Page 56

358 15 0
                                    

Page 56

Riko's P.O.V

Sa isang beer house. Tumambay kami ni Emma para maka-catch up sa mga araw na hindi kami nag-usap. Sa una, hindi ko rin talaga alam kung ano 'yung pwede kong sabihin dahil nahihiya nga ako bigla. Parang bumaba 'yung confidence ko sa sarili ko dahil habang tumatagal, alam ko marami rin talagang nanliligaw kay Emma.
Mga mayayaman pa, ta's malalaki pa ang posisyon sa kabilang department.

Nagsimula iyon noong dumadalas na iyong pag ngiti ni Emma, at alam na rin niya kung paano makipag-usap nang maayos sa iba.

Sinalinan ako ng beer ni Emma sa isang baso ko. "So what's the deal? Bakit biglaan 'yung pag-iwas mo sa akin?" Diretsahang tanong niya kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Siyempre, halata namang umiiwas din talaga ako sa kanya. "May nagawa ba akong masama sa'yo na hindi ko alam dahil hindi mo sinasabi?" Dagdag tanong pa niya pagkapatong niya ng bote ng beer sa gilid.

Wala pa rin akong imik na nakatingin sa baba. Hindi alam kung ano ang tamang salita ang dapat na ilabas kaya siniko niya ang braso ko. "Oy, magsalita ka nga. Ano ka ba? Pipe?"

Inangat ko ang tingin sa kanya pero kaagad ding ibinaba ang tingin sa aking baso na may lamang alak. Kinuha ko iyon at mabilis na nilagok. "Hindi ko kasi alam kung paano makikipag-usap sa'yo, eh. Nahihiya ako." Sagot ko pagkabalik ko ng tingin sa kanya.

"Nahihiya?" Ulit niya sa sinabi ko. "Bakit ka mahihiya? May ginawa ka bang masama sa akin para mahiya ka?"

"Wala akong ginaw--"

"Then what's the reason for all of that? If alam mo naman pa lang wala kang ginawang masama bakit ka mahihiya sa akin?" Tanong niya at uminum na rin ng alak. "At isa pa, mas gusto pa kitang kausap kaysa sa mga taong na sa paligid ko. I was waiting for you to talk to me, but you never did. Hinintay mo pa na ako ang makipag-usap sa'yo para lang makipag-usap ka sa akin. Ni hindi ko naman alam kung bakit ka nahihiya kung alam mo naman pa lang wala kang ginagawa. Weird mo, ah?"

Tumungga pa ulit siya ng alak. Pagkaubos niyon ay nagsalin pa siya ng beer. Sinalin niya lahat nung laman ng beer bago tawagin ang tao sa beer house na ito. "Kuya, isa pa nga!"

"Coming!" Tugon ng magdadala sa amin ng isa pang beer.

Lumingon ulit pabalik sa akin si Emma. "It's been a bad day for me when you're not around, I don't know how to vent out my thoughts. I want to reach out to you but you're avoiding me. I honestly thought na ayaw mo na sa akin. But I'm glad na mali ako," Pinaikot-ikot niya ang yelo sa shot glass niya nang sabihin iyon.

Tinatanong ko sa isip ko ng mga sandaling iyon. Bakit niya iyon sinasabi sa akin? Masyado lang ba talaga siyang totoo sa iniisip o nararamdaman niya o may iba pang kahulugan ang mga salitang binibitawan niya?

Ayoko talagang magpadalos dalos dahil alam ko hindi magandang oras iyon para sabihin 'yung nararamdaman ko pero nagulat ako, nanguna siya.

"I really like you a lot, Riko." Pag-amin niya na siyang nagpalaki sa mata ko. Diniretsyo ko ang tingin sa kanya na diretsyo ring nakatingin sa akin. Humarap siya sa akin na may seryosong tingin sa kanyang mata. "If you don't know what I mean by like, iyon iyong tipong gusto kong halikan mo 'ko ngayon."

Walang pag-aalinlangan kung sabihin niya iyon sa akin kaya ako naman itong nakaramdam ng sobrang hiya. Napaatras ako.
"H-Halikan ka?! Ano'ng sinasabi mo?" Hindi makapaniwalang reaksiyon ko habang nanatili lang siyang nakaupo sa pwesto niya at seryoso lang na nakatingin sa akin. Napaka inosenteng babae, hindi ako makapaniwala na sa kanya lang ako tatamaan ng ganito.

Sa buong buhay ko, puro pangbababae lang ginagawa ko.
Pero sa lahat ng nakilala ko, siya lang iyong babaeng pinaka kakaiba. Siya iyong hindi ko magagawang maipagpapalit.

Kumamot ako sa batok ko at mabilis na lumagok ng alak. Pagkatapos ay muling nagsalin ng beer nang maipatong na nung staff ang isa pang order na alak.
"L-Lasing ka lang. Huwag kang nagsasabi ng ganyan sa akin--"

"Mataas tolerance ko sa alak." Pokerface niyang sagot at itinaag ang kanang kamay para ipakita sa akin ang dalawang daliri na nakaangat. "Kaya kong uminum ng dalawang Blue Horse. Iyong isang litro, four by four purong gin ng dalawa o tatlo. Puro pa iyon."

Napahawak ako sa bibig ko. Wala akong ideya na umiinum siya, wala rin sa mukha niya na lasinggera si Emma.
Pero masasabi mo bang lasinggera siya kung hindi rin siya madaling malasing?

Tumikhim ako. "O-Oh. Ganoon-- Eek!" Inangat niya ang ulo ko sa pamamagitan ng hintuturo niyang daliri na nandoon sa panga ko upang magpantay ang tingin naming dalawa.

Taas-noo rin siyang nakatingin sa akin habang malapit ang mukha sa mukha ko. "Gusto kong malaman ngayon 'yung sagot, gusto mo ba ako o hindi?" Tanong niya sa akin, medyo na pressure ako dahil ako naman talaga ang dapat na umamin.
Ako ang dapat na mag first move, pero heto siya't ginagawa ang bagay na dapat ako ang gumagawa.

Lumunok ako bago hawakan ang pulso niya upang alisin ang nakadikit niyang hintuturo sa panga ko. Nagtaka siya habang dahan-dahan naman akong tumutungo. "Hindi pwede, Emma." Sagot ko habang nanatili lang si Emma na nakatingin sa akin.

"May I know why?" Tanong niya. Wala namang bakas na nasaktan siya o nalungkot.

Inangat ko ang tingin sa kanya. Seryoso na iyong tingin ng mga mata niya sa akin. "Kapag ako ang pinakasalan mo, wala kang magandang buhay." Umiling ako. "Pero gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat para sa'yo. Mag-iipon at magtatapos ako ng kolehiyo! Naisip ko na hindi pa naman huli ang lahat para sa akin, kaya--"

"Edi tutulungan kita."

Salitang nagpatigil sa akin. "Tutulungan kita hanggang makaangat tayong pareho." Luminya ng ngiti ang labi niya. "I want to be with you, Riko. Kaya huwag mo sanang iisipin na hindi gaganda ang buhay ko kapag ikaw ang makakasama ko. Masaya na nga ako na nagkakauasap tayo ng ganito."

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon