Page 47

20.5K 739 61
                                    

Page 47

Eclair's P.O.V 

Sa hallway. Inis kong inayos ang polo ko tapos hinarap 'yung kanina pang nangangalabit at tumatawag sa pangalan ko. Akala ko nakaalis na 'tong taong 'to! "T*ngina. Suntukan ba gusto mo, huh?" Maangas kung tanungin sa nagngangalang si Blue.

Umatras naman siya. "Hindi hindi, ikaw ang gusto ko hindi suntukan"

Tinaliman ko siya ng tingin. "Ha?" Reaksiyon ko gamit ang malalim na tono ng boses kaya mabilis siyang napahinto at napaatras.

Subalit tumayo rin nang tuwid at huminga nang malalim bago ibinuga.
Pagkatapos ay tumingin nang diretsyo sa akin. "MAHAL KITA!" Malakas na wika niya na umalingawngaw pa sa buong lugar dahilan para mapatingin sa amin 'yung mga estudyante.

Pumalakpak ang iba at may iba naman ay na kornihan. Naririnig ko na nga rin sa hindi kalayuan 'yung isang professor na pinagsasabihan. "Na sa skwelahan kayo, ah. Pumasok kayo sa mga klase n'yo!" Suway nito samantalang hindi ako makagalaw dahil na rin sa pagkagulat.

Sinong baliw aamin ng ganyan saa public? Hindi ba siya nahihiya?
O baka pinagti-trip-an ako ng taong 'to?

"MAHAL KITA! MAHAL NA MAH--" Hindi ko na siya pinatapos dahil mabilis akong tumakbo palayo sa kanya dahil na rin sa kahihiyan.

"Oy! Hindi pa ako tapos!" Aniya at humabol sa akin.

"Huwag mo 'kong sundan! Tang ina mo! Wala akong atraso sa 'yo, ah!" Sigaw ko habang patuloy pa rin ako sa aking paglayo sa kanya.

"Wala kang atraso pero kailangan ko ng sagot mo kasi mahal na mahal kit--" Muli ko siyang binigyan ng isa pang matalim na tingin kaya itinikum niya ang bibig niya.

"Eclair!" Pagpikit niya nang mariin pagkatawag niya sa pangalan ko.

"SHUT IT!"

***

HAGGARD akong nakarating sa classroom matapos kong makatakas sa Blue na iyon. P*ta no'n, paanong hindi ka matatakot. Eh, bigla bigla na lang lilitaw sa buhay mo para lang sabihing mahal ka niya kahit wala naman siyang alam tungkol sa 'yo.

Sure akong pinagti-trip-an lang ako no'n.

"Eclair!" Tawag ni Yuuki sa akin kaya napatingin ako sa kanya na papalapit sa akin. "Mornin-- Ano nangyari sa'yo at parang ni-rape ka ng kung sino?"

Inayos ko ang bag ko at sinimangutan siya. "Huwag mo ngang gawing biro 'yan."

"Eclair!" Si Orange naman ang tumawag sa akin at niyakap ako. "Tulungan mo 'ko! Ayaw akong tulungan ni Yuuki sa assignment! Paano kung ma-zero ako?!" Halos mangiyak siya habang sinasabi niya iyon.

Napataas-kilay si Yuuki at nagpameywang. "Ilang beses ka ng nagpapatulong sa akin sa homework mo. Ano'ng gusto mong gawin ko? Ako na mag-aral, ha?" Strict na suway ni Yuuki kaya isinubsob naman ni Orange ang mukha niya sa dibdib ko't muling tinawag ang pangalan ko.

Medyo naawa naman ako nang kaunti kaya inalok ko na nga lang sa kanya 'yung assignment ko. Isa lang naman iyon kaya alam ko ang tinutukoy niya.

"Eclair." Pasuway na tawag sa akin ni Yuuki kaya napatingin ako sa kanya. "Hayaan mo siya. Baka maging abusado."

"Ganyan na ba talaga tingin mo sa akin?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Orange nang makalingon siya kay Yuuki. Subalit tinaasan siya ng noo nito at binigyan ng malamig na tingin.

"Kung hindi mo kayang gawin, umalis ka sa pinagpa-part time-an mo."

Mas niyakap ako nang mahigpit ni Orange at humagulgol. "Hindi pwede!" Sigaw niya sa dibdib ko.

Namilog ang mata ko at ibinaba ang tingin kay Orange. "Part time?" Ulit ko sa binanggit ni Yuuki. Narinig ko ang pag buntong-hininga ni Yuuki kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Nag-away sila nung Mama niya, ngayon hinamon niya na isang buwan daw siya mawawala sa bahay at mamumuhay mag-isa ng hindi dumepende." Nagkibit-balikat si Yuuki. "Pero na sa bahay ko lang naman siya."

"Alangan namang mag renta pa ako ng apartment! Gusto mo bang mawalan kaagad ako ng pera?!" Bulyaw nito.

Ngumiti ako nang pilit. "Pero alam mo naman ang mga magulang. May nasasabi pero hindi naman nila meant na sabihin."

Inilagay ulit ni Yuuki ang kanan niyang kamay sa beywang niya. "Iyan nga rin sinabi ko. Ayaw lang makinig."

"Eh, ba't hindi niya ako tine-text? Busy sa jowa niya?"

Napahawak si Yuuki sa noo niya. "Nakalimutan mo yata na tinapon mo sim card mo?"

Bigla naman akong nag-alala. "Orange. Baka mag-alala 'yung Mom mo. Bumalik ka na sa bahay--"

"Class! May ibabalita ak--" Pagkapasok pa lang ng professor namin at nang makita niya si Orange ay nag-iba ang ekspresiyon niya at animo'y nakakita ng multo dahil na rin sa mukhang ginawa niya. "Orange! Hinahanap ka ng nanay mo! Nandito ka lang pala?!"

"Eek!" Pagtili ni Orange habang napabuntong-hininga ulit si Yuuki.

"College ka na pero umaarte kang bata! Sumama ka sa akin sa principal's office! Muntik ka ng ipa-blotter ng nanay mo!" Nanggagalaiti na sabi nung professor namin habang pinipilit siyang patahimikin ni Orange dahil nakakahiya nga naman.

Nakasunod lang kami ng tingin ni Yuuki sa kanila na lumabas ng classroom.

"Ayusin ko muna 'yung buhok mo habang wala pang prof." Kinuha ni Yuuki ang pulso ko at hinila ako papunta sa pwesto niya.
Pero habang iginigiya niya ako ay napatingin ako sa pwesto ni Richard. Wala pa rin siya, pero nandito na si Arvin at nakikipag kwentuhan sa iba pang mga guy friends niya.

Kung iisipin ko, medyo paunti-unti na nga rin kaming nagbabago.
Hindi na kami 'yung tulad dati na magkakasama all the time.

Umupo ako sa upuan ni Yuuki tsaka siya pumunta sa likod ko para simulan ako ayusan ng buhok. "Pusod lang, ayoko masyadong stylish."

Hahawakan pa lang ni Yuuki 'yung buhok ko nang mapatigil siya. Humagikhik bago niya sinilip ang mukha ko. "Ayaw mo ba masyadong ma-expose 'yung kagandahan mo?" Pabirong tanong niya sa akin.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon