Page 17

31.5K 1.1K 112
                                    

Page 17

Eclair's P.O.V

Gabi na kami nakauwi ng bahay dahil sa sobrang traffic ng daan sa edsa. Umuulan kasi dahil sa nagkaroon ng biglaang pagbagyo.
Ang wrong timing nga, eh. Kasi wala kaming dalang payong kaya pagkalabas na pagkalabas namin sa sasakyan ay kailangan pa naming tumakbo para makarating lang sa bahay.

Huminto na kami nang may masilungan kami, para kaming mga basang sisiw dahil sa sobrang basa. Pinagpagan ko ang damit ko at sumuklay sa buhok gamit ang sariling mga daliri.

Nakakainis! Bakit ba sobrang sagabal ng ulan? Ay shems, tinatawag na yata ako ngayon ng kalikasan.

Humarap ako kung nasaan 'yong apat. Pumunta na si Kyle roon sa kotse na ginamit namin nina kuya Erick.
Kumaway ako sa kanila senyales na nagpapaalam na ako sa kanila 'tapos pumasok na sa loob pagkatapos ng mabilisang pagbukas niyon, naabutan ko si ate Ella na nanonood ng TV. Nakatitig lang ako sa kanya ng dumiretsyo na lang ako sa paglalakad.

"Wala man lang I'm ho--"

"I'm home!" Mabilis ko namang pagbati nang madaanan ko s'ya. Dali-dali akong pumunta sa banyo para makapag bawas-bawas.

Umupo kaagad ako sa inodoro.
Whoo! Heaven! Ang gaan na sa tiyan.

Tinapos ko lang ang pagbawas bawas ko at naghugas na ako o kung ano pa man ang dapat gawin pagkatapos. Pero kinuha ko ang cellphone sa bulsa at binuksan ang application na Pokemon Go.
Matagal ko na 'tong na-download pero ngayon ko lang ulit s'ya malalaro, Evee pa nga lang nakukuha ko rito, eh. Tinutok ko ang phone ko sa paligid hanggang sa makakita ako ng Corpish.

Napataas ang kilay ko, "Paano nagkaroon ng alimango sa banyo?"

"ECLAIR!! LUMABAS KA NGA!" Muntik ko pang mabitawan 'yong cellphone ko dahil sa sobrang gulat ko sa sigaw ni ate Ella. Naku! Kapag ito nasira! Lagot talaga 'tong si Ate Ella sa akin! Mahal pagkakabili ko rito 'no! Ako may bili ng phone ko, sariling ipon at diskarte! Pero kay ate Ella nanggaling 'yong pera. Pero kahit na!

Binuksan ko ang pinto at lumabas. Inis kong tiningnan si ate Ella na nakahalukipkip ngayon habang taas-taas ang kilay. "Bakit nakataas 'yung kilay mo?" Taka kong sabi sa kanya.

Pumikit s'ya na parang nagpipigil lamang na sumabog. Napipikon siya at hindi ko alam kung bakit. Kauuwi ko lang, eh. "Eclair... What is the meaning of these?!" Ipinakita niya sa akin ang dalawang bagsak kong testpaper, nakuha lang namin 'yang result na 'yan last time.

Muntik pa nga akong maiyak dahil nakakuha ako ng mababang score, scholar ako. Kung 'di ko pag-iigihan baka matanggal ako.

Humawak ako sa batok. "Oh? That?" Turo ko sa dalawa kong test paper habang nag-aalinlangang ngumiti.

"Eclair!" may awtoridad nitong tawag sa akin kaya tumayo ako nang maayos. Kauuwi ko lang pero nasermonan na kaagad ako.

"Sorry na, ate! Napabayaan ko siya, pero hayaan mo! Kukuha ako ng extra--" hindi niya ako pinatapos dahil sunod-sunod na 'yung pagbulyaw at pangaral niya, na parang isang nanay kung pagalitan ang anak.
Sa totoo lang, hindi talaga iyan 'yung totoong rason kung bakit ako bumagsak. Ang totoo niyan, bumagsak ako dahil iba 'yong nai-review ko sa pina-exam sa amin, sinungaling kasi 'tong professor namin. Sabi iyon daw ang lalabas sa exam, hindi naman!

Ta's lahat nung mga na sa test paper, wala sa ni-lecture niya. Ang madalas na questions and problems na nandoon ay 'yung mga nai-report ng kabilang grupo na walang ibang ginawa kundi ang magbasa lang at wala man lang ibinigay na kahit na anong paliwanag ukol sa na-tackle nila. Sinadya yata talaga ng professor 'yung exam na iyon dahil alam niyang hindi namin nabigyan ng atensiyon ang report.

Tsk.

At sa kadahilanan na iyon, hindi ko pwede sabihin kay Ate Ella dahil pwede niyang isipin na nagdadahilan na lang ako kahit hindi talaga.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon