Page 31

26.4K 868 68
                                    

Page 31

Eclair's P.O.V

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Kyle na hanggang ngayon ay wala pa ring kaekspre-ekspresiyon. Pormang porma ito kumpara sa madalas kong makita sa kanya na suot. "Good morning." Bati niya sa akin at pumasok sa bahay kasabay ang pagbaba ng mga pagkain na dala-dala niya para sa mga kapatid ko. Na sa kusina si Ate Ericka habang na sa mga kwarto pa 'yung iba.

"M-Morning." Bati ko na may kasamang pag-iwas ng tingin dahil sa hiya.

Tumayo siya nang maayos at humarap sa akin. Naramdaman ko ang pagtitig niya kaya mas na-conscious ako. Pero inis ko siyang tiningnan. "What are you staring at?" iritable kong tanong sa kanya.

Umiling siya kaya napapadyak ako sa sahig. "I know you have something on your mind, so spill it!"

Kumurap siya nang kaunti bago tumingin sa kanang bahagi. "Iniisip ko lang na nakakapanibago kasi nako-conscious ka sa akin." Ibinalik niya ang tingin sa akin at pumikit sandali. "But that means you're already aware of my feelings."

Humawak ako sa braso ko. "You confessed to me, what do you expect?"

Umabante siya kaya umangat ang tingin ko sa kanya. "I'm sorry for kissing you back then, ngayong may kasunduan tayo. I will try not to do anything to you."

Muli akong naglayo ng tingin, naramdaman ko rin ang pagpula ng mukha ko sa init. "You only did it because I wasn't convince, that's all. So you don't need to repeat and make me remember that. It's pissing me off." Naglakad na ako para puntahan ang backpack ko. Nakasuot lang ako ng simpleng White V-neck shirt at itim na pantalon dahil manonood at makikinig kami ng concert.
Pareho naming gusto 'yong musician artist at nakabili rin kaagad si Kyle ng ticket na pang VIP kaya hindi rin kami mahihirapan mamaya.

Nagpaalam na kami kay Ate Ericka dahil siya lang naman ang nandito sa baba.
Lumabas na kami't pumasok sa sasakyan ni Kyle.

Kahapon...

Flashback:

Dito sa isang cafe ay magkaharap kaming nakaupo ni Kyle.
Tanghali matapos ang family dinner namin nila Ate Ella kami nagpasyang magkita ulit para pag-usapan 'yong sinasabi niyang deal.

Pababa taas ang tingin ko kay Kyle na ngayo'y umiinum ng mainit niyang cha-a.
Kumamot ako sa batok ko habang hindi malaman kung saan ako titingin. "K-Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya kasi naghiwalay muna kami nang pinuntahan kanina pagkatapos ng misa sa church.

Ibinaba niya ang iniinum niya at ngumiti nang kaunti, pero iyon pa ang naging dahilan para mas maging pogi siya sa paningin ko-- este gwapo naman talaga 'yung mga kaibigan ko. Pero kasi itong si Kyle, bihira lang talaga siyang ngumiti.
Kaya kapag ginagawa niya 'yan, mas lumalabas 'yong charm niya.

"Kumain na ako," Sagot niya at ipinatong ang mga naka intertwine niyang mga daliri sa ibabaw ng kanyang tuhod. "Eclair," tawag niya sa pangalan ko. "Gusto mo bang... subukan natin?" Tanong niya na nagpalaki sa mata ko.

Subukang ang ano?

"Subukan..." Ulit ko at sandaling ibinaba ang tingin bago rin ibinalik sa kanya. "Ibig mong sabihin..."

Tumango siya. "I want to try if you can fall in love with me." Seryoso niyang wika na hindi ko inimikan kaagad. Iyan ba 'yung deal na tinutukoy niya?
"Remember? You asked me you will do anything, and that's the first thing that came into my mind. However,"

Yumuko siya. "I also don't want to force you if you don't want to do it," Pag-iling niya. "Nagbabakasakali lang ako na baka mapagbibigyan mo ako. Pero plano ko talaga na makalimutan kung ano 'yong nararamdaman ko sa'yo, believe me. But at the same time, naisip ko rin na kung ganoon kadali, matagal ko na sanang nagawa." Pumikit siya. "Pero noong umamin ako sa 'yo nung nakaraang araw. Mas lalo lang akong natutulak na gawin 'yung bagay kahit na napaka imposibleng mangyari," Dumilat siya para tingnan ako ng diretsyo. "Someone also made me realize that it's better to try things kahit isang beses, kasi there's still 1% possibility na may mabago. At gusto ko lang 'yon subukan, kahit... malabo."

Nanatili pa rin akong nakikinig sa kanya. "At kung sakali mang pumayag ka. Humihiling lang ako na kung ano man 'yong pwedeng mangyari, ayoko lang din na sisihin mo sarili mo. Dahil ako ang may pili nito, ako ang may responsibilidad sa nararamdaman ko. I just want to try to make you fall in love with me," He shrugged. "But at the end, the choice is yours. And I want to respect your decision."

Nandoon pa rin 'yong surpresa sa mukha ko pero napayuko rin pagkatapos.

Alam ko na simula una pa lang, na mayroon talagang bagay na tinatago si Kyle na ayaw niyang sabihin sa akin.
Ako lang itong nagde-deny, ako lang ang nagpapatay malisya dahil magkakaibigan kami. At palagi kong iniisip na walang rason para magustuhan ako ni Kyle at baka ganoon lang talaga siya umarte o kumilos kapag magkasama kami kasi iyon ang friend language niya.

Si Kyle kasi, tahimik lang siya at hindi palaimik.
Pero mahahalata mo kung paano siya kumilos kapag importante sa kanya ang isang tao. But the thing is,
Naiiba ako. Iba ang paraan niya kapag nakatingin sa akin. Para akong nalulunod kung ako ang tatanungin kaya hindi rin talaga ako makatagal ng tingin sa kanya.
Iyong paraan ng kanyang pag ngiti, pag-alaga sa mga kaibigan niya. Iba.

Tsaka naalala ko, hindi talaga sumang-ayon si Kyle sa naging pangako namin noon. Wala siyang sinagot, at nag-aalanganin lamang siya na nakaupo lang din doon sa buhanginan. Pero sa kadahilanang pare-pareho kaming gumawa ng kasunduan niyon, nakisama siya.

Nagsalubong ang kilay ko. Kaso iyong sinasabi ni Kyle na kasunduan ngayon, parang...

"Understood." Pagtango niya kaya umangat ang ulo ko para makita siya. He's smiling, but not his eyes. "Hindi mo na kailangan sabihin 'yung sagot mo, alam ko n--"

"Hindi. Hindi mo alam." Mabilis kong sagot na nagpatigil sa kanya. Humawak ako sa handler ng mug ko na may lamang chocolate. Inangat ko iyon at iniikot-ikot ang tea spoon doon nang hindi tinitingnan si Kyle. "Ang gusto mo lang naman mangyari ay subukan, hindi ba? Kahit alam nating pareho na malabo." Sambit ko. "Pero naisip ko rin na gusto ko ring gawin, gusto kong subukan." Sagot ko na nagpanganga sa kanya. "...Para magkaroon ka talaga ng rason na gawin 'yung bagay na gusto mong gawin noon pa lang." I paused. "You know what I mean, right?"

Tumango siya at naglabas ng hangin mula sa ilong. "So that I have a reason to move on if things won't work out." Sagot niya na tinanguan ko.

Tiningnan ko na siya nang diretsyo. "But can we still be friends?" Tanong ko sa kanya. "Kung sakali mang... hindi ko magawang magkaroon ng kahit na ano sa'yo?" Dagdag ko pa.

Hindi diretsyo pero alam ko na alam niya 'yong tinutukoy ko.

Nakaangat ang mga kilay niya, halata sa kanya na hindi niya inaasahan 'yong naging sagot ko pero ibinalik din niya sa usual-- pero sa pagkakataon na ito.
Nakangiti siya.

Tumango si Kyle. "Oo naman," Sagot niya at labas ngipin na ngumiti.

End of Flashback

We will be doing this for 2-3 weeks, or a month.
Pero kung wala talaga, he will stop.
We also decided not to tell this to our friends dahil magkakaroon pa ng commotions.

Huminto na kami sa destinasyon namin.
Pinagbuksan ako ni Kyle ng pinto bago ko pa man magawa iyon. "Hindi mo naman kailangan na pagbuksan ako, kaya ko nama--"

Ngumiti siya. "It's alright. This is how I want to act when we're together." Wala lang akong sinabi at lumabas lamang sa kanyang kotse.
Isinara na niya ang pinto tsaka niya ini-locked. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa mga balikat ko nang ilahad ni Kyle ang kanan niyang kamay para alukin ako na kunin iyon.

"Let's go." Aya niya na nagpatitig sa akin.

Tumango ako bago ko kunin ang kamay niya tsaka niya ako hinila sa loob.

Vince's P.O.V.

"Umalis?" Ulit ko sa sinabi ni Ate Ericka na tinanguan niya.

"Kaaalis lang nila ni Kyle." Bumuka nang kaunti ang bibig ko pagkabanggit pa lang niya sa kamasa ni Eclair. "May pupuntahan daw silang concert." Sagot nito.

"Ah, sige ate. Bibigay ko sana 'to, eh." Pag-angat ko sa hawak ko. "Pakiabot na lang din kay Eclair," Pag-abot ko ng dalawang filler notebook na hiniram ko sa kanya nung nakaraang araw na kinuha naman niya. Nagpa-salamat siya bago ako pumasok sa sasakyan ko at umalis.

Sa pagmamaneho ko, paismid na lang akong napangisi. "Mukhang sinisimulan niya na, ah?" Pakikipag-usap ko sa sarili ko at tiningnan ang wrist watch ko bago ko pinaharurot.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon