Page 60

18.7K 647 112
                                    

Page 60

Eclair's P.O.V

"Papasok talaga ako?" Hindi ko siguradong tanong. Kinakabahan ako na tipong para akong natatae na ano. Suot-suot ko na 'yung Black Long Dress at medyo late na rin talaga kami dahil na-traffic pa kami bago kami makarating dito. "Para akong natatae, eh. Mag banyo na muna kaya ako? Mauna na kayo." Tatalikod na sana ako kaso hinila ako pabalik ni ate Elsie at Yuuki sa pwesto ko.

"Girl, mamaya ka na tumae. Late na tayo." Pagsangga ni Yuuki ng braso niya sa akin.
"Ano ba kasi inaalala mo?" Taas-kilay na tanong ni Ate Elsie na hindi ko naman nasagot. Subalit napatingin ako kay Ate Britney noong hawakan niya ang magkabilaan kong balikat na may ngiti sa kanyang labi.

"You're pretty more than what you think. Look." Iniharap ako ni Ate Elsie sa katabing sasakyan kung saan nakikita ang repleksiyon ng itsura ko dahil na rin sa liwanag mula sa post light. Wala kami sa mismong parking-an, nandito lang kami sa mga iilang parking-an ng mga vehicles kung nasaan mismo 'yung convention center.

Nakaiwas pa ako nang tingin at hindi pa tinitingnan ang sarili. Huminga na muna ako nang malalim tapos dahan-dahang inilipat ang tingin sa black tinted window shield nung sasakyan. Matapos kasi akong ayusan kanina ay hindi ko na nagawang I-check kung ano ang itsura ko dahil sa nagmamadali na nga kami.

Unti-unti ko pang idiniretsyo ang tingin hanggang sa ihinto ko na ito.

Hindi ko man nakikita nang buo ang tunay na kulay at kung ano ang itsura ko ro'n sa repleksiyon, hindi ko nga maitatanggi na pati ako ay nasurpresa.
Para ngang bigla kong nakita 'yung totomboy tomboy kong pananamit ng mga sandaling iyon hanggang sa maglaho't makitang muli ang itsura ko ngayon.

Ang kulot ng buhok ko ngayon ay nakahawi sa side. At kahit naka masquerade mask ako ay makikita ang kakaibang aura na nabubuo nito.
Hindi rin malalaman na ako si Eclair kaya napahinto na ako sa kinatatayuan ko.

Pero sandali, tang ina. Naiipit panty ko ta's ramdam ko pa 'yung hangin sa ilalim! Sabi ko na nga ba dapat nag short ako, eh!

Humawak si Orange sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Now that it seems you already gained your confidence. Let's go, we're already late." At iginiya na niya ako paloob.

***

HINDI KAAGAD ako dumiretsyo sa mismong area kung saan gaganapin ang event at pumunta na nga muna ako sa banyo. Pinauna ko na sila Orange dahil late na nga kami at ayokong mas hintayin pa nila ako.
Pero hindi naman nagtagal ang pagbabawas ko at patakbo akong naglalakad makarating lang sa event. Late na talaga ako! Sobrang late!

Siguro dadaan na lang ako sa exit doo-- Maling idea. Mas marami ngang professor doon, eh. No choice. Sa mismong entrance na lang talaga ako dadaan tutal ay kailangan ko rin namang isulat ang pangalan ko for attendance. Parang pumunta lang talaga ako sa patay.

Hawak ko ang tela ng aking long dress gamit ang kanang kamay kasi pakiramdam ko ay matatapakan ko ang tela dahilan para matapilok ako.
Napaka hassle ng dress! Bakit ba ang hirap hirap maging babae! Ta's ito pang pouch bag! Mas mahirap pang dalhin kaysa sa backpack. P*ta.

Naririnig ko ang pagkanta no'ng apat ng "Dangerously" ni Charlie Puth mula rito sa labas, pero hindi ko muna iyon pinansin at nagmamadali pa ring makarating sa dapat kong puntahan. Mga ilang minuto at segundo...

Sa wakas! Nakarating na rin me! Whoo! Ka-pagod. Medyo haggard nga lang. Punas punas lang no'ng pawis 'tapos pahinga lang nang kaunti at okay na. Malamig lamig naman dito tsaka naka masquerade mask ako kaya hindi naman makikita kung nagkalat man 'yung eye liner ko. Mamaya ko na lang ayusin kapag nakaupo na.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon