Page 25

28.2K 1K 295
                                    

Page 25

Arvin's P.O.V

Nagsimula na ang party kaya bumaba na kami mula sa stage para batiin ang mga bisitang dumalo. Habang nakakapit sa braso ko si Yuuki ay ramdam ko ang sobrang sakit mula sa pangungurot nito sa 'kin. Pinilit kong kontrolin 'yong mukhang magagawa ko pero habang tumatagal, humahapdi na ang pangungurot nito kaya pilit ko siyang nginitian. "Hoy, babae. Kapag natanggal 'yung balat ko sa pangkukurot mo, sinasabi ko talaga sa'yo. Magrerebelde ako, iiwan kita sa ere."

Inangat din niya ang tingin sa akin para pilit akong ngitian. "Pabor sa akin. Para hindi masabing kasalanan ko kung hindi matuloy 'yong arranged marriage natin." Bulong din niya sa akin tsaka napasinghap nang may sumalubong sa amin.

Napahinto kami sa paglalakad.
Dalaga ito na mukhang isa sa mga katrabaho ng magulang namin. Naka puti itong bestida, off shoulders at nakapusod ang buhok. May suot na pearl necklace, dala-dala ang expensive purse niya. Nginitian niya kami pareho. "Congratulations. We're confident that both of you will carry the success of your family. Especially you the son of Dela Cruz." Tukoy sa akin na nagpamilog sa mata ko.

Nararamdaman ko kaagad 'yong pressure kahit hindi pa nga nangyayari kaya biglang nanginig ang mga kamay ko.
"Tsaka bagay kayong dalawa, gwapo't maganda. Huwag muna kayong magbuo ng anak, ha?" Biro nung isang lalaki kaya humalakhak ang iba. Tahimik lang ako pero kumapit sa braso ko si Yuuki para sabayan ang mood ng mga tao sa paligid niya.

"Bata pa po kami, at wala pa naman po sa isipan namin ang magkaroon ng anak dahil hindi pa namin nagagawa 'yong gusto ng magulang namin. Uunahin na po muna namin iyon para magkaroon din nang magandang service ang lahat." Sagot nito kaya bumaling ang tinign ko sa kanya. Nanatili pa rin 'yong ngiti sa labi niya kaya 'yong negatibong nararamdaman ko kanina ay napalitan ng pagkamangha.

Iniisip kong ang galing niyang um-acting. Kung hindi ko siya kilala, hindi ko masasabing nagsisinungaling siya sa kung ano 'yong inaarte niya ngayon.

Nagkaroon nang kaunting kwentuhan bago ko ilipat ang atensiyon ko sa paghahanap ko sa mga kasama ko dahil hindi ko sila napapansin na nandito.
Ngunit sa paghahanap ko, nakita ko ang mga kasamahan ko pero mas tumuon ang atensiyon ko sa kumakain na si Eclair.

Natawa pa nga ako nang kaunti sa suot niya.
Ba't naka tuxedo?

Reaksiyon ko sa suot niya, hindi napapansin na lumalapad na ang aking ngiti.

Nang dahil sa pagiging out of the world ko, hindi ko na nasusundan 'yong sinasabi nila Yuuki. Napatalon na lang ako sa gulat dahil bigla niya akong hinampas sa likod. "Hindi ba? Arvin?" Ngiti niyang tanong sa akin, pero kita ko sa ngiti niya na parang sinasabi na sumagot ako kasi kung hindi, baka may gawin siya sa akin kaya mabilis akong napa-oo kahit wala akong ideya kung ano 'yong pinag-uusapan nila.

Natawa ang na sa harapan namin na may edad na. "Kayo talaga, ba't pangalan lang ang tawagan n'yo? Wala bang endearment?" Biro nito kaya sandaling umangat ang mga balikat ko. Hindi ko 'yon naisip!

Umakto namang nahihiya si Yuuki dahil sa paraan ng paggalaw gayun din ang paggawa niya ng mukha na may pag blush pa. Paano 'yon?!
"Gumagamit po kami ng endearment pero recently lang po kasi namin napag desisyon kaya parang nakakahiya kung gagamitin namin ngayon."

Dahil sa itsura niya, hindi ko maiwasan ang mamula. Sh*t.
I hate to admit it, pero ang cute niya.

Umalis na ang mga bisitang kinausap kami at bumalik sa kanilang puwesto upang kumain habang pasimple namang bumuga ng hininga si Yuuki para mailabas 'yong bigat sa kanyang dibdib. "Parang maaga akong tatanda nito. " Parang napapagod nitong wika kaya napatingala ako.

"Wanna run away?" Tanong ko.
"I want but I can't." Sagot niya

"Have you heard from you parents na baka magkaroon tayo ng agent na magbabantay sa atin kung may progress ba 'yong relasyon nating dalawa?" Tanong ko kaya nakita ko sa peripheral eye view ko ang mabilis niyang paglingon sa akin.

"What?" Base sa tono ng boses niya, mukhang hindi niya nga alam.

Nagbuga ako ng hininga. "In short, bantay sarado tayo. Mapalabas man, kailangan pa rin nating umarte na tayo. Magha-hire sila ng limang agent." Tugon ko at pumikit nang kaunti. "Narinig ko lang 'yon kanina bago tayo lumabas." Dagdag ko kaya parang nanlumo si Yuuki.

"Mali ba 'yong desisyon natin na magsinungaling sa kanila na matagal na tayong mag on?" Aniya na may pagsisisi sa kanyang boses.
Umiling ako. "Hindi, kahit kasi balik-baliktarin mo, magha-hire pa rin sila ng agent para bantayan tayo." Ibinaba ko ang ulo ko para humawak sa aking noo. "Hahh... Gusto kong mag back out sa totoo lang."

Umiwas ng tingin si Yuuki. "Parang ikaw lang, ah?"

Natawa lang ako ta's hinawakan ang kamay niya kasi nakatingin na sa amin 'yong iba pa naming bisita. Na sa gitna pa rin kasi kami.
"Punta tayo sa table ng mga kaibigan ko." Aya ko tsaka ko iginiya si Yuuki papunta kina Eclair.

"Alam ba nila 'yong sitwasyon?" Tukoy ni Yuuki sa mga kaibigan ko na ngiti kong tinanguan.
"Alam nila," Sagot ko at labas sa ilong na ibinaling ang tingin sa mga kaibigan ko. "Pamilya ko sila, sila rin ang dapat ang unang makakaalam sa kung ano 'yong nangyayari sa buhay ko." Dugtong ko at nilingon si Yuuki na nakatingin pala sa akin. "Same goes with you, right? Kay Orange."

She gave me a gentle smile as she nodded. "Yes." Sagot niya. "We aren't blood related but I think of her as my little sister." Dagdag niya na tinanguan ko bago ko ulit iharap ang tingin para tingnan ang gawi nila Eclair na mukhang masayang nagkakagulo sa pwesto nila. Nandoon din si Orange at nakaluhod ang kanang tuhod sa harapan ni Eclair samantalang pinipigilan naman ni Kyle si Richard na sugurin si Orange na mukhang inaasar siya dahil na rin sa paraan ng pag smug ng kaibigan ni Yuuki sa kanya.

Si Vince nandoon lang sa upuan niya't umiinum ng kape niya nang mapatingin sa akin at ngiti akong kawayan.

The future is not certain. Pero kung ano man ang mangyari, sana hindi ko pagsisihan.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon