Page 12

39.2K 1.3K 67
                                    

Page 12

Eclair's P.O.V

Pumasok na kami sa sasakyan niya, pero imbes na umupo ako sa passenger seat ay umupo lang ako sa pinakalikod kung saan malayo ako sa kanya. Sinarado niya ang pinto at tumingin sa passenger seat kung saan dapat doon ako uupo.

Inilipat niya ang tingin sa akin pagkatapos. Busangot akong tumingin pabalik sa kanya habang nakataas ang kaliwa kong kilay. "Ano? Ano tinitingin tingin mo?" Maangas kong tanong.

"Why are you there?" Taka n'yang wika. "Hindi ako driver para umupo ka d'yan" Dagdag niya pero nagpumilit lang ako na rito umupo para makahiga ako kasi siguradong traffic nanaman mamaya. Baka mamaya antukin pa 'ko sa biyahe.

"Hihiga ako rito." Sagot ko.

"Pwede ka namang humiga rito, eh. Na-adjust 'tong upuan." Tukoy ni Richard sa passenger seat at napakamot sna lamang sa kanyang ulo. "Tss, bahala ka na nga sa buhay mo" Tsaka niya pinaandar 'yung kotse niya't pinaharurot. Inilabas ko ang earphone sa bag ko tapos isinuksok sa tainga ko para makinig sa tugtog.

"Nandito nanaman kami, nagkakantahan sa isang tabi, katulad nang dati pagkatapos nang klase

Lagi kang mayron katabing nagsasabing, wag kang mag kakamali, walang basi nang sandali, kailangan mo lagi positibo parati, dapat maniwala kang may mangyayare

Oras na, gumawa nang panibago, orasyon nang pwedeng kantahin nang mga gag*..."

Itong kanta ng Parokya ni Edgar na One Hit Combo. Isa sa paborito kong kanta kasi talagang napapa head bang ako ng wala sa oras. Kaya iyan, noong huminto bigla 'yung kotse at nang mag-head bang ako ay nauntog na 'ko sa front seat.

"Aray!"

Inis kong tiningnan si Richard kasabay ang pag-alis ko ng earphone sa tainga ko, "Hoy! May plano ka ba talagang lagyan ako ng bukol, huh?!"

Muntik na rin kayang masubsob 'yung mukha ko! Buti na lang talaga hinawakan ko kaagad 'yung hawakan sa may pinto.

Inis niya akong nilingunan. "Kasalanan ko?"

"Gag* ka ba? Malamang! Ikaw nagda-drive, eh!" Singhal ko kasabay nung pag-andar niya pero napahawak ulit sa hawakan nang huminto siya bigla. Sinipa ko 'yung likurang upuan niya. "T*ng ina! Sinasadya mo, eh!"

"Hoy! Marumihan 'yung upuan ko! Hindi mo ba alam kung gaano kamahal magpalinis, ha?!" Sigaw rin niya sa akin na ginantihan ko hanggang sa mapunta kami sa pag-aaway. Binubusinahan na nga kami sa likuran at mayroon na ring papuntang traffic officer para ticket-an kami kaya umandar na nga si Richard.

"Gag*! Malaki babayaran mo!" Paglingon ko sa likuran kasi balak sana kaming habulin nung traffic officer.

"Hayaan mo siya." ani Richard.

Inakbayan ko na lang 'yung upuan ko 'tapos tumingin sa labas ng bintana. Napagod ako kakasigaw.

Nag vibrate ang phone ko na nasa aking bulsa. "Sino naman 'to ngayon?" Tanong ko habang dinudukot ang phone sa aking poketa. Binuksan ko na ang notifications at tiningnan ang text.

From: Ate Elsie

Kyahh! Eclair, nandito si Vincent!
Kaso ikaw naman hinahanap. -.- Bakit ikaw hinahanap kung nandito naman ako?

Basa ko sa text niya na siya namang nagpatirik sa mata ko. "Why is she askin' me?" Mahinang tanong sa sarili. Umiling ako at ni-reply-an na s'ya

To: Ate Elsie

Ewan ko sa'yo ate, pauwiin mo s'ya, sabihin mo, sinamahan ko kamo si Richard. Kung gusto mo, solo-hin mo.

And send!
Bumuntong-hininga ako at inalis ang earphone ko. Medyo nahihilo ako. "Kakanta na lang ak--"

"Kapag kumanta ka, palalayasin kita rito" Banta ni Richard sa gusto kong mangyari kaya binigyan ko siya nang masamang tingin.

"Sure! Much bette--" muli nanaman s'yang huminto bigla so this time, nauntog na ako sa katabi kong bintana. Ngumanga ako sa sakit habang hawak ang gilid ng ulo kong nauntog.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon