Page 50

17.9K 749 150
                                    

Page 50

Eclair's P.O.V

Pabagsak akong umupo sa damuhan matapos naming magawa 'yung project. Pinagtakbo kasi nila ako dahil iyon 'yung kinakailangan namin doon sa theme. Para siyang commercial film.
Nagbuga ako ng hininga at ipinatong ang dalawa kong kamay sa mga tuhod kong nakaangat. "Hay, natapos din." Parang napapagod kong sabi habang kinukuha ng kasamahan namin 'yung mga gamit nila na karamihan ay mga ginamit namin sa shooting.

"Good work, everyone. Kami na bahala sa editing." Sabi nung blockmates namin na mag-eedit nung film namin.

"Salamat mga par." Pagpapasalamat ko na tinanguan nila bago sila isa-isang umalis.
"Huwag na kayo magtagal. Baka umulan na mayamaya." Dagdag pa nung isa naming kasamahan bago ako mapatingala para tingnan 'yung ulap na mabilis na naninilim. Nasabi nga kanina sa NEWS na may paparating na bagyo.

Kinuha ko 'yung softdrinks in a can na nandoon sa bag ko sa tabi, kani-kanina ko lang talaga 'yon binili kaya medyo malamig lamig pa.
Binuksan ko iyon at ininum nang maramdaman ko ang pagtabi ng lalaking iyon sa akin.

"Wala ka ng ginawa kundi uminum ng softdrinks. Magkaka UTI ka talaga niyan."

Patuloy lamang ako sa pag-inum at hindi pinansin ang sinabi ni Richard.
Ibinaba ko ang iniinum ko tsaka ko pinunasan ang bibig ko ng aking likurang palad bago ko tingnan si Richard na nakatingin lang sa harapan at hindi nagsasalita.

Kaya hindi ko tuloy mapigilan na magtanong sa kanya. "Oh, ba't nandito ka pa?" Tanong ko sa kanya.

"Eh, gusto ko rito, eh." Sagot naman niya dahilan para mapa-bored look ako. Sa bagay, ano nga bang inaasahan ko sa sagot niya? Nagkaroon ba siya ng sense kausap?

"Gano'n." Nasabi ko na lang bago ako tumayo kasama ang pagdala ko ng bag ko habang hawak-hawak ko pa rin 'yung softdrinks in a can ko. Cola iyon. "Uuwi na ako, umuwi ka na rin."

Naramdaman ko rin ang kanyang pagtayo. "Hatid na kita. Malayo pa biyahe."

"Hindi na, pumunta ako rito mag-isa kaya, kaya ko rin umuwi ng walang maghahatid." Sagot ko sa kanya, pero na-realize ko na parang ang bitter ko. O hindi naman siguro, ano?

"Tss. Ikaw na nga 'yung ihahatid, ikaw pa 'tong... Tsk! Bahala ka na nga diyan." Inis niyang sabi at nilagpasan ako. Aba! Siya pa nagalit!

I was about to say something pero hindi ko na lang tinuloy.
Medyo napapagod lang ako, tsaka parang nakakawalang gana bulyawan si Richard.

Muli akong tumingala at bumuntong-hininga. "Anong oras na rin kaya ako makakauwi niyan mayamaya? Sana hindi traffic." Naglakad na nga ako. Inaasahan na hindi ako mahihirapan sa pag-uwi pero pagkarating ko pa lang sa bus terminal.
Puno ang pila lalo na't nagsisimula nang umulan nang malakas. Ilang oras pa ako aabutin nito.

"F*ck." Muli kong tiningnan ang ulap na padilim na nang padilim. Senyales na babagsak ang malakas na ulan mayamaya.

Lumingon naman ako sa kanang bahagi kung nasaan ang covered bridge papuntang mall.
Doon na muna siguro ako magpapatila ng ulan. Pero kung hindi pa rin tumila...

Inilipat ko naman ang tingin sa kaliwang bahagi kung nasaan ang kalapit na motel. CHOGO-- isa sa kilalang motel sa bansang 'to, tambayan ng mga malulungkot na tao at gustong maging masaya panandalian. Ang makaramdam kuno ng kalangitan.

Ayoko sana riyan mag check-in kung sakaling hindi ako makauwi kaagad pero...

Tiningnan ko ang wallet ko at muling napabuntong-hininga. "Hindi 'to kasya para sa mga mamahaling hotel." Bumuntong-hininga ulit ako. "Mawawalan talaga ako ng choice. Isang gabi lang din naman, wala rin namang makakakilala sa akin dito." Bulong ko.

***

NAG SIP ako sa cola ko habang nakaupo rito sa food court.
Kahit dito sa loob, rinig ko pa rin 'yung malakas na ulan sa labas. Mukha ngang malakas ang bagyo.

Hahh... I-text ko na lang 'yung mga kapatid ko na hindi ako makakauwi.

Pinanood ko muna 'yung mga taong dumadaan sa paligid.
Nandito ako sa Uyha-- isa sa lugar na medyo malayo layo mula sa lugar namin. Dadaan ka pa ng isang siyudad bago makarating dito.
Rito kami nag shoot dahil may isang scenery na wala sa lugar namin, at necessary siya sa project kaya pinush na namin. Tutal, nasabi ngang +2 sa card kapagka nagawa namin ng maayos kaya naging competitve rin ang klase na galingan at maging maganda 'yung commercial film.

Iyon nga lang, nasaktuhan na may bagyo ngayon.
Ta's ang deadline pa nung project, next 3 days na kaagad. Eh, marami pang kailangan I-edit nung mga blockmates ko sa video.

Good luck, guys. Para sa grades.

Naghintay ako ng mahigit dalawang oras bago ako magpasyang tingnan ang labas kung umuulan pa. Pero ano nga bang inaasahan ko?
Eh, may bagyo nga. Kaya siyempre mas malakas ngayon kaysa kanina.

Iyong iba, tumatakbo papuntang taxi at FX habang mga bag nila ang gamit pangsilong sa mga ulo nila. Iyong iba naman may mga sari-sariling payong.
Ang ganda sana ng tunog ng pagbagsak ng ulan sa simento pero pakiramdam ko, nasusuka ako sa amoy.

O talagang nahihilo ako ngayon?

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang mga kapatid ko. Pero ni isa sa kanila, walang sumagot. Malamang may mga ginagawa kaya nag leave na lang ako ng message bago ako dumiretsyo sa CHOGO.
Hindi na ako bumili ng pagkain dahil wala rin naman akong gana, hindi na rin ako bumili ng pampalit na gamit dahil may extra akong shirt. Mahaba at maluwag pa.

Buti na lang kamo.

Kaya pwede naman akong matulog mamaya ng walang panty panty. Lalabhan ko na lang 'yung ginamit ko ngayon para may magamit ako bukas pagkauwi.

Naglalakad ako papuntang Motel nang maramdaman ko na talaga 'yung bigat sa katawan ko.
Kanina ko pa talaga 'to nararamdaman pero mukhang lumala lang ngayon. Sa bagay, ang init init kasi kanina ta's biglang lamig ngayon.

Hahh... 'Di bale, at least makakapagpahinga ako ngayon.

"Eclair."

Napahinto ako dahil sa pamilyar na boses na tumawag sa akin.
Lumingon ako sa kanya, medyo na supresang si Richard ito.

Patakbo siyang lumapit sa akin. "Sa'n punta mo?" Tanong niya sa akin habang nakatingin lang ako sa kanya.

Bakit nandito pa 'to?

Humarap ako sa kanya habang nakahinto na siya sa tapat ko. "Tumirik 'yung sasakyan ko, may sira yata kaya nag park na muna ako sa parking lot. Binayaran ko 'yung pwesto daihl iiwan ko. Ipapatingin ko na lang sana bukas."

Inilayo ko ang tingin. "Deserved."

"Ano sabi mo?" Iritable niyang sabi pero tinalikuran ko na ulit siya.

"Paayos mo na lang bukas. Hassle rin naman kung ngayon," Naglakad na ako.
Kailangan ko na talagang magpahinga kasi sinisipon na ako. Ta's iyong hangin, lumalamig pa.

"Saan ka ba kasi pupunta?" Habol niya sa akin nang makarating sa tabi ko kaya nilingon ko siya. "Tsaka ano ba 'yang itsura mo? Para kang bangag."

Naiinis ako pero hindi ko na talaga siya mabulyawan.

Naglakad na nga lang ako ng walang sabi sabi. Pero sinusundan pa rin niya ako.
"Bakit ayaw mo 'ko pansinin? Dahil ba hindi kita pinapansin nung nakaraan?" Hinala niya kaya huminto na ako.

Inis ko siyang tiningnan. "Ang childish mo naman, Richard. Ikaw na nga 'tong nagbigay sa akin ng dahilan para hindi ka kausapin, ta's parang ako pa may kasalanan na binibigyan kita ng malamig na treatment. Ta's may gana ka pa talagang mang-asar. Kung wala kang matinong sasabihin sa akin, mauuna na ako."

Binilisan ko na talaga 'yung lakad ko para hindi na niya ako mahabol pero mabilis din niya akong hinawakan sa kamay para hindi kaagad ako makaalis.
"Sandali!"

Tumigil ako at napapikit nang mariin. Kailangan ko na talagang magpahinga, nanghihina na rin ako.

"Richard, pagod ako. Kailangan ko munang magpahinga." Pakiusap ko nang hindi siya tinitingnan.
Ilang segundo rin siyang hindi nagsalita. "Eclair, mainit kamay mo."

Kunot-noo ko siyang nilingunan. "Huh--" Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang noo ko.

"May sinat ka." Aniya na may pagka seryoso sa kanyang mukha.

Nabigla ako kaya marahas kong inalis ang kamay niya sa noo ko at inayos ang pagkakasabit ng backpack ko sa aking balikat. "Sorry. Masama lang pakiramdam ko kaya kailangan kong magpahinga." Paalam ko at nagsimula ulit maglakad para makarating sa kabila at makapag check in na ako sa CHOGO na 'yan.

Wala na akong pakielam kung makita ako ni Richard. Siguro naman may common sense siya na ro'n ako magche-check in dahil kailangan ko ng matutuluyan dahil nga sa may bagyo.

***

KINUHA KO NA ang susi sa room ko matapos kong makausap 'yung tao na nasa front desk. Dumiretsyo ako sa elevator tsaka ako naghintay sandali sa harapan niyon bago bumukas at pumasok.

May kasabay pa akong dalawang mag syota na pagkapasok na pagkapasok pa lang doon ay naghaharutan na kaagad. May pahawak hawak pa ng pwet nung babae.

Pumikit na lamang ako sandali at inilingon ang ulo sa kung saan kasabay ang pasimple kong pagbuntong-hininga.

"I'm so excited, baby." Pagkagat labi nung lalaki at mahinang tinampal ang pwet-an nung babae. Nakikita ko sila dahil mirror talaga 'yung na sa kaliwa't kanan namin.

Mas napagilid na lang din ako ng 'di oras.

Bumukas na nga ang pinto nung elevator kaya dali-dali akong lumabas para pumunta na nga sa room ko. Kinuha ko ang susi sa bulsa ng pantalon ko at pinasok sa doorknob. Gusto ko na talagang humiga--

Nakarinig ako nang malakas na ungol mula sa kabilang kwarto. "Ahh! Mmh! Faster, babe! Faster!" At nakarinig pa ako ng iilang sampal sa balat.
For some reason, equestrian at kabayo ang pumasok sa isip ko.

Nakanganga akong nakatingin sa kung saan habang kinikilabutan noong mabilis ko na ngang buksan ang pinto at pumasok.
Pero pagkapasok ko pa lang, amoy sigarilyo kaagad. Kaso hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin dahil hinang hina na rin ako. Tipong napaluhod na ako.

Iyong pagtibok ng puso ko, bumibilis na rin sa pagod. Epekto rin ng lumalalang binat.

Hahh... Sh*t. Para akong hihimatayin. Binibinat na ba ako? Da't pala bumili muna ako ng gamot.

May kumatok sa pinto ko kaya dahan-dahan kong nilingunan iyon. Wala na talaga akong maisip na dahilan kung bakit may kumakatok sa pinto ko, nagiging bangag ako.

Dahan-dahan akong tumayo para hindi ako mabigla. Hinawakan ang door knob at huminga nang malalim bago ko buksan iyon. Iniisip ko baka staff ng hotel iyon pero nagkakamali ako.
Sinundan pala ako ni Richard hanggang dito. "I knew it. You're not okay, let me in."

Tumitig muna ako sandali sa kanya bago ako mapahawak sa aking ulo. Pati kasi iyon ay biglang sumakit. "Alam mo naman pa lang masama na pakiramdam ko, kaya bakit nandito ka?" Nanghihina kong tanong at tumingala para ilipat sa kanya ang aking tingin. "Pang manggulo?"

Kumunot-noo siya. "I didn't follow you here to pester you, I want to take care of you. Tingnan mo nga sarili mo, you can't barely stand straight." At tinulak niya ang pinto na hindi ko na rin nagawang pigilan. "Tsk. Ta's dito ka pa sa cheap na hotel na 'to. Amoy sigarilyo pa. Lumipat tayo ng hotel."

Nakababa lang ang tingin ko kasi wala na rin talaga akong lakas.
Parang noong nalaman ng katawan ko na makakapagpahinga ako, bigla akong nanghina kumpara kaninang na sa labas ako.

"Ngh." Paggawa ni Richard ng sound at napakamot sa ulo. "Huwag na nga, malayo rin pala 'yung matinong hotel dito." Lumingon-lingon siya sa kaliwa't kanan niya. "Kumain ka na ba?" Tanong niya sa akin pero umiling lang ako bilang sagot bago ako tumalikod sa kanya para maglakad papunta sa kama.

"Hindi ko kailangan ng may mag-aalaga sa akin pero kung aalis ka, paki-lock 'yung pinto." Bilin ko at pabagsak na inihiga ang katawan sa kama.
Na pati 'yung mata ko ay kusa na ring napapikit. Nararamdaman ko na nga rin ang mainit kong hininga sa bawat pagbuga ko niyon.

Narinig ko si Richard sa likod. "Tsk. Hindi mo kailangan ng may mag-aalalay sa 'yo pero tingnan mo naman itsura mo?"

Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko na lang sarili kong matulog dahil habang tumatagal, nararamdaman ko na rin ang pagkahilo.

At hindi nga iyon nagtagal dahil nakatulog kaagad ako.

Nagising na lang ako, mga hating gabi na.
Unti-unti kong iminumulat ang mata ko kung saaan napahawak kaagad ako sa aking mainit na noo. Lahat ng aking nakikita ay lumalaki't lumiliit.

Nakikita ko 'yung paligid dahil na rin sa ilaw na nanggagaling sa dim light.
Lumala nanaman ba 'yung lagnat ko? Nakapagpahinga naman ako. O dahil ba sa hindi kaagad ako nakainum ng gamot?

Sandali pa akong nakatitig sa kisame nang bigla akong makaramdam ng takot. Nandoon 'yung pakiramdam na gusto kong may kasama.
Pero...

Unti-unti kong iginala ang tingin sa paligid pero napapikit din nang sumakit lamang ang aking mata. "Umuwi na yata siya." Nanghihina't mahina kong sabi sa sarili.

"Hindi pa ako umuuwi."

Muli kong iminulat ang mata ko at tiningnan si Richard na unti-unting bumabangon mula sa pagkakahiga niya sa lapag. "Nandito pa ako." Dagdag niya habang nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya. Tanging ang mabigat na paghinga ko lamang ang naririnig sa kwartong ito.

Hindi binuksan ni Richard 'yung aircon kahit na init na init na siya. Kaya siguro nakaalis 'yung pantaas niya.

Lumuhod siya at hinawakan ang noo ko. "Uminum ka na muna ng gamot mo, bumili ako kanina." Aniya at tinanggal ang kamay na nakapatong sa noo ko. "Kaya mo bang umupo?" Tanong niya sa akin.

Hindi ako sumagot pagkatapos nung tanong niya. Napapapikit pikit lamang ako.

Richard's P.O.V

Hinihintay ko 'yung sagot ni Eclair pero hindi siya sumasagot dahil na rin siguro sa hinang hina na siya.
Sinabi ko sa kuya niya na kasama ko siya rito sa hotel at may lagnat at sinabi niya ngang ako na muna ang bahala lalo na't malakas pa rin ang ulan sa labas.

Pero ngayon ko lang talaga nakita si Eclair na nagkaganito. Tsaka ilang oras na rin siyang nakahiga, bakit ang taas pa rin ng lagnat niya?

"Uminum ka muna ng gamot para hindi lumala 'yang lagnat mo, bumili ako kanina. Sandali lang--" Tatayo pa lang ako nang hawakan ng mainit niyang kamay ang kamay ko dahilan para mapahinto ako.

Nakapikit pa rin siya at hinihingal. Iminulat niya nang dahan-dahan ang kanyang mga mata at nanghihinang tiningnan ako. "Dito ka lang." Pakiusap niya. "Huwag mo 'kong iwan." Dagdag niya na nagpatulala sa akin

This is the first time I saw this kind of her vulnerability. I don't even know how to react, medyo bago 'to sa akin.

Umupo ako sa edge nung kamang hinihigaan niya. Tinitigan ko siyang maigi. Pulang pula ang mukha niya dahil na rin siguro sa init ng temperatura ng kanyang katawan. Ayoko ring sabihin 'to ngayon pa mang may sakit siya, but I can't help but to think that she's...

...too cute.

Lalo pa noong bigla siyang lumuha. "I don't want to be alone." Mas natulala ako dahil sa kanyang arte tipong hindi ko mapigilan kundi saluhin ang tumutulong luha sa kanyang pisngi gamit ang aking daliri.

"Hush... I won't leave, I'm here." Hinawi ko ang hibla ng buhok na humarang bigla sa mukha niya habang patuloy pa rin ang kanyang pagluha.

You're kidding me, ganito ba talaga si Eclair?

"I'm sorry." Biglang paghingi niya ng pasensiya kaya nagtaka ako. Para saan?
"For getting mad at you... Iniisip ko kasi na porke nagka girlfriend ka na... Nakalimutan mo na kami, nakalimutan mo na ako. Bilang kaibigan mo, dapat nga intindihin ko pero parang... sa parte ko... Masakit." Namilog ang mata ko sa huling salita na binanggit niya. "Kaya... sorry, kung ganoon nangyari." Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. "Pero... kahit ngayon lang, dito... ka muna... sa tabi ko."

"...kahit sa pa#$&*# lang." Mahina na 'yung pagkakasabi ni Eclair kaya hindi ko na narinig.

At sa ilang sandali, nakatulog nanaman siya kaya hindi ko na siya ginising at hinayaan na lamang muna.
Kinuhanan ko na lang siya ng basang bimpo't piniga bilang cold compress para maipatong iyon sa kanyang noo. Nandoon pa rin 'yung bigat sa kanyang paghinga pero kahit papaano ay mukha namang guminhawa siya.

Nakatayo lang ako sa tabi niya nang pataas kong suklayin ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri. "Take some rest, Eclair. And I'm sorry."

Kinabukasan, dahil hindi ayos ang sasakyan ko ay nakiusap ako kay Arvin na dalhin siya sa ospital para ipa-check up dahil hindi pa rin bumababa ang kanyang lagnat.
Samantalang naiwan lang ako rito sa room na pinag check-in niya't nakaupo lamang sa gilid ng kanyang kama.

Hindi ako umaalis dahil sinundan pala ako ni Crystal hanggang dito. "Hindi ba't sabi mo uuwi ka nang maaga?" Malamig kung tanungin niiya iyan sa akin habang nakayakap sa akin mula sa likod. "Kung hindi pa kita sinundan hanggang dito, ano ang malay natin at baka magsinungaling ka? Ah, kailan ka pa ba hindi nagsinungaling sa akin?" Lumapit pa ang bibig niya sa tainga ko.

"I never lied to you." Sagot ko habang diretsyo ang tingin.

"Sabi mo uuwi ka nang maaga?" Painosente niyang tanong.

"Nakikita mong may bagyo, hindi kaagad ako makakauwi. Sira rin ang sasakyan." Ginagawa ko ang lahat para maging mainahon. Hindi ko talaga alam kung kailan o anong oras na niya akong sinusudan pero hindi ko na rin talaga nagugustuhan 'to.

It's getting worse.

Dahan-dahan niyang iniaangat ang kanyang kamay sa pisngi ko na nagmumula kanina sa aking dibdib. Pagkatapos ay unti-unti niyang ibinaon ang kuko niya roon na nagpangiwi sa akin dahil sa sakit.

Naramdaman ko rin ang kakaiba niyang tingin, animo'y kung magsasalita pa ako. Malalagot ako.

"Richard, kung ano ang sinabi mo, hindi ba't dapat gawin mo? Papaasahin mo na lang ba ako palagi sa mga binibitawan mong salita? Sinundan kita rito para makita mo kung gaano ka kahalaga sa akin, kung gaano kita kamahal." Nanindig ang balahibo ko. "Kaso..." Biglang nag-iba 'yung tono ng boses niya. "Kung hindi ka rin pala mananatili sa akin, mas maganda talaga kung papatayin ko na lang ang sarili ko."

Lumingon ako sa kanya. "No..."

Nakaangat ang mga kilay niya at parang walang buhay kung makatingin sa akin kaya nakaramdam nanaman ako ng takot. "Then stay with me, love me." Hinawakan na niya ang magkabilaan kong pisngi para itingala ang aking ulo sa kanya, "Iyon lang hinihiling ko sa'yo. Ikaw na lang ang mayroon ako, Richard."

Wala na akong sinabi, blanko na lamang akong nakatingin sa kanya pero nginitian ko siya.

***** 

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon