Page 19

31.1K 1K 100
                                    

Page 19

Arvin's P.O.V

Dumiretsyo kaming apat sa bahay ni Eclair matapos niya kaming iwanan sa canteen. Nakita namin 'yung pangyayari pero wala rin kaming nagawa.
Maliban kay Richard na inalis lang ang pagkakahawak sa kanya ni Bea sa braso.

Iyon 'yung babaeng nang insulto kay Eclair-- blockmate namin. Kilala sa buong campus sa sobrang pagiging straight forward, ayaw rin naman siya ng nakararami, pero marami rin namang naaakit sa kanya dahil na rin sa pambihirang ganda niya. Matalino rin siya't nangunguna sa dean's list kasunod ni Kyle. Pero hindi ko siya type kaya 'di bale na lang.

Binuksan namin ang gate nila at huminto sa harapan ng kanilang pinto, ako na ang kumatok. Wala pang apat na katok, binuksan na nila ang pinto at ang magkakapatid na ang sumalubong sa amin.

Isa-isa silang humalukipkip habang napaurong naman kaming apat at nagtaas ng kamay na parang sumusuko sa pulis. "Wala po kaming kasalanan" Mabilis na depensang sagot ni Vince.

Ganito ang Lockwood siblings. Kapag nag crossed arms silang magkakapatid habang masamang nakatingin sa mga pinaghihinalaan nilang tao na umaway sa isa nilang kapatid, ganyan ang gagawin nila. Hindi namin sila nakasama ng ilang taon para lang sa wala.

"Eh, bakit kumakain nanaman ng sorbetes 'yong kapatid namin na halos ubusin na niya ang Ice Cream sa refrigerator?" Mapanghinalang tanong ni Erick. Iyan talaga 'yong basehan nila, ano?

Ito pa 'yung nakakatawa; madali mo lang talagang malalaman kapag depressed, inis, galit, malungkot o kung ano pa mang negative mood ang mayroon sila. Uubususin nila 'yung buong sorbetes, Ganoon silang lahat.

Isa pa, gusto ko rin ma-obserbahan at mas makilala ang pamilya ni Eclair sa isang kadahilanan. "Opo, bad mood po talaga s'ya dah--"

"Sino nang-away sa kapatid ko? Ikaw ba?" Suspetsa ni Erick kay Kyle na inilingan lang nito tsaka niya naman ako tinuro. "Ikaw?" Pagpasa nito sa panghihinala.

"Hindi boss! Mabait ako!" At tinaas ko pa ang kanan kong kamay na parang nangangako sa "Panatang makabayan"

"Edi ikaw?" Turo naman niya kay Vince pero ngiti lamang siyang umiling, tiningnan naman ni Erick si Richard. "Gago ka, ikaw 'no? Sabi ko na nga ba--"

"T*ng ina nito, ako nanaman sinisi." si Richard.

Pumaabante si Elsie kay Richard at taas-noo itong tiningnan. "Alam mo na ako lang pwedeng umaway sa kapatid ko, pero sumosobra ka naman na yata sa pagiging bully mo, ano?" Malalim ang tono na pagkakagamit ni Elsie sa boses niya kaya napaatras na si Richard.

"Ba't ba kasi ako 'yung sinisisi n'yo?!" Hindi makapaniwalang tanong nito bago dumating si Eclair na galing pa yata sa bakod nila. Hawak-hawak niya ang malaking Ice Cream.

"Akala ko kung ano na 'yung nangyari, kayo lang pala. Ba't kayo narito?" Nagtataka nitong bungad sa amin at tinuro kami gamit ang gamit niyang kutsara. "Hindi ba't sabi ko uuwi na nga ako?" Kumuha siya ng ice cream sa hawak-hawak niyang bucket at sinubo.

Bigla akong nangilo habang pinapanood siyang kumain ng sorbetes. Mangha pa rin ako na nauubos niya 'yan kahit wala siyang ka-share. Ta's hindi pa tumataba.

Pasimple kong ibinaba ang tingin sa mga hita niya dahil nakasuot lang naman siya ng shorts. Diyan yata napupunta lahat nung kinakain niya.

Niyakap s'ya ng kapatid niyang si ate Ericka. "Okay lang 'yan Eclair, you are going to be fine" pagpapalakas loob nito sa bunso nila.

Kumunot ang noo ni Eclair dahil sa inarte ng mga kapatid niya. "Ano ba problema n'yo? Okay nga lang ako," Sabay lapit niya kila Erick. "Hindi ako inaaway nung apat, para namang ewan 'tong mga 'to-- Luh!" Bigla siyang niyakap ni Erick.

"You can be honest with us, you know? Alam mo namang nandito lang kami." Paghimas ni Erick sa likurang ulo ni Eclair na pilit namang hinihiwalayan ni Eclair.

"Stop it! Let go-- Ate?!" Sumama na rin si Ate Ericka sa pagyakap sa kanya.

Humagikhik ito samantalang inalis lamang ni Elsie ang tingin sa magkakapatid at humalukipkip. Mukhang nahihiya siyang yakapin 'yung bunso nila.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon