Page 6

48.3K 1.6K 232
                                    

Page 6

Eclair's P.O.V

Araw ng Sabado. Siyempre may pasok kahit Saturday. Akala ko nga kapag nag first year ka sa kolehiyo, petiks ka lang, eh. Hindi pala. Walang pahi-pahinga kapag na sa Hojas University ka. Walang awa mga titser dito, tipong iitim talaga mga eyebags mo sa kapupuyat mo sa modules at homework mo.

Mas importante na ba ang grades kaysa sa mental and physical health mo?

Baba ang balikat at mabagal akong naglalakad papasok sa campus. Umagang umaga, wala na akong energy. Gusto ko na lang matulog.

Sabi ko sa isip ko at humikab. Mag sinungaling kaya ako sa school nurse namin na masakit 'yung ulo ko para makatulog ako sa infirmary kahit papaano?
Humph. Kaso joke lang. Hindi ko rin 'yan magagawa dahil knowing that b*tch. Bibigyan lang niya ako ng gamot 'tapos paalisin sa clinic niya para pabalikin sa classroom. Ganoon ginagawa niya kahit pa tuwing nagkaroon ako ng Dysmenorrhea nung high school.

Sabi pa niya sa akin, mawawala rin daw kaagad. Eh, kaso hindi! Iba iba naman 'yung pain tolerance natin. Sana maintindihan 'yun ng iba, 'di ba? Nag nurse pa siya?!
Umuwi nga akong mag-isa sa sobrang inis ko dahil sa palagi siyang ganoon. Although pinagalitan ako kinabukasan niyon.

Hahh... Kung pwede nga lang hindi pumasok ng walang mami-miss na lectures, gagawin ko.

Ang dami kong sinabi sa utak ko kaya mas lalo akong inaantok.
Muli akong napahikab nang may tumawag na monggoloid sa likod ko. "Hoy, tomboy"

Lumingon ako sa kanya at binigyan ito ng walang ganang tingin. Papalapit si Richard sa akin pero pumukaw sa atensiyon ko 'yung mga estudyante na halos himatayin na ro'n sa kanilang kinatatayuan habang tinititigan ang crush nila.

Kung alam n'yo lang na para siyang palaka kung tumae sa inodoro.

Tumigil na nga ako sa paglalakad para harapin siya. Ipinasok ko ang kamay sa suot suot kong brown checkered polo. "Oh. Tumataba pisngi mo, ah? Baka tuluyan ka ng maging chipmunks niyan." Biro ko sa kanya bago kami magsabay na maglakad pareho.

"Shut it." Pikon at simangot na wika ni Richard bago kami dumiretsyo sa classroom.

Isinabit ko ang bag sa gilid ng desk ko at umupo sa nakita kong pwesto rito sa tabi ng bintana. Tumabi rin sa akin si Richard, 'yung dalawa wala pa rin. Pero sinabi naman nilang papasok sila.

"Ang init," Daing ni Richard at inalis ang unang buttones.
Lumingon siya sa akin. "Ayaw mong alisin 'yung polo mo kahit ngayon lang?" Tanong niya sa akin. "Ako ang naiinitan sa suot mo."

"Ikaw ba nagsusuot?" Pagtataray ko sa kanya. "Tsaka ayoko alisin. Hindi naman ako madaling mainitan tulad n'yo. Sanay lang kayo sa aircon." Ipinatong ko sa desk 'yung filler notebook ko bilang paghahanda pero dahil maaga-aga naman ang dating namin dito, makakatulog pa ako nang kaunti. "Matutulog na muna ako, gisingin mo na lang ako kapag nandiyan na si Sir." Nakaharap ako kay Richard na nag heads down. "Gisingin mo 'ko, ah?" Ulit ko na sinimangutan niya.

"Bahala ka sa buhay mo."

Kumunot ang noo ko. Sinipa ko 'yung tuhod niya kaya nainis pa siya lalo. "Oo na, oo na. Gigisingin kita!"

"Mmh. Sundin mo master mo." Pumikit na nga ako.
Naramdaman ko kaagad 'yung antok, pero dahil sa malakas ang pakiramdam ko na may tumititig sa akin ay dinilat ko ang mata ko para bigyan ng masamang tingin si Richard na walang ganang nakatitig sa akin. Nakasalong baba itong nakababa ang tingin sa akin. "P*ta ka, paano ako makakatulog niyan, ha?"

"Ang ganda mo pala kapag tulog." Namilog ang mata ko at umawang-bibig, akmang may sasabihin noong bawiin niya kaya itinikum ko na ang bibig ko. Umismid siya. "Hinihintay kong tumulo laway mo nang ma-picture-an kita, eh."

Bored lang din akong nakatingin sa kanya nang ilabas ko ang phone ko't ipinunta sa gallery ko para ipakita sa kanya 'yung litrato niya nung high school kung paano siya tumae sa inodoro. Sinend lang talaga 'to ni Arvin sa GC namin noon ta's nag desisyon lang akong I-save para may magamit sa ganitong sitwasyon.
Naka censored naman 'yong elepante niya kaya walang problema, at kahit na makita ko, wala ring problema. Sabay naman kaming maligo ng apat noon.

Napatayo siya't napaurong. "Bakit na sa'yo pa 'yan?! Akala ko ba binura mo?!" Hindi makapaniwala nitong reaksiyon.

Nginisihan ko siya. "Don't underestimate me, marami akong back up baka 'di mo alam." Inangat ko na nga ang ulo ko. "Okay lang na picture-an mo 'ko na tumutulo laway ko, basta hahayaan mo rin akong ipakita 'to sa lahat." Tukoy ko sa litrato. "Tingin ko naman hindi iyon ang rason para mabawasan fan girls mo." Nagtakip bibig pa ako't binigyan pa siya ng malokong ngiti. "Baka nga mas madagdagan pa."

Nanggagalaiti naman itong napatingin sa akin. "Ikaw..." Nanggigigil nitong sabi. "Burahin mo 'yan!" Turo niya sa cellphone ko pero tiningnan ko lamang ang tinuturo niya bago ko ilagay sa bulsa ng skirt ko ang phone at mas lalo siyang nginisihan bago ako ulit mag heads down. Hindi ko na siya pinansin kapag tinatawag niya ako. "Ano gusto mo?" Tanong niya tsaka ko naramdaman ang kanyang pag-upo sa kanyang upuan. "Kahit na ano, gagawin ko." Dugtong niya pero deadma lang ako.

Mayamaya pa noong bigla niyang sinundot 'yung tagiliran ko dahilan para masampal ko siya ng hindi ko sinasadya. "F*ck, Eclair!" Hawak niya sa pisngi niya.

Hawak-hawak ko ang tagiliran kong sinundot niya. Hayup 'to. Sabi ko na ngang huwag ako bigla-biglang ginaganoon dahil alam na ngang madali akong magulat kapag ganoon. "Nanunundot ka, eh! T*ngina mo! Natutulog ako!"

Dumating naman sila Kyle at Arvin. "Hoy, hoy... Umagang-umaga, nag-aaway nanaman kayong dalawa diyan." si Kyle at umupo sa harapan ko, tumabi naman sa kanya si Kyle.

"Eh, gag* kasi nito." Sabay tingin kay Richard na masama lang ding nakatingin sa akin. Ta's hindi pa nakuntento dahil sinunod naman niya 'yung pusod kong buhok, tinanggal niya.

Wala akong tulog masyado kaya mabilis akong napikon. Tumayo ako at handa na siyang upakan nang pigilan na ako ni Kyle at Arvin.
Hinawakan nila ang balikat ko habang pilit lang akong kumakawala. Pero lalaki sila at mas malakas kaysa sa akin kaya hindi ko rin magawang alisin mga hawak nila. "Bitaw! Uupakan ko 'yung ungas!" Tukoy ko kay Richard.

"Ah, pikon pikon." Pang-aasar pa ni Richardd 'tapos bumelat pa. P*tang ina talaga nito!

"Hoy, ano kayo? Bata?" Nawe-weird-uhan na sabi ni Kyle sa amin.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon