Page 35

22.4K 774 86
                                    

Page 35

Eclair's P.O.V

Sinalinan ako ng Vodka ni Arvin sa wine glass na walang laman. Nakaupo kaming pareho sa stoool dito sa bar table. Hindi kami sa BlackCente pumunta at dito kami sa bar na hindi raw alam nila Vince. Pero hindi naman kami lumayo, in fact malapit nga lang din 'to sas main city.

"Himala, hindi mo 'ko pinipigilang uminum ngayon?" Tanong ko sa kanya kasabay ang pagkuha ko ng wine glass. Iniikot-ikot ko ang laman niyon nang hindi inaalis ang tingin.

"Hindi naman malakas 'yan," Tukoy ni Arvin sa Vodka ko. "...kaya vodka ka lang tutal girls' drink lang naman 'yan. Tsaka malalagot ako sa kapatid mo kung iuuwi kitang lasing." Dagdag pa niya at uminum sa alak niya.

Labas sa ilong lang akong ngumiti. Why does he think my brother will get mad at him? Kung alam lang niya na iba pinagkakaabalahan no'n.

Nag sip ako nang kaunti habang ibinaba naman ni Arvin ang iniinum niya. Wow. Parang softdrinks lang itong binigay ni Arvin sa akin. "May gusto kang kainin?" Tanong niya sa akin na inilingan ko bilang sagot.

"I'm full." Sagot ko at ibinaba ang Vodka ko para lingunin siya na paunti-unti lang na umiinum ng alak niya.
Dinala niya ako rito kasi inaasahan niya magku-kwento ako. Tingin ko kaya rin niya ako dinala rito para dumaldal nang kaunti.

Ilang araw na rin kasi talaga akong nananahimik at walang ikinukwento sa kanila. Hindi rin naman nila ako tinatanong.

Huminga ako nang malalim bago ko muling iniharap ang tingin. "May gusto kang malaman, 'di ba?" Tanong ko.

Lumagok na muna si Arvin ng drinks niya. "Oo, pero hindi kita pinipilit kung ayaw mo. Dinala lang kita rito para medyo malibang libang ka." Tugon niya. "Mas marami ka kasing maiisip kung mag-isa ka lang." Dugtong niya na nagpatawa sa akin nang kaunti.

Sabagay, may punto nga rin kamo siya.

Muli akong naglabas ng hangin sa ilong. Ibinaba ko rin ang tingin sa laman ng wine glass ko. "Arvin," Tawag ko sa pangalan niya. "Pakiramdam ko pagtatawanan mo 'tong itatanong ko, pero naranasan mo na bang ma in love?" Panimula kong tanong kaya napatingin siya sa akin.

"M-ma in love?" Ulit niya sa tanong ko at parang nasurpresa pa sa tanong ko.
Hindi ako sumagot at hinintay lamang sa kanyang sasabihin. Tumingala siya at kumamot sa kanyang sintido. "Ah... Hindi ko sigurado, eh. Pero bakit mo natanong?" Tanong niya nang maibalik sa akin ang tingin.

Iniikot-ikot ko ang laman ng wine glass ko. "Hmm, hindi ko kasi alam kung paano ko 'yon mararamdaman. Ni isang beses, wala pa nga yata akong naranasan na ganoon dahil nakatuon ako sa ibang bagay. Pero curious ako, kaso hindi ko rin magawa."

Sinilip niya ang mukha ko. "Bago lang 'yan sa 'kin," Parang namamangha niyang wika. "Pero bakit ka naku-curious?" Taka niyang sabi at muling inayos ang upo.

"Alam mo para sa akin, ah? Hindi man ako magaling sa mga love or life advice(s) pero tingin ko hindi mo kailangan ipilit 'yung sarili mong magmahal kung hindi mo talaga maramdaman kasi kusa naman 'yon darating pagdating ng araw." Humalukipkip siya. "Normal din naman ang ma-curious pero minsan kasi, hindi natin malaman kung ano 'yong tama sa mali, doon din nabubuo 'yung infatuation na tinatawag. In love ka lang sa feeling, ina-admire mo lang 'yung perfection nung tao."

Napatungo pa ako lalo kaysa kanina. "Infatuation... Pero paano kung infatuation lang pala nararamdaman niya para sa akin?" Tukoy ko kay Kyle.

"Tinutukoy mo ba si Kyle?" Tanong niya sa akin na hindi ko sinagot. "Hmm... I think you misunderstood something." Napatingin ako sa kanya at taas-kilay siyang tiningnan. "Sinabi ko ngang kasama sa category 'yung pagka-admire ng tao sa perfection and you're perfect in his eyes pero hindi ibig sabihin, wala siyang nakikitang flaws sa'yo."

Napasimangot ako. "So you're aware na marami akong flaws?"

Napaurong ang ulo niya. "Hoy, hindi ako nakikipag-away, ah?" Parang alerto niyang sabi at umupo nang tuwid. "Lahat naman tayo imperfect, eh. Pero ang ibig ko lang naman sabihin, despite your flaws. Perfect ka sa kanya, and that he's truly into you."

Bumuntong-hininga ako. "I still don't get it." Itinapat ko sa bibig ko ang wine glass. "That love thing." Dagdag ko at uminum.

Tumawa siya. "Don't rush." Aniya at uminum.

Sandali akong napatingin sa kaliwang bahagi para tingnan 'yung mga kumakanta sa stage. "Pero matagal n'yo na bang alam na aalis si Kyle?" Tanong ko.

"Sinabi na niya last month." Sagot niya.

"How about the thing na mayroon siya sa akin?" Tanong ko ng hindi pa rin siya tinitingnan. "Alam n'yo ba 'yon?" Tanong ko pa.

"Ano ibig mong sabihin?" Pagmamaang-maangan niya kaya inilingon ko ang ulo ko sa kanya para tingnan siya pero nagulat ako kasi ang lapit ng mukha niya sa akin. "Iyong mga araw na palagi kayong magkasama, nagde-date pala talaga kayo?" Hula niya na nagpatitig lamang sa akin bago ko inilayo ang tingin.

"I'm sorry." Konsensiya ko.

Umiling-iling siya. "Wala ka namang ikaso-sorry. Naiintindihan ko kaya hindi mo na kailangang ipaliwanag." Pagtango niya. "In fact, we already knew." Tukoy niya kila Vince at Richard kaya bigla akong nahiya. "And we understood the situation kaya wala ka ring dapat na ipag-alala kung iyon man ang nararamdaman mo."

Napangiti naman ako dahil doon. Ipinag intertwine ko ang mga daliri ko. "Akala ko talaga umalis si Kyle nang dahil sa akin. Pero nag assume lang ako, ako rin naman pala gumagawa ng dahilan para mag-isip isip ako kahit hindi naman dapat."

"May gusto ka ba kay Kyle?" Tanong niya kaya napatingin akong muli kay Arvin. Ang seryoso ng mukha niya, na parang hinihintay niya 'yung isasagot ko.

Binigyan ko rin siya ng seryosong tingin. "Yes, I like him." Sagot ko kaya nakita ko ang pagbuka ng bibig niya. "...but only as my friend, that is." Dagdag ko sabay lagok ng Vodka ko. May gumuhit tuloy na mainit sa lalamunan ko.

"Pero nakakainis lang kasi hindi man lang siya nagpaalam nang maayos sa akin, ni hindi man lang niya ako binibigyan ng message pagkatapos niyang lumayas dito. T*ng ina talaga ng taong 'yon." Indirect na mura ko kay Kyle at nagsalin pa ng bote ng Vodka sa Wine glass ko.

"Hoy, nagsisimula ka ng maging tipsy. Last na 'yan, ah?" Tukoy ni Arvin sa bote na tinirikan ko lang ng mata.

Nag-iba na kami ng topic ni Arvin at napunta na sa kung anu-anong bagay nang mag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko iyon mula sa aking bulsa para tingnan ang nilalaman nung text. Unknown number ito kaya binasa ko na.

From: 09**-***-****

Humanda ka talaga sa aking babae ka.

Iyan lang ang sabi sa text. At mukha siyang wrong send kaya hindi ko na nga pinagtuunan ng pansin at ibinaling ko na lamang ang atensiyon ko sa mga naghihiyawang tao sa hindi kalayuan. May nagse-sexy dance na kasi ro'n sa stage habang may musikang pinapatugtog mula sa DJ.

Tumayo si Arvin at inabot sa akin ang kamay niya na parang inaaya akong tumayo. "Tara, sayaw tayo."

"Para 'tong sira, hindi naman ako marunong sumayaw."

"Okay lang 'yan. Break dance tayo, pampatanggal stress." Labas ngipin niyang sabi kaya natawa ako bago ko hinawi ang kamay niya't tumayo. Tinapik ko ang balikat niya bago ako naunang pumunta sa dance floor para sabayan ang mga nandoon.

Bea's P.O.V

Na sa kwarto ako ng kuya kong si Blue. Pinapahanap kasi niya sa akin 'yung naiwan niyang portfolio pero hindi ko inaasahan na ang mahahanap ko ay 'yung mga stolen photos ni Eclair sa cabinet ng kapatid ko.

Titig na titig pa ako sa mga litrato niya, hindi makapaniwala na may ganito sa kwarto ng kapatid ko pero no doubt.

Siya 'yung sinasabing nagugustuhan ni Kuya. Aba, akalain mo ba naman na kaya nasasayang ang oras ko ay dahil lang pala sa kanya? Hindi naman yata ako makakapayag.

Kaya kinuha ko 'yung number ng Eclair na 'yon kay ate Britney para magbigay ng babala.
Tinatanong din ako ng ate ko kung bakit ko kinuha 'yung number niya pero sabi ko may kailangan lang akong sabihin kaya binigay naman niya.

Inilagay ko 'yung phone number ng Eclair na 'yon sa recipient at nag leave ng message. Diin ko talagang pinipindot ang bawat letra mula sa keypad para ramdam ko 'yung panggigigil.

And sent!

Pabagsak kong ibinaba ang mga kamay ko kasama ang hawak kong phone sa kanan kong kamay bago ko inis na kinuha ang portfolio na nandoon lang pala sa study table niya't umalis na sa kwarto.


Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon