Page 9

44.6K 1.4K 125
                                    

Page 9

Eclair's P.O.V

"In commemoration of the 100 years of life and mission of the..." nakasalong-baba akong nakikinig sa mga reporters namin, pero jusko. Kahit na ano'ng gawin ko ay wala talaga akong maintindihan.
Maliwanag na sinabi ng professor namin na i-explain 'yong report. Pero ang ginawa, binasa lang 'yong nasa visual aids! Paano maiintindihan ng iba kung hindi ipapaliwanag 'yan ng reporter? Ta's itong professor namin, nakikinig lang pero hindi pinag e-explain.

Hoy, quiz namin bukas. Ano na lang makukuha naming score bukas kung wala naman kaming naiintindihan.
Hahh... Bakit ba ako nag college?

Binasa lang nila nang binasa 'yong nasabi nilang report hanggang sa matapos na siya. Nagtanong siya kung may tanong kami ro'n sa report nila. Sa totoo lang, lahat pero tatanungin ko na lang kung ano 'yung mga pwedeng maging key points. Magtataas sana ako ng kamay para magtanong tanong pero bigla kaagad siyang sumagot. "Ma'am, wala na po silang tanong. Babalik na po kami upuan."

Kaya 'yung kamay kong iaangat ko sana ay hindi ko na lamang itinuloy lalo pa't pinandidilatan na ako ng mata ng blockmates ko.
Pumalakpak ang lahat habang walang gana lamang akong pumalakpak ng isa.

Binasa lang niya 'yong nasa manila paper at sa powerpoint nila kaya bakit kayo pumalakpak? Hello? Lahat naman tayo marunong magbasa.

"Naiintindihan niyo na ang sinabi ng kaklase niyo?" Tanong ng professor namin nang makatayo s'ya sa pagkakaupo n'ya sa student's chair na bakante ro'n sa likod.

"Opo!" Sagot ng lahat kahit ang totoo ay wala naman talagang naiintindihan. Humph, tingnan natin sa summative quiz kung matatatas mga exams niyo.
Ida-download ko na lang 'yung presentation nila. Gagamitin ko 'yung charm nung apat para mahingan ng pabor 'tong reporter na I-send mamaya sa group chat namin.

Nagring na ang bell kaya tumayo na ang mga kaklase ko gayun din ako.
"Good bye" Paalam nung professor namin at tsaka umalis sa classroom.

Inayos ko lang din ang mga gamit ko bago ako tumayo't hinarap 'yung tatlo kong kaibigan. "Sa'n kayo punta? May gimik pa kayo?" Tanong ko.

"Ako, uuwi na muna ako, may gagawin pa sa bahay" Sagot ni Arvin sabay kuha sa bag n'ya.

Sinabit ni Richard ang bag n'ya sa kanyang balikat. "Ako rin" Sagot nito kaya ngayon ay inilipat ko ang tingin kay Kyle na nakikinig sa tugtogin niya. Pero noong mapansin n'yang may sasabihin ako ay inalis n'ya ang headphone n'ya.

"Uuwi ka na ba?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Lalangoy sa baba." Sagot niya at tinanong din ako pabalik.

Umangat ang tingin ko para mag-isip. Maaga pa naman kaya ayoko rin namang umuwi. "Hmm," Pag-iisip ko at ibinaba ang tingin para ngitian si Kyle. "Sasama na lang ako sa'yo kung okay lang?"

Siniko ako ni Arvin kaya muli akong napatingin sa kanya. "Lowkey ba na gustong makita 'yung abs ni Fafa Kyle?" Tukso niya sa akin kaya ibinaba ko ang tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

"Gag*, may abs din ako." Sabay tapik sa aking tiyan. "Gusto n'yo makita--" Iaangat ko pa lang 'yung damit ko ay hinawakan kaagad ni Richard 'yung pulso ko para pigilan ako sa gagawin ko.

"Stop. Nakakasuka." Kunot-noong wika ni Richard.

Nginisihan ko siya. "Nakakasuka kasi puro," Sabay sampal sa tiyan niya. "...taba 'yang tiyan mo?" Ganti ko bilang pang-aasar.
Kumpara kasi sa tatlo, hindi siya ganoon ka-fit. Pero sakto lang 'yung katawan niya.

"Hindi bagay sa babae ang may abs." Pangongontra niya kaya napaharap na ako sa kanya.

"Hindi ko hinihingi 'yang opinyon mo." Marahan kong pagtulak sa kanya gamit ang hintuturong daliri ko. "You have no rights to tell that kind of your opinion lalo na kung kaharap mo ibang babae."

"That's the point, hindi ka 'iba' kaya sa'yo ko sinasabi."

Napataas-kilay ako dahil doon. "Napaka nonsense mo talagang kausap, eh 'no?"

"Hoy, hoy. May sarili nanaman kayong mundong dalawa." Sabi ni Arvin at hinila ang bag ni Richard. "Hindi ka na ba sasabay, 'tol? Aalis na ako." At naglakad na si Arvin matapos niya kaming tanguan ni Kyle bilang pagpapaalam niya.

Inayos ni Richard 'yung pagkakasabit ng bag niya bago kami pasadahan ng tingin. "Bye, tomboy!" Talagang inasar muna ako bago umalis. Buang talaga 'yon kahit kailan.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon