Page 3

58.8K 1.9K 133
                                    

Page 3

Eclair's P.O.V

Narating na namin 'yung classroom at bilang nakasanayan but at the same time, hindi. Na sa akin 'yung tingin ng mga kababaihan-- hindi dahil sa maganda ako. Pero dahil kasama ko 'yung gustong-gusto nilang makasama o makausap.
Na sa kanan ko si Richard, na sa kaliwa ko naman si Kyle, at na sa likuran ko naman si Arvin

Kumbaga nagliliwanag sila sa paningin ng iba samantalang parang panira lang ako sa kumikislap nilang prinsipe. Kung ihahalimbawa ako sa isang nilalang, sa paningin nila para akong bangaw na dikit nang dikit sa apat kahit ang totoo, ako nga 'yung panay layo.

Naglabas ako ng hangin sa ilong. Talaga nga namang nabubulag tayo sa katotohanan kapag tinitingnan lang natin 'yung bagay na gustong makita ng mata.

Dumiretsyo na nga ako sa upuan ko pero hindi ibig sabihin ay natatapos na 'yung pambabato nila sa akin ng masasamang tingin. Dahil kahit sa seating arrangement, kasama ko pa rin 'yung tatlo. Katabi ko 'yung pader sa kaliwa, si Kyle sa kanan. Ta's katabi niya si Richard habang na sa harapan ko naman si Arvin.

Sumalong baba ako na nagdekwatro. "Buwisit." Naiirita kong bulong sa sarili. "Bakit kailangan ako palagi?" Dagdag ko pa at pumikit tutal wala pa naman 'yung professor namin.

"Hoy, Eclair! Ibaba mo nga 'yang paa mo! Makita pa 'yang panty mo, eh!" Pabulong lang talaga na sinabi 'yan ni Richard sa akin kaya pinunit ko 'yung isang pirasong papel mula sa kwaderno kong nakalabas para I-crumple at ibato sa mukha niya.

"Ulol! Nakasuot ako ng short!" Mura ko sa kanya kaya naibaba ko tuloy 'yung paa kong naka-dekwatro.

Humawak si Arvin sa dibdib niya matapos niyang iharap sa akin 'yung upuan niya. "Eclair, panay na lang 'yung mura mo. Ang dami mo ng kasalanan sa taas. Kailangan na nating magsimba sa linggo nang mabasbasan ka ni father ng holy water."

"Shut it, assh*le. Huwag mong idamay 'yung na sa taas." Suway ko.

Ipinatong ni Arvin ang likurang palad niya sa kanyang noo nang makatingala siya na animo'y umaaktong hihimatyin. "Wala ka ng pag-asa maging babae."

"I'm wearing a skirt for f*ck sake." Tugon ko tsaka napatingin kay Kyle noong bigla niyang iangat ang sketchpad niyang may guhit na isang babae. Marunong kasi talaga siyang mag drawing, ginagawa niya ang sketching kapagka bored siya sa klase. Pero siya rin 'yung tipong estudyante na panay tulog pero mataaas ang nakukuhang grado.

Tinitigan naming tatlo 'yung ginuhit niya nang ma-realize ko kung sino 'yung nandoon sa malinis na pahina kaya namilog ang mata ko.
Ako iyon na nakasuot ng mabulaklak na bestida at ngiting nakatingin sa malayo habang hawak-hawak ang hinahangin kong buhok.

Is this how he sees me?

"P're, sino 'yan?" Tanong ni Richard kaya bumalik din ako sa wisyo ko.
"May nililigawan ka na?" Mas namilog ang mata ko sa naging tanong ni Arvin kaya pumaharap kaagad ako ng tingin. "Ang ganda, ah? Pakilala mo naman sa 'min." Dagdag pa niya habang nakikinig lang ako sa kanila.

M-Mali ba? Hindi ba ako iyon? Ang assuming ko pala.

Nakita ko sa peripheral eye view ko ang pagsara ni Kyle ng sketchpad niya bago inilapag sa desk niya. "Portrait lang. Fine-flex ko lang, baka ma-appreciate n'yo."

Pasimple akong umismid. Bakit ko nga ba iniisip na ako iyon? Eh, mula pagkabata hindi naman ako nagsusuot ng pambabaeng damit at hindi naman nila ako madalas makitaan na magsuot ng mga iyon. Kung mayroon man, dahil kailangan sa eskwelahan o kaya siguro may event kaming ina-attend-an.

However, they don't see me as a girl or woman.

"Magpa commission ka na kasi." Suhestiyon ni Richard kay Kyle kaya kinukulit na rin siya ni Arvin. Hinahayaan ko lang sila na mag-ingay nang biglang I-rocking chair ni Arvin 'yung upuan niya para lang silipin ang mukha ko mula sa ibabaw ng desk ko na siya namang nagpaangat sandali sa mga kilay ko dahil sa gulat. "Ecl--" Bigla siyang bumagsak sa simento kaya mabilis kong ini-slide paatras ang upuan ko para hindi niya makita ang bandang ilalim ng skirt ko.

Tumawa ang lahat sa ka-clumsy-han ni Arvin pero nanatili lamang 'yung mokong na nakabagsak ang katawan sa simento kasama ang upuan niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Para siyang namamangha habang walang gana na nakatingin sa kanya.

Binigyan niya ako ng thumbs up. "Hello Kit--" Pinakain ko sa bunganga niya 'yung crumpled scratched paper.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon