Page 48

21.4K 729 154
                                    

Page 48

Richard's P.O.V

Nakasunod ang tingin ko habang papalayo si Eclair. Hinigpitan ng babaeng si Crystal ang braso ko, "Don't dare leave me again." Mainahon pero may markang pambabala kung sabihin ni Crystal.

Saglit ko siyang tiningnan bago ko inilipat ang tingin sa naglalakad na palayong si Eclair.

"So? Saan tayo magde-date?" Masigla niyang tanong. Animo'y parang nakalimutan ang nangyari kanina.

Pasimple akong bumuntong-hininga para medyo mawala 'yong bigat sa dibdib ko bago ko siya ngitian. "Wherever." Tipid kong sagot kaya napaguso siya.

That day, I wanted to tell her to wait. Look at me, talk to me.
Tawagin 'yung pangalan mula sa labi ko para siya'y lumingon. Ngunit pakiramdam ko napakalayo ko sa kanya para marinig niya.

But when I coincidentally saw her earlier, in such circumstances that I didn't expect to see. I was stuck to her sharp gaze, na animo'y hindi na maalis dahil naka-glue na sa kanya. Seems cliche, indeed.
Humph. What can I expect? It's the woman whom I want to spend my entire life with.

What the hell.

The first thing that came in to my mind.
"Eclair." I call out her name.

Sandaling lumalim ang tingin niya sa akin bago niya panandaliang tiningnan si Crystal at lagpasan ako pagkatapos.

Naglakad na sila Yuuki at huminto saglit sa harapan ko. "Mayroon tayong activity bukas, pumasok ka." Pagtapik ni Yuuki sa balikat ko bago ako lagpasan. Samantalang binelatan naman ako ni Orange bago patakbong humabol kina Eclair.

Naramdaman ko ang pagbaon ng kuko ni Crystal sa balat ko kaya dahan-dahan ko na lamang isinara ang mata ko para kumalma.

***

PAGKAUWING PAGKAUWI pa lang namin at nang makarating ako sa kwarto ko para sana'y makapagpahinga sandali, marahas akong iniharap ni Crystal sa kanya.
"Tell me nga! Sino ba 'yung babaeng 'yon?!" Tukoy niya kung sino.

"Who are you talking about?" Kalmado kong tanong. Nagpipigil na kunutan siya ng noo.

"That girl! Iyong pumunta rito nung nakaraan! May namamagitan ba sa inyong dalawa ng hindi ko alam?!" Singhal niya sa akin kaya tumalikod ako sa kanya para alisin na nga 'yung buttones ng polo ko.

"You're overthinking, she's my friend. Childhood friend--"

Malakas niya akong sinuntok sa baga kaya napahinto ako sa pag-alis ng buttones ng polo ko. "Ako ba pinaglololoko mo?! Alam ko 'yung ganoong tingin! Mahal mo siya, 'no?!"

Hindi kaagad ako nakasagot.

Pumunta naman siya sa harapan ko. "Sagutin mo 'ko!" Sigaw niya habang nakatingin lang ako sa lukot niyang mukha.

Inilayo ko ang tingin ko. "Pagod ako, Crystal. Pwede bang huwag mo 'kong tinatanong sa bagay na 'ya--" Hinawakan niya ang pisngi ko at mahigpit iyon na tipong bumabaon na ang kuko niya sa pisngi ko.

"I said ANSWER me!" Muling pag singhal niya habang napapangiwi ako sa sakit.

"No." Tipid kong sagot kaya lumuwag ang pagkakahawak niya sa pisngi ko at matamis akong nginitian.

"Great. Ayaw ko kasing mawala ka sa akin, eh. Malulungkot talaga ako." At ngumuso pa siya na parang nagpapa-cute pa sa akin. "I love you!" Sabay yakap niya sa akin. Blanko lang akong nakatingin sa kawalan at hinayaan lang siya sa ganoong posisyon namin.

Hanggang kailan... ba 'kong mananatili sa ganito? Kailan ako makakawala?
Eclair's P.O.V

Isang buwan na nakakalipas... Sa sobrang bilis ng panahon, sembreak na kaagad namin. Katatapos lang ng examination namin for this semester, pero kahit na bakasyon kami ay may mga requirements pa rin kaming gagawin.

"Mahaba haba ang bakasyon niyo kaya h'wag kayong gagawa ng excuse na hindi niyo nagawa 'yang pinapagawa ko, naiintindihan niyo?" Paalala ng professor sa amin na parang high school na kailangan pa ring paalalahanan.

"Opo!" Sagot naming lahat bago kami mag dismiss.

Sumandal ako sa upuan ko at mabigat na bumuntong-hininga. "Natapos din ang klase."

"Good work, prez." Bigay puri nung blockmate ko sa akin na tinanguan ko.
"See you, prez!" Paalam naman ng isang grupo.

"Tawagan mo lang kami kapag kailangan mo ng tulong." Offer naman nung isang grupo kaya roon naman ako lumingon. Nakasunod lang ako sa kanila na papaalis ng classroom.

Ngiting lumapit sa akin si Yuuki. "Mukhang unti-unti na talaga tayong nagkakasundo rito sa classroom, ano?"

Humalukipkip ako at umiwas nang tingin. "I'm sure they're not trying to be nice. More like they're mocking with me."

"Geez. Ang nega mo. Edi sana matagal na nilang ginawa 'yan kung ganoon din naman pala." Pagkibit-balikat ni Yuuki.

"It's because of the thing you uploaded one (1) month ago." Tukoy ko sa groupie photo naming tatlo nila Orange nung araw na binigyan nila ako ng transformation. Mas inilayo ko pa ang tingin ko. "Basehan na ba talaga 'yung itsura para lang maging mabait sa'yo iyong ibang tao?"

"Edi inamin mo ring maganda ka." Ngiti niya na hindi mo malaman kung nang-aasar ba o hindi.

Dikit-kilay ko siyang nilingon. "Yuuki!" Pasita kong tawag sa kanya pero tinawanan lang niya ako.

Sinimangutan ko lang siya bago ako mapatingin kay Richard na katatayo lang sa upuan niya. Kinuha niya ang bag at naglakad paalis ng classroom.
Pasimple naman akong nakasunod ng tingin sa kanya hanggang sa mapabuntong-hininga na nga lang ako.

If you're really happy with that woman, why are you making that face?
Why do you seem so tired and sad?

Flashback:

"Your order." Lapag nung waitress sa pagkain namin dito sa Private Karaoke Room. High school kami niyon at birthday Arvin kaya sine-celebrate namin dahil busy rin 'yong magulang niya as usual.

Isinara na nung waitress ang pinto bago kami mapatingin sa isa't isa. Maganda rin kasi 'yung babae. "Ang ganda no'n? Tingin mo walang boyfriend?" Tanong ni Arvin.

"Ba't hindi mo tanungin?" Tanong ni Kyle na may pag bored look. Namimili rin siya ng kakantahin niya sa song book.

"Ganoon ba mga tipo mo, p're?" Tanong ni Richard.

"Medyo?" Patanong na sagot ni Arvin.

Nag dekwatro si Vince. "Maganda sya but she was expressionless the whole time though."

"Ang rare kaya sa service industry 'yung mga ganoong tao na hindi ngumiti." Sagot ni Arvin.

Napatango tango ako kasi nakukuha ko ibig niyang sabihin. "Ah, alam ko na kung bakit. Kahit ako, eh." Bigla kong pagsingit habang ngumunguya ng Calamares. Inangat ko ang hintuturo ko sa tapat ng aking mukha. "Mas gusto kong pangitiin 'yung mga taong hindi madalas ngumiti.

Kasi kung ikaw ang dahilan ng ngiti na 'yon na hindi mo madalas makita sa labi't mata nila. Ang worth it."

Nakipag high five sa akin si Arvin. "Iyan ang sinasabi ko! Mag kaibigan talaga tayo!" Sabay akbay sa akin kasi magkatabi lang naman kami.

Tinulak ko siya palayo sa akin. "Huwag mo 'ko isturbohin sa kinakain ko!" Iritable kong bulyaw bago ako mapatingin kay Richard na blanko lang na nakatingin sa pagkain. Pero nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay malapad itong napangiti.

"Ano tinitingin tingin mo? Crush mo 'ko, 'no?" Biro niya bago ko siya ihulog sa inuupuan niya sa pamamagitan ng pagsipa sa kanyang inuupuan.

End of Flashback:

Iyan bang malamig ang blanko mong mata, sa amin mo lang pinapakita? Masaya ka naman ba kapag kasama mo 'yung girlfriend mo?

Napabuntong-hininga ako. Hindi ako makapaniwalang umabot kami ng isang buwan na hindi ayos.

"Oh, siya. Kailangan ko na ring umuwi. Pupunta pa ako sa office ni Dad." Paalam ni Yuuki sa akin na may pag-angat ng kamay bilang pagpapaalam.

Tumango ako. "Mmh. Ingat ka." Pagkaway ko bago siya bumalik sa pwesto niya para kunin ang bag niya. Absent ngayon si Orange dahil nagkasakit.
Paano ba naman kasi? Nagpaulan kahapon?

Lumapit si Arvin sa akin. "Ano, tara? Puntahan na natin si Vince."

Tinanguan ko lang siya bilang pagsagot.

***

SA CANTEEN kami dumiretsyo nila Vince. Hindi na kami pumunta sa kung saan-saan dahil uuwi na rin naman kami pagkatapos nito.
"Wala talaga kayong gustong puntahan?" Tanong ni Vince at siniko ako. "Ikaw? Wala kang gustong puntahan?" Tanong niya sa akin.

Uminum muna ako ng aking juice. "Bakit ba gustong gusto mong gumagastos araw-araw?"

"Hindi naman ikaw 'yung gagastos, eh." si Arvin kaya sinipa ko 'yung tuhod niya na nagpangiwi sa kanya sa sakit.

"Iyon nga punto ko, eh. Siya 'yung gagastos." Sagot ko. "Geez, da't nga sine-save n'yo na lang 'yang pera n'yo." I paused and took a sip, juice ang iniinum ko. "Halimbawa bigla kayong naghirap? Nawalan ng pera? Saan kayo kukuha kapag tinakwil kayo ng mga magulang n'yo, 'di ba? Mindset ba mindset." Turo ko sa kokote ko.

Humagikhik si Vince. "Iyan gusto ko sa'yo, eh. Advance ka palagi. Sige na nga, I-save ko na lang. Para makagala pa tayo sa sembreak."

"Are you even listening?" Walang gana kong tanong habang naka bored look din si Arvin. Bumuntong-hininga na nga lang ako at uminum muli ng aking juice. Sarap na sarap din ako roon habang nagkukwentuhan 'yung dalawa pero may biglang humablot nung iniinum ko kaya natulala ako sandali dahil sa pagkagulat.

Dahan-dahan kong nilingunan ang humablot sa juice in a box ko. Si Blue iyon na nginingitian ako bago niya inubos ang laman ng aking juice.
May pumitik sa sintido ko dahil sa nakikita ko. You're dead.

Tatayo na sana ako pero inunahan ako nung dalawa. Luh.

"Ikaw nanaman?" Maangas na tanong ni Vince kaya napahawak na ako sa noo. Sh*t.

Sa isang buwan, wala na rin talagang nangyaring maganda kapag nagkikita silang tatlo. Tulad nung mga araw na palagi akong nilalagyan ng love letter ni Blue sa shoe locker ko at nagkakataong nakikita nila Arvin. Maghahamon sila ng suntukan at gagawa ng kung anong ruckus.

Ang nakakatawa nga kamo,
Nalaman ko rin na kapatid niya si Bea. Kaya no wonder bakit inis na inis ako kay Blue.

Sa magkakapatid nga yata, mas okay pa si Ate Britney, eh.
Hmm, hindi ko naman ipagkakaila na ayoko sa kanya pero nagbabago naman ang tao. Humph.

Hindi pinagtuunan ng pansin ni Blue 'yong dalawa kong kaibigan at nginitian ako. "Yow. I'm looking for you." kaway niya sa akin pero binigyan ko lang siya ng matalim na tingin.

Umismid siya. "Eclair, mas mai-in love lang ako kapag binibigyan mo ako ng tingin. Pakiramdam ko, gusto mo ako lapain."

Namula ako kaya napatayo ako. "Hoy, ang kapal--" Hinawakan ko ang mga braso nung dalawa dahil handang handa na silang gulpihin si Blue.

"Hoy kulay Blue na pati relo, sapatos, damit ay kulay Blue. Huwag mo ngang--" Muling hindi pinansin ni Blue ang pakikipag-usap niya sa dalawa.

"Eclair, kung ako sa'yo huwag ka madalas sumama sa dalawang 'to." Tukoy niya kina Vince, "Mga plastic, hindi naman kaibigan turing ng mga 'to sa'yo, eh." Lumayo ang tingin ko.

Hindi nga.

Kinuha ni Arvin ang manggas nung damit ni Blue. "At sino ka para sabihin 'yan sa amin, ha? Matagal na kaming kaibigan ni Ecla--" Pinalo ni Blue mula sa ilalim 'yong kamay ni Arvin dahilan para mawala ang pagkakahawak nito sa damit n'ya.

"Huwag mo nga akong hawakan, plastic" Walang ganang sambit ni Blue. Lumabas na ang ugat sa sintido ni Arvin na tila para bang may pumitik doon.

"P're, gusto mo si Eclair pero hindi ka rin namin hahayaan na ligawan siya. Wala kaming tiwala sa'yo." Binigyan ni Vince ng nakamamatay na tingin si Blue pero inismidan lang syia ni Blue.

Animo'y nagsusukatan ng tingin. "Hindi ko kailangan ng permiso mo. Kuya ka niya? KAIBIGAN ka lang naman n'ya, 'di ba?" nakita ko ang biglaang panggigigil ng bagang ni Vince lalo na noong ngisihan siya ni Blue.

Dahil hindi na rin maganda ang ihip ng hangin at nagsisimula nanaman silang gumawa ng eksena. Tumayo na ako. "Para kayong mga tanga. Kung gusto n'yong mag-away, doon kayo sa labas. Kapag ako napagalitan nanaman ng dahil sa inyo, pag-uuntugin ko kayong mga buhok kayo, ah." Panduduro ko sa kanilang tatlo na may kasamang pambabala. "Makaalis na nga." Binitbit ko na ang gamit ko't umalis.

Hahabulin pa sana nila ako pero kinuha ko 'yung suot-suot kong sapatos para umaktong babatuhin sila kaya natahimik sila sa pwesto namin kanina tsaka ako naglakad na walang saplot ang isang paa.

***** 

(A/N: Sino ba kasi si Crystal? Ano ba kailangan niya? Haha! 
Imma try to make an update regarding to it by tomorrow or the next day. Da't talaga kasi dito sa chapter ko lalagyan ng transition kung sino itong si Crystal maliban sa pinsan siya ni Richard, eh. Kaso na sa limit na 'yung word count. So sa next chapter na lang. 

Thank you for reading.) 

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon