Page 7

47.7K 1.5K 88
                                    

Page 7

Eclair's P.O.V

Pinaikot-ikot ko 'yong ballpen ko sa daliri ko habang nakikinig ako sa lectures nung professor namin. Nililibang ko 'yung sarili ko dahil antok na nga ako, aantukin pa ako lalo. Ang seryoso kasi ng guro namin na 'to at wala talagang ka-humor humor.
Ta's kapag talagang oras niya, tahimik ang lahat.

Mabuti na lang at hindi pwedeng buksan ang aircon kaya less 'yung pagkaantok.
Every Saturday kasi, iniiwasan buksan 'yong aircon.
Malay ko rin ba sa school, nagbabayad naman kami rito pero binibitin kami. Saturday na nga lang.

Buti pa' yung aircon, day off at nakakapagpahinga.

May nagbato ng crumpled paper sa noo ko at bumagsak sa desk ko kaya bigla akong nabuwisit. Kinuha ko 'yun at hinanap kung sino ang may gawa niyon, huminto ang tingin ko sa isang babae-- iyong babae nanaman na 'yon na nagbigay sa akin ng softdrinks. Ano nga pangalan niya?

Sumesenyas siya na basahin ko raw 'yong hawak ko kaya napatingin naman ako sa papel bago ko ibinuklat.

If you don't mind, wanna hangout with me after class?

Basa ko ro'n sa sulat kamay niya sa papel dahilan para mapataas-kilay ako. Ha?

Ibinalik ko ang tingin sa babaeng iyon. Nakaharap ang tingin niya pero pasilip-silip siya sa akin. Bakit niya ako inaaya?

Tanong sa sarili at inalis sa takip ang ballpen para isulat 'yung reply ko.
Sinilip naman ni Richard 'yung sinusulat ko. "Uy, ano 'yan?" Tanong nito pero inilayo ko lang sa kanya para hindi niya makita. "Damot naman nito. Titingnan ko lang, eh."

"Gunggong." Sabi ko lang sa kanya bago ko ilagay sa bulsa ng skirt ko 'yung papel. Hindi ko na magagawang maibato sa kanya dahil nakaharap na sa gawi namin si Sir. Mamaya ko na lang siguro sasagutin 'yung tanong niya kung in-approach niya ako. Pero kung hindi, automatic na tinatanggihan ko.
Naiinis lang kasi ako sa lahat ng oras, ngayon pa. Para namang ang dali-dali sa akin na makipagkaibigan sa kanya, lalo na,

...baka iba pa isipin niya.

"Ayokong makipagkaibigan sa'yo! Baka mamaya, bigla mo 'kong magustuhan." Naalala kong madalas na sabihin sa akin ng mga babae na nakakasama ko.

Napakuyom ang kamao ko ng wala sa oras pero lumuwag din tsaka ako nag heads down. Nakatingin pa rin ako sa harapan kung nasaan si Sir kasi baka isipin niyang natutulog ako.

Inilipat ko ang tingin sa tatlo na nakikipagdaldalan. Hinahayaan ko lang sila para hindi ako madamay kapag napansin sila ni Sir. Pero dahil sa nagbabatukan na sila ro'n ay napabuntong-hininga ako at balak na nga rin silang sitahin nang may humampas sa lamesa mula sa harapan.

"Hoy, kayong apat na nasa likod!" sabay-sabay kaming napatingin sa professor namin na ngayon ay nakapameywang. Eh?

"Kami po ba?" Turo ni Arvin sa sarili niya. "Kasama po 'ko?" Dagdag niya.

Tinaasan siya ng kilay nung professor namin. Oo, bakla siya. "Sino lang ba 'yung nasa likod?" Pamimilosopo nito. "Ano 'yang tinatawa-tawa n'yo diyan?" Turo niya sa amin gamit 'yung marker na hawak niya.

Pilit namang natawa si Arvin. "Ikaw po Si--" tinampal ni Kyle 'yong bibig ni Arvin.

"Huwag ka ng magsalita." Si Kyle.

Hindi lang ako makapaniwalang nakatingin sa kanila nang mapatayo na ako. "Sir! Hindi po 'ko kasama sa kani--"

"Get out!" Matinis niyang sabi habang turo ang labas ng pinto.

"Wala po akong kasa--"

"Get out!" Muli pa nitong sabi kaya hindi na ako nakapagsalita dahil mataas na 'yung tono ng boses niya. Pinagtitinginan na rin ako ng iba naming blockmates kaya kaya wala akong nagawa kundi ang inis na kunin ang bag ko para lumabas ng classroom.

***

INIS LANG akong nagma-martsa palabas ng building. Wala na rin naman talaga kaming subject pagkatapos niyon kaya uuwi na ako.

"Oy, Eclair! Sandali lang!" Pagpapahintay nila Richard pero hindi ko pa rin sila pinapansin. Nang hawakan ni Arvin 'yung braso ko ay marahas ko rin itong tinanggal.

"P*ta kayo! Huwag n'yo 'kong kinakausap-kausap!" Galit kong sabi. "Nadamay pa ako sa pagiging maharot n'yo, eh!"

Itinapat ni Richard 'yung dalawa niyang kamay sa dibdib niya. "Chill ka lang, pwede naman naming kausapin--"

"Huwag na! T*ngina n'yo!" Malutong ko pang mura sa kanila bago ako tumalikod para umuwi. Naiiyak ako sa inis.
Pangit na nga 'yung tingin ng mga estudyante, baka mamaya maging pangit na rin tingin ng mga guro ko sa akin. Inis kong pinunasan 'yung luha sa gilid ng mata ko at pumara ng jeep na kadadaan lang din sa tapat ng unibersidad. Pumasok kaagad ako nang makauwi.

Kyle's P.O.V

Hindi kaagad ako umalis sa tapat ng classroom at hinihintay lang na matapos 'yong klase. Kaya noong nagsilabasan ang mga estudyante gayun din 'yong titser namin ay mabilis ko siyang nilapitan.

Inalis ko ang headphone na suot-suot ko. "Oh, nandito ka pa?" Bungad niya sa akin at inayos ang dala-dala niyang mga gamit bago humarap sa akin.

"Sir, pasensiya na po sa ginawa namin kanina. Hindi na po mauulit." Paghingi ko ng pasensiya na tinanguan naman ng professor namin na 'to.

"As long as natututo ka, walang problema. Buti ka pa nga naghintay ka rito para mag sorry. Eh, nasaan 'yung iba mong mga kaibigan? Umalis kaagad?" Sarkastiko nitong tanong.

Umayos ako nang tayo. "Ahm, hindi po. Balak din po sana nilang lapitan ka sa faculty para rin ipaliwanag na iba po 'yung pinag-uusapan namin kanina." Sagot ko. "Tsaka, Sir. Wala po talagang kasalanan si Eclair. Tahimik lang po siya sa upuan niya, kami lang nila Richard 'yong maingay." Pagpapaliwanag ko.

"Bakit mo sinusubukang ipagtanggol si Eclair? May gusto ka sa kanya?" Tanong nito sa akin na mabilis ko namang sinagot.

"Kaibigan ko lang po siya." Diretsyo kong sagot. Tiningnan lang niya ako sandali bago siya tumagilid.

"Sabihin nating nadamay lang siya sa ingay n'yong tatlo, but she should've approach me." Tumalikod na siya sa akin at naglakad. "Umuwi ka na." Dugtong niya na hindi ko nagawang imikan at nakasunod lang ang tingin sa kanya.

***

LUMABAS NA AKO ng building namin at naabutan 'yung tatlo na naghihintay pala ro'n sa parking lot. "Akala ko umuwi na kayo." Pag-aakala ko.

"Eh, hindi ka namin nakitang sumunod kaya naisip namin na baka kinausap mo si Sir." Sagot ni Richard na tinanguan ko. "Ano raw sabi?" Tanong kaagad ni Richard nang makahinto ako sa tapat nila.

Naglabas lang ako ng hininga. "Hmm, neutral." Sagot ko.

Tinagilid nang kaunti ni Arvin ang ulo niya. "Neutral? Walang kasiguraduhan kung maganda o pangit 'yung kinalabasan?" Tanong nito na tinanguan ko.

"Pwede siyang maniwala, pwede ring hindi." Sagot ko.

Nagpamulsa si Vince. "Magdala na kayo, badtrip nanaman tuloy 'yung prinsesa natin." Biro ni Vince.

Humawak si Richard sa kanyang batok. "Eh, kasi naman 'yung ugok." Tukoy at paninisi niya kay Arvin dahil sa paraan ng paglipat niya ng tingin dito.

"Oh, bakit ako?!" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Arvin paglipat niya ng tingin kay Richard. "Puntahan ba natin?" Tanong nito nang ituon sa amin.

Ipinasa ni Vince sa akin 'yung tingin. "Ano tingin mo?" Ngiting tanong nito na inilingan ko.

"Hayaan na muna natin. Mas maganda siyang kausapin kapag medyo malamig na 'yung ulo niya, mukha rin siyang puyat kaya baka matulog na muna 'yon pagkauwing pagkauwi niya." Naglakad na ako at sinuot ang ang headphone ko. "Tara, kain muna. Nagutom ako." Yaya ko kaya sumunod sila.

"Dalhan natin doughnut si Eclair mamayang hapon." si Arvin.
"Pwede, pwede." Pagsang-ayon ni Vince.
"Para mawala topak" si Richard at kumamot sa ulo. "Topakin talaga mga babae."

Napatingin ako kay Richard habang tinawanan naman siya nung dalawa. "Na sa ugali na rin siguro nila 'yan." Sabi ni Vince.

"Pero madalas ka rin topakin. Bakla ka siguro?" Pang-aasar ni Arvin kaya pasakal siyang inakbayan ni Richard.
Pinapanood ko lang 'yung ginagawa nila nang pumikit ako sandali bago ko pindutin 'yung button sa wireless headphone ko upang makapagpatugtog. Binuksan ko 'yung pinto ng sasakyan ko at tiningnan sila para sabihin kung saan kami kakain.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon