Page 57

20.3K 717 529
                                    

Page 57

Eclair's P.O.V

Taas-noo siyang nakatingin sa akin noong dahan-dahan niyang ibinaba ang ulo niya para pantayan ang tingin ko. Unti-unti ring lumilinya ng ngiti ang labi niya na siyang nagpatayo sa mga balahibo ko.

Mas lumala lang iyon noong maglabas siya ng patalim mula sa bag niya at mabilis akong nilapitan.

Pero siyempre nakakatakot nga naman kung ganoon ang mangyayari, 'di ba?
Gumawa lang ako ng scenario dahil ganoong klaseng tao ang nakikita ko sa palabas, eh nagkataong ganoon ang tingin ko kay Crystal. Parang kontrabida sa isang teleserye.

Nakababa ang tingin niya sa akin nang gumuhit ng ngiti ang labi niya. "Eclair... Tama?" Paninigurado niya bago ko siya suriin habang pababa siya ng hagdan para lapitan ako.

"Ah, Mmh." Pagtango ko bilang pagsagot. Bakit siya nandito? Magkasama sila ni Richard?

Tanong ko sa aking isip bago siya makarating sa mismo kong harapan. "Can we talk for a bit?" Matamis na pagngiti niya. Pero imbes na maganda 'yung dating sa akin, nakaramdam ako ng takot.

Napaatras ako. "Ahm, pasensiya na. Kasi kailangan ko na ring pumunta sa classroom dahil late na rin talaga ako." Sabi ko, ginawa ko rin ang makakaya ko para hindi magtunog bastos 'yung boses ko. Kasi iyon nga, marami naman talagang nakaka misunderstood nung paraan ng pagsasalita ko.

"Sandali lang naman, eh." Hinawakan niya 'yung pulso ko. Hindi lang basta hawak dahil bumaon 'yung kuko niya sa balat ko na naging dahilan para makagawa ako nang kaunting boses.

"N-Nasasaktan mo 'ko."

"Let's talk." Pagmamatigas niya. Wala talaga akong pakielam kung girlfriend 'to ni Richard pero pwede ko ba siyang masapak ngayon? Nananadya siya, eh!

"Sabi ko nga sa'yo, male-late na ako. Hindi ka ba nakakaintindi?" Malumanay kong tanong bago niya ako itulak papunta sa pader. Malakas iyon kaya nasaktan pati 'yung likod ko. "That hurts... Si Richard ba 'yung dahil--" Hindi ko pa nga natatapos ay sumagot kaagad siya.

Inilagay niya ang kanan kong kamay na hawak niya sa ibabaw ng aking ulo na animo'y sinusubukan din akong corner-in. "Siya lang naman ang dahilan ko para kausapin ka."

Napapikit ang kaliwa kong mata. Hindi biro 'yung hawak niya. Ang sakit! "C-Crystal."

"Layuan mo si Richard." Iyon lang 'yung linya niya pero tumaas ang dugo ko. Napatigil din sandali ro'n pero tiningnan din siya nang diretsyo sa mata.

Umismid ako. "To make things clear. Wala akong something sa boyfriend mo."

"Boyfriend?" Ulit niya sa binanggit ko at patawa na umismid. "Is that your way of insulting me? Kasi naaawa ka dahil hindi ko talaga magawang maging boyfriend si Richard?"

Napakunot-noo na ako ro'n. "Ano ibig mong sabihin?" Marka sa boses ko ang sobrang pagtataka. Hindi niya magawang maging boyfriend... Edi hindi talaga sila?

Inilipat ko ang tingin sa kung saan. Bakit parang gumaan ang pakiramdam ko?

May sinasabi si Crystal pero dahil occupied na ako sa mga iniisip ko ay hindi ko na nagawang marinig mga sinasabi niya.

Dahil ba sa alam kong hindi talaga siya okay para kay Richard?
Eh, kasi iyon nga. Tingnan mo ngayon, pinapalayo niya ako sa sarili kong kaibigan. Eh, malamang sa mas malamang ako 'yung unang nakilala ng buang na 'yon kaysa sa babaeng 'to.

Kaya natural lang din siguro na gumaan 'yung pakiramdam ko, ano?

Pero kung ganoon, bakit palagi silang magkasama?

"Makinig ka sa aking babae ka!" Malakas niyang idinapo ang palad niya sa aking pisngi. Hindi ko iyon inaasahan kaya pati 'yung ulo ko ay napaharap doon sa kaliwa dahil na rin sa lakas ng impact nung pagkakasampal niy ro'n.

Hoy, hoy... Hindi ko na siguro 'to pwedeng palampasin, 'di ba?

"Hoy, babae." Malalim ang boses ko pagkatawag ko sa kanya. "Hindi ako pinagbubuhatan ng kamay ng mga kapatid ko pero ikaw na hindi ko kaanu-ano, sasampalin ako?" Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko para diretsyo siyang tinignan. "Bitawan mo 'ko." Pabala na aking sabi pero mas diniinan niya ang paghawak sa aking pulso.

Lumukot ang mukha niya. Hindi maintindihan kung bakit, siya na nga itong nanampal at sinasaktan ako. Siya pa may ganang magalit.

"I get it. Just because I'm his cousin, you're pitying me."

Nanlaki ang mata ko.

"Dine-deny mo pa na wala kang interest kay Richard. I've already heard those lines before. Do you think I would believe in your little lie? The way you look at him, your smile... Tingin mo maniniwala akong wala kang gusto kay Richard?"

Nagsalubong na ang mga kilay ko bago ko marahas na alisin 'yung kamay niya na nakahawak sa aking pulso. "Pinapangunahan mo naman na yata ako? Nagtanong ka, sinagot ko. Ano pa gusto mo?" Tanong ko.

She held my cheeks as I opened the both of my eyes. Her smile is gentle, but there is something terrifying behind those grin. Something villainous that I can't even explain. "You can't take Richard from me, he's mine." Nanggagalaiti niyang sabi bago niya ako hinila at itulak sa hagdan.
Nabigla ako kaya hindi kaagad ako nakahawak sa railings kaya ngayon ay nahuhulog na ako paibaba.

Sh*t.

Pumikit ako nang mariin. Inaasahan na mahuhulog ako nang may sumalo sa akin.
Hawak niya ang magkabilaan kong braso habang nanatili pa rin akong nakapikit.
Pero mayamaya noong dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata para makita ang sumalo na iyon.

Laking surpresa nang tumambad sa akin si Kyle. Unti-unting napaawang ang aking bibig. "Kyle..." Tawag ko sa pangalan niya. Kailan pa siya nakauwi?
Nginitian niya ako nang kaunti bago niya ibalik ang pagiging seryoso ng mukha niya para tingnan si Crystal na mukhang nagulat na may sasalo sa akin.

"Kyle! It's not what you think!" Natataranta na reaksyon ni Crystal kaya ibinalik ko ang tingin kay Kyle na hindi pa rin inaalis ang tingin kay Crystal.

"Kilala mo siya?" Tanong ko bago niya ako itayo nang maayos.

Tumango siya. "She's Richard's Cousin." Sagot niya at pumikit sandali. "Why didn't Richard took care of her?" Bakas sa boses niya ang kaunting pagkairitable.
Kahit na nagtataka ay hindi na muna ako nagtanong at ibinalik lamang ang tingin kay Crystal.

Sinipa ni Crystal ang isang bagay at nang mapunta sa harapan namin ay laking gulat namin na kutsilyo ito.
Hoy! Nagdala talaga siya niyan dito?! Nagkatotoo 'yung na-visualize ko kanina?!

"She's trying to kill me! Please, believe me. I'm just trying to protect myself that's why I pushed her!" Sinusubukan talaga niyang maging makatotohanan 'yung sinasabi niya sa pamamagitan ng kanyang pag-iyak at paghagulgol.

Knowing na magkaibigan kami ni Kyle at kilala naman niyang hindi ko magagawa ang mga ganyang bagay. I don't think he would believe he--

"I understand." Sagot ni Kyle kaya mabilis akong napatingin sa kanya. Hindi makapaniwala na ganoon ang sagot niya. What does it mean? Naniniwala siya ro'n kay Crystal. "Let's go home." Naglakad at umakyat palapit si Kyle kay Crystal habang nanatili naman akong nakatayo sa pwesto ko kanina.

Paakbay na hawak ni Kyle si Crystal sa braso nito na para itong inaalalayan bago niya ako tiningnan. "Mag-usap tayo mamaya." Huli niyang sabi bago sila bumaba at umalis sa aking harapan.

Natulala lang ako sa kawalan at napaismid bago ko sundan ng tingin sina Kyle. "F*ck?" Reaksiyon ko sa inis bago ako magulat na nandiyan sa gilid si Vince.

"Don't worry. Obviously hindi naniniwala si Kyle sa kanya." Sabi ni Vince na nakasandal doon sa pader at nakahalakukipkip habang nakasunod ng tingin doon kina Crystal.

Humarap ako sa kanya. "Then what's that all about? Sabihin nating hindi siya naniniwala ro'n sa babaeng 'yon pero bakit parang pinagtatanggol pa niya?" Taka kong tanong.

Nilingunan niya ako.

***

NAMILOG ANG MATA ko nang malaman ko ang tungkol kay Crystal. Imbes na dumiretsyo ako sa classroom, nag ditch class na lang ako. Sa dinami-rami ng nangyari ngayong araw.

Tingin ko hindi rin talaga ako makaka focus sa klase. Manghihiram na lang ako ng notes mamaya kay Arvin. Tingin ko naman ay pumasok siya sa klase.

Orange's P.O.V

Meanwhile...

Tahimik ang klase habang nakikinig sa lectures ng prof namin.
Napatingin ako sa mga upuan ng mga kaibigan kong sila Yuuki at Eclair gayun din 'yung mga mokong. (Richard at Arvin)

Napasabunot ako sa sarili kong buhok. BAKIT WALA SILANG LAHAT DITO?!
Huwag n'yo akong hihiraman ng notes, manigas kayo!

Eclair's P.O.V



"Kaya ganoon umarte si Crystal. Hindi talaga siya okay." Pagpapaliwanag ni Vince. Nandito kami sa isang area ng H.U pero malayo kung nasaan ang mga blockmates ko.

"W-Wala akong ideya. Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin? Bakit hindi kaagad pinaalam ni Richard?" Naguguluhan kong tanong habang hindi ko alam kung saan ako titingin.
Napahawak pa ako sa ulo ko. "Kung nalaman ko lang sana kaagad..."

"Kilala mo siya. Hindi pinaalam ni Richard dahil problema niya iyon at gusto niya siya umayos . Wala ka rin dapat na isipin." Aniya.

Tinaasan ko ng kilay si Vince. "Eh, ba't ikaw alam mo?" Tanong ko. "Si Kyle rin mukhang alam niya."

"Gaya ng sabi ko naabutan namin noon si Crystal. Nagawa lang magkwento ni Richard 'yung iba pero hindi lahat. Si Arvin lang 'yung walang alam tungkol sa kanya." Paliwanag niya kaya hindi ko na nagawang makapagsalita at tumungo lamang.

"Kapag ba nalaman mo nang maaga iyong tungkol kay Crystal, hindi ka ba mag-aalala na may girlfriend si Richard?" Weird na tanong ni Vince dahilan para iangat ko ang tingin sa kanya.

"Anong klaseng tanong 'yan?" Kunot-noo kong tanong sa kanya.

Sandali siyang hindi sumagot at hinawakan lamang ang pisngi ko. Napaawang-bibig ako, naramdaman ko rin ang pagka pressure lalo pa noong ilapit niya ang mukha niya sa akin. Hinawi niya ang hibla ng buhok na humarang sa mukha ko. "Eclair. Wala talaga akong ideya kung talaga bang manhid ka, but at the same time, I also have no idea if you really have no feelings for us."

This again.

Mas nagtaka ako sa sinabi niya. "A-ang sinasabi mo ba may gusto ako sa inyong apat?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.

"Hindi ko rin alam, eh. When a person likes someone, mapapansin niya lahat maliban na lang sa kung ano talaga ang nararamdaman nito. Sa madaling salita, minsan gusto kong isipin na gusto mo ako dahil sa mga kilos mo pero minsan, nawawala iyon dahil nag-iiba ang akto mo. Sasabihin mong kaibigan mo ako, kaibigan mo siya pero..." Umiling ako. "Matagal na tayong magkaibigan pero parang hindi pa rin kita kilala. Gusto kong isipin na kaya ganyan ka sa amin dahil espesyal mo kaming kaibigan. Pero hindi ko rin maiwasan na hindi isipin na kahit papaano, mayroon kang nararamdaman."

Ang dami dami niyang sinasabi pero wala talaga akong naiintindihan sa gusto niyang iparating kaya marahan ko siyang itinulak palayo sa akin. "Teka lang, Vince. Kalma ka, alam ko na 'yung gusto mong iparating. Pero hindi rin, ano ba gusto mong sabihin talaga? Na nagbibigay ako ng mixed feeling?" Taas-kilay kong tanong. Sinisigurong tama ang aking sinabi. "Tsaka bakit ba tayo napunta sa usapan na 'to? Eh, na kay Crystal tayo."

"Because it seems you actually like Richard, Eclair." Sabi niya na nagpatigil sa akin. "Hindi ko maiwasan na I-bring up." Dagdag niya kaya nagsalita na ako.

"Vince, sa totoo lang." Tumingala ako. "Pagod talaga ako ngayon, kaya isipin mo kung ano na lang ang gusto mong isipin. Pero gusto ko lang sabihin na pinapanindigan ko mga sinasabi ko una pa lang," Ibinaba ko ang tingin ko. "Kaibigan ko kayo, wala ng hihigit do'n." Maliwanag kong sabi.

"I'm sorry if I'm assuming things. Alam ko mali mga sinasabi ko dahil nasabi ko nga na hindi ko talaga alam iyong nararamdaman mo at baka ganoon ka lang talaga dahil kaibigan mo ako, kaibigan mo sila. And supposedly, ako dapat 'yong nag-iisip nang maayos dito dahil mas matanda ako. Pero!" Umangat na ang tingin niya sa akin. Diretsyong diretsyo ang mata niya para seryoso akong tingnan. Tumayo rin siya mula sa kanyang pagkakaupo. "Kung kriminal ang pagmamahal na mayroon ako sa'yo," Hinawakan niya ang kamay ko para maitayo ako. "Matagal pa lang, kulong na ako." Ipinulupot niya ang kaliwa niyang kamay sa beywang ko at hinila ako palapit sa kanya.

Hinawakan ng kanang kamay niya ang pisngi ko at mabilis akong hinalikan.
Nanlaki ang mata ko sa gulat pero mas nasurpresa ako nang makita ko sa gilid ng aking mata ang lukot lukot na mukha ni Richard. 

***** 

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon