Page 5

55.2K 1.7K 85
                                    

Page 5

Eclair's P.O.V

Binuksan ko 'yong pinto ng bahay at naabutan si ate Ella na umiinum ng alak. Tiningnan ko ang paligid. Wala pa sina kuya Erick dahil malamang ay nasa skwelahan pa ang mga 'yon.
Inilagay ko ang bag sa couch at tiningnan ang paligid. Kung saan-saan nakakalat 'yung beer in a can gayun din ang mga nasingahang tissue. Maglilinis nanaman tuloy ako imbes na makapagpahinga sa kwarto ko.

Inilipat ko ang tingin kay Ate Ella na wasted na roon sa pahabang sofa pero sinusubukan pa ring abutin 'yung natitira niyang alak. Nakuha niya pero nabitawan din niya kaya natapon din ang laman sa carpet. "Ate, tama na nga 'yan!" Suway ko at kinuha ang kamay ni ate para maiakbay sa akin, bubuhatin ko siya dahil mukhang hindi na niya magagawang makabalik sa kwarto niyang mag-isa.

Sinilip ko ang mukha niya at napangiwi dahil sa tapang ng amoy ng alak. "Tsk! Hindi porke wala kang pasok, nagpapakalasing ka, ah?" Suway ko habang pilit na tinatayo siya.

Sinagot niya ako ng kanyang pagtawa. Iwinagayway rin niya ang kanan niyang kamay. "It's my money, kaya okay lang na *Hic* na gamitin ko 'tong pera, hehe" Tugon niya pero napailing na lang ako.

Naglakad na lang kaming pareho pero bigla niya akong niyakap kaya kamuntik-muntikan pa kaming matumba.
"Eclair ~!" Lasing niyang tawag sa akin at binigatan ang sarili dahilan para matumba na nga kaming pareho.

Nakapatong tuloy siya sa akin ngayon. Ang baho baho pa ng hininga! Pinapaamoy pa niya sa akin! Ang bastos mo talagang malasing, ate!

"Huwag ka na ngang malalasing sa susunod! Tingnan mo 'tong ginagawa mo? 'Tapos bukas, magrereklamo ka na masakit 'yang ulo mo."

Dahan-dahan akong umuupo sa pagkakadapa at muling ibinuhat ang lasing na lasing kong kapatid. Kaso nawalan na ako ng lakas kaya nanatili na lang siyang nakadagan sa akin.

Muling tumawa ang kapatid ko 'tapos ay nag push up position para makita ako. "Eclair, alam mo ba kung bakit ako umiinum ngayon?" Pagngiti niya at idinaan sa ilong ko 'yung hintuturo niyang daliri.

Umiwas ako ng tingin. "You don't need to tell me." Sagot ko pero muli niya akong niyakap.

"I saw our mother!" Sigaw niya na parang isang bata dahilan para makaramdam ako nang lungkot. How long will you stay like this?
Muli siyang humiwalay sa akin. "I was surprised earlier. Hindi mo alam kung paano biglang... Wushing! Lumilitaw si Mama sa..." turo niya sa sintido niya. "Utak ko."

Bumuntong-hininga ako at malakas na inialis siya sa pagkakadagan sa'kin.

Nang maialis ay tiningnan ko si ate na ngayon ay nakadapa. Bigla na lang din siyang humagulgol kaya napahawak na lang ako sa aking noo. "Ate, hindi ko talaga alam gagawin ko sa'yo kapag lasing ka."

Umiiyak lang siya kapag nalalasing. My sister is a firm and reserved lady that you would actually wonder what's on her mind-- kung hindi mo siya kilala.
Siya rin talaga 'yung masasabi mong tumatayong nanay namin na ayaw magpakita ng kahit na anong kahinaan maliban na lang kung nakainum. That's why as much as possible, dapat na sa kwarto na siya para makapagpahinga para wala siyang pagsisihan masyado pagkagising niya.

"Bakit nawala si momma ~! Bakit kailangan na isakto pa sa graduation ko? 'Di ba it is supposed to be the happiest day para sa anak?" Tanong nito noong maiangat ang ulo niya. Tuloy tuloy lang sa pagbagsak ang mga luha niya, walang hinto o walang tigil. "Kaya bakit naman ganoon? Wahh ~!" Mas kinabahan pa ako sa biglaan niyang paghagulgol.

"A-Ate, dadalhin na kita sa kwarto mo." Muli ko siyang iniakbay sa akin para maitayo.

Nagtakip siya ng bibig. "Nasusuka ako, Eclair"

"Huwag mo 'kong susukaan!" Babala ko.

Yumao si mama noong College graduation ni Ate 2 years ago. Medyo mabago bago pa kaya hindi ko masisisi kung bakit nagkakaganito 'yung kapatid ko.
Lalong lalo na kung nakita ng mismong mata naming dalawa kung paano nangyari 'yung trahedya bago mawala si Mama.

Flashback:

Naghihintay kaming magkakapatid sa labas ng unibersidad na pinapasukan niya para mag sabay-sabay na pumasok sa loob ng gymnasium dahil doon gaganapin ang graduation event ni Ate Ella.

Kahit inayusan na si Ate Ella't lahat-lahat, todo pa rin 'yung suporta ni Mama sa kanya. "Da't rampahan mo mamaya, ha?" Biro ni Mama habang hawak-hawak ang magkabilaang pisngi ni ate Ella.

"Ma, wala tayo sa pageant." Taas-kilay na ngiting sabi ni Ate Ella na nagpatawa sa ina namin bago kami nagpasyang pumasok sa loob. Sa paglalakad, huminto bigla si Mama at sinabing may nakalimutan daw sa loob nung kotse kaya babalikan na muna raw niya.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon