Page 30

26.2K 959 81
                                    

Page 30

Kyle's P.O.V

I told her about what I feel kahit na alam ko sa sarili kong hindi na dapat. Kaya ibig sabihin, tapos na. Wala na.

I went on the bench where no one is around and sat on the side. Pumorma na muna ako bago ako napabuntong-hininga. Ang bigat lang kasi nung na sa dibdib ko kaya inilalabas ko muna.
Walang alam sina Richard sa ginawa kong pag-amin, and I don't think sasabihin ni Eclair sa mga kaibigan namin kaya wala naman akong dapat na ipag-alala. Kung may iisipin man ako, siguro 'yong ikikilos lang ni Eclair kapag magkaharap kami. Kasi kung mahihiya siyang tumingin sa mga mata ko, baka pati ako ay mailang.

Napatungo ako at muling naglabas ng hininga. Pero hindi ko inaasahan na kahit na nailabas ko na 'yong na sa dibdib ko ay may mas ibibigat pa pala.
Akala ko kasi kapag nasabi ko na, magiging okay na ako. Pero mukhang hindi pa sa ngayon.

But at least, I can make a step to look forward.

Natawa ako sa ganoong kaisipan. Ang dali-daling sabihin, pero alam ko rin namang mahihirapan akong gawin 'yon.

I liked Eclair from the very start I saw her.
She is something that can actually make you feel at ease and comfortable. Compare to other girls, hindi mahirap gumawa ng conversation when I'm with her.
Nasasabayan ka pa niya sa mga ginawa mo, she's also the kind of person who will stay by your side to cheer you on, and support you.

And she is something you want to look after to. Kahit na sabihin nating siya rin 'yong babae na kayang kaya ang sarili niya.

Kaya 'yung salitang 'move on' is not something I can do. Not now.

"Kyle?" Tawag ng isang pamilyar na babae dahilan para mapatingin ako sa kanya. Si Orange ito, hindi niya kasama si Yuuki. "Ba't nandito ka pa?" Tanong niya sa akin at tumingin sa likuran ko na parang may hinahanap. "Hindi mo kasama mga kaibigan mo?" Tanong pa niya at naglayo bigla ng tingin. "S-Si Eclair, 'di mo kasama?" Hanap niya rito kaya naalala ko bigla 'yong panghahalik niya kay Eclair.

Napatayo ako at humarap sa kanya kaya siya naman itong napaangat ang tingin. "Bakit mo gusto si Eclair?" Tanong ko na ikina surpresa niya, hindi siguro niya inaasahan na ganoon ang isasagot ko dahil na rin sa paraan ng paggawa niya ng mukha.

Taka itong nakatingin sa akin at kumurap-kurap bago niya ako sinimangutan. "Kukuha ka ba ng intel sa akin?" Tanong niya at umatras nang kaunti. "Just so you know, wala akong pwedeng maisagot dahil hindi ko rin naman talaga alam kung bakit ko siya nagustuhan." Sagot niya kaya mas nagtaka ako. "I'm in love with her. Kusa 'yon dumating nang hindi ko hinahanap." Dire-diretsyo niyang sagot na nagpamilog sa aking mata.

Subalit ibinalik ko rin sa dating ekspresiyon. "You're telling me that. However, you knew that she can't reciprocate your feelings."

Nagpameywang siya. "Does it matter?" Taas-kilay niyang tanong na nagpabuka naman nang kaunti sa bibig ko. "I didn't love her to expect something in return. Kahit na wala siyang ibalik na kahit na ano as long as I can see her smile, that's all what it matters. But it doesn't mean I will quit, if you're going to ask me," Pag gesture niya na tinuturo ako. "I will try my best to make her fall in love with me." Pagkindat niya kaya mas bumuka ang bibig ko. Samantalang na-realize naman niya na napapakwento siya kaya tumikhim ito. "Masyado ka nang maraming nalalaman," May inilabas siyang ballpen na de pindot kaya lumabas ang tip nung ballpen.

Ta's itinutok niya sa akin iyon na para akong papatayin kaya natakot ako bigla. "Dadalhin kita sa impyerno ngayon."

"You're actually scary." Bored kong reaksiyon bago siya humagikhik kasabay ang kanyang pagbaba ng kamay.

"You're scared but you don't give that much of an expression." Ngiting biro niya bago niya inabot sa akin ang isang handkerchief na may disenyo ng bulaklak. Ibinaba ko ang tingin doon at taka siyang tiningnan.
Tinuro niya ang sarili niyang mata. "You're crying." At doon ko lang napagtanto na...

Tumutulo na pala ang luha mula sa mata ko. At hindi ko iyon mapapansin kung hindi pa sinabi ni Orange.

Kaya namilog ang mata ko't napahawak kaagad sa aking pisngi na namamasa na pala bago ko kunin ang panyong inaabot ni Orange. "S-Sorry. Hindi ko kasi napansin." Ugh, I'm so stupid. Why didn't I realize that sooner?

"It's fine. Ayoko ring makakita nang umiiyak na lalaki." Tugon niya bago ko ibinaba ang panyong ipinupunas ko kanina sa pisngi at mata ko.

"Oh." Nasabi ko lang. Da't kasi lalaki ang nagsasabi ng mga ganyang linyahan.

Umupo na nga ulit ako gayun din siya sa tabi ko. Nanahimik lang din kami sandali.
"Umiiyak ka sa babae, ano?" Tanong niya sa akin kaya 'yong nakaharap kong tingin ay mabilis na ibinaling sa kanya. "Despite that poker face of yours, I could tell that I hit the bull's eye."

Napasimangot ako. Tama naman kasi siya kaya wala naman na akong dapat na itanggi. "Paano mo nasabi?" Tanong ko.

"Is there any other reasons aside of a girl?" Tanong niya at humalukipkip. "Hindi ako magtatanong kung ano 'yong problema dahil kung tungkol 'yan sa love life wala rin naman akong maia-advice sa'yo. However," Pumikit siya. "Cry as much as you want, just make sure you will never cry for the same reason again when you're finished."

Biglang bumigat ang dibdib ko at sumasakit din ang lalamunan ko. Pero ginawa ko ang lahat para hindi mangyari ang ayokong mangyari sa harapan ng tao.
Kaya tumingala na lamang ako para tumitig sa covered court namin.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon