Page 29

26.1K 993 160
                                    

Page 29

Eclair's P.O.V

"I'm Blue. Nice to meet you" Pagpapakilala ng lalaking hindi ko kilala. May mga piercings siya at nakabukas ang mga buttones ng kanyang white polo uniform. Halata rin sa labi niya na nag lip tint siya gayun din ang kanyang pag a-eye liner.

Hindi naman sa judgemental ako pero f*ckboy talaga tingin ko sa mga tulad niya. Ta's mayabang pa. Parang si Richard lang, pero bading naman ang tingin ko sa kanya, ayaw kasi sa mga babaeng lumalapit sa kanya. Parang diring-diri.

Ibinaba ko ang tingin upang tingnan ang nakalahad niyang kamay.Pagkatapos ay ibinalik din ang tingin sa mukha niya para tingnan naman ang magulo niyang buhok. Parang pugad ng ibon.

Tinanguan ko siya. "Ah, mmh." Pagtango ko at umiwas nang tingin. Teka, paano ba mag respon sa mga ganitong bagay?

Na sa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang kunin niya ang kamay ko't tsaka siya nakipag shake hands sa akin. Ang lambot nung palad niya, halatang 'di naghuhugas ng pinggan. "Yes, nice to meet you rin, Eclair." Ngiti niyang sabi habang hindi inaalis ang pagkaka shake hands namin. Medyo matagal nga iyon kaya ako na 'yong nagbawi ng kamay ko.

"Mauna na ako." Tumalikod na ako sa kanya at naglakad. Hindi ko lang siya feel kaya aalis na ako. At isa pa, baka mamaya pinagti-trip-an ako niyon.

"Hey, wait!" I stopped. "Can I talk to you for a minute?" Tanong niya kaya napalingon ako sa kanya. Kaya muling luminya ng ngiti ang kanyang labi lalo pa noong humarap ulit ako sa kanya.

Humawak ako sa strap ng bag ko. "Ano ba 'yong sasabihin mo? Pwede bang pakibilisan?" Alam kong medyo bastos 'yong paraan ng pag tugon ko pero kasi pinapatagal niya 'yong intensiyon niya.

May inilabas siya mula sa kanyang likod. Isa itong pulang rosas, kinagat niya iyon at hinawakan ang kanan kong kamay. "I want to invite you for a dinner tonight." Pag-aalok niya kaya kumunot-noo ako, takang-taka sa ginagawa niya. Hoy, hoy, hoy! Sino ba 'to at ganito na lang kung hawak-hawakan 'yong kamay ko?

Inalis na niya ang rosas sa kanya labi para ibigay iyon sa akin. "Para sa'yo nga pala, bini-bini." Pag-abot niya sa akin nung rosas habang nakatitig lang ako sa bite mark niya ro'n sa stem ng rosas. Napa-bored look din ako kasi nakikita ko 'yong laway. Kadiri.

Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at umatras nang kaunti. "Salamat sa offer, pero ayoko ng pinagti-trip-an ako."

Kumurap-kurap naman ang kanyang mata bago siya matawa't umayos nang tayo. "Kita ko na. Kaya pala." Pagtango niya at tiningnan ako na parang akala niya ang cool cool niya. "Nakasarado pa pala ang puso ng aking iniibig."

Tumaas naman ang kilay ko ngayon. Huh? Baliw ba 'tong taong 'to?

Tumagilid siya at humawak sa kanyang dibdib na animo'y nagda-drama't umaaktong parang sumasakit ang dibdib, samantalang takip-takip naman ng isa niyang kamay ang mukha niya. "Oh! Wala akong alam sa kung ano ang pinagdadaanan mo pero gagawin ko ang lahat para kusang magbukas ang pinto ng iyong puso ~!" Paglalahad niya ng kamay niya sa akin dahilan para ako ang mahiya sa kanya lalo pa't pinagtitinginan siya ng mga estudyanteng dumadaan.

Napaatras pa ako nang kaunti at tumalikod na tila parang handa ng umalis. "Ah... Okay? Ahm, kung wala ka ng sasabihin. Aalis na ako, ah? Sige, bye." Mabilis kong pagpapaalam tsaka patakbong naglakad. Tinatawag niya ako pero hindi ko na siya pinansin. Ang weird no'n! Ayoko na siyang makita.

"Eclair"

Halos mapatalon naman ako dahil sa sobrang gulat. Mabilis akong humarap kay Kyle. "B-Bakit ka naman nanggugulat?"

Namilog ang mata niya. "Ikaw? Nagulat? That's new." Surpresa niyang reaksiyon at nginitian ako na tinabihan. "Mukhang may manliligaw ka, ah?"
Nakita pala niya 'yong lalaki kanina.

Naglakad na kaming dalawa. "Anong manliligaw? Baka pinagti-trip-an lang ako." Sagot ko.

Nakaharap lang ang tingin niya't hindi kaagad sumagot. "Nabasa mo ba 'yong GC natin kagabi? (group chat)" Tanong niya sa akin kaya inangat ko ang tingin papunta sa kanya.

"GC? Ng ano?" Ulit ko.

"Ng subject natin. Free tayo ngayong umaga dahil wala raw 'yung prof." Pagbibigay alam niya kaya ako naman itong laking tuwa na napasuntok sa ere.

"Yes! Free time!" Masaya kong wika pero taka ring tiningnan si Kyle. "Pero kung alam mo naman pa lang free time tayo sa umaga, ba't maaga ka pumasok?" Taka kong sabi.

"May pakiramdam lang ako na papasok ka nang maaga." Sagot niya kaya ako naman itong hindi nakaimik kaagad. Napa 'ah' lang ako.
Bigla rin akong nakaramdam nang kakaiba. Hindi ko 'yon nagugustuhan. "Hindi ba, sabi ko rin kahapon na kakausapin kita?" Tanong niya kaya napahinto ako. Nakababa ang tingin ko at lumalakas ang pintig ng puso ko kaya pasimple akong napahawak doon.

Tumigil din siya sa kanyang paglalakad para lumingon sa akin. "Ecla--"

"Importante ba 'yan?" Tanong ko na nagpatitig sa kanya.

Usual na ekspresiyon na niya 'yong pagiging blanko ang mukha pero nang makaharap sa akin, pinalitan niya iyon ng pagiging seryoso. "Importante sa parte ko." Sagot niya kaya napalunok ako. "Kaya pwede ka bang makinig sa akin sandali?" Tanong niya na parang humihingi ng pabor.

Mas napatungo ako. "Ngayon na ba?" Tanong ko.

"Oo." Tipid niyang sagot.
Malapit na kami building namin, nakahinto kami sa mismong tapat ng vending machine kung saan malapit lang 'yong bench at post lights.

Ibinaling ko ang tingin sa kanang bahagi. "P-Pwedeng mamaya na lang--"

"Ngayon." He insists.
Natakot ako sa bigla kong naisip, pero humihiling din ako na sana hindi tama 'yong kutob ko. Na sana hindi niya banggitin 'yong bagay na 'yon sa akin.

Umabante siya palapit sa akin. "Eclair." Muling tawag niya sa akin kaya tumingala na ako sa kanya. At sa paraan ng kanyang pagtitig, mukhang hindi nga talaga ako nagkakamali. Sobrang lalim ng paraan ng kanyang pagtingin na halos para akong nalulunod. Nadagdagan lang iyon nang manginig ang mata niya habang parang kumikinang ang mga iyon na nakabaling sa akin. "I feel like you don't want to hear this but I will still do it." Panimula niya at tama siya, ayokong marinig. "I want you to know how I feel, kasi kung magtatagal. Mababaliw ako." He added.

Nakabuka ang bibig kong nakikinig sa kanya. Gusto kong takpan ang tainga ko pero gusto ko ring malaman 'yong salitang 'yon sa bibig niya, upang masabi kong tama nga ang aking hinala.

"I like you." Simpleng pag-amin pero malaki kung magbigay ng impact sa akin.

Kaya naiyukom ko ang kanan kong kamay na naroon sa dibdib ko.
Tumawa ako nang pilit. "You like me? As a friend, right?" Ito rin kasi ang ginawa ni Richard, kaya iniisip ko rin na baka pinagti-trip-an niya ako. Hindi ko pa naman birthday pero bakit ba nila ako pina-prank?

"No." Diin niyang sagot. "I like you in a way that I want to marry you because I love you."

Alam ko sa pagkakataon na ito, hindi biro ang sinabi niya sa akin. At alam ko iyon, nakita ko 'yon sa mata niya, sa tono ng boses niya.
Ako lang itong nagde-deny. At tinuloy-tuloy ko pa rin iyon.

Tumawa pa ako nang pilit. "Tama na nga 'yong joke time." Lumingon-lingon ako na parang may hinahanap. "Nasaan na kasabwat mo? Baka mamaya, naka video pala tayo, hayup k--" Kinuha niya ang pulso ko't iginiya ako sa kung saan. Tinatawag ko siya pero hindi niya ako pinapakinggan. Dinala niya ako sa kalapit na likurang building.

"Hoy, Kyle! Bakit mo 'ko dinala ri--" Isinandal niya ako sa pader na siyang nagpapikit sa akin. Kasi medyo napalakas ang pagkakatama ng likod ko ro'n.
"Hoy, umayos ka ng--" Nanlaki ang mata ko nang ilapat niya ang kanyang labi sa akin.

Hindi iyon nagtagal dahil inalis din naman niya para makita ang itsura ko.
'Di ko man siguro nakikita pero alam ko kung gaano ako kapula dahil sa kanyang ginawa. Ni wala nga rin akong ideya kung ano 'yong dapat lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang pagkagulat.

Napahawak ako sa labi ko habang hindi pa rin inaalis ni Kyle ang tingin sa akin.

"That's how serious I am," He paused. "Eclair." Pagtawag niya sa pangalan ko na hindi ko kaagad sinagot pero napasuntok sa kanyang dibdib.

"T*ng ina mo!" Unang lumabas sa dibdib ko at sinuntok pa ulit siya. "We promised me not to fall in love with each other. Kaya bakit mo winawasak, huh?!" Patuloy ko sa pagsuntok sa dibdib niya. "You can't just... do that..." Pagtigil ko sa panununtok sa kanya. Nakatigil lang ang mga nakayukom kong kamao sa dibdib niya kasi pakiramdam ko, nanghihina ako. I don't want hurt him...

Naramdaman ko ang pagtingala niya para makita ang ulap gayun din ang mga ibon na umalis sa kanilang pugad.

"You can't never control your feelings when the one you like is in front of you" sinuklay niya ang buhok niya, "I also tried to stop this feeling, but I just can't." Paliwanag niya at ibinaba ang tingin sa akin. "Mas lumalalim lang." Dagdag niya.

Napakagat-labi ako.

"It's hard to tell my mind to stop loving you if my heart still does, Eclair."

Humigpit ang pagkakasara ko ng kamao ko. "But--"

"At the same time, naghanda rin ako." Sambit niya na siyang nagpatingala sa akin para makita ang kanyang mukha. Malungkot ang mata niyang nakababa ang tingin sa akin habang nakalinya ng ngiti ang kanyang labi. "I knew from the start that you can't reciprocate my feelings. But still." This time, hinawakan niya ang magkabilaan kong pisngi para bigyan pa ulit ako ng isang makabuluhang halik. At kahit wala na siyang sinabi pagkatapos niyon, alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig. 

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon