Page 11

37.1K 1.3K 76
                                    

Page 11

Eclair's P.O.V

Na sa kalagitnaan ako ng aking pagtulog nang makarinig ako ng kung anong weird na tunog na nagmumula sa cellphone dahilan para magising ako.
Slowly, I glared at my phone that keeps on ringing at the side table. Mahahalata rin sa pagmumukha ko ang inis dahil sa naglulukot na rin ito.

"Mahal na mahal ko si Richard baby! Mahal na mahal ko Richard baby! Mahal na mahal ko si Richard baby!" paulit-ulit na ringtone na naririnig ko sa phone ko.

Tarantad* talaga 'yung pesteng Arvin na 'yan!
Siguro nung habang wala ako kahapon at na sa banyo ako, nai-record niya 'yan ng wala akong kaalam-alam. Kaya pala ganoon 'yong itsura ni Richard kahapon? Parang may gustong sabihin na hindi mo maintindihan. Ba't kasi hindi niyas sinabi sa akin?

Umupo ako sa pagkakahiga ko at inis na sinagot 'yung call pagkakuha ko sa phone. "Hello?!" Inis na sagot ko sa tawag ni Richard. Ang gag* kasi. Alasingko pa lang ng umaga, pero tinatawagan na ako.

"Ganyan ka ba talaga bumungad sa asawa mo?"

Tumirik ang mata ko sa inis. Napahilamos at kinuyom ang kamao para magpigil ng inis. Nangggigigl ako! "Tang*na mo Richard! Gusto mo yata basagin ko bungo mo, eh?!"

Sa susunod talaga, magsa-silent na 'ko ng phone. "Whoa chill. I called you para kumustahin ka."

"Para saan 'yong pangangamusta mo?" Iritable ko pa ring tanong. "Ano kailangan mo at napatawag ka ng ganitong oras?" Kinusot ko ang mata ko kasi ramdam ko pa rin 'yung bigat nito. Huminga ako nang malalim. "You won't even bother call me kung wala kang kailangan."

"Is that how you see me?"

"Get to the point already." Diretsyo kong sagot. "Calling me at this hour is not even make me happy na kukumustahin mo 'ko. So ano nga kailangan mo sa akin?" Tanong ko pa sa kanya kaya hindi siya kaagad nakasagot.

"Hindi bale na lang." Mukha naman niyang ibababa 'yong tawag kaya inunahan ko na siya.

"Huwag mo 'kong aartehan. May gusto ka bang gawin? Pwede naman kitang samahan." Ako pa talaga 'yung nakonsensiya sa ginagawa niya. Buwisit 'tong taong 'to.

Sa susunod nga, gagawin ko 'yong ginagawa niya para alam niya 'yong feeling ng tinatawagan ng ganitong oras.

"Nag-aaya sina Vince pumunta sa BlackCente, pupunta ka ba?"

Pikit akong napakamot sa aking ulo.
So tinawagan niya lang ako para tanungin ako kung free ako?

"Free ako pero pass." Sagot ko sa kanya. "Bakit? May iba ka pa bang dapat na gawin?" Tanong ko pa. Knowing Richard, hindi kasi talaga siya diretsyong sumagot. Ang daming paliko-liko, ang dami mong kailangang tanungin bago mo malaman kung ano 'yung pinaka gusto niya. Hindi ko nga rin siya maintindihan minsan ba't hirap na hirap siyang diretsyohin na lang 'yung gusto niya.

"Mayroon, punta sa mall. Kung ano, samahan mo 'ko. Kung ayaw mo, okay lang." Sa pagkakataon na 'to, walang gana lang akong napabuntong-hininga.

"Okay, pero matutulog muna ako. Mga 8 ka na lang pumunta rito, ha? Sige, bye." Hindi ko na siya hinintay na sumagot kasi binaba ko na kaagad 'yung tawag at ibinagsak na nga ang katawan ko sa kama para muling matulog. Kaya nakalimutan ko na rin na mag set ng alarm clock.

***

BUMANGON AKO SA pagkakahiga ko sabay wala sa sarili na nasapak si Richard na ngayon ay nasa KWARTO ko!
Napahiga si Richard sa sahig habang naka-pose pa rin ako ng style ni PacMan. Medyo matagal akong naka-pose ng ganoon nang ma-realize ko na nandito pala ako sa realidad. Alam ko 'yung napanaginipan ko, nare-recall ko pero hindi ko magawang maalala ng buo. Ano 'yon?

Lumuhod ako sa kama at sinilip ang namamaluktot na si Richard na nakahiga pa rin sa sahig hawak-hawak ang kanyang labi.. "Hoy, h'wag ka ngang O.A diyan, hindi naman masakit 'yung sapak ko ta's kung umarte ka akala mo--"

Hinarap niya ang katawan niya sa akin. "Masakit kaya!" Pag-alis niya ng kamay niya sa bibig niya kaya nakikita ko na medyo dumugo nga iyon.

Napatakip-bibig ako. "Oh." Reaksiyon ko at nag gestured. "Okay lang 'yan." Umalis ako sa kama ko "...malayo naman sa bituka mo 'yan" Sabay tapik sa balikat niya at naglakad papunta sa cabinet ko para kunin 'yung first aid kit ko.

Ramdam ko naman na tumayo na siya. "Tsaka..." I paused at humarap sa kanya, "Ano nga pa lang ginagawa mo sa KWARTO ko? Sino ang nagpapasok sa'yo rito, huh?" Singhal ko at napatingin sa harapan ko nang pumasok si ate Elsie.

"Ako, bakit little sis? Angal ka?" bungad ni ate Elsie na parang ginagaya pa 'yung galaw ko. Bakit ako matatakot kung puwede naman na siya ang takutin?

Inirapan ko siya. "Oh...? Okay, sasabihin ko sa crush mo, crush mo siya" Mabilis na namula ang mukha niya at kaagad na lang ding tumalikod.

"Whatever" Sabi niya. "Nandiyan na rin naman siya, huwag ka ng umangal." Sabay walkout. May sinigaw pa nga siya sa labas. "Enjoy kayo sa date n'yo!"

Napapadyak ako sa sahig. "Hindi kami magde-date!" Sigaw ko at inis na nga lang kinuha 'yong first aid kit sa cabinet.
Lumapit na ako kay Richard pagkatapos, tinuro ko ang edge ng kama para sabihing doon siya pumwesto. "Upo."

Ginawa naman niya 'yung sinasabi ko at umupo nga ro'n sa edge ng kama ko.
Kinuha ko 'yung stool para ilagay sa tapat niya't umupo. Kinuha ko 'yung mga kakailanganin para ma-treat 'yong labi ng lalaking ito. Habang ginagawa ko, ngayon ko nga lang napansin na ang pula pula pala ng labi niya. Sa totoo lang, hindi lang naman siya kundi pati na rin 'yong tatlo.

Well, hindi naman sila matatawag na heartthrob sa campus kung hindi rin talaga perfect 'yong physical appearances nila.
Kung tatanungin naman ako kung bakit hindi ako naa-attract sa kanila, iyon ay dahil sa unang-una, magkaibigan kami simula bata pa lang. Pangalawa, nakakasawa silang makita kasi palagi ko nga silang nakakasama.

Pero hindi ibig sabihin, wala silang mga good points kasi sa totoo lang, marami rin talaga. Kaya siguro kung ibang babae ako? Na in love na siguro ako sa isa sa kanila.
"Ba't hindi ka na lang tumawag na nandito ka na pala?" Tanong ko sa kanya habang nakaiwas lang siya ng tingin.

"Kanina pa kita tinatawagan." Sagot niya at ibinalik sa akin ang tingin. "Tingnan mo kaya 'yong oras. Sabi mo Alas Otso, pero anong oras na. Hindi mo pa ako mine-message kaya ako na 'yung pumunta rito kasi akala ko kung ano na nangyari sa'yo. Ta's pagkadating ko rito, natutulog ka pa rin pala. Tumutulo pa 'yung laway m-- aray--" Diniin ko kasi nang kaunti 'yung bulak sa labi niya.

Isinara ko na 'yong box ng first aid kit at tumayo. "Kung wala kang magandang sasabihin sa akin, manahimik ka." Ibinalik ko na sa cabinet 'yong first aid. "Hintayin mo na lang ako sa baba. Maliligo lang ako--" Sinalo ko 'yong hinagis niya sa aking paper bag.

Ibinaba ko ang tingin sa hawak ko bago ko inilipat sa kanya. "Ano 'to?" Taka kong sabi.

"Buksan mo." Tugon niya kaya wala akong nagawa kundi ang buksan, laking gulat na binilhan niya ako ng pantalon.

"Wow! Ano sumapi sa'yo at binilhan mo 'ko ng jeans?" Pag ngisi ko sa kanya.

"Appreciation gift sa pagsama sa akin. Naalala ko rin kasi na nagtititingin ka ng pantalon nung last na pumunta tayo sa mall kasi sabi mo kupas na. Kaya iyan, bumili na ako."

Inalis ko sa paperbag 'yong pantalon at tiningnan ang size. Namangha dahil ito 'yung saktong size ko. "At alam mo 'yong size ko, ah?" Ipinatong ko sa tapat ng beywang ko 'yung pantalon para makita ang kabuoan nito.

"N-Nasabi mo kasi! Kaya alam ko!" Nauutal niyang sabi kaya inangat ko ang tingin sa kanya.

"Ay, weh?" Reaksiyon ko at hinagis ulit sa kanya na nasalo naman niya. "Palagay lang diyan. Iyan na lang susuotin ko para malabhan pagkagamit. Kahit maghintay ka na lang sa baba, maliligo lang ako." Kinuha ko ang tuwalya ko at binuksan ang pinto. Handa ng buksan nang hawakan ni Richard 'yong pulso ko't bigla na lang akong iniharap sa kanya para isandal ako sa pader.

Napapikit pa ako sa gulat. Ta's nang imulat ko ang mata ko ay malapit na 'yong mukha niya. "Do you even see me as a man?" Tanong niya kaya kumunot-noo ako. "Alam mong may lalaki kang kasama rito sa kwarto mo pero parang wala lang sa'yo."

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya at napabuntong-hininga. "Palagi mo 'kong inaasar na tomboy but you actually see me as a girl, don't you?" Tanong ko sa kanya kaya namilog ang mata niya bago ako bitawan.

"Babae ka pa rin physically. Kung ibang lalaki ako, pwede pa rin ako makagawa nang masama sa'yo."

"I chose to trust you, at ikaw rin ang pipili kung sisirain mo 'yon." Sinabit ko na ang tuwalya sa balikat ko. "Kung anu-ano pinag gagagawa mo sa akin, hindi nga ako magtataka na naging kaibigan kita." Pinihit ko na ang door knob at binuksan. "Liligo na ako para makaalis na tayo. Kain ka na lang sa baba kung medyo nagugutom ka." Paalam ko at lumabas na nga. Isinara ang pinto at huminga nang malalim bago ako dumiretsyo sa banyo.

*****

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon