Page 15

31.5K 1.1K 108
                                    

Page 15

Eclair's P.O.V

Matapos ang ilang oras na biyahe ay nakarating na kami sa dapat na puntahan. Nandito kami sa tahanan ng aking mahal na mahal kong lola!
"Lola!" Sabik at masaya kong tawag sa kanya habang sinasalubong kami. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap s'ya. "Lola, I miss you!" Malambing kong sabi na may pagpikit.

Natawa si lola at niyakap ako pabalik. "Ikaw talaga apo ko... Kakakita lang natin no'ng nakaraan, na miss kaagad" Ibinaon ko ang mukha ko sa balikat niya na inangat din naman.

"Matagal na rin 'yon, bakit? Hindi mo ba ako miss?" Tanong ko na may pagnguso.

"Syempre na miss kita, ikaw talagang apo ko" mas niyakap niya ako nang mahigpit kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Lumapit 'yong tatlo kong kapatid at niyakap din si lola. Pero ako talaga 'yong nasisiksik.

"I miss you lola" Sweet na sabi ni ate Ericka
"Ang ganda mo pa rin lola" Bola ni kuya Erick
"Kasing ganda ko na po ba kayo, La? Maganda na ba 'yung fes ko?" Ito talagang si ate Elsie kung anu-ano nanaman ang sinasabi. Kanino ba 'to nagmana?

"Hello, Lola!" Bati naman no'ng apat at nagsilapit kay Lola kaya kaming magkakapatid, kaagad na lumayo 'tapos do'n na sila nagsi mano

"Ay, long time no see mga hijo, nakakatuwa naman at napadalaw din kayo."

Ngumiti silang lahat. Ang gwapo nila kapag ganyan sila palagi--Okay, stop.

"Sino nililigawan n'yo sa mga apo ko kaya napadalaw kayo?" Tanong ni Lola kaya pare-pareho kaming mga namula maliban kay Ate Ericka na nakangiti lang habang taas-kilay namang nakangiti si Kuya Erick.

"W-Wala po! Dumalaw lang talaga kami rito dahil matagal na po namin kayong 'di nakikita." Sagot kaagad ni Vince na tinatangu-tango nung tatlo.

Si Ate Elsie naman, nanginginig sa tabi ko at pulang pula ang tainga kaya binigyan ko siya ng walang ganang tingin.

Humagikhik si Lola. "Ay ganoon ba? Sayang naman, para sana mabigyan n'yo ng lahi 'yung mga apo ko. Ang popogi n'yo pa naman."

Mas namula na kami lalo ni Ate Elsie. "Lola!"

Tinaas ni Ate Ericka ang kanan niyang kamay. "Taken na 'ko, Lola. Hindi na ako available." Sagot niya at tiningnan ang apat. "Pero wala naman sigurong problema kung gusto n'yo?" Biro pa niya na may mapang-asar na ngiti kaya nag kanya kanya naman ng reaksiyon ang apat.

Tawa lang din nang tawa si Lola nang magpasya na kaming pumasok sa loob.
May nakahanda na ring pagkain kaya sakto dahil gutom na rin talaga kami.
Hindi na kasi kami kumain sa labas dahil mas masarap kumain ng marami lalo na kung gutom. Tsaka masarap talagang magluto si Lola, at alam iyon ng apat.

Nilapag na muna namin ang mga gamit sa pwedeng babaan at pumunta sa dining room.

Nang makarating, automatic akong napangiti. "Wow..." kumento ko sa ulam na nasa lamesa. Kita ko ang paglunok ni Arvin. Paborito niya kasi 'yong Sinigang na Hipon na nasa hapag kainan, naku! Pati ako, naglalaway. Amoy na amoy ko 'yung ganda nung asim. Kakilig.

Kita ko ang pag kinang sa mata ni Kyle, ganyan kasi 'yan sa pagkain, hindi lang talaga halata sa katawan kasi mataas ang metabolism niya.
Si Vince naman, literal na napa "wow" habang kinikiskis ang parehong mga palad, "Ang sarap at ang bango!"

At si ate Elsie? Iyon, palihim na kumukuha ng litrato kay Vince. Creepy...

Tiningnan ko si Richard, tumitingin s'ya sa ibang ulam tila may hinahanap na kung ano. "Magsi-upo na tayo mga hijo't hija" turo niya sa mga upuan.

"Opo!" Sabay sabay na sagot namin tsaka kami umupo. Mahaba itong lamesa dahil dito talaga kami pumupuntang magkakamag-anak kapag may mga ganap katulad ng pasko o kaarawan ng isa sa 'min.

"Kainan n--" hinawakan ko ang kamay ni Arvin na kukuha na sana ng pagkain. Noong mapansin niyang naka prayer position ang mga kamay ng lahat ay nahiya naman itong ibinaba ang tinidor n'ya.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon