Page 58

309 17 1
                                    


Page 58

Eclair's P.O.V

Mabilis niyang sinunggaban si Vince at sinapak ito. Pabagsak na napaupo si Vince sa simento na kaagad ding pinatungan ni Richard para pagsunod sunurin ang bawat pagsuntok.

"Richard!" Malakas kong tawag sa kanya at balak sana siyang alisin kay Vince nang tumalsik din ito dahil sa pagsipa sa kanya ni Vince sa sikmura. Nagulat pa 'ko ng ilang segundo bago ko naman lapitan si Vince. "Vince, huw--" Nang makahawak ako sa braso niya para pigilan siya ay tiningnan niya ako at nginitian.

"Don't worry, I'm chill." He says, assuring me that he won't do anything.
Ibinalik niya ang tingin kay Richard na hawak-hawak ang sikmura niyang tumatayo.

"Bastard." Unang lumabas sa bibig ni Richard bago siya tuluyang makatayo. "Ano'ng ginagawa mo, huh?!" Singhal niya.

Wala akong imik na nakatingin kay Richard pero pumaabante si Vince upang harapin ang kaibigan namin. "I didn't expect you to be here. I thought you went to your cous--"

"Huwag mong ibahin 'yung usapan, Vincent!" Umalingawgaw pa ang boses niya sa sobrang lalim at lakas kahit na sa open area kami. "Bakit mo ginawa 'yon kay Eclair?! Nasisiraan ka na ba ng bait, ha?"

"Ri--" Naputol ang pagbabalak kong pagtawag kay Richard nang dahil sa sinabi ni Vince.

"Matagal na," Tugon ni Vince. "I also don't have any excuse to my actions, ayoko na rin namang ilihim 'yon most especially to Eclair." Nakita ko ang paniningkit ng mata ni Vince. "Hindi ko na kayang tiisin." Pag-iling niya habang napatulala lang ako.

Napaabante si Richard. "But--"

"If Kyle had the chance to do it, bakit hindi ko rin gawin? This time, I want to try, ayokong dumating sa punto na magsisisi ako balang araw kasi wala akong ginawa. Dahil hindi ko sinubukan."

Namilog ang mata ko samantalang mas dikit-kilay lang siyang tiningnan ni Richard. "Wala na akong sasabihin. And I think we're already clear, so go. Pinaghihintay mo lang si Crystal." Aniya pero hindi gumalaw si Richard. Naglalaban lang sila ng titig.

"Or are you worried that I might do something to her?" Tukoy ni Vince sa akin.

Umiwas lang ng tingin si Richard bago siya tumalikod. "Do whatever you want." Huling sinabi niya bago siya nagpatuloy sa kanyang pag-alis. Hinintay at nanatili lang ang tingin namin sa kanya hanggang sa siya'y maglaho.

Humarap naman sa akin si Vince at akmang magsasalita nang mabilis kong itapat sa kanya ang mga palad ko. Senyales na huwag na muna siyang magsalita.
Ginawa naman niya kaya dahan-dahan ko ng ibinaba ang aking kamay.

Nagbuga na muna ako ng hininga. "Hindi ko talaga alam 'yung sasabihin ko, masyado kasing... hindi makatotohanan. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala."

"Makapaniwalang ano?" Tanong ni Vince.

Tinaliman ko naman siya ng tingin bago ko siya kinotongan. "Kailangan ko pa rin bang sabihin 'yung bagay na obvious naman na?"

Humawak siya sa likurang ulo niya na sinapok ko. "Tinatanong ko kasi wala akong ideya."

"Hay nako." Kinuha ko na ang bag ko at isinabit na sa balikat ko. "Aalis na ako, nagsisimula ng sumakit 'yong ulo ko." Pero ang totoo, nahihiya na talaga akong humarap kay Vince.

Sa paglalakad ko ay tinawag ako ni Vince kaya ako naman itong huminto para lingunin siya. Nanatili lang siya sa pwesto niya nang matamis niya akong ngitian. "From the very start, my heart already belongs to you." Mas umayos siya ng harap sa akin. "And I want to be open with my feelings, can if I have your permission?" He asked.

Tumaas ang dugo sa mukha ko bago ko siya ulit tinalikuran. "P*tang ina mo! Bakit sa akin mo tinatanong 'yan! Diyan ka na!"

"Eclair! I'll take that as a yes!" Hindi ko siya nakikita pero nai-imagine ko na 'yung mukha niya na malapad kung makangiti. Napakagat ako sa hinlalaki kong daliri.

F*ck me, ano ba'ng nangyayari?

Nakalayo na ako sa lugar namin ni Vince kanina nang magpasya akong huminto sa kalagitnaan ng aking paglalakad. Nakababa ang tingin ko nang tumingala ako.
Me and my friends had our promised-- not to fall in love. Stay friends and be happy. However, this is something we cannot control although I don't want to be or feel responsible to whatever emotions they will have in the future.

Can we still remain friends if things won't work out?

Richard's P.O.V

"NOOO!" Malakas at patiling pagmamaktol ni Crystal habang hawak-hawak na siya ng dalawang nurses dito sa bahay. Pinaalam ko na sa dating nag-aalaga talaga sa kaya ang nangyari. And it's indeed out of control. "YOU SAID YOU WON'T LEAVE ME! SO WHAT'S THE MEANING OF THIS?!" Patuloy niya sa kanyang pagsigaw sigaw at pagpupumiglas.

Wala lamang akong sinagot at nakatungo lamang.
I honestly feel bad for doing this, pero hindi na nga normal 'yung ginawa niya after Kyle told me what happened. She almost killed Eclair, at hindi lang iyon. Tinuro pa niyang si Eclair pa ang gustong pumatay sa kanya.

She can't stay here any longer.

"LET ME GO!!" Nagwawala na siya't nagtatatalon na. Tipong nabubuhat na siya ng mga nurses. Sinasaktan na rin sila ni Crystal, kinakalmot at hinahampas kaya walang nagawa ang mga ito kundi injection-an ng pampatulog. Napakalma si Crystal pagkatapos siyang turukan, at paunti unting napapapikit habang napapaupo sa malamig na simento.

Ngunit bago pa man ito makatulog ay binigyan niya ako ng huling tingin. "Huwag... mo 'kong... iwan." Huling sabi niya bago siya makatulog.

Nanatili lang akong nakatayo sa aking pwesto samantalang tinabihan ako ni Kyle. "You choose the right decision."

"But is it for the better?" Tanong ko.

Humarap siya sa akin habang sinusundan ko ng tingin si Crystal na buhat buhat na palabas. She needs a great treatment rehabilitation in America.
I don't know for how many months, or years. It depends kung paano talaga siya gagaling without being dependent towards me or to anyone she sees as her comforter. But I have to make sure na bibisitahin ko si Crystal.

"Ikaw na nagsabi, if she stays. Something might happen to her," Tukoy niya kay Eclair. "Wala rin akong ideya kung tama ba talaga iyon para sa pinsan mo, pero pabor sa akin na dalhin siya sa America. Ayoko ring may mangyari kay Eclair nang dahil sa obsession na mayroon ang pinsan mo sa'yo." Tinapik niya ang braso ko at nagsimula nang maglakad. "I have to go, may aasikasuhin pa 'ko." Paalam niya ng hindi ako nililingunan sabay taas ng kamay.

Wala na akong sinabi at nanatili lamang sa aking kinatatayuan.
Subalit hinarap ko rin si Kyle na papalabas na rin sana sa pinto nang tawagin ko siya. "Pupunta ka ba kay Eclair?" Tanong ko kay Eclair na nagpahinto sa kanya.

Nilingon niya ako at sandaling tinitigan bago niya alisin 'yung nakasuksok na earphone ro'n sa kanan niyang tainga. "No," Sagot niya. "I got another errands to do, thought I am planning to visit her tomorrow." Sagot niya at humarap sa akin. "Gusto mo sumama o...?"

"Tinatanong ko lang." Tinalikuran ko na siya at naglakad na. "Ingat sa pag-uwi."
Bumalik ako sa kwarto ko nang makapagpahinga ako.

Pabagsak kong inihiga ang aking katawan sa malambot kong kama at pumikit. Ramdam ko ang bigat ng mata ko kaya hindi ko na idinilat pa at sinubukan ko na lamang matulog. Subalit kahit na ramdam ko ang pagod ay tila parang gising pa rin ang aking diwa.

Tapos na iyong iniisip ko kay Crystal pero dahil sa paghalik ni Vince kay Eclair kanina, hindi ko magawang makatulog.
Alam ni Vince na dumating ako pero pinili niyang halikan si Eclair.

Sinusubukan ba talaga niya ako?

"P*tang ina." Napamura na lang ako ng wala sa oras.

Yuuki's P.O.V

Nakanganga lang ako habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Arvin na nagmamakaawa sa Mommy niya na I-cancel ang engagement naming dalawa.
Narito ako sa mansiyon nila, sumama ako sa kanya dahil ang sabi niya ay mayroon daw siyang kailangan at importanteng gagawin kasama ako kaya pumayag pa akong um-absent sa class pero hindi ko inaasahan na ito pala ang gagawin niya.

"Itanong n'yo pa kay Yuuki!" Pagtuturo pa sa akin ni Arvin kaya mabilis akong napatingin sa kanya.

"B-Bakit ako?!" Hindi makapaniwalang tanong tsaka kami napa-stiff noong tingnan na kami nang masama ng Mommy niya. Wala 'yung Daddy niya, hindi rin alam ni Arvin kung nasaan.

Taas-noo kaming tiningnan ni Tita kaya mas kinabahan kami't nanlamig.
Sumasabay 'yung lamig ng aircon ng office ni Tita sa takot na nararamdaman namin.

Hay nako! Humanda ka talaga sa akin mamaya, Arvin!

Humawak sa sintido si Tita at bumuntong-hininga. Sandali siyang hindi umimik at mukhang iniisip pa 'yung mga sinasabi ni Arvin noong alisin na niya ang kamay niya at tingnan ulit kami pabalik. "Whatever you say, itutuloy natin 'yung napagplanuhan na kasal." Matigas na sabi niya na pati ang boses ay sobrang lamig. "Kung kinakailangan n'yong magsama sa iisang bahay para lang may ma-develop sa inyong dalawa at mas magkalapit, gagawin ko."

Pareho kaming natulala ni Arvin dahil doon.

Tumayo na si Tita mula sa kanyang pagkakaupo sa swindle chair. "I have to arrange this with your parents, Yuuki." Naglakad na siya paalis. "I have to go." Dagdag niya habang sinundan namin siya ng tingin ni Arvin. Balak pa sana siyang kausapin pero dahil na rin sa takot ay hindi na namin nagawa.

Nakalabas na si Tita sa office niya, at pagkasara pa lang nung pinto ay malakas kong sinapok sa ulo si Arvin. "Tingnan mo kung ano ang ginagawa mo!" Bulyaw ko sa kanya. "Mas pinalala mo!"

Hawak-hawak niya ang ulo niya nang mas tumungo siya. "Gusto ko talaga si Eclair, Yuuki."

Napatigil ako sa sinabi niya habang dahan-dahan niyang iniaangat ang ulo niya ng hindi tumitingin sa akin. "Wala akong chance na makuha si Eclair lalo na't engaged ako sa'yo. Lalong lalo na't anak siya ng step dad ko." Nasabi niya nga sa akin iyon. Iyon 'yung isa sa sikreto niya na hindi raw niya sinasabi sa iba na pati sila Richard ay walang ideya tungkol doon. "Pero kung wala akong gagawin, mas malabong makuha ko siya. Kaya ginagawa ko na 'yung kaya ko ngayon kahit na napaka imposible. I'm sorry."

Tinitigan ko lang siya sandali hanggang sa mapabuntong-hininga ako't mapatingala. "Naiintindhan ko pero hindi ka ba pwedeng mag-isip na muna nang maayos na plano bago ka sumugod?" Ibinalik ko ulit ang tingin kay Arvin. "Ni hindi mo man lang sinabi sa akin na ito ang dahilan ng pag-uwi mo. Tingnan mo? Mas pinalala mo."

Mas na-down naman siya kumpara kanina. Bumaba kasi ang balikat niya. "Sorry..." Paghingi niya pa ulit ng pasensiya. Hahh... Nakakabobo nga talaga kapag in love ka. Aarat ka na lang basta basta.

Muli akong nagbuga ng hininga. "Susubukan kong kumbinsihin si Dad."

"Ano gagawin mo? May plano ka ba?" Tanong niya sa akin.

Kumamot ako sa ulo ko. Daming tanong. "Ako na bahala ro'n." Iritableng sagot ko. Wala naman siyang matutulong do'n kahit na sabihin ko sa kanya. "Pero huwag kang umasa na papayag magulang ko, ah? After all, they only do whatever they want." Pagkibit-balikat ko.

Ngumiti siya nang pilit. "Pasensiya na."

Sinimangutan ko siya bago ko hawakan ang magkabilaan niyang pisngi at pisilin ito para subukan siyang pangitiin sa pamamagitan ng pag stretch ko niyon. "Puro ka sorry, mag thank you ka naman. Ang pangit pangit mo pa."

"Aray ko. Pishngi ko, Yuuki." Hindi niya sadyang mapahawak sa likurang palad ko kaya mabilis akong napabitaw. Hinimas himas naman niya ang pisngi niya na ini-stretch ko kanina para mapangiti siya. "Masakit..." Aniya at binigyan ako nang matamis na ngiti. "Pero salamat." Malapad na pag ngiti niya kaya pasimple akong ngumiti.

"Pero siguro kung ibang babae ka, hindi ka rin talaga papayag na hindi ako pakasalan." Tinuro niya ang sarili niya gamit ang hinlalaki niya. Mukha siyang proud sa sarili niya. "Hindi naman sa pagmamayabang pero marami talagang gustong--" Sinipa ko ang tuhod niya kaya napaluhod na siya sa sahig.

Kinuha ko na ang gamit ko. "I don't want to hear it." Sabi ko at tumingin sa hindi kalayuan. "Nagugutom ako bigla sa stress ko sa ginawa mo. Ilibre mo 'ko sa labas, dali." Nauna na akong naglakad.

Naramdaman ko naman ang pagtayo ni Arvin. "Sorry, treat ko na."

***** 




Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon