Page 24

27.9K 969 200
                                    

Page 24

Eclair's P.O.V

Pagpasok pa lang namin sa malaking gusali kung saan gaganapin ang night party para sa maaanunsiyong engagement mamaya ay makikita kaagad ang kagandahan nung lugar. May chandelier sa gitna, mga nagsisiliwanag na ilaw at nagkikislapang mga makikintab na bagay sa loob.
Maririnig din kaagad ang nakaka-relax na tugtugin katulad ng mga nagva-violin sa stage at nagpa-piano sa gilid nito.

Amoy yayamin din ang loob na karamihan ay mga estudyante ng Hojas University ang nandito. Ang soyal ng mga suot-- pero teka! Sabi ko nga nandito sila, eh!

Mabilis akong pumunta sa likod ni Vince para magtago.
Pilit na ngumiti si Vince. "Why are you hiding?"

"Nandito 'yung mga kakilala natin." Honest kong sagot kaya ipinatong ni Kyle ang mga kamay niya sa balikat ko para ilayo ako kay Vince.

Binigyan niya ako ng thumbs up pagkalingon ko sa kanya. Animo'y sinasabi nitong wala akong dapat na ipag-aalala kaya sinimangutan ko siya't naglakad.
"Joke lang. Wala naman akong pake." Pagsisinungaling at pagtatapang-tapangan ko na lang.

Bingiyan ako ng malungkot na tingin ni Kyle kaya inis ko siyang tiningnan. "Ano ba'ng problema mo?!" Para kasi siyang naaawa sa akin na hindi mo maintindihan kaya naiinis ako, eh.

Inis na umungol si Richard. "Hoy, nagugutom na ako. Pwede bang kumain na muna tayo? Tutal nakahanda na 'yong pagkain sa harapan." Tukoy ni Richard sa mga nakahandang putahe sa harapang lamesa.

Tinaasan ko siya ng kilay at nginisihan. "Hindi na ba makapagpigil 'yang sawa mo't hindi ka makapaghintay na magsabay-sabay ang kain?"

Humarap naman si Richard sa akin at pilyo akong tinaasan ng kilay. "Ha? Mas maganda nga na mauna na tayong kumain para hindi na tayo makipag-agawan mamaya, eh."

"Pwede na ba?" Tanong ni Vince.
Naglabas ng hangin sa ilong si Kyle bago isuot ang headset niya na kanina'y na sa leeg lamang niya. Tumango naman si Vince kahit wala pang sinasabi si Kyle. "Sabagay, kahit naman hindi pwede, kakain pa rin tayo." Ani Vince at naglakad. "Tara na," Anyaya nito.

"Wai--"

"Umupo ka na lang muna, ako na kukuha ng pagkain mo. Kahiya naman sa'yo." Sabi ni Richard bago tumalikod sa akin para sumunod kina Kyle.
Kahit na gusto ko silang pigilan o kaya'y sundan ay hindi ko na nagawa.

Iginala ko na lang muna ang tingin sa paligid ko at hindi na muna umupo.
Nakita ko nga na nandito rin 'yong girlfriend nitong si Kuya na si Britney. Maiintindihan ko pa kung ka-batch namin kaya bakit nandito 'tong Britney Spears na 'to?

Dinadagdagan ko lang talaga 'yong panagalan niya ng 'spears' para hindi lang pangalan niya mismo 'yung nababanggit ko.

Sa aking pagtayo ay napalingon ako sa isang b*tch na papalapit sa akin.
Nang makahinto siya sa harapan ko ay tila gusto nitong tumawa. Tinakpan niya ang bibig niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

I looked away. "Wow... Look at you? Why are you wearing clothes that looks so baduy? Hello? Nasa galanteng party ka but you..." Kinilabutan si Bea sa suot ko dahil sa paraan ng pagtingin niya gayun din ang mabilisan nitong paghimas niya sa kanyang braso. "Eww." Natawa nang kaunti ang dalawa niyang alipores sa likod.

Huminga ako nang malalim bago ko siya tingnan mata sa mata. Bingiyan ko siya ng ngiti. "Ahm, hindi naman sa ano. Pero hindi naman ako nagpapa-impress sa'yo so wala akong pake kaya dapat siguro..." Humawak ako sa batok ko. "Mind your own business."

Mukha itong napikon sa sinabi ko dahil sa pagtaas nang kaunti ng mga kilay niya.
Naglakad na akong nilagpasan siya, hindi na ako naghintay nung sasabihin niya pero bigla niya akong hinawakan sa braso upang iharap ako sa kanya.
"Teka nga, sinasabi mo bang nangingielam ako sa'yo?" Nagpipigl na paglukot niya ng mukha.

Kumurap-kurap ako bilang pang-aasar. "Hindi ba?" Parang nagmamaang-maangan ko.

HIndi naman ito makapaniwalang napatingin sa akin. "Napakayabang," Paglayo niya nang tingin sandali na ibinalik din pagkatapos sa akin na may pagkainis sa kanyang mukha. "Ikinaganda mo ba 'yan, tomboy ka?"

"Maganda ba ako tingnan sa'yo?" Tanong ko pa kaya napakagat-labi siya.

Nanggagalaiti na ito. "Just because you have been friends with the Four Heartthrobs since childhood does not mean you can act--" Pinutol ko siya nang harapan ko na si Bea. I won't ever forget this name, palagi na lang kasi niya akong ginugulo.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon