Page 21

30.5K 1.1K 161
                                    

Page 21

Arvin's P.O.V

Weekend.
Nakasalong-baba lang akong nakatitig sa tumatawang si Eclair habang nakikipaglokohan sa iba naming tropa, hindi ko sila masabayan dahil ginagawa ko 'yung activity na hindi ko nagawa kahapon. Ipapasa ko kasi 'yon mamaya, pupunta ako sa school.

Ibinalik ko na nga lang ang atensiyon ko sa ginagawa ko, ilang minuto nang maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko mula sa maliit kong bag na nasa tabi ko lamang.

Kinuha ko ang phone at tiningnan ko ang caller.

Mom's calling...

Napahigpit ang hawak ko ro'n at napalingon sa mga kaibigan ko para makapagpaalam na lalabas. Hindi lang nila ako pinagtuunan ng pansin kaya lumabas na nga lang ako sa BlackCente.

Tumambad sa akin ang sikat ng araw kaya napapikit ako't tumabi para tumapat sa lilim. Sinagot ko ang tawag kaya idinikit ko na sa aking tainga.
Umawang-bibig ako, handa ng sagutin noong malakas akong sigawan ng taong na sa kabilang linya.

"Bakit ang tagal mong sagutin?!" Singhal niya napapikit ako sandali at dahan-dahan ding iminulat pagkatapos.

Huminga nang malalim bago ko ibuga. "Sorry Mom." Tanging nasabi ko. "Nandito po ako sa pwesto ng kaibigan ko, ginagawa ko rin po kasi 'yung activit--"

Umismid siya. "Kahit naman gawin mo 'yang sinasabi mong activities, wala pa rin namang bago sa report card mo." Napatungo ako at hindi na lamang umimik.

Narinig ko ang pagbuga niya ng napakabigat na hangin. "We will having a party tonight kaya tapusin mo na kaagad 'yang kung ano man 'yanng ginagawa mo at mag prepare ka na, do invite your friends."

Kunot-noo kong inangat ang tingin ko dahil nagtataka ako sa biglaang party. Gusto ko sana siyang tanungin pero tinikum ko na lang ang bibig ko't hinayaan na laman si Mom na magsalita. "I declined the offer of Mr. Rodriguez, pero may napili akong babae para sa'yo, she's beautiful and a top honor student. She is fitted to you, she can help you with academics and stuff." Nag-iba ang tono niya ayon sa kanyang pagsasalita.

Ito ang kauna-unahan na si Mom na ang pumili para sa akin kaya hindi ko na nagawang manahimik. "But you told me ako ang pipili ng babae para sa akin, kaya bakit--"

"She's like a model, you will like her. At isa pa, ilang taon ka ng hindi makapili ng babaeng papakasalan mo, your indecisiveness will only slip the opportunities kaya ako na ang pumili dahil ayoko ng masayang ang oras." Napakuyom na ang hawak ko sa cellphone. "You will meet her later, kaya huwag kang male-late."

Ang sabi nga nila, da't sumunod ang anak sa magulang.
But is this even the right thing to do?

"Mom, sinusubukan ko naman kayong sundin but this is just--"

"Are you defying me?" May malalim na tono sa kanyang boses kaya naputol na ang sinasabi ko't walang nagawa kundi ang sumuko sa gusto kong sabihin.
"Sige na, aalis na kami ng Dad mo." Hindi na niya ako hinintay na magpaalam at pinatay na kaagad niya 'yung call.

Matamlay kong ibinaba ang phone habang hindi inaalis ang tingin sa sahig.
Ipinasok ko sa bulsa ang cellphone ko at napasandal na lamang sa pader para tumingala sa kisame. "Night party, eh..." Bulong sa sarili bago may magtulak ng pinto tsaka lumabas si Eclair na luminga-linga.

Huminto ang tingin niya sa akin. "Oh! Arvin! Nandito ka pala!" Mabilis akong napalingon sa kanya bago ako umalis sa pagkakasandal para harapin siya.
Nakahinto na siya sa harapan ko bago niya pabirong sinuntok ang braso ko. "Balak mag stroll ngayon nila Vince sa dagat, kaya tara sa loob. Kain muna tayo para makaalis pagkatapos."

Tumawa ako nang pilit at humawak sa likurang ulo ko. "A-Ah! May gagawin ka pa kasi ako kaya hindi ako makakasama, eh."

Tumaas ang kilay niya. "Iyong activity mo ba? Pwede naman kitang tulungan makatapos," Sabay simangot. "Or pwede ko namang ibigay 'yung sa akin, basta palitan mo lang 'yung sagot para hindi halata."

Natuwa ako sa offer ni Eclair pero kung iisipin ko 'yung mangyayari mamayang gabi ay hindi ko rin mapigilang mapabuntong-hininga. Bumagsak ang balikat ko at muling binigyan ng pilit na ngiti si Eclair. "Na-appreciate ko pero hindi talaga, eh."

Nakatitig lang siya sa akin nang maglakad siya papunta sa pader at sumandal. "Nasabi na namin sa'yo, 'di ba?" Panimula ni Eclair. "...na hindi ka magaling magtago ng bagay na gusto mong itago?" Dugtong niya kaya natawa ako.

"Wala naman akong balak itago," Sagot ko at kumamot sa aking batok. "Kumukuha lang ng bwelo dahil biglaan din kasi."

Nakaangat lang ang mga kilay niya nang lumabas si Richard para silipin kami. "Hoy, ba't ang tagal n'yo naman? Lalamig 'yong pagkain."

Pareho kaming napatigin sa gawi ni Richard bago kami magpasyang pumasok ni Eclair sa loob.

Eclair's P.O.V

Kumakain kami nang mabuga ko 'yung kinakain ko kay Richard na nasa tabi ko lamang dahil sa nalaman namin.

Napatayo ako mula sa upuan ko na may kasamang paghampas sa lamesa. Lumipat kami ng pwesto para makakain nang maayos. "MAGPAPAKASAL KA NA?!" Hindi makapaniwala kong reaksiyon habang nahulog lang mula sa kutsara ni Vince ang kinakain niya. Si Kyle naman ay ubo lamang nang ubo ro'n sa harapan ko dahil mukhang nabilaukan.

Pinunasan naman ni Richard 'yung mukha niyang nabugahan ko.

Tumango si Arvin bilang pagsagot. "And... Mom wants you to come." Aniya at yumuko. Kitang kita ko kung gaano niya ayaw maganap 'yung party mamayang gabi.

Umupo na nga ako ulit sa upuan ko.
"Hindi mo ba pwedeng sabihin kay Tita na ayaw mo?" Tanong ni Vince.

"Edi sana matagal na niyang nagawa." Pamimilosopo ni Richard at inilapag ang tissue sa ilalim ng plato niya. Namuo ang kaunting katahimikan pagkatapos niyon.

"The marriage, dahil ba ulit 'yan sa business?" Tanong ko na tinanguan naman ni Arvin kaya nalungkot ako.

"I can't do anything, you see?" ani Arvin na may ngiti sa kanyang labi at tsaka niya ipinag intertwine ang mga kamay matapos niyang maipatong ang gilid ng pulso sa edge nung table. "I'm... frustrated but I can't let my Mom know. Or even if I did, she won't listen."

Naningkit nang kaunti ang mata ko. Her Mom... I don't like her at all.
Ipinapasa niya 'yong responsibilidad na hindi naman gusto ng anak niya. Even though Arvin is my friend, I'm just an outsider to his family. Wala akong magagawa sa sitwasyon niya.

Ipa-pat ko sana siya sa ulo niya to tell him 'it's okay' pero piniling 'di gawin kaya ibinaba ko na lang ang kamay ko. I feel that I have no rights to do so. Telling him that would be easy. But just saying that wouldn't save him.

"Pero tama rin naman si Mommy, kailangan ko ng unahin 'yung future. Dapat isipin ko 'yung dapat kong gawin na tingin ko ring makabubuti sa 'kin."

Akmang sasagot ako pero hinawakan ako ni Kyle kaya napatingin ako sa kanya. Nakatuon pa rin ang tingin niya kay Arvin, pero base sa kanyang pagpigil sa akin. Parang sinasabi niya na huwag na 'kong sumagot, manahimik ako.
Kaya napatungo ako pero ibinalik din ang tingin kay Arvin.

"Kaya..." Inangat ni Arvin ang tingin para tingnan ako ng diretsyo sa mata. "Gagawin ko." Dagdag niya na nagpabuka sa bibig ko. Why are you giving me that look?

Nagtubig ang gilid ng mata niya kaya napanganga ako, tatawagin sana siya nang bigla ako nitong yakapin tutal magkatabi lang din naman talaga kami. "Eclair!" Malakas na tawag niya sa akin na ikinagulat ko pa. 'Yung tatlo, napatayo habang nakanganga at salubong ang kilay.

Ibinaon ni Arvin ang mukha niya sa dibdib ko kaya napasinghap ako. Alam kong hindi niya namamalayan pero, "Arvin!" Tawag ko sa pangalan niya at napasinghap dahil bigla siyang gumalaw. Nakikiliti ako, t*ng ina mo!

Suminghot siya. "Eclair..." Tawag nanaman niya sa pangalan ko. Mayamaya lang nang maramdaman ko ang pag nginig ng katawan niya kaya bumaba na ang tingin ko para makita siya. Yakap-yakap pa rin niya ako, ramdam ko rin 'yung lungkot sa paraan ng pagpulupot ng mga kamay niya sa beywang ko kaya wala akong nagawa kundi ang I-pat siya sa ulo niya.

"I'm sorry." Mahinang sabi ko hanggang sa maramdaman ko na 'yung basa sa dibdib ko dahil sa pag-iyak niya.

***

HINATID NAMIN SI Arvin sa sarili niyang sasakyan.
Nakabukas ang side window niya sa kanan. "Mauna na 'ko, kita na lang mamaya." Paalam ni Arvin kaya nag-aalala naman akong napatingin sa kanya.

"Are you really sure about this?" Tanong ko.

Ngumiti lang siya nang pilit. "I have to." Simpleng sagot niya bago ulit kami kawayan. Inangat na niya ang side window bago siya humarurot pauwi.
Nakasunod lang ang tingin namin nang mapatingin kami sa isa't isa.

"Kailangan talaga nating pumunta?" Tanong ni Vince.
"Gag*, siyempre." Sagto ni Richard.
Huminga nang malalim si Kyle. "Pero mukhang ayaw rin talaga ni Arvin na pumunta tayo."
"Alangan namang pabayaan natin siya ro'n? Kailangan din no'n ng moral support." Segunda pa ni Richard.

Nakatingin lang ako sa kung saan habang pinapakinggan sila nang humarap ako. "Hindi ito 'yung oras para pag debatehan n'yo 'yan, tara na." Nagsimula na akong maglakad.

"But coming to the night party means you have to wear a dress, Eclair." Sabi ni Vince kaya nagsalubong ang kilay ko.

"It doesn't matter. What matters is to be there with Arvin." Sagot ko tsaka huminto sa sasakyan ni Kyle. "Open mo, sa'yo ako sasakay."

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon