Page 45

616 32 1
                                    


Page 45

Richard's Point of View

"Sir--" Hindi na natuloy ng kasambahay ang pagtawag ng pangalan ko nang senyasan ko siya na alam ko na. Kaya nagmartsa ako paakyat ng hagdan para makarating as aking kwarto.

Pagkasara na pagkasara ko pa lang ng pinto ay bumungad kaagad ang napakagulo kong gamit. Nakakalat ang mga damit na dati'y nakatago sa aking mga cabinet.
Ang mga naka display kong vase ay mga nabasag gayun din ang glass cabinet ko na animo'y sadyang binasag ng isang pamukpok.

Naglakad ako ng isang hakbang nang mapatingin ako sa kanang bahagi kung nasaan ang banyo ko. Naririnig ko ang matinis na tili ni Crystal.
Tinatawag tawag niya ang pangalan ko habang naririnig ko rin ang pag kalma ng isa pa naming kasambahay.

"Nasaan si Richard?!" Patuloy na paghanap niya sa akin nang makalabas siya sa banyo. Lumilinga-linga siya na tila parang hinahanap niya ang prey niya ayon na rin a ginagawa niyang mukha, subalit napatingin na siya sa akin nang mapansin na niya ako.
Kaya iyong naglulukot niyang mukha ay napalitan ng masaya na may pagkinang sa kanyang mata. Mabilis siyang tumakbo para patalon na yakapin ako.

"Saan ka ba galing?! Bakit ngayon ka lang?!" Isinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko at mahigpit akong niyakap.
Hingal namang lumapit si manang at parang natataranta kung tingnan. "P-Pasensiya ka na, Sir. L-Lilinisin ko na lang po 'yung kwarto n'yo. Hindi ko po kasi napigilan si Miss Crystal."

Nangingiyak na tumingala sa akin si Crystal. "I-It's not my fault! Ayaw kasi niyang sabihin sa akin kung nasaan ka! Kaya iniisip ko na baka tinatago ka niya sa akin!" Rason niya habang nakababa lang ang tingin ko sa kanya.

"Sinabi ko po sa inyo na nasa eskwelahana si Sir Richar--"

Inis siyang nilingunan ni Crystal. "Liar! Kung na sa eskwelahan siya, bakit hindi kaagad siya umuwi rito?! Bakit walang nagsasabi sa akin kung nasaan siya, ha?!" Sabay padyak niya ng kanang paa sa sahig nang dahil sa inis kaya ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya.

"Sorry, Crystal. May inasikaso kasi ako kaya ngayon lang nakauwi. Hindi ko na nasabi kina Manang." Sagot ko sa kanya kaya ibinalik niya ang tingin sa akin.
Pagkatapos ay binigyan ako nang matamis na ngiti bago ulit isubsob ang mukha sa aking dibdib.

"Nevermind, at least you're already here."

Itinaas ko lang ang kamay ko sa tuktok ng ulo niya at tipid na ngumiti bago ko tingnan si manang. "May nakahanda ba akong tutulugan sa kabila habang inaayos pa 'to?" Tukoy ko sa kwarto ko na tinanguan ni Manang.

"Opo, pinahanda ko na po kay Marieta." Tukoy niya sa isa pang kasambahay. "Kaso na sa guest room po, okay lang ba sa'yo?" Tanong niya sa akin na tinanguan ko.

"Manang talaga, ang pormal. Pero okay lang, doon muna ako matutulog." Sabay baba ko ng tingin kay Crystal. "Ako na rin po muna bahala kay Crystal. Hindi po ako papasok bukas."

Umawang-bibig si Manang pero hindi na rin nagawang sabihin ang dapat na sasabihin kaya patangong ngumiti na lamang siya bago kami lumabas ni Crystal para lumipat na muna pansamantala sa kabilang kwarto.

Nauna siyang pumasok habang nakasunod lang ako na isinasara ang pinto. "I'm so happy that you're here." Sabay upo niya sa kama. "What do you want to do? Gusto mo sabay tayo maligo?" Inalis ko ang necktie ko at isinabit sa inihandang upuan sa tabi.

"Crystal, we're not kids. We can't do that anymore." Sagot ko habang tumayo siyang muli para lapitan ako. Hinawakan niya ang dibidb ko.

"Hindi mo ba ako gusto?" Tanong niya sa akin dahilan para manliit ang tingin ko bago ko hawakan ang kamay niya upang alisin ito.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon