPath siya.
Nabasa ko lang din 'yan sa isang libro, hilig ko kasi iyon para kahit papaano hindi naman ako ignorante sa mga bagay bagay.

Humarap pa ako lalo sa kanya at itinaas ang hintuturo ko. "Katulad niyan. May nasasabi ka na magpaparamdam sa tao like you're insulting them."

"Hindi fluent 'yung pagkakasabi mo pero maganda na rin na pina-practice mo 'yung english mo. Good iyan. Pero ulitin mo nga sinasabi mo?"
Hoy!

Tumikhim ako. "Parang ganito nga..."

At hindi na lang din namin napansin na nagiging malapit kami sa isa't isa habang nag-uusap kami.
Nakakapa ko na rin si Emma habang tumatagal, siya iyong babae na gagawin ang gusto niya at walang pakielam sa kung ano ang iisipin ng ibang tao sa kanya. Katulad na lang kapag babatiin ko siya, hindi niya ako papansinin kasi wala siyang energy bumati. Hindi niya iniisip na baka mamaya magtampo ako ganyan.

Pero magso-sorry naman siya sa'yo kapag nakapag recharge na siya. Ang weird pero ang cute lang talaga niya.

Tsaka kumpara noon, napapadalas na rin ang pag ngiti niya sa trabaho na pati ibang mga ka-trabaho niya ay ina-approach na siya. Siyempre nung una, medyo nagseselos ako pero masaya ako dahil nagagawa na niyang makipag interact sa ibang tao. Dahil nagiging lively na at talagang magkakasundo ang lahat.

Kaya nag desisyon ako na huwag na muna siyang lalapitan, kasi kung ginusto naman niya. Gagawin niya. Pero umabot ng isang buwan, hindi na niya ako kinausap. Hindi ko na rin naman pinilit ang sarili ko na kausapin siya kasi nakakahiya na rin naman. Tsaka alam ko naman sa sarili ko na hindi niya ako magugustuhan.

Pero gagawin ko ang lahat para maging better para sa kanya. Kaya nga nag-aaral din ako para kapag nakapag-ipon, tatapusin ko na 'yung kolehiyo na hindi natapos. Maghahanap nang maayos na trabaho at mag-iipon ulit para may lakas na loob akong umamin sa kanya.

Kaso iyon, nagulat ako isang gabi. Pauwi na ako no'n, nakita ko siya sa labas ng gusali namin. Hinihintay ako.

"Ma'am Emma." Tawag ko sa pangalan niya tsaka siya lumingon sa akin.

Walang gana siyang nakatingin sa akin at humalukipkip. "It's been awhile." Itinaas pa niya 'yung kamay niya bilang pagbati.

*****

(To be continued...)  

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon