Page 20

31.8K 1K 180
                                    

Page 20

Eclair's P.O.V

"Alis na 'ko!" Paalam ko sa mga kapatid ko at dali-daling umalis sa maganda naming pamamahay.

"Oh my gosh Eclair! Wait! Baka masira 'yung ayos ng maganda kong buhok--! Ouchy Erick! Walang hiya ka talaga! 'Yong maganda kong buhok!" Maarteng daing ni Ate Elsie habang nakasunod sa akin.

Humalakhak lang si kuya Erick. "Magde-date kami mamaya!" Tuwang-tuwang sigaw naman nito na nagpairap sa 'kin. Tss.

Nagpara lang ako ng jeep tsaka sumakay noong huminto ito sa mismo kong tapat.
Nakasunod pa rin 'yong dalawa kong kapatid na ayaw na ayaw ko talagang kasama kasi maingay. Lalo pa't ngayon napag gigitnaan nila ako sa upuan habang magkabilaang tainga kong naririnig 'yung lakas ng boses nila. Sinabay pa ng malakas na speaker ng jeep.

"Hindi ko kayang tanggapin, na mawawala ka na sa akin.
Napaka sakit na marinig, na ayaw mo na sa akin." Rinig ko sa kanta at napatingin sa babaeng pasahero na nasa harapan ko na hindi mo maintindihan kung maiiyak ba o hindi.

"Kuya! Palitan mo nga 'yung tugtugan mo! Broken hearted na nga ako, ganito pa music mo!"

Hinanap ko na nga lang 'yong earphone ko sa poketa ng bag ko habang magulo kung sumiksik sa akin sina Kuya Erick.
Si Ate Elsie naman, ayos ng buhok, ayos doon habang parang tanga na kinakausap ang sarili. Iyon isa naman panay daldal at bukambibig si Britney habang nakangiti na parang aso.

Inis ko na lamang isinara ang zipper ng bag ko nang 'di ko mahanap ang earphone ko. Malamang, naiwan ko 'yon sa bahay at nakalimutan kong ilagay sa bag.

"Bayad po" Pagpasa ko ng pamasahe naming tatlo.

Siniko ako ni Kuya Erick kaya inis ko siyang nilingunan. Ipinakita niya sa akin 'yong text ng bruhilda niyang girlfriend. "Ang sweet niya, 'di ba?" Ibinaba ko ang tingin sa text para tingnan 'yung ipinapakita nitong Kuya ko.

From: Britney Baby

Animo'y nandidiri akong napatingin sa contact name. Anong klaseng endearment 'yan? Amp*ta.

Hello, Erick Babe! Date tayo later, ah? Na-miss kita, eh. I love you, Erick Babe ko.

Kinilabutan kaya mabilis kong hinimas himas ang braso ko.
Gusto kong ihagis 'yong cellphone ni Kuya palayo ngayon! Gusto ko na ring lagyan ng Zonrox 'yong mata ko para wala na akong makita.

"Augh! 'Yong buhok kong maganda! Nawala na!" Asar kong nilingon si Ate Elsie. Humahampas hampas sa buhok ko 'yung buhok niya kaya hinila ko iyon palapit sa akin na binitawan ko rin naman kaagad. "How dare you my evil sister!?"

Lukot na lukot ang mukha kong tiningnan siya. "Ang sakit sa mukha ng buhok mo!" Asar kong sabi at inapakan ang paa ni Kuya Erick na tawa nang tawa mag-isa sa tabi ko.

Mamaya maya lang nang makarating kami sa H.U, huminto na ang Jeep kaya dali-dali naman akong bumaba at iniwanan ang dalawa kong baliw na kapatid.

"Hey, evil sister!"
"Saglit lang, Eclair! Sabay-sabay na tayo!"

Huminto ako at hinarap sila kasabay ng pagbelat ko sa kanila. "Blehh! Ayoko! Mauuna na ako bago pa ako mahawa sa kabaliwan niyo!" At nauna na nga ako gaya ng sabi ko. Masama pa rin 'yung loob ko sa nalaman ko kahapon. Hayup 'yan, hindi ko aakalain na sa lahat ng tao, kay Britney pa talaga na in love 'tong kuya ko.

Tsk.

Dumiretsyo ako sa changing room dito sa floor namin, inilagay ko muna ang bag sa locket ko bago ko kinuha ang P.E Uniform para makapagpalit na. Pero dahil sa wala naman akong P.E T-Shirt ay nag T-Shirt na lang ako na puti na may kasamang kaunting design sa harap. Itinali ko na rin ang buhok ko para hindi naman buhaghag masyado't tumama sa mukha ko kapag gagalaw ako.

Tiningnan ko ang short kong maikli at napairap na lang na isinarado ang locker.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon