Page 52

19.2K 749 121
                                    

(Filler) Page 52

Eclair's P.O.V

"Merry Christmas and Happy Birthday, Eclair!" bati ng mga kapatid ko sabay taas no'ng mga hawak naming baso na actually, juice lang ang akin habang ang kanila naman ay mga Red Wines.
Nandito pa rin kami sa ospital. Dito na kaminaghanda ng Christmas at ng pang birthday ko dahil hindi pa raw ako makakalabas dahil sa U.T.I ko.

Imagine, halos isang buwan akong nakakulong dito? Tipong dito ako nag exam ng last quarter ng first semester namin.
Ta's iyong mga dapat na hands on activity, ginawang written test.
Pero masisisi ko ba sila? Eh, hindi nga ako makalayas dito sa kama ko.

Maliban kasi sa U.T.I.
Nagkaro'n din ako ng Pneumonia na hindi ko alam kung saan ko rin nakuha.
Pero napansin ko nga na bumibigat at nahihirapan akong huminga bago ako mapunta rito.

Pinapanood ko lang 'yung mga kapatid ko ro'n sa tabi na nagku-kwentuhan. Pupunta 'yung iba naming kamag-anak dito para dalawin ako sandali pero aalis din pagkatapos.
Sabi ko nga na huwag na silang mag-abala pero nagpumilit sila dahil minsan lang din naman nila kaming makitang magkakapatid. Kaya wala na rin akong nagawa, hinayaan ko na lang sila sa gusto nilang gawin.

Lumapit sa akin si Kuya Erick. "Next week pa talaga ako makaka discharge rito?" Tanong ko habang sinusundan ko siya ng tingin hanggang sa makahinto na siya sa mismong tabi ko.

"May kailangan pang tusukin sa'yo. Pero bago naman mag new year, makakaalis ka na rin sa kulungan." Sabay ngisi. "Mag coke ka pa, huh?" Pang-aasar niya kaya napanguso ako na umiwas ng tingin.

"Eclair, nagpa-salamat ka na ba kay Richard?" Tanong ni Ate Ella sa akin kaya lumingon ako sa kanya. Nakaupo siya ro'n sa pahabang sofa at naka crossed legs. "Narinig kong binayaran na niya lahat nung hospital bill mo."

Humarap sa akin si Ate Elsie. "Hoy, Eclair. Mahiya ka kay Richard. Pagkaalis mo rito, kung kinakailangan mong maging katulong niya gawin mo."

"Elsie naman." Pasitang tawag ni Ate Ericka na hawak-hawak ang paper plate, may nakapatong na slice of cake ro'n.

"Ate, sabi nga ni Mama, kung alam mong may utang na loob ka sa tao. Bumawi ka. Tsaka ang laki laki kaya ng hospital bills niya." ani Ate Elsie.

May punto naman siya, at tsaka iyan din talaga balak kong gawin.
Kahit na ayaw niya akong pagtrabaho-hin sa kanila dahil may malaking posibilidad na iyon ang mangyayari kapag kinausap ko si Richard, gagawin ko. Pero kung ayaw talaga niya, pipilitin kong makahanap ng pera para mabayaran siya paunti-unti.

May kumatok na sa pinto kaya pare-pareho kaming magkakapatid na napatingin doon, senyales na nandito na iyong iba naming bisita. Nakapagpaalam naman kami sa ospital-- o sabihin natin na iyong uncle ko talaga ang may dahilan kaya pinagbigyan kami ng ospital na magkaroon ako ng bisita rito. Lalo na't pasko nga naman ngayon.

Binuksan ni Ate Ericka ang pinto kung saan si Uncle John kaagad ang bumungad. "Oy! May bumungad kaagad na maganda, ah?" At ipinatong ni Uncle 'yung kamay niya sa ulo ni Ate Ericka na ngayo'y matamis na nakangiti.

Lumapit si Ate Elsie sa kanya. "Eh, paano ako?"

Ginulo naman ni Uncle John 'yung buhok ni Ate Elsie. "Siyempre, kasama ka na ro'n. Eh, magaganda kaya lahi natin."

Lumapit sa kanya si Kuya Erick. "Nasaan sina Auntie?" Tukoy niya sa asawa nung Uncle namin.

"Susunod na lang daw siya, si Mama at Lola lang kasama ko." Sagot ni Uncle bago mapatingin kay Ate Ella na umiinum ng alak doon sa inuupuan niya habang nakapatong 'yung siko niya ro'n sa ibabaw ng makapal na sandalan.

"Ella, huwag ka masyadong nag-iiinum, ha?" Advice ni Uncle John dahilan para ilayo ni Ate Ella sa bibig niya 'yung iniinum niyang glass wine.

"Wine lang naman 'to." Sagot ni Ate Ella kaya humalukipkip sa kanya si Ate Elsie.

"Mapa wine o alak, ganoon pa rin. Inum ka pa rin nang inum. Pagsabihan mo nga Uncle." Simangot na panunumbong ni Ate Elsie na tinawanan ni Uncle John.

"Kapag naman nagka boypren na ate n'yo, titigil na 'yan kakainum." Parang sure siya sa paraan nung pagkakasabi niya.

"Ha?" Reaksiyon ni Ate Ella na may pagkunot-noo.

Tinuro ni Kuya Erick ang sarili niya gamit ang kanyang hinlalaking daliri. "Siyempre, dadaan muna 'yan sa akin."

Tumawa lang si Uncle John bago niya ilipat ang tingin sa akin at lapitan.
"Kumusta ka? May regalo ako sa'yo, hindi kita nakakalimutan." Parang excited pa siya kung sabihin iyon kaya pilit akong napangiti.

"Thank you, Uncle. Pero paano mo napapayag 'yung ospital na magkaroon ako marami bisita rito?" Tanong ko tsaka siya napahinto sa pagkuha niya ng kung ano sa bag niya at napatingin sa akin.

Inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko para bulungan. "Kaklase ko iyong may ari ng ospital na 'to." Sagot n'ya tsaka inilayo ang sarili kasabay ang pag-abot niya sa akin ng isang regalo. "Tadah! Damit 'yan na may favorite cartoon character mo." Sinabi pa niya iyan na may mukha ng isang sabik na bata.

"Hay nako! Nag regalo ka pa?" Pare-pareho kaming mga napatingin sa nagsalita. Ito 'yung asawa ni Uncle John na si Auntie Rose. May mahaba siyang itim na buhok at mayroong striktong mukha kapag una mong titingnan. At...

Ibinaba ko ang tingin niya ro'n sa maumbok niyang tiyan.

"Nandito na pala ang mag-ina ko." Malapad na ngiti ni Uncle habang papalapit sa akin si Auntie Rose matapos niyang batiin iyong iba kong kapatid.
Inaasahan ni Uncle John na hahalikan siya ni Auntie Rose nang lagpasan niya lang ito at binigyan ako nang napakalaking ngiti. "Happy birthday, Eclair. Pagpasensiyahan mo na 'tong si John at na-spoil ka pa sa laman nung regalo." Sa totoo lang, pwede n'yo namang sabihin na hindi iyon ng laman.

"This is my present to you. I hope you'll like it." Binigyan niya ako ng box na inalog ko pa nang kaunti. Medyo mabigat, buksan ko na lang kapag na sa bahay ako. "Pwede mo 'yan gamitin kapag may date ka."

Binigyan mo rin ako ng idea!

"Merry Christmas mga apo ko!" Bungad naman ni Lola kasama ang tatlo pa naming kamag-anak. Akala ko ba sina Lola lang iyong pupunta?

Bigla tuloy akong nahiya dahil sila pa ang dumalaw rito. Da't kaya kaming mga apo, pamangkin at anak ang dadalaw kina Lola lalo na sa mga ganitong holidays.

Humiga na lang muna ako nang malalim habang nagkakaroon nang kaunting pag-uusap matapos ang pangangamusta sa akin tsaka ko kinuha ang phone ko para tingnan dahil sunod-sunod ang pag vibrate niyon.

Puro mga group message lang na "Merry Christmas" iyong nasa inbox.
Pero may message sa akin 'yung tatlo.

From: Vince

Merry Christmas and Happy Birthday, Eclair! We would like to go there tomorrow if that's okay? Kasama ko si Arvin.

Nag reply naman ako. Simple lang 'yung sinagot ko at pagbati, sinabi ko rin na pwede silang pumunta rito dahil paniguradong may mga kanya kanyang pupuntahan itong mga kapatid ko bukas kaya ako nanaman ang mag-isa.

From: Kyle

Good evening, Eclair. Merry Christmas and Happy birthday to you. How are you? Have you seen my game present in your email? Check it out. That's my Christmas gift to you. Enjoy.
[Tap to see more]
.
.
.
.
.
.
I love you.

Namilog ang mata ko pagkabasa ko pa lang doon sa huli niyang text 'tapos ay umiwas ng tingin kahit hindi naman niya ako nakikita.

Talagang sinabi pa niya iyon, eh 'no? Maya ko na lang siya reply-an.



Binuksan ko naman iyong kay Orange. Ang alam ko magkasama sila ngayon, nakita ko lang sa SnS Account nila. Nag post din sila ng mga picture nila ng magkasama.

From: Orange

Hi, siszy! I'm with Yuuki! Look!

[Click to see photo]

May nagpakitang litrato nila, na sa ibang bansa sila ngayon at parehong naka peace sign habang ipinapakita iyong malaking Christmas tree sa likod.
Mukhang wala sila sa mga bahay at namasyal yata sila sa labas.

Nandito kami sa Canada. I'm sorry hindi ka namin naisama! But we'll get you a nice birthday and Christmas present. What do you want? Maliban siyempre sa akin.
Chat us, we'll visit you soon. Muah! Merry Christmas and Happy birthday!

Ngiti na lang akong napataas-kilay.

From: Richard

Merry Christmas. Happy Birthday. Bye.

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya pero binati ko pa rin pabalik, at least binati ako, 'di ba?
Tsaka... Siya pa rin nagbayad nung hospital bills ko.

Ibinalik ko na sa message board, inaasahan na mayroong message si Arvin dahil siya 'yung unang una palagi sa pagbati at may pa long sweet message pa pero wala akong nakitang kahit na anong message galing sa kanya.

Aba, himala? Ano nangyari ro'n?

Lumapit ang isa kong kamag anak sa akin. "Kailan ka raw makakaalis dito?" Tanong nito sa akin nang makalapit at makahinto sa aking tabi.

"Next week daw po, eh." Sagot ko naman.

Tumang-tango siya. "Eclair, may itatanong ako pero huwag ka sana ma-offend. Pero gusto mo pa bang makita 'yung tatay mo?" Tanong niya sa akin out of the blue.

"Bakit pa po?" Iyan kaagad lumabas sa bibig ko.
Hindi naman sa ayaw ko siyang makita o ano, wala naman akong sama ng loob sa kanya. Ang akin lang, wala ng dahilan para malaman ko kung nasaan siya ngayon para makita siya.

Humawak siya sa likurang ulo niya. "Hindi wala naman, pero alam ko na kasi kung nasaan siya. Baka lang gusto mo pa siyang hanapin dahil matagal na siyang hindi nagpapakita sa inyo."

Pasimple akong naglayo ng tingin pero ibinalik din ang tingin sa kamag-anak ko na ito. "Hindi na, alam ko masaya na 'yon sa pamilya niya."
At ngumiti pa ako nang kaunti. "Ayokong maging abala, baka maging mapanggulo lang ako."

Hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa akin.

"Justin! May spaghetti pa rito. Eclair, sabihin mo lang sa akin kung gusto mo kumain, ha?" alok nung isa pa naming kamag-anak kaya napatingin kami pareho ni Kuya Justin sa tumawag sa amin.
Tumayo si Justin at tinapik ako nang kaunti sa braso. "Doon muna ako, ha?"

Tumango lang ako bago siya umalis.
Inilipat ko na lang ang tingin sa labas ng bintana. Kitang kita na ro'n 'yung mga bituwin na kumikislap.

***** 

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon