Page 59

16.6K 594 46
                                    

Page 59

Eclair's P.O.V 

One Week Later...

"Huh? Seryoso ba kayo na ito 'yung susuotin ko? Mukha namang..." I paused.
Nasa kwarto ako ngayon at kasalukuyan na nagtititingin ng puwedeng suotin.

"Namang...?" parehong tanong ni Orange at Yuuki

Tiningnan ko ulit ang long dress na 'yon. "Ergh, masyadng... Basta! Huwag na lang kaya akong sumama sa party na 'yan? Hindi naman ako bagay sa ganoon." At magwo-walk out na ako nang hawakan nilang dalawa ang braso ko.

"Hep! Saan punta mo miss?" Tanong ni Yuuki na ngayon ay nakahalukipkip.
Inipit naman ni Orange ang hibla ng buhok niyang biglang bumaba.

Nilingon ko si Yuuki. "Hindi ako pupunta kung ayan lang din naman ang susuotin ko!" pagmamatigas ko na parang bata habang tinutukoy 'yung itim na long dress. Maganda siya, sobrang ganda na pati ako manghihinayang kung ako lang ang magsusuot. Masyado rin siyang sosyal, at ibig sabihin niyon mas babagay lang sa mga high heels. At ayoko nang magsuot ng ganoon! Masakit sa paa!

Seryoso. Sa susunod na mabubuhay ulit ako sa mundo, hinihiling kong maging lalaki na lang talaga.

"Duh? Si Kyle may pili niyan" pagtataray ni Orange sa akin.
"So?" Pagtataray ko rin kaya nabatukan ako ni Yuuki.

"Dummy, he told us not to let you go. Gusto ka talaga niyang tulungang maging maayos para makapag enjoy ka sa Night Ball, you should appreciate that, ano ka ba?" Kunot-noo niyang pagsuway.

Nanliit naman ang mata kong tiningnan siya. "May napapansin ako, ah? Palagi ka na lang sumusunod kay Kyle, may gusto ka ba ro'n?" Panghihinala ko kaya mabilis namula ang mukha niya.

"Gaga! Hindi nga?"! Hindi makapaniwala kong reaksiyon.
"Matagal na kamo niyang crush." Pang-iirap ni Orange kaya hinampas siya ni Yuuki.

"Orange!" Namumula niyang tawag.

Humawak ako sa batok ko kasabay ang pagyuko. Ewan ko kung magugulat pa ba ako sa mga nalalaman ko o ano.

"Anyway! Halika, Eclair! Leggo!" Sabay hagis sa akin ni Yuuki ng Black long dress na 'yon na kaagad ko namang sinalo, "Magpalit ka na" napatingin ako sa dalawang magkaibigan na nakangisi na sa akin.

Isabay mo pa na biglang binuksan ni ate Elsie at Britney iyong pinto ko. "Hi! Tapos na ba kay-- Hoy, evil sistah?! Ano pa'ng ginagawa mo at hindi ka pa nagbibihis d'yan?! Ang pangi--" tinakpan naman ni Britney 'yung bibig ni Ate Elsie

"Kailangan mo nang magbihis, Eclair nang ma-make up-an na kita." Ngiting sabi sa akin ni ate Britney habang may sinusubukan namang sabihin 'yong magaling kong kapatid.

"!@$/&#*"

Vince's P.O.V

"Hi, pogi"
"Ay, ang ang tangkad niya naman. Saang class sila?"
"Gaga, akin yan ah? Walang mang-aagaw"

Nakayuko akong naglalakad papunta sa convention na nasabi. Kahit gusto kong takpan ng masquerade mask ang mukha ko, hindi ko rin magawa dahil may pimple ako sa may pagitan ng kilay ko, hindi ko masuot kasi natatamaan. Kaya masakit din.

"Pft! Tang*na p're, habulin ka yata ng mga bakla, eh" natatawang sabi ni Arvin habang tinatapik tapik ako.
"Hindi lang naman ako 'yung agaw pansin sa kanila." Sagot ko naman kasabay ang pag-iling bago ako mapatingin kay Erick na katabi ko lang. Papasok na kami sa convention. "Ba't hindi pa sumama sa 'ting 'yung mga kapatid mo?" Tanong ko kay Erick na naka-pokerface lang.

Nakatanggal kasi 'yung masquerade mask niya. "Alam n'yo naman kapag babae, maraming kailangan ayusin kaya natatagalan. Pinauna lang ako, sabi ko nga sabayan ko na sila."

"Ba't hindi mo sila hinintay?" Tanong naman ni Arvin.
"Pinapalayas ako ni Britney." Sinagot 'yan ni Erick na parang wala lang.
Mukhang under siya ni Britney. "Iyong driver nila maghahatid sa kanila papunta rito."

Inakbayan ni Arvin si Erick. "P're. Medyo matagal na kayo ni Britney, 'di ba? Nakaka points ka ba?" Tanong nito kaya pati kami na-curious. Pasimple kaming lumapit para hintayin 'yung sasabihin ni Erick.

"Sikret." Sagot niya. "Siyempre hindi n'yo pwedeng malaman. Amin na 'yon."

Walang gana siyang tiningnan ni Arvin. "Boring naman nito."
"Hindi ko tuloy malaman kung virgin ka pa ba o hindi." Sabi ko.
"Baka supot, 'tol." Dagdag ni Richard kaya nainis naman si Erick.

Inalis niya 'yung pagkakaakbay ni Arvin sa kanya at minura kami na tinawanan namin. Sa paglalakad namin ay nakita niya ang mga kaklase niya kaya sumama na siya roon at nagpaalam na sa amin.

Pumasok na nga rin kami sa loob ng convention center pero bago pumasok ay sinuot ko na ang masquerade mask dahil iyong ang sinasabi ng school.
Ramdam na kaagad ang lamig sa loob, nagsisilitaw ang maliliwanag na chandeliers na nakasabit sa unahan at pulang carpet na nakalatag sa gitna. Pulang table sheets din ang gamit nila gayun din sa mga matataas nilang kurtina.

May mga nakalatag na ring mga plato sa bawat lamesa. Wine glass at kung anu pa ang makikita roon.

Iginala naman namin ang tingin sa ibang estudyante.
Night theme ang 2nd and 4th year samantalang Red Dawn naman 'yung sa 1st and 3rd year.

Bumababa na kami ng hagdan habang patuloy pa rin ang mga mata namin sa paggala ng tingin sa paligid. "Anong oras magsisimula 'yung party?" Tanong ni Kyle.

"15-20 minutes." sagot ni Arvin at bumuntong-hininga. "Baka ma-late pa 'yung mga girls niyan."

"The party will start in 15 minutes, please take a seat and wait for the program to start, thank you!" Sabi ng announcer kaya naghanap na rin kami ng upuan tapos umupo na.

Nakita namin sa hindi kalayuan 'yung isang pamilyar na lalaki nang alisin niya ang masquerade mask niya. Kasama niya 'yung kaibigan na madalas niyang kasama nang mapatingin siya sa pwesto namin at ngisihan kami.

"Gag*. Kita n'yo 'yon?" Turo ni Arvin na tatayo nang hawakan siya ni Kyle sa balikat para panatiliin ang kanyang pag-upo.
"Huwag mo nang pansinin. Ganyan talaga kapag hindi madalas pansinin ng nanay." Sabi ko.
"Hindi love ng Mama." Simangot na sabi ni Richard

Tinuro kami ni Blue. "Narinig ko 'yon, ah!" Napipikon niyang sabi at tumikhim bago niya ayusin ang damit niya at ituro ang sarili gamit ang hinlalaki niyang daliri. "Liligawan ko si Eclair. Kaya pasintabi at respeto na lang, Kung pwedeng kayong mga KAIBIGAN lang, huwag ng masyadong lumalapit lapit kay Eclair. Mga duwag naman kayo." Aniya bago humalakhak paalis.

May pumitik na nga sa sintido ko sa inis. "Pwede ko bang bigyan ng black eye 'yon?"

Pumikit si Kyle. "Kalma, p're. He's just trying to provoke you." Pagpapakalma niya sa akin bago namin seryosong tingnan ang isa't isa. "Pero sigurado na ba kayo?" Dagdag tanong niya na tinanguan ko.

Tanong na alam na namin kung ano.

"Let's be fair this time." Ngiti ko.
"Gawin n'yo gusto n'yo, at gagawin ko rin gusto ko." Ngisi ni Richard.

"Sa wakas at umamin ka rin." Paghagikhik ni Arvin at ngumiti nang malapad. "Walang samaan 'to nang loob, ah?"

***** 

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon