Page 37

23.8K 900 128
                                    

Page 37

Erick's P.O.V

Naging kaklase ko sa isang subject si Britney nung first semester ng 2nd year pero hindi kami 'yung madalas na nagkakausap-- o hindi talaga kami nag-uusap.
Totoong madalas ko nga siyang nakikitang may kasamang iba't ibang lalaki na pati 'yung mga tropa ko ay pinag-uusapan siya samantalang nakikinig lamang ako at hindi masyadong pinagtuunan ng pansin 'yong isyu.

Nandoon kasi 'yung kaisipan ko na kung ano 'yung ginagawa ng isang tao para sarili nila, desisyon nila. Kaya wala talaga ako masyadong pakielam sa nangyayaring chismis sa paligid dahil hindi naman na 'yan maiiwasan.

At para namang may magagawa ka kapag nalaman mo 'yung problema nila. Kaya maigi kung huwag ka ng makisabay.

...dahil wala ka rin naman talagang alam kung ano nangyayari ro'n sa tao.

"May iba nanamang kasama si Britney"
"Kahapon nakita ko nga sa videoke, iba ulit, eh."
"Landi. Malay ko ba sa boys kung ano nagustuhan nila, alam naman nilang niloloko sila ni Britney."

2nd semester ng pagiging 2nd year college noong mabilis na kumalat ang malaking isyu ni Britney kumpara dati.

"Sayang, p're. Ganda sanang babae. Baka nagalaw na nung mga naging ex niya."
"Gag*. Importante ba 'yung virginity nila?" si Xian. Isa sa tropa ko.
Umiling si Nicolo. Iyong unang nagsalita kanina. "Hindi naman, pero nasayangan lang ako kasi hindi siya naging maingat sa sarili niya. Ni hindi man lang siya nagpaka hard to get." Rinig kong pag-uusap ng dalawa kong tropa rito sa canteen bago ako lingunin ni Nicolo. "Hindi ba, p're?" Paghingi niya ng aking pagsang-ayon.

Umiinum lang ako ng cola in a can nang ibaba ko. "Siguro." Hindi ko siguradong sagot.

"Nakausap mo na ba 'yan si Britney dati?" Tanong ni Xian na inilingan ko bago ko tingnan sa hindi kalayuan si Britney na bago nanaman ang kasamang lalaki. Nakangiti siyang kausap 'yung lalaki na tumatawa ngayon.

Nakangiti lang si Britney pero mukha namang pilit lang din iyon.
Iyan siguro 'yung tinatawag nating pakikisama. Pero nasabi kasing boyfriend niya.

...napilitan lang kaya siya?

"Hindi." Tipid kong sagot at tumayo. "Mauuna na muna ako, pupuntahan ko lang sandali 'yung kapatid ko kasi bibigay ko rin 'tong tumblr niya." Pag-angat ko sa Tumblr. Dinala ko rito sa Canteen kasi ang alam ko rito sila kakain ng mga barkada niya ng ganitong oras.

Sumalong baba si Nicolo. "Ayaw mo bang ligawan ko bunso mo?" Tukoy niya kay Eclair. "Mabait naman ako," Turo niya sa sarili niya sinimangutan ko.

"Akala ko ba gusto mo sa girly kumilos?" Tanong ko. "Ba't hindi ka magkagusto kay Elsie?"

Humawak si Nicolo sa batok niya. "Ang taray taray naman kasi ni Elsie, binasted pa ako." Pagpapaalala niya sa akin at tumawa. "Tsaka gusto ko 'yung vibes ni Eclair. Pilosopo." Labas ngiping ngiti ni Nicolo dahilan para lingunin siya ni Xian.
"May nagising ka bang Fetish?"
"Siraulo." Reaksiyon ni Nicolo. "Pero seryoso! Kapag dinamitan n'yo ng pambabae 'yon si Eclair, tutuloy laway ng mga lalaki sa kapatid mo, Rick." Palayaw ko kasi ang ginagamti ng tropa ko sa akin.

Taas-kilay lang akong ngumiti bago umiling at umalis. Pero bago ako tuluyang makaalis ay sinilip ko sandali si Britney.

***

PAPUNTA AKO sa storage room para ibalik 'yung tingting na ginamit ko. Na-late kasi ako ng kalahating oras sa pangalawang subject namin kaya pinaglinis ako bilang parusa ko.

Grabe, college na pero nagbibigay pa rin ng parusa. Buti nga hindi ako nakita ni Eclair kanina dahil 'yung class rin niya yata 'yung in-assign na maglinis sa side ng football area.

Pagtatawanan talaga ako ng babaeng 'yon kapag nakita niya ako.

Palapit na ako sa sasadyain kong storage room nang mapahinto ako dahil sa nakita ko pagkalabas ko pa lang sa maliit na lugar na dinaanan ko.
Sa kanan ko ay nandoon ang professor namin na hinahalik-halikan si Britney habang sinasandal niya ito sa pader.

Nanlamig ako at hindi kaagad mawari kung ano ang dapat na gawin pero nang maimulat ni Britney ang kanyang mata at makita ako, mas nataranta ako kaya balak ko na rin sanang umalis noong hindi ko sadyang masipa 'yung trash bin na malapit lang sa akin dahilan para mapansin ako ng professor.

Napatigil siya at nagulantang na napaharap sa akin. Mukha siyang natakot at marka sa mukha niya ang sobrang pagkataranta na tipong namumutla na siya kaya dali-dali siyang umalis. Natakot siguro siya dahil nakita siya ng isang estudyante na pwedeng magbigay ng rason para paalisin siya ng skwelahan.

Pero kinabukasan, hindi na siya pumasok at nabalitaan na nga lang namin na umalis na siya bilang guro sa Hojas Unibersity. Nagkaroon ng ideya ang ibang estudyante na baka may nagawang isyu dahil ganoon nama kadalasan ang rason ng ibang guro kapag biglaan ang pag-alis.

Iyong naganap na Sexual Harassmen, hindi ko na pinakielaman.
Hindi ko na rin tinanong kung okay lang ba si Britney o ano dahil mukha namang kaya niyang I-handle 'yung sarili niya ayon sa nakikita ng mata ko.

Hanggang sa dumating iyong isang araw na kumakain kami ng tropa ko sa canteen nang tumigil si Britney sa tabi ko.
Napahinto kami ng mga tropa ko sa pagdadaldalan para tumingala kay Britney.
Nakangiti ito-- sa panginin ng iba pero sa mata ko? Parang hindi.

"Can I talk to you?"

Tinuro ko ang sarili ko. "Me?" Tukoy ko sa sarili ko habang takang-taka pa rin 'yung mga kaibigan ko sa nangyayari.

Binigyan ako nang matamis na ngiti ni Britney. "Yes, you." Sagot niya.

***

DINALA NIYA ako sa isang cafe. In order-an niya ako ng kape kahit wala pa akong sinasabi.

Nakababa lang ang tingin ko sa kape nang tumingala ako para makita siya. "Ahm..." Nandito ba kami dahil doon sa nangyari nung nakaraan?

Nag sip siya nang kaunti sa kanyang kape at ibinaba para tingnan ako. Iyong ngiting ipinapakita niya sa nakararami ay nawala.
Blanko na lang ang tingin niya sa akin, walang kare-reaksiyon. "Bakit wala ka pa ring sinasabi na kahit na ano?" Panimula niya.

Ngumiti ako nang pilit. "A-ano ang ibig mong sabihi--"

Napahampas siya sa lamesa. "You saw a student and teacher secretly kissing at the back of the building, and you won't tell a single word about it to everyone?"

Kumurap-kurap ako bago ako tumungo. "Why would I do that?" Takang-taka kong tanong sa kanya na siyang mas napatingala para mas makita ako.

"You heard about me, right?" Tanong niya at umiwas nang tingin.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "But is that enough reason to tell everyone?"

Pumikit ako. "The person we know isn't the person they know." Panimula ko at binuksan ang mata kung saan tumambad sa akin ang babae na parang hindi makapaniwala sa naririnig niya. "Although I heard a lot about you, it doesn't mean I know who you truly are." Sagot ko at umiling. "Kilala ka nila bilang ganyan ganito, pero iba 'yong sa akin." Humalukipkip ako. "Sa hindi malamang dahilan, hindi ko talaga nakikita 'yung sinasabi nila tungkol sa'yo." Pag-iling ko.

"That's why I don't have the rights-- or I have NO reason to spread what I saw just to make fun of you. At isa pa, wala naman talaga akong pakielam kung ano man ang ginagawa mo." Mahaba ko pang litanya.

Iniikot ikot niya ang laman ng mug niya gamit ang tea spoon. Doon lang siya nakatingin nang iangat niya ang tingin ng mata niya nang hindi inaalis ang pagkatungo. "So... you actually didn't believe the issue?"

"It's not that I believed it or not, wala lang akong pakielam." Frank kong sagot. "Pero... kung magtatanong ako, ano ba talaga 'yung relasyon mo sa professor natin? Ba't hindi n'yo na lang ginawa sa hotel 'yan or an--"

"Wala kaming relasyon." Mabilis niyang sagot habang nakayuko. "He was..." Mas yumuko pa siya kumpara kanina kaya napatitig ako.
Tsaka ko naalala ko 'yung binigay niyang tingin sa akin nung nahuli kong hinahalikan siya ng prof namin na iyon. Hindi siya nagulat nang makita niya ako pero, mukha siyang nanghihingi ng tulong.

In short, she got sexually abused.

Bumuntong-hininga ako. Sh*t.
"You don't need to tell me." Sambit ko habang napasinghap naman siyang tumingala para makita ako. "It's okay."

Umawang-bibig siya na parang may gustong sabihin pero hindi niya itinuloy kaya nagtaka ako. Medyo nakakaramdam na rin ako nang kaunting pag-aalala.
She's not okay.

"Can I ask you to follow me this afternoon?" Tanong niya. "But do it secretly."

"Eh?" Reaksiyon ko at tinuro ang sarili. "Gagawin mo 'kong stalker?" Hindi makapaniwala kong tanong kaya napatungo siya. At doon ko na-realize kung gaano siya ka-awkward. Hindi niya sasabihin kung ano talaga 'yung nangyayari kung hindi mo iisipin mabuti.

Kaya nagpasya na lang akong gawin kung ano 'yung sinasabi niya para malaman kung ano ba 'yung gusto niyang iparating.

***

GAYA NG nasabi ni Britney. Sinundan ko nga siya nang patago, hindi inaasahan na may lalaki ulit siyang kasama.

Bakit ba niya gusto ko siyang sundan?

Tanong ko sa sarili habang nag-uusap sila sa hindi kalayuan. Napunta kami sa isang resto bar. Kumakain sila habang umiinum naman ako ng Lemonade Juice habang nakatingin sa kanila, wala pa ring ideya kung bakit ako nandito at bakit ko 'to ginagawa.

Lumabas na kami matapos kumain. Nakasunod pa rin ako habang nakapamulsa lang akong naglalakad nang makita kong pasimpleng humawak sa beywang ni Britney 'yung lalaki na inalis naman niya.
Ta's ay napunta kami sa isang mataas na building para mag overview. Sumandal ako sa rail na hindi lalayo sa kanila para marinig ko 'yung usapan. Ewan ko kung magtatagal pa 'to pero nababagot na ako.

Nagbuga ako ng hininga at napatingin kay Ate na nagbebenta ng hotdog. "Teh, pabili nga ng isa." Pagbili ko habang hinihintay ko 'yung pwedeng mangyari.

Kumagat ako sa hotdog ko nang magsalita ang lalaki. "Pwede ba akong manligaw sa'yo?" Tanong nung lalaki dahilan para umagaw na iyon sa atensiyon ko.

Nakaharap pa rin 'yung tingin ni Britney. "Akala ko ba, kaibigan lang tingin mo sa akin?" Tanong nito na inilingan nung lalaki.

"Gusto talaga kitang maging girlfriend. Matagal na. Ang ganda mo kasi, matalino ka ta's ang sexy. Na sa'yo na lahat."

Patungong ngumiti si Britney. "Hmm..." Paggawa niya ng tunog at humarap doon sa lalaki para ngitian. "I already have someone I like. I'm sorry."
Hindi na nakasagot ang lalaki at basta't basta na lamang umalis na sinundan ko naman bago ko ibalik kay Britney.

"H-hoy, what's that for?" Hindi ko siguradong tanong nang makatabi siya sa akin. Nakasunod lang din ang tingin niya sa lalaki kanina nang gumuhit ng malungkot na ngiti ang labi niya.

"You'll see tomorrow."

Nakababa ang tingin ko sa kanya nang pumaharap lamang ang tingin ko.

***

KINABUKASAN. Sa paglalakad ko sa hallway ng building namin ay chismis kaagad ang bumungad sa akin. Tungkol iyon kay Britney na mayroon nanamang bagong boyfriend kaya napahigpit ang hawak ko sa strap ng backpack ko na nakasabit sa kanan kong balikat.

May naririnig pa ako na may nakakita sa kanya sa motel kasama ang isang lalaki kahit hindi naman iyon totoo dahil nandoon ako.

Nakatungo lang akong naglalakad dahil sa lalim ng iniisip ko nang makita ko sa hindi kalayuan 'yung lalaking kasama ni Britney kahapon.
Nakikipagtawanan siya sa tatlo niyang tropa. "Ah, iyon? Si Britney? Oo, bago niya ako binasted kahapon ginawa namin sa kama. Sarap nga, eh." Proud niyang pagkukwento ng kasinungalingan na nagpakulo kaagad sa dugo ko kaya lalapitan ko na sana nang makita ko si Britney. Nakita rin nung lalaki kaya natahimik siya habang 'yung mga tropa naman niya ay napangisi lamang kaya mas nainis ako.

Subalit binigyan lang ako ng seryosong tingin ni Britney, na tila parang sinasabing huwag ko na gawin 'yung gagawin ko. Naglakad na lang siya at nilagpasan 'yung lalaking kasama niya kahapon. Gayun din ako kaya nagsalubong ang kilay ko't kalmadong sumunod sa kanya.

Sa ngayon, nandito kami sa loob ng convenience store at kumakain ng mangunguya. Kumagat si Britney sa doughnut niya. "Wala kang klase?" Tanong niya samantalang ngumuya naman ako ng Fish Crackers.

"Mamaya pa klase ko." Sagot ko naman at sumubo.

Humagikhik siyang lumingon sa akin. "Nandito ka ba para I-comfort ako?" Pang-aasar niyang tanong sa akin kaya dikit-kilay ko siyang tiningnan.

"Bakit hindi mo na lang diniretsyo sa akin 'yung nangyayari?" Naguguluhan kong tanong.

"What is truth to you?" Tanong niya sa akin kaya ako naman itong napaisip.

"Truth is something that you can see with both of your eyes." Sagot ko naman na tinanguan niya.

"Exactly," Pagtango niya. "Telling the situation is not enough proof for you to believe it. Sometimes, kailangan mong makita sa sarili mong mata at pakinggan sa sarili mong tainga bago mo I-confront 'yung isyu para kumpirmahin." Kinuha niya ang kape niya. "And your instinct will tell you whether it's a lie or the truth."

Na-speechless ako kasi ang galing niya. Totoo 'yung sinabi niya kaya napabuka ang bibig ko. Pero napatikum din pagkatapos. "Kung alam mong madadadagan 'yung isyu mo by hanging out with those people, bakit ipinapapatuloy mo pa rin?"

Hinipan hipan niya muna ang kape niya bago ibaba. "Siguro kasi gusto kong makahanap ng tao na pwede kong mapagkatiwalaan." Aniya na may pag-asa pa rin sa kanyang mata.

Lumingon siya sa akin at nginitian ako. "At mukhang nakita ko na rin naman 'yon."

Tinuro ko ang sarili ko na mas nagpangiti sa kanya. Doon din nagsimula 'yong pagiging magkaibigan namin.

Pagtatapos ko sa kwento. Huminto ako sa paglalakad nang marating namin ang tapat ng isang sikat na ice cream shop. Tinuro ko iyon at nilingon si Eclair. "Gusto mo ba munang kumain?" Aya ko.

Huminto siya at tiningnan ang shop. Tumango siya bilang pagpayag kaya nginitian ko siya tsaka kami pumasok. Sumabay naman siya sa akin kaya ibinaba ko ang tingin sa kanya lalo pa noong bigla siyang humingi ng sorry.

Ipinatong ang kamay ko sa kanyang ulo. Marahan akong umiling. "There's no need for you to say sorry." Ngiti ko at pumaharap ng tingin. "May balak kami na pumunta ulit dito ni Britney. Gusto mong sumama?" Tanong ko.

Tumungo siya nang kaunti na parang nag-iisip pa. Mayamaya pa noong kumamot siya sa pisngi niya. "Mmh. Para naman makilala ko pa nang husto."

Masigla akong natawa tsaka labas ngipin na ngumiti. "Trust me, you will like her!"

Paismid lang siyang ngumiti. Nag order na kami ng Ice Cream dahil marami pa talaga akong ikukwento.

Britney's P.O.V.

Nag-aayos ako ng damit ko sa cabinet nang makita ko nanaman 'yung handkerchief na inabot ni Erick sa akin noong gabing iyon.
Bago kami mag 2nd year, kinagabihan noong binigay niya 'to sa akin.

Flashback:

Malala 'yong depression ko nung time na 'yon dahil sa mga kumakalat na isyu tungkol sa akin. Ginawa ko rin ang lahat para magpaliwanag pero walang naniwala kaya kinagabihan, lumabas ako ng bahay para maglakad lakad.

Ni hindi ko rin alam kung saan ako dadalhin ng paa ko, basta nung nakaramdam lang ako ng pagod. Umupo ako sa isang bench katabi ang post lights na dinadapuan ng lumilipad na insekto.

Nakapatong lang ang siko ko sa tuhod habang naka intertwine ang mga daliri ko. Maraming gumugulo sa isip ko nang may huminto sa harapan ko't abutin sa akin ang isang panyo.

Tumingala ako at nakita si Erick na nakababa ang tingin sa akin. Wala siyang sinasabi na kahit na ano at nginitian lang ako pagkakuha ko pa lang ng panyo niya.
At tahimik lang siyang umalis sa harapan ko ng wala man lang siyang nilalabas na kahit na anong salita sa bibig niya.

End of Flashback:

Erick didn't remember about it pero 'yung ginawa niya nung gabing iyon, pakiramdam ko may nag-aalala talaga sa akin. Na kahit hindi ko sabihin, alam na niya.

Hanggang ngayon, ganoon pa rin siya,

...that makes me fall in love with him even more.

"I hope I can get along with her sisters." Ngiti kong sabi sa sarili. 

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon