Page 33

22.5K 886 60
                                    

Page 33

Arvin's P.O.V

"Hoy, hindi lang ako ang nakakapansin, 'di ba?" Panimula ko habang nakasilip sa isang tabi't nakatingin kina Eclair at Kyle sa hindi kalayuan.
Nagtatago kami rito sa makapal na poste, sumunod talaga kami sa dalawa dahil ilang araw na silang pasimpleng lumalabas.

Palagi nilang sinasabi na may gagawin sila pero ngayon na may gusto kaming kumpirmahin, ito lang 'yong ginagawa nila. Imbes na hangout as a friend, mukhang date as a...

"Nevermind that, sigurado kayong gagawin natin 'to?" HIndi siguradong tanong ni Vince na iritableng tiningnan ni Richard.

"Nandito na rin naman tayo, bakit hindi pa natin ituloy?" Sagot naman ni Richard tsaka niya hinila ang manggas ng damit ko. "Tawagan mo nga! Tingnan mo kung magsisinungaling."

Inis kong hinampas paalis 'yung kamay niyang nakahawak sa damit ko. "Sino?"

"Si Eclair." Sagot ni Richard kaya kinuha ko na nga 'yung cellphone ko para tawagan siya. Nag dial ako ng number niya at wala pang tatlong ring ay sinagot naman niya kaagad. Tutal, hawak din talaga niya ngayon

"Hello?" Siga nitong pagkakasagot mula sa kabilang linya.

"Eclair? Nasaan ka?" Malambing kong tanong sa kanya.
"Ugh, kadiri. Huwag mo nga akong gamitan ng ganyang tono." Napanguso naman ako dahil doon. "Tsaka bakit mo tinatanong? Nasagot ko naman kanina, may kailangan ka ba?"

"Hindi mo kaya sinabi sa akin!" Pasigaw kong sabi. "Basta basta ka na lang umalis. Hinahanap ka kaya ng kuya mo!" I lied. Sana nga lang effective.

Hindi sumagot si Eclair kaya napatingin ako sa pinanggalingan niya, nakaharap lang ang tingin niya nang magpasya siyang magsalita. "Bakit niya naman ako hahanapin?" Takang-taka niyang sabi kaya napakunot-noo ako.

"Malamang, nag-aalala sa'y--"

"Humph. Imbes na siya ang magtanong, sa'yo pa pinapapasa," Parang medyo bitter kung sabihin niya. "Tsaka huwag nga kayong sunod nang sunod sa sinasabi ni Kuya, hayaan n'yo siya 'yong gumawa. Para kayong aso, eh." Luh. Ba't badtrip?
Hindi sila okay ni Erick?

"Kung wala ka ng sasabihin, bye na." Pagpapaalam niya kaya uulitin ko pa sanang tanungin siyaa kung nasaan siya nang patayin niya 'yung tawag. Luh!

"Bastos, pinatayan ako." Sabi ko.

Kumagat si Vince ng doughnut na nanggaling pa talaga sa T.CO na nasa gilid.
"Isa lang ang ibig sabihin niyan, iniiwasan niyang sagutin 'yung tanong."

"It's impossible, right?" Wala pang tinutukoy si Richard pero alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Hindi natin malalaman kung hindi natin sila tatanungin." si Vince.

Napatingin ako bigla sa dalawa. "Ano'ng gagawin?! Haharapin? Baka isipin ni Eclair na stalker tayo."

"Oo nga, 'no?" Pag sang-ayon ni Vince. "Tsaka baka sabihan din tayong pakielamero."

"Gag*! Nawala bigla sila Eclair." Mura ni Richard nang makalabas siya sa pinagtataguan namin. Sumunod kami at umalis do'n sa makapal na pader.

"Ang daldal n'yo kasi!" Paninisi ko naman.

"Hindi, iyon! Nandoon na sila!" Turo ni Vince sa kaliwang bahagi na sinundan naman namin ng tingin.

"Saan? Wala naman!" hanap ko kaya ang ginawa ni Vince ay hinawakan ang mukha ko para iharap kung nasaan sina Eclair.

"Ayan, oh!" nguso ni Vince kina Kyle na papunta paloob ng sinehan.

"Ha? Bakit hindi ko makita? Saan?" Hanap ni Richard.
Inakbayan ko si Richard at tinuro kung nasaan ngayon sila Eclair. "Bulag, iyon, oh! Papuntang sinehan."

Nakatitig lang kami sa kanila ng magpalitan kami ng tinging tatlo. "Bro, date nga yata nila 'yan." Sabi ko.

"Hmm." May halong pagdududa kung gawin ni Vince ang pag react niya.

"But of all people, si Eclair talaga? Tingin n'yo papayag siyang makipag date?" Dudang tanong ni Richard na nagpahalukipkip kay Vince.

"Hindi. Pwedeng isipin ni Eclair na hindi 'yon date." Panimulang spekulasyon ko. "Pero kay Kyle, iba ang usapan." Dagdag niya.

Nag-iba ang paraan ng mga tingin namin ni Richard. Matagal naman na naming napapansin na may pagtingin talaga si Kyle kay Eclair, halata naman.
Pero umamin na kaya siya?

Ano naman ang reaksiyon ni Eclair?

Tanong ko sa isip ko bago may tumikhim sa likuran namin dahilan para lingunin namin iyon. Laking gulat noong makita namin si Orange at Yuuki.
Ubo nang ubo o baka nasaad? Kumakain kasi sila ng French Fries na galing sa Potato Hub.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon