Page 53

17.6K 685 57
                                    

Page 53

Eclair's P.O.V

December 27th nang makalabas ako ng ospital. Nag-unat ako nang makalanghap ako ng sariwang hangin-- este usok pala.

Napaubo ako kaya sinimangutan ako ni At Elsie. Siya iyong nagsundo sa akin dahil wala iyong iba kong mga kapatid dahil bumalik sila sa trabaho.
Si Kuya Erick, may ipinasa lang na requirements sa H.U dahil hindi raw niya nai-submit kaagad 'yung project niya.

"Hoy, sabihin mo sa akin kung may sakit ka pa. Ibabalik kita sa loob." Tukoy niya sa ospital dahilan para mabilis ko siyang nilingunan.

"Huwag, please!"

Binigyan niya ako ng smug face. "Look at that reaction." Pang-aasar niya na tuwang-tuwa pa yata sa ginagawa kong reaksiyon. Napakamot na lang ako sa ulo ko at pabagsak na ibinaba ang kamay.

"Ang papangit ng mga pagkain sa ospital. Ang tatabang. Nami-miss ko na 'yong pagkain sa bahay."

"Pero makinig ka sa bilin ng Doctor. Huwag softdrinks nang softdrinks at bawal rin sa'yo ang masyadong maalat. Ang tigas pa naman ng bungo mo, ayaw mo makinig." Suway niya sa akin upang mapasimangot ako. "Nakausap mo na ba si Richard?" Tanong ni Ate Elsie habang naghihintay kami rito sa gilid ng kalsada. Naghihintay kami ng taxi rito sa may silong.

Nilingon ko si Ate Elsie sandali bago ako mapatingala. "Oo, sabi ko nga na babayaran ko 'yung ibinayad niya sa hospital bills ko dahil nga sa ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya. Pero ano sabi niya?" Napailing ako habang inaalala 'yung last text niya.

"Hindi nga ako nagbayad. Ang kulit mo." Message niya.

Napabuntong-hininga ako. "Bakit kailangan niyang I-deny kung alam naman nating lahat na siya nga nagbayad?" Patuloy ko sa pag-iling at inilipat ulit ang tingin kay Ate Elsie. "Pero siya ba talaga nagbayad?" Paninigurado ko.

Napaurong ang ulo ng kapatid ko sa tanong ko. "Ba't bigla ka namang nagduda?"

"I mean pinipilit niyang hindi siya iyong nagbayad kahit ikaw na nga ang nagsabi na siya ang nagbayad. Pero ano raw ba ang sabi niya sa'yo?" Tanong ko bago huminto ang taxi sa harapan namin. Pumasok na kami sa loob at umupo sa likod.

"Kuya sa Hillson lang." Pagbibigay ni Ate Elsie sa street namin bago sumandal. "Noong dinala ka kasi ni Arvin sa ospital. Sinabi niya kaagad na huwag ng mag-alala sa babayaran dahil binayaran naman na raw ni Richard." Sagot niya sa tanong ko kanina.

"Paano niya mababayaran kung hindi naman niya alam kung kailan 'yung exact date ng discharge ko?" Taka kong sabi.

Inirapan niya ako. "Sisz. Siyempre common sense, hindi big deal sa mga mayayaman ang expenses. Pwedeng bayaran ni Richard 'yon anytime kahit pa na isang taon ka diyan sa ospital." Pinitik niya ang hibla ng buhok niya. "Binayaran na niya iyon ng advance. Pero dahil sa nagtagal ka sa ospital, baka nagbayad pa ulit siya. Kaya nga dapat bumawi ka sa kanya."

"Paano ako babawi kung palagi niya ngang dine-deny na siya 'yong nagbayad, 'di ba?"

"Not my problem." Sabay crossed legs at labas nung phone niya. "Tingnan mo nga pala 'to? May nakita akong dress sa Nazada," Ipinakita niya 'yung item mula sa Online Shop. "Tingin mo bagay sa 'kin?" Tanong niya dahilan para humalukipkip ako at tumingin sa labas ng bintana.

"Malay ko, hindi ko malalaman hangga't hindi ko nakikita in person." Sagot ko at muling ibinalik ang tingin sa kanya. "Tsaka da't nga hindi ka nagbibibili ng kung anu-ano sa online, paano kapag na-scam ka?"

"Makikita mo naman 'yung reviews, 'no?" Pagbusangot niya at hindi na ako pinansin dahil busy na siya sa pagtititingin niya sa Nazada.

Muli na lang din akong tumingin sa labas para maglibot libot ng tingin.

***

NAKARATING NA KAMI sa bahay at naabutan namin na nandoon si Arvin sa tapat ng gate.
Isinara ko na ang pinto ng Taxi bago siya puntahan. "Oy, nandito ka?" Tanong ko sa kanya. Mukha siyang nagulat sa pagdating ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Gulat na gulat ka naman yata."

"Ah. Akala ko kasi na sa loob ka. Kararating ko lang din." Aniya bago makarating sa tabi ko si Ate Elsie.

"Oh, nandito ka ba para ayain ng date si Eclair?" Bungad niya kaagad kay Arvin dahilan para mamula ang mukha nito. "Hindi pa pwede, ah? Baka mabinat nanaman 'yan." Sabay bukas ng gate. "Pumasok na lang kayo kung gusto n'yo." Dagdag niya habang pareho lang kaming nakatingin ni Arvin sa kanya.

"Parang tanga." Iritable kong kumento bago ako tumingala kay Arvin. "Ano kailangan mo? Hindi ka nagparamdam ng ilang araw, ah? Wala ka man lang pa-Merry Christmas. Buti pa si Yuuki, binati ako."

Humawak siya sa batok niya. "Na-miss mo 'ko?" Pa-joke niyang tanong.
Hindi namna siguro masama kung sasabihin kong 'oo', 'di ba? Wala kasing maingay.

Ibinuka ko ang bibig ko. "Hindi." Mabilis kong sagot at tinulak palabas ang gate upang makapasok ako. Siyempre joke lang, hindi ko pwedeng sabihin. Kahiya.

"Ilang araw ka lang 'di nagparamdam, eh." Dugtong ko bago ko siya nilingon. Nakahinto lang siya kung nasaan siya kanina at medyo nakatungo. "Oy, ayaw mo bang pumasok?" Tanong ko. "Tumambay ka rin muna sa loob kung nababagot ka sa bahay mo."

Mabilis siyang tumingala sa akin. "Hindi ako magtatagal. Pumunta lang naman talaga ako rito para ibigay lang din 'to." Naglabas siya ng pahabang kahon sa shoulder bag niya, pagkatapos ay inabot sa akin. "Birthday and Christmas gift ko."

Naglakad ako palapit sa kanya at kinuha ang regalo niya. Tumitig pa ako ng ilang segundo sa inabot niya bago ko tingnan ang mukha niya. "May kailangan ka 'no?"

"Wala, 'no!"

Natawa ako at tumagilid kasabay ang pag-angat ko ng bigay niya. "Wala akong maibibigay na regalo sa'yo, pero siguro pwede na 'yung existence ko, ano?" Biro ko. At dahil nararamdaman ko na ang hiya ay tumalikod na ako. "Joke, ibibigay ko na lang sa susunod 'yung regalo mo kapag nakalabas na ak--" Pinutol niya ako.

"Tama ka naman, eh. Ikaw na 'yung regalo, your existence is already enough, Eclair." Natahimik ako bigla. Ang seryoso rin nung pagkakasabi niya kaya hindi ko nagawang harapin siya kaagad. "Hindi mo kailangang bumili at magbigay ng materyal na bagay para lang masabing may regalo ka. Iyong makasama ka lang, regalo na 'yon."

Naramdaman ko ang kaunting pagka-tense pero dahan-dahan ko siyang nilingunan.

Diretsyo ang tingin niya sa mga mata ko. "Arvin... You don't mean..."

Tumawa siya at napakamot sa batok niya. "Ganyan din iisipin nila Richard! Kaya hindi mo rin talaga kailangang magbigay ng regalo." Ngisi niya.

Napahawak ako sa dibdib ko kasabay ang aking pagbuga ng hininga. Nakahinga ako nang maluwag doon. "Akala ko kung ano na 'yung gusto mong sabihin." Bulong ko.

"Huh? Ano sabi mo?" Tanong niya kaya umayos ako nang tayo. Iwinagayway ko ang dalawa kong kamay sa tapat ng aking dibdib.

"Wala, wala." Sagot ko naman bago ko ibinaba ang mga kamay ko. "Pero sa bagay, bakit kailangan n'yo pa ng materyal bilang regalo kung halos lahat naman ay nakukuha n'yo?" Sabay pameywang. "Iba talaga kapag mayaman."

"Magulang ko lang 'yung mayaman." Sagot niya tsaka tumalikod ng hindi inaalis ang tingin sa akin. "Bago ako umalis, Eclair. Pwedeng magtanong?"

"Nagtatanong ka na." Pamimilsopo ko kaya napaharap nanaman siya sa akin.

"Seryoso ako!" Mariin niyang pagpikit.

"Oo nga, hindi ka naman nagjo-joke." Biro ko at nginitian siya. "Sorry, masyado ka nga kasing seryoso hindi ko mapigilang inisin ka kaunti." Sabi ko at itinabingi nang kaunti ang ulo ko. "Ano sasabihin mo?" Tanong ko na hindi niya inimikan sandali.

Para bang nag-iisip kung sasabihin pa ba niya o hindi.
Subalit napagdesisyonan niyang huwag na lamang ituloy.

"Uy, ito naman. Ang seryoso, itanong mo na." Pagtalon ko palapit sa kanya. "Ano nga itatanong mo?" Sabay tapik sa braso niya.

Nakababa lang ang tingin niya sa akin nang bigla niya akong yakapin. Nagulat ako kaya napatingin ako sa kanya. "Hoy!" Sabay hampas ko sa braso niya. "Hindi 'yan tanong!"

"Ano bang gagawin ko?" Mahinang tanong na sapat lang upang marinig ko.

Sa pagkataka ko ay napataas na ang kilay ko. Umawang-bibig at balak pang magsalita nang itikum ko na lamang.
Gaano ba karami 'yung iniisip ng tukmol na 'to at hindi ko nagagawang maintindihan 'yung gusto niyang iparating?

I'm kind'a hesitant to give him a soft hug pero ginawa ko pa rin kasabay ang iilang tapik sa likod niya. "Tumambay ka muna sa loob, pag-usapan natin 'yang problema mo, p're."

Humigpit ang yakap niya, doon ko naisip na baka nga malaki ang problema niya kaya hindi siya masyadong makulit ngayon.

Hinayaan ko sandali si Arvin noong pumikit ako, ramdam ko na iyong hiya dahil may dumadaan-daan doon sa harapan ng bahay at nakabukas pa ang gate. "Arvin, doon na lang tayo mag-usap sa loo--"

Mabilis siyang humiwalay sa akin. "Gusto lang kitang yakapin, wala naman akong problema--" Nakatanggap siya nang malakas na batok mula sa akin na siyang nagpaluhod sa kanya sa simento.

"Arvin, ayoko talaga sa tao 'yung nagpapanggap na walang problema kahit halata na sa inyo. Pwede mong sabihin sa akin na ayaw mo pang pag-usapan kaysa 'yung sinasabi mong walang bumabagabag sa'yo."

Hawak ni Arvin ang ulo niya habang nakatingala sa akin. Pinapakinggan ang bawat salita na sinasabi ko.

"Nakakainis kasi 'yong ganyan, kung ayaw n'yong sabihin mga problema n'yo. Huwag n'yong ipahalata sa akin." Malumanay pero mahahalata mo 'yung iritable sa aking boses. "Kung ayaw mong ipakita sa tao 'yung nararamdaman mo, huwag kang gagawa ng bagay para maging concern ako."

Namilog ang mata niya bago siya dahan-dahang tumayo. "Concern ka?" Ulit niya sa aking sinabi. "Bakit?"

Nainis ako nang kaunti kaya kumunot-noo ako. "Ano ba'ng tanong 'yan?" Iritable kong tanong. "Siyempre kaibigan kita, bakit hindi ako magiging concern? Hindi ka naman kung sino, eh." Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa magkabilaan niyang balikat.

Diretsyo ko siyang tiningnan sa mismong mata. "Ano'ng gusto mo?" Tanong ko. "Shot?" Dagdag ko na nagpatulala sa kanya sandali bago siya matawa dahilan para palihim akong mapangiti.

"Hindi ka pwedeng uminum, Eclair." Aniya. Binitawan ko na rin siya habang nakatingin lang din kami sa isa't-isa.

"So ano issue mo sa akin?" Tanong ko kaya natahimik siya ulit. "Mukhang ako ang dahilan ng problema mo." Panghuhula ko bago ko iangat pa nang kaunti ang ulo ko upang diretsyo siyang tingnan sa mata. "Huwag mong sabihing pati ikaw," Nakita ko ang pag-angat baba ng adam's apple ni Arvin. "...gusto rin ako?" Dagdag ko kung kaya't nanlaki ang mata ni Arvin.

Samantalang nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Hinihintay ang kanyang sasabihin.

*****

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon