Page 51

20K 747 478
                                    

Page 51

Eclair's P.O.V

Nalala ko, dinala ako ni Arvin dito sa ospital dahil nga sa hindi pa ayos 'yung sasakyan ni Richard at mataas na 'yong lagnat ko.

Idinilat ko ang mata ko, nandoon pa rin 'yung bigat sa aking katawan gayun din ang pag-ikot ng aking paningin. Akala ko pagkagising ko, magiging okay ako. Hindi pa rin pala.


Narinig ko kina Ate Ericka habang nag-uusap sila nung Doctor na ang sanhi ng ang aking sakit ay ang U.T.I.
Sakit ko na 'to noon pero bumalik lang ulit dahil sa hindi ko madalas na pag-inum ng tubig.

Ugh. Masarap ang softdrinks pero naging careless ako.
Alam ko na ngang hirap na sila Ate Ella sa trabaho pero heto ako't dumagdag sa gastos.

Pumikit ako nang mariin, humihiling na mawala nang kaunti ang pagkahilo pero noong imulat ko pa ulit. Nandoon pa rin, nakaramdam na ako ng pagsusuka.
Na sa ospital na ako niyan, ah?

"Gising ka na pala evil sistah!" Umalingawngaw sa kwarto ang malakas na boses ng magaling kong kapatid. Sino pa ba, 'di ba?
Hinawakan ng kapatid kong si Ate Elsie ang magkabilaan kong pisngi para itapat sa kanya. Punyeta ka! Huwag mo 'ko hawakan!

"Kanina ka pa tulooooooog! Kain naaaaaaaa!"

Put*ng ina...
Kuya, nasaan ka na ba? Bakit hinayaan mong iwan 'tong babaeng 'to rito?

Tinalikuran ko siya kaya binitawan niya ako. Napahawak na rin ako sa ulo ko dahil mas lumalala ang pagkahilo ko habang tumatagal.

Malakas siyang humalakhak. "Alam mo na ngang madali kang magka U.T.I pero hindi ka pa rin mahilig uminum ng tubig. Hay nako! Buti na lang talaga in-sponsor-an ng kaibigan mo 'yung bills mo rito!"

Sponsor? Sino... tinutukoy niya?

Gusto kong tanungn si Ate Elsie pero kapag susubukan kong lumingon sa kanya, mas nararamdaman ko iyong pagsusuka. Umiikot pa rin ang paningin ko kahit nakahiga na ako. Pati iyong kurtina na tingin ko naman ay malapit sa akin pero pakiramdam ko ang layo layo, ta's ang liit pa sa paningin ko.

Kumunot ang noo kong napapikit pa lalo nang mariin. "Nasusu..."

Biglang humalakhak si Ate Elsie kaya parang nabingi ang tainga ko. Mas lalo ring hindi gumanda ang pakiramdam ko. "Ghaad! Anong palabas 'to! Ang funny, ah!"

Humawak ako sa bibig ko't dahan-dahang tiningnan si Ate Elsie. "Ate..." nanghihina kong tawag sa kanya.

Itinapat lang n'ya ang kamay niya sa mukha ko. "Teka! Huwag kang isturbo, Eclair! Nanonood ako." Ayaw nitong magpaisturbo na sabi nang makalingon ako sa kanya.

At dahil walang kwenta ang nagbabantay sa akin ngayon. Wala na 'kong nagawa kundi ang iangat ang aking balikat habang iyong kanan ko namang siko ang sumu-suporta. Kinuha ko ang unang bagay na nahawakan ko sa side table, wala na akong pakielam kung ano ang laman nung nahawakan ko basta ro'n ko na lamang isinuka ang dapat isuka.

Nakapikit din ako habang ginagawa ang aking pagsuka dahil mas dumidilim ang paningin ko kapag nanatili lang akong nakadilat.

Tumili nanaman bigla si ate Elsie kaya mas napasuka ako sa bagay na hawak ko, "Oh my gosh Eclair! My gorgeous bag!" Natataranta nitong reaksiyon ayon sa aknig naririnig.

Pero hindi naman niya kinuha 'agad iyong sinasabi niyang bag. Kinuha lang niya no'ng natapos akong magsuka. Binagsak ko lang sa sahig kasi pabagsak ko ring inihiga ang nanghihina kong katawan sa kama.

Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang likuran ng aking palad at tsaka humiga ulit. Kuya... Ate Ella... Ate Ericka... Nasaan na ba kayo?

"Wahh... Iyong notebook kong maganda..." mangiyak ngiyak pang sabi ni Ate Elsie kasabay ang pagkarinig ko sa pagbukas ng pinto. At base sa boses na aking narinig, alam kong si ate Ella na iyon.

"Oh? Bakit ganyan itsura mo, Elsie?" Takang tanong ni ate Ericka nang makapasok, mukhang mayroon din siyang dala-dalang pasalubong dahil sa tunog nung supot.
Idinilat ko ang mata ko at dahan-dahang tiningnan si Ate Ericka. Kasama pala niya si Ate Ella. Maaga yata 'yung uwi niya ngayon. "Ate..." Tawag ko sa kanila bago ako nilapitan ni Ate Ella para I-check ako.

Ipinatong niya ang likurang palad sa noo ko. "Tsst. Tsst. Mataas pa rin lagnat mo." Lumingon siya kay Ate Elsie. "Gusto mo na bang kumain? Para makainum ka na ng gamot." Tanong niya sa akin na inilingan ko. Wala rin akong ganang kumain.

Hinawakan ni Ate Ericka ang pisngi ko. "Wawa naman kapatid ko. Kinawawa ka nanaman ba ni Elsie?"

Tumango ako bilang sagot bago ako bulyawan nitong magaling kong kapatid. "Hindi naman kita inaano, ah!" Bulyaw ni Ate Elsie sa akin tsaka paharap na nagpameywang sa kanya si Ate Ella.

"Alam mo na ngang may sakit, eh." Saway ni Ate Ella.

Inangat ni Ate Elsie ang bag niyang sinukaan ko at itinuro pagkatapos. "Sinukaan niya bag ko!"

"Now, now... Huwag mo rin masyadong laksan boses mo, Elsie. Masama pa pakiramdam ng kapatid mo." si Ate Ericka.
Hindi ko na nga lang sila pinakielaman at pumikit na nga lang, gusto ko munang matulog ulit dahil pati ang mata ko ay umiinit lalo.

Pero sino nanaman kaya sa mga kaibigan ko nagbayad nung hospital bill ko?
Kailangan kong bumawi, kung pwedeng mag part time na muna, mabayaran ko lang paunti unti 'yung ibinayad ng isa sa kanila. Gagawin ko.

Sa ngayon, priority ko na munang magpahinga. Ayoko ring magtagal dito sa ospital.

Arvin's P.O.V

Tinulak ako ng bugwit na bata na tumalon pa paupo sa sofa. "Let's play, Barbie!" At itinaas pa niya ang dalawa niyang kamay. Hawak ng kaliwa ang Barbie doll samantalang suklay naman doon sa kanan.

Halos bumasak naman ang balikat ko at tsaka inalis ang pagkakasandal ng likod ko sa sandalan na 'yon, "Hindi ka ba napapagod maglaro ng Barbie mo? Anong maganda diyan maliban sa paghubad hubad mo ng damit niya, ha?"

"How about your childhood days? Why do you keep on playing guns and act like you're some kind of a soldier if you looked so stupid?" umurong ako't napatakip sa bibig.

"S-stupid?!" hindi makapaniwalang reaksiyon ko sa sinabi ko sa kapatid kong si Arcee.

Inirapan niya ako't nagpameywang. "Are you going to play with me or not?" pamimili niya sa akin. Umiwas ako ng tingin at halos sabunutan ang sarili ko dahil sa inis ko sa kapatid kong 'to. "Play with me, Mr. Slave man!"

"Hoy! Sumu-sobra ka na, ah!" Inis pero may kontrol sa tono ng aking boses. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay, at nag crossed arms pa!

"Play with me, or else..." and there she goes again. Her signature look!
Isusumbong niya ako kay Mommy!

Huminga ako nang malalim. "You know, kid..." sabi ko at isa rin sa humalukipkip, "You should know how to respect your precious big brother"

Mas tinaasan niya ako ng kilay. "Precious? You're not even a barbie!"

Pilit akong ngumiti. "So, kailangan ko munang maging Barbie para maging precious ako sa'yo?"

She nodded, "Yup, that's right stupid brother!" she said and form a smile on her lips. Oh please, Lord! Bigyan mo 'ko nang napakalaking pasensiya!

Napahawak ako sa noo ko't napapikit sandali. Bumuntong-hininga tsaka napailing.

"Arvin" Nilingon ko ang tumawag sa akin.

Tumalon pababa si Arcee mula rito sa pahabang sofa para lapitan ang Step Dad ko.

"Wahhh! Dad!" Pagkarating ni Arcee sa harapan ni Dad ay tumalon ito na sinalo naman kaagad tsaka sandaling niyakap ni Dad.

"How's your day?" Pangangamusta ni Dad sa anak niya.

Matamis na ngumiti si Arcee. "Great, Daddy!" At tsaka lumingon sa akin para bigyan ako ng makabuluhang ngiti. Medyo nakaramdam ako nang kaunting pagpa-panic kaya pinagpapawisan ako ng malamig. "Big Bro came early to play with me."

Tumingala si Dad para ngitian ako kaya umayos ako nang upo. "Thank you for playing with her."

Iwinagayway ko ang dalawa kong kamay sa tapat ng aking dibdib. "Dad, para namang others. Kapatid ko siya, siyempre. Walang problema."

Humagikhik lamang siya bago muling ibinaba ang tingin kay Arcee. "I'll talk to your brother for awhile, can you go to your room muna?"

Umayos nang tayo si Arcee at umaktong parang sundal na nagbigay ng salute.
"Yes, Dad!" At tumakbo na siya pabalik sa kwarto niya. Pero bago pa man siya makaakyat ay binelatan muna niya ako.

Pasalamat ka, cute ka.

Inilipat muli ni Dad ang tingins aakin. "Come with me" Nauna siyang naglakad. Kibit-balikat na lang akong sumunod sa kanya papuntang office niya. Nang makapasok at makaupo kaming pareho, inayos niya ang papel sa table at ipinatong sa kung anong documents sa gilid.

"I have something important to tell you." Seryosong aniya kaya natawa naman ako dahil hindi naman siya madalas ganito kaseryoso-- seryoso si Dad pero hindi ganito kasobra na tipong kakabahan ka.

"Bakit ang seryoso natin, Dad? Bad news ba 'yan?" Curious kong tanong.

Sandali siyang tumitig sa akin bago siya tumungo nang kaunti. Animo'y naghahanap ng magandang salitang ilalabas. "Hindi ba... kaibigan mo si Eclair?" Tanong niya na nagpakaba sa akin.

Doon pa lang, tama nga 'yong pakiramdam ko. Darating pa rin talaga 'yung panahon na pag-uusapan namin ang bagay na ayaw na ayaw kong pag-usapan.

***** 

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon