Page 26

27.4K 937 69
                                    

Page 26

Eclair's P.O.V

4 days later...

Sumuklay suklay ako sa buhok ko habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Itinali ang buhok tsaka ito hinigpitan.
Wala namang bago sa paraan ng pamumuhay ko maliban sa pagdating nila Yuuki kahit papaano not until someone just came to our life...

"Hi ~!" bati nung una b*tch na nakaupo sa dining room na si Britney. Nginisihan lang ako ni Bea.

Nagsalubong ang kilay ko at napatayo sa kinauupuan. Inis na tiningnan ang dalawang babae sa harapan ko. "Ano'ng ginagawa niyo rito?" Iritable kong tanong. Walang nag orient sa akin na pupunta ang dalawang ito rito.

Dumating si Ate Elsie dala-dala ang pagkain na ihahanda sa lamesa. "I invited them here. May problema ka ba, my evil sister?" tiningnan ko si ate Elsie. In-invite? Iyang mga 'yan?! You have to be kiddin' me! Ano'ng masamang espiritu ang sumapi sa kanya at bakit kailangan pa niyang i-invite 'tong dalawang 'to sa pamamahay namin?

Hindi pa rin ako makapaniwalang nakatingin kay Ate Elsie nang mapahilamos na lamang ako sa mukha bago pabagsak na umupo sa upuan. Sa apat na araw na stress ako because of overloaded paperworks and exams, malalaman ko na lang na nandito 'tong mga ito?

Tiningnan ko ulit ang dalawang magkapatid na ngayo'y nakangiting nag-uusap nang muli nanaman akong mapahilamos sa mukha. Nabu-buwisit ako!

"Naka... Pajama ka ngayon Eclair, ah?" nakangising sabi ni Bea para simulan ang kanyang pang-aasar.

Kaya ibinukaka ko ang mga hita ko at pinakita sa kanya ang suot-suot kong pajama na Ben 10. "So? Inggit ka? Gusto mo suotin?" Paghawak ko sa pajama ko pero binigyan lang niya ako ng mapanglait na tingin na parang minamaliit niya ako kaya napikon ako.

Padabog kong kinuha ang tinidor at itinusok iyon sa hotdog, isipin ko na lang na siya 'yung tinusok ko ng tinidor ko para kahit doon man lang alam kong napapatay ko siya.
Nagsimula na akong kumain at hindi na sila sinabayan. I even forgot to pray to God. I'm sorry!

"Humph, poor thing... Hindi mo ba alam ang table manners? Moral and Good Conduct? I wonder tuloy kung ba't ka natitiis ng mga boys, eh." Tukoy niya sa mga kaibigan ko at uminum ng Nilo. Chocolate drink iyon na inihanda siguro ni ate Elsie.

"Hoy. Kailangan ko ba talagang magpa-impress sa'yo? Sino ka ba para pakielaman ako, ha?" Maangas kong tanong. "Pakielamera, hindi ka siguro mahal ng Mama mo."

Pabagsak niyang naibaba ang iniinum niya. "B*tch?" Mukha namang napikon din siya ayon sa naging reaksiyon niya kaya mas lalo ko siyang inasar.

"Whooo... Pikon." Pang-aasar ko tsaka ko kinuha ang baso na may lamang tubig para inumin. Ta's nagulat na lang ako dahil bigla niyang sinipa ang tuhod ko kaya napasipa rin ako sa ilalim ng lamesa na siyang nagpatalon sa mga nakapatong sa table. Bastos 'to, ah?!

Sinipa ko rin 'yung tuhod ni Bea kaya napasipa rin s'ya sa ilalim ng table. Muling napatalon ang mga nakapatong sa table samantalang hawak naman ni Bea ang kanyang tuhod na sinipa ko. Hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. "Ugh! How dare you?!"

"How dare you your face, huwag kang mag english, masyado kang trying hard, baka sampalin ko lang 'yang pangit at makapal mong make up!" ganti ko naman sa kanya.

Lumukot ang mukha niya sa aking pang-iinsulto. Totoo naman, eh. Ang kapal kapal palagi ng make up, ang pangit tingnan. And I hate to admit it, mas maganda pa 'tong si Britney Spears at mas mukha pang mas bata kaysa sa bunso niyang gurang. "What did you--" pinigilan na s'ya ng ate niya sa pagtayo. Siniko rin ako ni ate Elsie kaya mas napasimangot ako.

Tumikhim si Ate Elsie at hinarap si Britney na nakangiti lang din sa kanya. Parang alam niyang may katanungan na ibabato sa kanya itong kapatid ko. "So... Ano pala ang nagustuhan mo sa kapatid kong... Napaka GALING?" tukoy ni Ate Elsie kay Kuya Erick. Napairap ako ng wala sa oras.

Matamis namang ngumiti si Britney. Katayin ko 'tong babaeng 'to malaman lang niya.
Wala naman talagang proble-- o naging problema sa kanya nung naging sila ng Kuya ko. Hindi rin naman niya ako pinapakielaman o inaaway pero sa kadahilanang hindi ko maiwasan minsan na pagdudahan siya na baka nilalaro lang niya puso ng Kuya ko ng dahil sa ginawa niya sa akin, hindi ko maiwasan.

Kung nagtataka man kayo kung bakit ayoko kay Britney... Dahil kasi...

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon