Prologue:

104K 3.1K 175
                                    

Prologue:

Dahan-dahan akong bumababa ng hagdan habang nagsasasayaw sa dance floor 'yong mga estudyante ng Hojas University o kung tatawagin sa H.U. Huminto sila nang mapansin nila ako at tila mga napaawang-bibig noong pumukaw ako sa atensiyon nila. Gulat na gulat dahil sa naging itsura ko ngayong gabi.

Huminto ako sandali noong makatuntong na ako sa pinakababang palapag. Huminga nang malalim at saka naglakad muli.
Ramdam ko ang sobrang kaba ngunit may halo ring saya sa 'king dibdib, ngayon ko maipapakita kung sino at ano talaga ako. Wala akong pakielam kung ano man ang iisipin nila dahil sa biglaan kong pagbabago.

This is what I want...

What's important is I'm being true to myself, walang kumo-kontra at hindi tinatakasan kung ano ang realidad.

May lumapit sa akin na isang lalaki, "E-Eclair, can I have this dance?" nahihiyang yaya nito sa akin habang naglalakad ako. Nginitian ko siya't saka nagtuloy tuloy sa pagmartsa dahilan para mapahinto na s'ya

I had more than enough. It is time for me to turn what is REAL. I don't want to make myself weak just because I'm always escaping those reality.

Hindi ko man sasadyaing masaktan sila, but this is also for them. Also remember, uunahin mo palagi ang sarili mo kaysa ang iba.  

"Is that Eclair?"
"You have to be kidding me!"
"So gorgeous!"

Kumento ng mga estudyanteng tumatabi sa dinadaanan ko. Sa paglalakad ko sa gitna ng red carpet papuntang stage kung nasaan sila at nakangiti, huminto na ako't nginisihan na ang mga ito.

Nagpameywang ako. "Para namang mapupunit na 'yung pisnge niyo sa pag ngiti niyo ng ganyan, hindi naman halatang na-gandahan kayo sa akin 'no?" Pagyayabang ko.

Umismid ito at ngumisi, "Asa" sabi nito saka ako kinalabit ng tatlo ko pang kaibigan na bumaba galing stage.

I looked at them, "Ang ganda naman ng espren ko! Sayaw naman tayo d'yan!" Masiglang sabi ni...

Arvin John Dela Cruz. Ang pinaka madaldal sa barkada, hindi nauubusan 'yan ng kwento at siya ang mood maker namin.

"Huwag kang makikipag sayaw d'yan, kaliwa naman ang paa niyan, eh"
Kumento naman ni...

Vincent Sharp. Ang kuya namin sa barkada dahil sa s'ya ang mas matanda sa amin ng dalawang taon, pero kahit na s'ya yung mas matanda sa amin ay takot 'yan mag-isa lalo na kung madilim ang lugar.

"Manahimik ka nga! Paano mo naman nalaman na kaliwa nga 'tong isa kong paa? May ebidensya ka?" Sabi ni Arvin habang nakanguso.
"Oo meron, sumayaw ka tapos isabay mo na si Kyle" Natatawang sabi ni Vince.

"Huwag niyo nga akong idamay d'yan"
Kyle Parker, half Korean and Filipino. S'ya ang tahimik sa barkada pero kapag kami kami lang naman ang nagsasama ay umi-ingay na s'ya, siya rin yung taong madalas magsuot ng Headphone doon sa leeg niya na nagpapa cool sa dating niya maliban sa pagiging silent type niya.

Bumaba galing sa stage ang isa ko pang kaibigan na hindi man lang gumamit ng hagdan, "Tss, wag nga kayong ano d'yan, sa akin lang s'ya makikipag sayaw" maangas naman na sabi ni...

Richard Pierce, ito ang taong aakalain mong naka menopause, napaka BIPOLAR at hot-headed pa! Ayun bang okay ngayon tapos mamaya? Hindi?

Iyong bigla na lang s'yang magagalit sa'yo kahit na hindi mo alam kung ano ang ginawa mo. Pero kahit na mainitin ang ulo niya ay meron pa rin s'yang side na hindi madalas makita ng iba.
"Eclair! Sino pipiliin mo? Ako o ako?" Pinaltukan ni Kyle, Vince at Richard si Arvin kaya muli akong natawa.

Ako si Eclair Lockwood.
Ang ang nag-iisang babae sa barkada at ang madalas na pag-initan ng mga kababaihan dahil sa lapitin ako ng four popular boys sa aming magandang skwelahan.

Lesbian ang tingin nila sa akin pero palaging mainit ang dugo nila kapag nakikita nila ako.
Eh, paano kung sabihin kong lalaki akong kumilos pero BABAE pa rin naman ako?

Ano? Papalag ka?

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon